Home / Romance / I Left Him, Now He Wants Me Back! / Chapter 058- There’s a Fire!

Share

Chapter 058- There’s a Fire!

Author: Bella Hart
last update publish date: 2026-07-11 17:07:23

Kinabukasan, agad na naging pangunahing balita sa mga morning news program sa Manila ang dalawang malalaking sunog na halos sabay na sumiklab noong nakaraang gabi.

“Dalawang mamahaling luxury residences sa lungsod ang tuluyang tinupok ng apoy,” ulat ng news anchor. “Mabilis namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection at agad na nakontrol ang sunog. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente. Ayon sa paunang pagtataya, maaa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 102- They’ll Pay for This—with Interest 

    Naglalagablab ang apoy sa Velvet Night Club.Halos umabot sa kalangitan ang matataas na apoy, at sa lakas ng liwanag nito ay tila naging pula ang buong paligid. Ang mga taong kanina lamang ay nagsasaya sa loob ng club ay nagtakbuhan palabas, nag-uunahan habang sumisigaw at pilit inililigtas ang kanilang mga sarili.Sa balitang lumabas online, makikita ang magulong eksena sa harapan ng gusali. Sunod-sunod na dumating ang mga fire truck. Abala ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy habang ang mga pulis naman ay pilit inilalayo ang mga tao sa lugar.Nang makita ni Naya ang balita sa cellphone, tuluyan siyang nagising.Agad siyang bumangon at binuksan ang pinto ng kuwarto.Halos kasabay niya, lumabas din si Ellen mula sa kabilang silid. Magulo pa ang buhok nito at nagmamadali itong isuot nang maayos ang damit habang naglalakad.“Naya, nasusunog ang Velvet Night Club. Kailangan kong pumunta roon ngayon.”Hindi na ito naghintay ng sagot at agad na naglakad patungo sa hagdan.“Mommy, teka! Sas

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 101- The Fire That Started a War 

    Mabilis na napatingin si Kael sa pintuan.Nakatayo roon si Ellen, suot ang isang malinis at eleganteng puting suit. Maayos ang mahaba at bahagyang kulot nitong buhok, at bagama’t kakagaling lamang sa malaking operasyon, wala ni katiting na panghihina sa tindig nito. Malamig at matalim ang tingin nitong nakatutok kay Kael.Hindi maipaliwanag ni Kael kung bakit biglang nanlamig ang batok niya.Bilang paggalang, mahina siyang bumati.“Mommy.”Agad na sumimangot si Ellen.“Mommy? Sino ang tinatawag mong Mommy?”Napatahimik si Kael.“Huwag mo akong tawaging ganyan. Hindi ako karapat-dapat,” malamig na sabi ni Ellen. “May sarili kang mommy. Si Nora. Wala akong kinalaman sa iyo.”Bahagyang naging awkward ang mukha ni Kael.“Mommy, kasal pa rin naman kami ni Naya. Hindi pa naa-annul ang kasal namin, kaya—”Napatawa nang malamig si Ellen.“Oh? Alam mo pala na mag-asawa pa rin kayo?”Hindi nakasagot si Kael.“Kung ganoon, sagutin mo ako. Nasaan ka noong nanganak si Naya?”Agad na natigilan ang

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 100- You Haven’t Changed at All 

    Nang salubungin ni Nora ang malamig at matigas na tingin ni Kael, biglang kumabog ang kaniyang dibdib.Ito ang anak na halos ikamatay niya sa panganganak. Sa buong buhay nito, bihirang-bihira siyang suwayin ni Kael. Ngunit ngayon, sa harapan nina Naya, Grasya, at maging ng sariling anak nito, tahasan siyang kinontra ng lalaki.“Sige… sige!” nanginginig na sigaw ni Nora. “Kael Madrigal, talagang matapang ka na ngayon!”Marahas siyang humila ng upuan at malakas na inilapag iyon sa gitna ng silid. Pagkatapos ay itinaas niya ang dalawang daliri.“Dalawa lang ang pagpipilian mo ngayon!”Itinuro niya ang unang daliri.“Una, kilalanin mo pa rin ako bilang mommy mo. Pero simula ngayon, putulin mo ang lahat ng relasyon mo sa mag-inang ’yan. Huwag mo na silang makita kahit kailan!”Pagkatapos ay itinaas niya ang pangalawang daliri.“O pangalawa, ipagtanggol mo silang dalawa. Pero simula ngayon, kalimutan mong may mommy ka!”Matalim na nakatitig si Nora kay Kael. Halatang determinado itong pilit

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 099- Don’t You Dare Call My Daughter a Bastard 

    Agad na kumapit si Ivy sa damit ni Nora at mabilis na pinunasan ang mga luha.“Tita, ano bang nangyari? Bakit galit na galit ka?”Nanginginig sa galit si Nora. Halatang matagal na nitong kinikimkim ang sama ng loob bago makarating sa ospital.“Hindi ba umuwi si Lorenzo kahapon?” galit niyang sabi. “Ako pa mismo ang nagluto ng mga paborito niyang pagkain. Habang kumakain kami, ikinuwento ko lahat ng ginawa ni Naya nitong mga nakaraang araw.”Napakunot ang noo ni Ivy habang nakikinig.“Noong una, galit na galit ang uncle mo,” pagpapatuloy ni Nora. “Hinampas pa niya ang mesa at sinabi niyang kakausapin niya mismo si Naya. Akala ko sa wakas ay may kakampi na ako. Pero biglang dumating ang panganay naming anak.”“Si Athena?”“Oo!” Halos mapasigaw si Nora. “Kahit ilang beses ko siyang sinenyasan na tumahimik, kumampi pa rin siya kay Naya. Sinabi niyang buong pamilya namin ang may kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Sinabi pa niyang sobra ang ginawa namin kay Naya at sa anak niy

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 098- I Want Her Out of My Son’s Life 

    Malamig na lumingon si Naya sa pinanggalingan ng boses.Nakatayo si Ivy sa entrance ng cafeteria. Nakasuot ito ng light pink na loungewear at nakalugay ang mahabang buhok. Halos buong mukha nito ay natatakpan ng itim na mask, kaya ang namamaga at mapupulang mga mata lamang nito ang makikita.Agad namang napansin ni Ivy ang mga pagkain sa mesa.Isang tingin pa lamang ay nakilala na niya kung saan iyon galing. Isa iyon sa pinakamahal at pinakasikat na fine-dining restaurants sa Manila. Hindi basta-basta nag-o-order doon si Kael para kahit kanino.Agad na kumulo ang selos sa dibdib ni Ivy.Mabilis siyang lumapit at, sa harapan mismo ni Naya, mahigpit na kumapit sa braso ni Kael. Ilang segundo lamang ay muling namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.“Kael, sa wakas nakatulog na rin si Zach,” malambing niyang sabi. “Gutom na gutom na ako. Hindi pa ako nagdi-dinner.”Tahimik lamang si Naya.Tiningnan niya si Kael habang bahagyang nakangisi. Malinaw ang pang-aasar sa kaniyang mga mata, na p

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 097- Can We Still Be a Family? 

    Nang makita ni Kael na tuluyan nang kumakain si Naya, saka lamang siya nakahinga nang maluwag. Kanina pa siya kinakabahan na baka tumanggi itong kumain dahil lamang siya ang nag-order ng pagkain.Sa totoo lang, masaya siyang makita itong kumakain nang maayos. Halatang gutom na gutom si Naya. Halos lahat ng pagkaing nasa harapan niya ay tinikman nito. Maliit ang bawat subo niya, ngunit tuloy-tuloy siyang kumakain.Hindi napigilan ni Kael na mapangiti.Naalala niya ang dating Naya na mahilig sa pagkain. Kahit gaano ka-busy sa trabaho, hindi nito hinahayaang lumipas ang isang araw nang walang masarap na pagkain.At kapag pinag-isipan talaga ni Kael, kabisado niya pa rin kung anong mga pagkain ang gusto nito.Mula sa timpla, alat, hanggang sa mga side dish, maingat niyang pinili ang lahat. Kaya hindi kataka-takang mabilis na naubos ni Naya ang laman ng plato.Nang tuluyan itong mabusog, bahagya pa itong napadighay.Agad napatingin si Naya kay Kael at bahagyang nahiya nang makitang nakangi

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 007- He Finally Held Luna 

    Nagmadaling lumabas si Lourdes mula sa silid, bakas sa mukha ang matinding gulat habang sumisigaw.“Lindol ba ’to?! May lindol ba?!”Samantal

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 003- The Heirloom He Gave Away

    Sa loob ng engrandeng ballroom, hindi maalis ang tingin ni Naya kay Kael.Nakatayo ito sa gitna ng mga bisita, may hawak na wine glass habang nakangiti at maayos na inaakay si Ivy sa bawat mesa upang makipag-toast sa mga bisita. Napakagaan ng aura nito, malayo sa malamig at seryosong lalaking kilala

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 002- The Truth I Couldn’t Deny

    Nanigas si Naya sa kinatatayuan niya habang nakatitig kay Kael. Para bang huminto ang oras sa mismong sandaling iyon. Unti-unting naglaho ang ingay ng paligid hanggang ang tanging naririnig na lang niya ay ang sariling paghinga niyang nanginginig sa kaba at galit. Ang tanging malinaw lang sa kany

  • I Left Him, Now He Wants Me Back!   Chapter 001- My Husband’s Secret Celebration

    “Honey, one month old na si Luna, at kaka-discharge lang namin ngayon. Pwede mo ba kaming sunduin?” Mahigpit na karga ni Naya ang kanyang anak habang nakatayo sa labas ng ospital. Nakabalot si baby Luna at mahimbing na natutulog sa kanyang dibdib, tila walang kamalay-malay sa lahat ng paghihirap n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status