LOGIN“May kailangan akong malaman.”Unti-unting nawala ang ngiti niya, napalitan ito ng pagtataka. “Ano iyon?”Inilabas ko ang litrato ni Isabella at ang dokumentong may pangalan nito.Nang makita niya ang litrato, bigla siyang napaatras.“Dad?”Nanginginig ang mga kamay niya habang tinititigan ang mukha ng babaeng nasa larawan.“Saan mo nakuha iyan?”“Sa bahay ng mga Monteverde, sinabi ni Victor na niloko mo si Isabella. At may dokumentong nagsasabing ako ang tunay na tagapagmana ng kanilang pamilya.”Napapikit siya.“Diyos ko.”“Sabihin mo sa akin ang totoo. Sino si Isabella? Bakit siya konektado sa atin? At bakit sinasabi ni Victor na hindi ikaw ang tunay kong ama?”Nang muli siyang tumingin sa akin, may luha nang namumuo sa kanyang mga mata.“Serena, anak may bagay ako na ipinangako sa iyong ina na hindi ko kailanman pwedeng sabihin sayo.”“Pero kailangan kong malaman ang totoo! Pagkatao ko ang inililihim ninyo sa akin!”“Alam ko.”Napahawak siya sa gilid ng mesa.“Ang pangalan mong S
“Pati ang sarili niyang ama.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon ni Victor Monteverde.Nakatayo siya sa harap ko, matikas at walang bahid ng takot, na para bang hindi niya kaharap ang isang babaeng buong buhay ay winasak ng kanilang pamilya. Mahigpit kong hinawakan ang dokumentong ibinigay ni Adrian. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Bakit pati ang sarili kong ama?”Hindi sumagot si Victor. Sa halip, ibinaling niya ang tingin sa kanyang anak.“Adrian, lumabas ka.”“Hindi.”Isang salita lamang iyon, ngunit sapat upang magbago ang ekspresyon ng matanda.“Ano'ng sinabi mo?”“Sinabi kong hindi ako aalis.” Tumayo ng tuwid si Adrian. “Limang taon nang pinag durusahan ni Serena ang mga kasalanang hindi niya naman alam. Panahon nang malaman niya ang totoo.”“Ang totoo?” Mapait na natawa si Victor. “Akala mo ba kaya mong sabihin sa kanya ang lahat nang hindi ka nadadamay?”Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, alam kong may lihim din si Adrian. At posib
SERENABago ako nakapagsalita, may kumalabog sa labas ng study.Kasunod niyon ang isang matinis na sigaw.“ADRIAN!”Boses iyon ni Celeste.Nang tumakbo kami palabas, nakita namin siyang nakatayo sa pasilyo, hawak ang isang lumang litrato na kapareho ng nasa mesa.Namumutla siya habang nakatingin sa akin.“Hindi maaari,” paulit-ulit niyang bulong. “Ikaw ang sanggol…”Napatingin siya sa singsing sa daliri ko.“…ikaw ang anak ni Isabella.”At sa unang pagkakataon, nakita kong natakot si Celeste Monteverde sa akin.“Anak ni Isabella?”Parang umalingawngaw sa buong pasilyo ang mga salitang iyon.Nakatayo si Celeste Monteverde sa harap ko, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang lumang litrato. Ang babaeng kanina ay mahinahong nakikipag-usap sa akin ay tila biglang nawalan ng lakas. Maputla ang mukha niya, at ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay puno ng takot.Hindi galit.Hindi pagkagulat lamang.Kundi takot na para bang nakita niya ang isang patay na bumalik mula sa libingan.“Anon
“Imposible.”Nanginginig ang tinig ni Celeste Monteverde habang nakatitig sa singsing na suot ko.“Sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha iyan.”Napatingin ako kay Adrian. Hindi ko inaasahang ang isang simpleng singsing ang magiging dahilan para magbago ang buong mukha ng kanyang ina. Kanina lamang ay nakangiti ito sa akin, pilit na ipinapakita na tinatanggap niya ako bilang magiging asawa ng kanyang anak. Ngayon, para bang may multong biglang nagpakita sa harap niya.“Regalo ko sa kanya, Mom,” sagot ni Adrian. “Pamana ni Lola.”Napahawak si Celeste sa dibdib niya.“Hindi mo dapat ibinigay iyan sa kaniya!”Napakunot ang noo ni Adrian. “Bakit? Ano bang problema sa singsing na iyan?”Hindi agad sumagot ang babae. Sa halip, lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay kong may suot na singsing.Malamig ang mga daliri niya.“Alessandra,” bulong niya, “may kilala ka bang babaeng nagngangalang Isabella?”Isabella.Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ang pangalang iyon, ma
He was waiting for my answer.“No,” I answered. “I wouldn't have refused.”“Excellent.”He picked up his phone and checked a message.“Wear something elegant. My mother dislikes surprises.”I stood.“Then she must hate you.”His eyes lifted from his phone.“What makes you say that?”“Because you seem to enjoy making them.”For a moment, he simply stared at me.Then he laughed, not the polite laugh he had given me early but a genuine one. And I hated how different he looked when he did. “Careful, Alessandra,” he said. “You might start to enjoy my company.”“Don't worry. I have excellent self-control.”“We'll see.”I turned toward the door.“Wait.”I stopped, Adrian walked back to his desk and took out a small velvet box.He opened it, inside was a diamond ring. It was beautiful, an enormous oval diamond surrounded by smaller stones and mounted on a delicate platinum band.I stared at it.“This belonged to my grandmother,” he said. “It's traditionally given to the woman who becomes th
SERENA“Are you out of your mind?”Iyon ang unang bungad sa akin ni Mikaela nang makita niya akong nakaupo sa isang mamahaling café, kalmadong umiinom ng iced coffee habang binabasa ang kontrata ng kasal na ibinigay sa akin ni Adrian Monteverde.I raised an eyebrow.“Good morning to you, too.”“Serena, I'm serious!”Inilapag niya ang handbag niya sa bakanteng upuan at agad na hinablot ang mga dokumento sa mesa.“Marriage contract? One year? Financial arrangement? Access to the Monteverde family's private business affairs?” isa-isa niyang binasa. “Ano 'to? Business merger o kasal?”“Both.”“Hindi ito nakakatawa! Alam mo ba talaga kung ano ang pinapasok mo?”“I'm not laughing, and yes alam ko kung ano tong pinasok ko.”She stared at me as if I had suddenly grown another head.“Limang taon mong pinaghandaan ang paghihiganti mo. Limang taon mong inaral ang bawat galaw ng pamilyang iyan. At ngayon, ang gagawin mo ay tumira sa isang bahay kasama ang lalaking gusto mong pabagsakin?”I took a







