Share

Chapter 3: Do what's right

Yasmine's Pov

"KAMUSTA ang pagpunta mo sa Hacienda? Nakita mo ba ang Señorito Warren?" bungad kaagad sa akin ni Nanay umuwi ako ng tanghali sa amin.

Mabilis ko lang naman na binisita si Tatay. Kaagad din naman ako umalis para balikan si Nanay. Inatake kasi ng asthma si Nanay kaya sa ngayon ay nagpapahinga ito. Hindi muna ito pina-trabaho ni Tatay sa mansiyon kahit ngayon ay okay na naman si Nanay.

"Opo, nay nagkita po kami," sabi ko.

Inalis ko ang suot na sumbrerong pagmamay-ari ni Tatay na pinahiram niya sa akin kanina dahil masakit na daw ang sikat ng araw. Inilagay ko ito sa arm rest ng upuan.

"Mabuti naman kung gano'n." Nanay said and plastered a smile on her lips.

Umupo ito sa upuan naming kawayan na siyang ikina-sunod ko rin.

"Umuwi din po si Señorito Theo," imporma ko. Baka kasi hindi alam ni Nanay kaya sasabihin ko na lang.

"Ah, oo. Hindi ko pala na sabi sa iyo na uuwi

din si Señorito Theo."

Umusog ako papalapit kay Nanay nang makita kong kinuha nito ang suklay. Hindi nga ako nagkamali dahil pina-talikod ako ni Nanay at sinuklay niya ang maitim at mahabang buhok ko.

Tumahimik ako at inalala ang mukha ng Señorito Theo. Paanong nagustuhan ko kaagad ang Señorito Theo?

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Nanay.

Huli na para yumuko dahil nakita na ako ni Nanay. Sumilip kasi si Nanay na siyang hindi ko napaghandaan.

"Po? Wala po."

Napansin 'ata ni Nanay ang pagiging tahimik ko. Hindi ko alam na naipapakita ko sa labas ang kung anong nararamdaman ko sa loob.

Masyado bang obvious na nalulungkot ako dahil walang patutunguhan ang pagtingin ko para kay Señorito Theo. Bukod kasi sa mayaman ito nalaman kong limang taon ang agwat nito sa akin. Nalaman ko din kung anong reputasyon ang meron ito sa Maynila. Madami itong naka-fling at napaiyak na mga babae. Pero kahit gan'on ay hindi ko naramdamang na-turn off ako sa kanya.

"Huwag kang mag-alala mabait din ang Señorito Theo. Ganyan lang iyan kung makatingin pero natutunaw din ang puso ng batang 'yan."

Nang dahil sa sinabi ni Nanay na sabi ko na hindi lahat ng tao ang tingin kay Señorito Theo ay 'black sheep' ng pamilya Gallardo. Iyon kasi ang madalas kong naririnig sa mga batang kasambahay nila. Tamad, palaging umiinom at basagulero.

But despite of the things I've heard, I know my heart belongs to him. I'm not the one who chose him but my heart did. But I know what's wrong and right. So, I should do what's right.

"H-hindi naman po ako natatakot sa kanya. Hindi lang po ako sanay sa presensya niya," pagdepensa ko sa sarili.

Kung may dapat man akong katakotan, iyon ay ang sarili ko. Dahil hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin kapag nagtagal pa ang Señorito Theo dito sa Hacienda. Sana lang ay kayanin ko. Kaya hangga't maari iiwasan ko ang Señorito Theo kahit mahirap.

"Masasanay ka din, anak, " mga katagang sinabi ni Nanay na siyang ikinapit ng mga mata ko.

Sana nga lang ay hindi ako masanay. Baka kasi hanap-hanapin ko sa huli.

ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay nagising na ako. Hindi ko alam pero kahit gusto ko pang bumalik sa tulog ay hindi na ako makatulog ulit. Kaya alas-otso pa lang ng umaga pumunta na ako sa Hacienda Gallardo para dalhan ng meryendang gawa ni Nanay para kay Tatay. Kahit na may meryenda naman sa mansiyon.

Napatigil ako dahil sarado pa ang gate ng mansyon. Napangiti ako ng makitang lumabas ng guard house si Mang Pido.

"Good morning, Yasmine! Ang ganda mo naman." bati sa akin nito na may dalang pambobola.

Lumapit ito sa gate para ipag bukas ako nang gate.

"Goodmorning po. Salamat din, Mang Pido," balik na bati ko sa kanya at nagpa salamat narin.

"You're welcome! Pumasok ka na, ija."

Hindi na ako nagtagal do'n at tuluyan kong tinahak ang malawak na hardin papunta sa mansiyon. Ito iyong hardin na inaalagaan ni Tatay. Naalala ko pa dati na dito kami laging naglalaroni Kuya Warren. Palagi pa nga kaming napapagalitan dahil natutumbahan namin ang mga bulaklak sa tuwing naglalaro kami ng habol-habolan.

Nasa kalagitnaan na ako nang makita ko ang nagdidilig ng halaman. I immediately run towards her.

"Good morning, Manang Aida!" masiglang bati ko.

"Ay halamang nagsasalita!" gulat na saad ni Manang Aida.

I was shocked and gasped silently when I felt the cold water splashed on my body. Huli ko na na-realize ang nangyari. Kasalanan ko ang nangyari. Naitutok pala nito ang sprinkler sa akin dahil sa pagkagulat.

"Diyos ko! Pasensiya na, Yasmine!"

sabay baba nitong hawak na sprinkler na nakatutok sa akin.

I shook my hands when she tried to touch me.

"Naku, okay lang po. Magbibihis na lang po ako ulit."

Hindi ko siya pinalapit sa akin dahil ayokong pati siya ay mabasa. Okay lang naman din kasi ako. Magpapalit lang ako.

"What's going on here?"

Nataranta ako ng bigla kong narinig ang lalaking-lalaking boses ni Señorito Theo. Balak ko pa sanang umalis pero huli na dahil nakita niya na ako.

I was first intimidated ng tinitigan niya ako ng pailalim.

"Señorito! Hindi ko sinasadyang matutukan at mabasa ng sprinkler si Yasmine's," paliwanag nito.

Hindi naman 'ata nakikinig si Señorito Theo dahil hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Bigla kung tinakpan ang dibdib ng tumigil ang tingin niya do'n. Basang-basa ang part do'n kaya siguradong bumabakat ang bra ko ngayon.

"Okay lang Manang Aida. Magpapalit na lang po ako sa bahay," pag-uulit ko.

Nagmamadali na kasi ako dahil hindi ko na kaya ang mga titig sa akin ni Señorito Theo.

He's eyes are blazing of something that I can't name.

"Don't," he firmly said.

His word made me speechless. Pati si Manang Aida ay natahimik sa gilid. Ano daw?

"B-bakit po?" nagtatakang tanong ko.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin. Hindi na ako nakapagsalita at tuluyang nagpahila sa kanya. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Manang Aida na alam kong kagaya ko, nagtataka din sa ikinikilos ni Señorito Theo.

"Saan niyo po ako dadalhin, Señorito?"

Sabay hila ng aking kamay na hawak-hawak niya. Kung may makakakita sa amin ngayon, mapagkakamalaman kaming couples dahil magka-holding hands kami ngayon.

Malaki nga ang pasasalamat ko dahil walang mga kasambahay sa loob ng mansiyon. May kaniya-kaniyang ginagawa ang mga ito ngayon.

I almost had an heart attack when he abruptly pulled me closed to him. "Stop talking. Just come with me," he wisphered.

And it tickles me when I felt his warm breath fanning to my ears.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status