Home / Romance / I NEED YOU / Book 3: Chapter 19-Pang-aasar

Share

Book 3: Chapter 19-Pang-aasar

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-05-18 19:54:36

Nakangiting sumaludo si Jason sa ama bago lumulan sa sasakyan niya. Itinaas niya ang salamin sa helmet niya nang tumapat sa nakabukas ng gate. Ngumiti siya sa guard na masama pa rin kung maningin. "Bilang na ang araw mo dito."

Ngumiti pa rin si George sa binata kahit asar siya sa banta nito sa kaniya. Binumba pa nito ang makina kaya lumikha ng usok iyon at pagkaharurot ng sasakya ay nag iwan ng makapal na alikabok at sa kaniya lahat iyon napunta. "Argh, demonyo ka!" Ilang beses pa niyang minura sa isipan ang binata dahil sa galit habang takip ang ilong gamit ang palad.

Natawa si Jason nang lingunin niya ang guard at halos hindi ito makita dahil sa usok at alikabok. Dumiritso na siya sa kompanya at doon sila magkikita ni Tyron. Pagkababa sa sasakyan ay kararating lang din ng kaibigan kaya hinintay na niya ito.

"Kumusta ang bagong buhay mo jgayon?" tanong ni Tyron kay Jason at inakbayan ito.

"Masaya pala kapag may kontrabida sa buhay." Birong totoo niyang sagot kay Tyron.

Natawa si Tyro
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
merlie amenario
miss a thanks
goodnovel comment avatar
LV Villarino
finally nagka ud na din, thanks sa update
goodnovel comment avatar
vera13
mukhang mgkakaroon n ng lovelife c Jason miss a! dalas dalasi nman ng pg update! ay paano ga kmi mawiwili mgbasa niyan, pagkatagal ng kasunod!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 19-Pang-aasar

    Nakangiting sumaludo si Jason sa ama bago lumulan sa sasakyan niya. Itinaas niya ang salamin sa helmet niya nang tumapat sa nakabukas ng gate. Ngumiti siya sa guard na masama pa rin kung maningin. "Bilang na ang araw mo dito."Ngumiti pa rin si George sa binata kahit asar siya sa banta nito sa kaniya. Binumba pa nito ang makina kaya lumikha ng usok iyon at pagkaharurot ng sasakya ay nag iwan ng makapal na alikabok at sa kaniya lahat iyon napunta. "Argh, demonyo ka!" Ilang beses pa niyang minura sa isipan ang binata dahil sa galit habang takip ang ilong gamit ang palad.Natawa si Jason nang lingunin niya ang guard at halos hindi ito makita dahil sa usok at alikabok. Dumiritso na siya sa kompanya at doon sila magkikita ni Tyron. Pagkababa sa sasakyan ay kararating lang din ng kaibigan kaya hinintay na niya ito."Kumusta ang bagong buhay mo jgayon?" tanong ni Tyron kay Jason at inakbayan ito."Masaya pala kapag may kontrabida sa buhay." Birong totoo niyang sagot kay Tyron.Natawa si Tyro

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 18-Paalala

    Matapos kumain ay nagpahangin si Jason sa garden saka tinawagan ang bagong kaibigang si Lexter. "Ano ang ipapagawa mo?" tanong ni Lexter habang nakatanaw sa malayo. Naroon siya ngayon sa terrace ng pad na kaniyang pag aari."Alamin mo ang background ng oamilyang pupuntahan namin bukas." Sinabi niya ang detalye s kaibigan at ang pangalan ng isang pamilya. "Bukas pagkagising mo ay mayroon nang results ito."Napangiti si Jason, kaiba talaga ang bilis ng kaibigan magtrabaho. Kahit sa gani ay ginagawa nito lalo na kung urgent. Pinutol na niya ang tawag sa kaibigan nang makitang palapit sa kinaroonan niya si Felix."Hindi ka nababagay sa event bukas kaya huwag ka nang mag aksaya ng oras na sumama." Nakkakalokong ngiti ang nakapaskil sa labi ni Felix at tingin ay nang uuyam.Nagsindi ng sigarilyo si Jason at binugahan sa mukha ang kapatid. "Why not? Natatakot ka bang ako ang piliin ng apo nila sa halip na ikaw dahil mas guwapo ako kaysa iyo?" Nang aasar niyang tanong sa kapatid."Fuck you!

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 17-Ganti

    "Mom..." nagpapatulong na tawag ni Felix sa ina upang ipagtanggol sa kapatid."Felix, nasaktan mo ang kapatid mo kaya mag sorry ka."Nagulat si Rowena sa narinig mula kay Lucy. Seryuso ito at makitaang galit din kay Felix dahil sa nangyari kay Jason. Pagtingin niya kay Felix ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa galit at selos. Mabilis niya itong hinawakan sa kamay upang pakalmahin. "Hijo, tama amg mommy mo, mag-sorry ka sa kuya mo kahit hindi mo pa sinasadya ang nangyari."Napabuga ng hangin sa bibig si Felix at pilit nagpakahinahon. Gusto niyang suntukin sa mukha su Jason nang makita ang ang aasar nitong ngiti sa kaniya. Ang ina ay may ointment nang hawak at nilalagyan ang basro ni Jason."Kinurot na ni Rowena sa braso ang binata at pinandilatan ng nga mata nang ayaw pa rin magsalita nito upang sundin ang utos niya. Hindi ito ang oras upang makipag matigasan."Sorry." Mukhang napilitang bulong ni Felix.Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason at gustong matawa kay Felix. Narinig

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 16-Disappoint

    "Mom, I miss you!" Yumakap si Felix sa ina pagkakita rito."Pinuntahan kita sa silid ngunit wala ka. Nakita kong nasa silid pa si Felix kaya isinama ko na pagbaba upang salo-salo tayong kumain ng hapunan." Hinapit na ni Celso sa baywang ang asawa at inakay pabalik sa loob ng bahay mula sa terrace. Humulma ang matipid na ngiti sa labi ni Jason nang makita ang mga magulang na sweet naglalakad. Pero agad ding nabura iyon nang makita si Felix na parang batang nakabuntot sa mga ito. "Mom, dad, nagluto daw si Kuya?" Masayang tanong ni Felix."Yes, umupo na kayo ng mommy mo sa dinning room at tulungan ko lang ang kapatid mo.""Tutulong na rin po ako!" Bulontaryo ni Felix at lihim napangisi dahil may naisip. Hinubad na ni Jason ang suot na apron nang humarap sa ama at kapatid. Sasandukin na lang niya ang pagkain para ihain na."Kuya, ako na po niyan." Agaw ni Philip sa sandok na hawak ni Jason at may laman na iyon."Its ok, yung isa na lang ang sandukin mo." Turo niya sa isang ulam at hind

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 15-Paninira

    Napangiti si Celso nang maabutan ang anak sa kusina at abala sa niluluto. Pagtingin niya sa asawa ay mukhang hindi makapaniwala na marunonv magluto ang panganay nilang anak."Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan ang mga katulong?" tanong ni Lucy sa binata at mabilis na iniwas ang tingin dito."Gusto ko lang po patikim sa inyo ang luto ko habang narito pa ako." Nakangiting tugon ni Jason sa ina.Napatingin muli si Lucy sa binata. "May balak kang umalis?"Nagkibit balikat si Jason. "Ang kapalaran ko po ay hindi ko hawak. Sanay na akong mag isa sa buhay at always grab opportunity kapag mayroon pagkakataon, hindi lang para sa sarili ko kundi sa taong maging parte ng buhay ko kahit pansamantala lamang."Biglang naantig ang puso ni Lucy at nakunsensya. Mukhang alam ng binata na hindi ito magtatagal sa poder nila? Bakit parang ang bigat sa kalooban niya na ganoon ang iniisip ng binata?"Son, thank you sa unawa. Salamat sa at naisip mong ipatikim sa amin ng mommy mo ang natutunan mong iluton

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 14-Insulto

    Naikuyom ni Felix ang mga kamay at nag igtingan ang panga. Gusto niyang suntukin si Jason ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili. "Tsk tsk, walang kuwentang yaya at hinahayaang masira ang buhay ng alaga niya. Kapag nalaman ni Mommy na ganito mo kung alagaan ang paborito niyang anak ay ano sa tingin mo ang gagawin sa iyo?" Amused na pinakatitigan ni Jason ang ginang na hindi pa makatayo mag isa dahil masakit ang paa."Felix, aalis na ako at ayaw kong madamay sa gulo ng pamilya ninyo." Kipkip ni Jessica ang handbag at nagmamadali nang umalis.Lalong nainis si Felix at napahiya na rin sa nobya. Dahil sa galit na nadarama ay naisipa niya ang paa at nakalimutan na naroon pa ang yaya niya."Ops, hindi ko na kasalanan ang ikalawang bukol niya." Natatawa na ani Jason sa halip na maawa sa katulong. Hindi niya lang gusto ito at pakiramdam niya ay may ginawa itong hindi maganda sa kaniya noon. Napaluha si Rowena dahil sa sakit habang sapo ang tagiliran kung saan tumama ang paa ni Felix.

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 13-Pananakot

    Napamura si Jason at hinawakan ang panga na nasaktan. Mukhang nakagamit ng ipinagbabawal na ang gamot ang lahat kaya wala sa katinuan ang isip. Hindi siya makaganti ay marami ang kakampi nito. Nang makita niyang susugod pa ang iba ay mabilis siyang ngasalita. "Alam kong gumagamit kayo ng droga at tumawag na ako ng pulis!""Pulis?" Magkapanabay na bigkas ng mga kaibigan ni Felix at mukhang natakot na nagkatinginan."Shit, ayaw kong makulong!" Bulalas ng nanuntok kay Jason at nagmamadali nang lumabas ng pinto. Ang iba ay sumunod na rin sa takot na maabutan ng pulis."Hey, wait!" Tawag ni Felix sa mga kaibigan ngunit bilis ng mga ito makatakbo palabad. "Shit, ang akala ko ba ay safe dito sa bahay ninyo?" Inis na bulyaw ni Jessica kay Felix habang isinusuot ang nahubad na dress. Hindi na ito nag abalang magtao habang nagbibihis dahil sa pagmamadali."Babe, kasalanan ng lalaking iyan!" Galit na duro ni Felix kay Jason.Napatingin si Jessica sa lalaking tinuturo ng nobyo. Ngayon niya lang

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter-12-Pagkapahiya

    Pagbalik ni Jason sa bahay ng mga magulang ay ganoon pa rin kung tingnan siya ng guard. Sinamaan niya rin ito ng tingin. "Don’t tell me hindi mo na naman ako kilala?""Puntahan ko lang si Ma'am at sabihing dumating ka na." Mukhang napilitan ani George at hindi pa rin binubuksan ang gate.Mabilis na hinaklit ni Jason sa kuwelyo ang lalaki at pumasok sa loob. "Hindi na kailangan. Next time na humarang ka pa sa daraanan ko ay lalagyan ko na ng bukol iyang mata mo."Tigagal si George at hindi agad nakahuma dahil sa ugaling ipinakita ng lalaki. Malaki na ang katawan nito at mas malakas dahil sa edad nito kumpara sa kaniya. Hindi tulad noong maliit pa ito at isang hila lang sa kamay nito ay napasunod na niya. Kahit ano ang gawin niya dito noon ay nagagawa niya. Pero ngayon, mukhanh siya na ang ibabalibag ng lalaki.Nilakihan ni Jason ng bukas ang gate saka ipinasok ang motorcycle. "Hey, saan ka pupunta?" Tawag ni George sa binata matapos nitong e park ang sasakyan. "Hindi mo pa naisara an

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 11-Imbistigasyon

    "Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status