Share

30.ANG MULING PAGPAPANGGAP NI SOPHIA

KABANATA 30 ANG MULING PAGPAPANGGAP NI SOPHIA

HINDI man payag si Bong sa aking naging desisyon, pinilit kong sang-ayunan niya ang lahat. Tutal ay nakuha ko naman ang suporta ni JC, ang personal bodyguard ni Olivia. Dahil doon ay mas lumakas ang loob ko, at least, may magtatanggol na sa akin kung wala siya.

Noong gabing iyon din mismo ay kinuha namin si Olivia na kasalukuyang walang malay, sinigurado namin na maililipat namin siya sa isang pribadong clinic. Dahil nga maraming koneksiyon si Bong, madali naming nagawa ang lahat. Sinigurado rin namin ang lahat ng mga kagamitang medical at mga manggagamot na titingin at mangangalaga kay Olivia, habang nagpapagaling siya.

Kinabukasan ako na ang nadatnan nilang nakahiga sa hospital bed, at nagpapanggap na si Olivia. Nagtungo sina Luvi, Angela, at Helena, upang dalawin si Olivia. Ngunit hindi nila nahalata na ako na ang nakahiga sa kama.

“Ay nako, kawawa naman ang kalagayan niya ngayon, mukhang babalik ang sakit niya sa puso, bakit naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status