LOGIN“Ang ibig sabihin ng lola mo…”Huminto si Adrian at muling tiningnan ang notebook na hawak ko.“Ang taong nagdala sa iyo sa mundong ito ay hindi ang taong nagsilang sa iyo.”Parang tumigil ang paghinga ko.“Kung ganoon, sino ang tunay na babaeng nagsilang sa akin?”Agad na umiling si Adrian.“Serena, wait. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”“Pero iyon mismo ang sinabi mo!”“May mali sa pagkakaintindi ko sa sulat. Hindi sinasabi ni Eleanor na hindi si Isabella ang tunay mong ina.”Napatitig ako sa kaniya.“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”Kinuha niya ang notebook mula sa mesa at itinuro ang pangungusap na nakasulat sa ibabang bahagi ng pahina.“Ang tinutukoy dito ay ang taong tumulong kay Isabella noong araw na ipinanganak ka. May isang babaeng pinagkatiwalaan niya para asikasuhin ang lahat. At mukhang ang babaeng iyon ang may hawak ng orihinal na dokumento tungkol sa kapanganakan mo.”“Victoria?”“Posible. Pero kailangan natin ng ebidensiya bago tayo magdesisyon.”Napaupo ako sa lumang up
Hindi ko maialis ang tingin ko sa litrato.Si Isabella.Si Gabriel.Hindi ko alam kung kailan ito kuha, pero malinaw na magkasama sila matapos ang gabing sinunog ang bahay namin.Ibig sabihin, maaaring buhay pa ang nanay ko nang makulong si Gabriel.At kung ganoon, bakit niya hinayaang maniwala akong wala na siya?“Adrian, saan galing ang larawang ito?”“Unknown number.”“May iba pa bang ipinadala?”Umiling siya.“Larawan lang.”Muli kong tiningnan ang cellphone niya. Pinalaki ko ang larawan at sinuri ang bawat detalye. Sa likod ni Gabriel ay may karatula ng ospital, ngunit hindi ko mabasa ang pangalan dahil malabo ang kuha.“May kailangan akong gawin,” sabi ko.“Sasamahan kita.”“Hindi.”Napatingin siya sa akin.“Serena—”“Hindi ko kailangan ng kasama mo. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Pati ikaw, may mga bagay kang hindi sinasabi sa akin.”“Hindi kita niloloko.”“Pero hindi mo rin sinasabi ang lahat.”Natahimik siya.Iyon ang pinakamasakit.Dahil sa bawat
Hindi ko maalis ang tingin ko sa dokumentong hawak ni Celeste.Nandoon ang pirma ng nanay ko. Sa ilalim nito ay ang pangalan ni Adrian Monteverde—ang lalaking pinakasalan ko, ang lalaking nangakong tutulungan akong malaman ang katotohanan, at ang lalaking unti-unti ko nang pinagkakatiwalaan.Pero bakit may pirma siya sa isang kasunduang hindi ko alam na umiiral?“Anong ibig sabihin nito?” tanong ko.Hindi sumagot si Celeste. Sa halip, inilapag niya ang dokumento sa mesa at marahang itinulak iyon papunta sa akin.“Basahin mo.”Kinuha ko ang papel. Luma na ito, ngunit malinaw pa rin ang mga nakasulat.CONFIDENTIAL FAMILY PROTECTION AGREEMENTSa unang pahina, nakasaad ang pangalan ni Isabella Vale, Victor Monteverde, at Adrian Monteverde. Mayroon ding pangalan ni Gabriel Villareal bilang isa sa mga saksi.“Bakit kasama ang pangalan ni Adrian?” tanong ko kay Celeste.“Dahil siya ang itinalagang magiging tagapangalaga mo kapag dumating ang panahon.”“Tagapangalaga? Hindi ako bata!”“Hindi
Hindi ko maalis ang tingin ko sa picture, tatlong tao ang naroon. Ang nanay ko, si Celesta at isang babaeng hindi ko kilala. Nasa likod ng picture ang petsa ng kapanganakan ko, Nove,ber 14, 2001.Ibig sabihin, noong araw na isinilang ako, magkakasama silang tatlo. Pero bakit? At sino ang babaeng sinasabi ni Rafael na hindi ko dapat makilala?“Papa, kilala mo siya, hindi ba?” tanong ko.Hindi agad sumagot si Rafael. Inilagay niya ang litrato sa loob ng kaniyang pitaka at umiwas ng tingin.“Serena, may mga bagay na mas mabuting hindi mo na hukayin.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Hanggang ngayon ba, iyon pa rin ang sagot mo sa akin? Lahat na lang ng bagay tungkol sa buhay ko, mas mabuting hindi ko malaman?”“Hindi ko sinasabing hindi mo dapat malaman. Gusto ko lang na maging handa ka.”“Paano ako magiging handa kung wala kayong sinasabi sa akin?”Lumapit si Mikaela at hinawakan ang braso ko.“Serena, kalma muna. Kailangan nating malaman kung sino ang babaeng iyon bago tayo gumawa ng
“Anak, huwag kang magtatanong kung nasaan ako. Hindi pa ligtas.”“Ma, please. Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong sabihin sa tunay na dahilan kung bakit ako ipinanganak.”May ilang segundong katahimikan.Pagkatapos ay nagsalita siya.“Dahil ang araw na ipinanganak ka ang araw na nawala sa amin ang lahat.”Napaluha ako.“Ano ba ang ginawa nila sa iyo?”“Hindi si Victor ang unang taong nagtangkang kontrolin ang buhay mo, anak.”Napatingin ako kina Mikaela at Rafael.“Kung ganoon, sino?”Mahina siyang huminga.“May isang taong tumulong sa akin para maitago ka. Isang taong pinagkatiwalaan ko nang higit pa kay Victor.”“Sino siya, Mom?”Bago siya makasagot, may narinig akong kaluskos sa kabilang linya.“Serena, makinig ka. Huwag mong ibibigay ang dokumentong hawak mo kay Celeste. At huwag na huwag mong sasabihin kay Adrian na nakausap mo ako.”“Bakit? Kilala naman niya kayo!”“Dahil may isang bahagi ng pangako niya sa akin na hindi niya pa natutupad.”“Anong pangako?”Ngunit naputol
Parang tumigil ang mundo ko.“Anong ibig mong sabihin?”“Siya ang pumasok sa nasusunog na bahay para ilabas ka, siya rin ang nagdala sayo sa ospital. At siya rin ang unang humingi sa akin ng tulong para maitago ka kay Victor.”Napahawak ako sa mesa, kung totoo iyon bakit sinabi sa akin ni Adrian na wala siyang nagawa para iligtas ang ina ni Mikaela.At bakit hindi niya sinabi sa akin na iniligtas niya ako?“Bakit niya ginawa iyon?”“Dahil may alam siya tungkol sa nanay mo na hindi mo pa natutuklasan.”“Anong alam niya?”Bago sumagot si Rafael, tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe mula sa isang unknown number. “You are asking the wrong people, Serena.”May kalakip na voice recording ang message, pinindot ko ang play button.Una kong narinig ang mahinang ingay ng apoy. Pagkatapos ay isang boses ng babae, boses ng nanay ko. “Adrian, kapag hindi mo siya nailabas dito, huwag mong hahayaang malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ipinanganak.”Napahawak ako sa cellphone haban







