Parang sinuntok sa dibdib si Tyron at pinaalala pa ng dalaga ang kagaguhan niya. Pero tama naman ito na fiancee niya si Emily dahil iyon ang sinabi niya rito upang mamatay na ang kakaibang damdamin nito sa kaniya. Pero bakit parang gusto niyang itama ang sinabi ng dalaga at ayaw na malaman ng kaharap nilang lalaki na—naipilig niya ang ulo at pinigilan na ang sarili na mag isip ng kahibangan.Pilit na ngumiti si Minche nang masalubong ang nakikiusap na kga titig ng dalaga. "Narito na rin naman ang bantay mo kaya aalis na kami.""Thank you po muli!" Masiglang pasalamat ni Jesabell sa ginang. Nang mapatingin sa kapatid nito ay nahihiya siyang ngumiti rito.Walang salitang tumalikod na si Timothy at buhat ang anak na ayaw pa sanang umalis. Nabawasan ang kabang nadarama ni Jesabell nang makaalis na ang tatlo. Pagtingin niya kay Tyron ay salubong pa rin ang mga kilay kaya nagpaliwanag na siya. "Lumabas ako kanina at nauhaw kaya nakilala ko si Ate Minche at ang pamangkin niya. Ang cute ng b
Tumango lang siya sa binata at hindi nag abalang tapunan ito ng tingin. Nanood na lang siya ng movie upang libangin ang sarili. Sigurado kasi na hindi na makabalik ang binata dahil samahan nito sa pag uwi si Emily. Hindi na rin siya umaasa na balikan siya dahil siguradong gagawa ng paraan si Emily na hindi na makaalis si Tyron.Natuwa si Emily nang makita ang pagpasok ni Tyron. Buong akala niya ay hindi na siya babalikan nito. Alam niyang may naahutang ibang tao si Tyron sa silid ni Jesabell. Kung sino man iyon ay saka na niya aalamin lalo na ang sabi ni Nida ay lalaki."Naayos ko na ang bill mo." "Uuwi na tayo?" Nakangiti pa rin tanong niya sa binata."Nida, ikaw na ang bahala kay Emily. Kapag may problema ay tawagan mo ako." Bilin ni Tyron sa katulong sa halip na sagutin ang dalaga.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Emily. Hindi niya mahagilap ang dila upang sabihin ang gusto ngunit hindi maari. Sasama ang tintin sa kaniya ng binata kapag isinatinig niya ang pagiging selfish."Si
"Nangunot ang noo ni Tyron nang makita ang pagpasok nila Emily. Sinamaan niya ng tingin si Nida at hindi sinunod ang kaniyang utos na iuwi na ang dalaga."Tyron, gusto kong dalawin si Jesabell at humingi na rin ng tawad para sa kaibigan ko!" Naiiyak na paliwanag ni Emily sa binata.Pinigilan ni Jesabell ang pagtaas ng kilay habang nakatingin kay Emily. Iniisip niya kung ano naman kayang drama ang gagawin nito para lang sumama si Tyron sa pag uwi at iwan siya roon sa hospital. Hindi talaga ito papayag na nakakalamang siya sa atensyon ni Tyron. Kung noon ay nakipag kumpetensya siya rito, ngayon ay hayaan na niya. Sawa na siya makipag plastikan dito sa harap ni Tyron.Nagmamadaling lumapit si Emily lay Jesabell at ginagap ang kamay nito. "Alam ko na hindi ka naniniwalang wala akong alam sa ginawa ni Dory. But please, patawarin mo na ang kaibigan ko!"Alam na ni Jesabell ang sunod na gagawin ng babae kaya inunahan na niya ito. Malakas niyang iwinaksi ang kamay nito na ikinatumba ng babae
"Ma'am Jesabell, wala na po ba kayong puso at hindi ka naaawa kay Ma'am Emily?" Naiiyak na tanong ni Nida.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa katulong. "Wala!" Hindi na siya nag abalang itago kay Tyron ang tunay na nadarama dahil tiyak mapasama pa rin siya sa paningin nito.Napahakbang paurong si Nida at na off-guard siya sa nakaka intimidate na mga titig ni Jesabell at malamig nitong tinig."OA lang talaga iyang alaga mo at may paluhod pa." Lumipat ang tingin niya kay Emily. "At saka bakit sa akin ka nagmamakaawa eh hindi naman ako ang nagpahuli sa kaibigan mo? Puwede namang makiusap lang kay Tyron upang palabasin na ang mabait mong kaibigan." Sarkastikong dugtong ni Jesabell.Pakiramdam ni Emily ay namula na rin ang anit niya at nag init iyon. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid. Kung nagkataon ay napagtawanan na siya sa halip na kaawaan dahil sa mga sinabi ni Jesabell. Lalong sumama ang loob niya at hindi pinagalitab ni Tyron ang babae tulad sa
"Kumusta na po siya?" tanong ni Tyron sa ina ni Lory."Ok na siya, sir. Maraming salamat sa pagsagot sa bill niya."Lalong nakaramdam ng hiya si Lory nang malaman na ginanstusan pa siya ng binata. Mukhang wala naman siyang sinabi na ikapahamak ng sarili. "Puwede ko bang kausapin si Jesabell?""Puntahan mo na lang at gising pa siya. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya at lalabas ako."Natuwa si Lory at masolo niya si Jesabell. Kailangan niyang malinawan sa nangyari. Pinauna na niya ng pauwi ang ina at kaya naman niyang umuwi mag isa.Nanatili lang si Jesabell sa kinahigaan nang marinig na bumukas ang pinto. Nanatili siyang nanonood lang ng movie."Nandito ang kaibigan mo. Siya muna ang makakasama mo at lalabas ako."Napabangon si Jesabell nang marinig ang sinabi ng binata. Napangisi siya nang makita si Lory. Kung tingnan ay akalain na masaya siya na makita ang isang kaibigan. Pero iba ang tuwa na nararamdaman niya nang mga oras na yun.Hinintay ni Lory na makaalis si Tyron bago kinumpr
"No worry, handa ako sa anumang ganti nila at suguraduhin kong sila pa rin ang talo!" Nakangising tugon niya kay Lory. "How?" Nagugulohang tanong ni Lory."Dahil nandiyan ka na handa akong damayan and I trust you!" Kinindatan pa niya si Lory.Pilit na ngumiti si Lory at kahit papaano ay nakunsensya sa pagiging traidor kay Jesabell. Wala itong kasalanan o ginawang masama sa kaniya para traidurin niya."Kung nakita mo lang ang mukha ni Emily kanina." Naalala niyang ikuwento."Bakit?" Curious na tanong ni Lory."Lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa na patawarin na si Dory at huwag ipakulong." Natatawa niyang kuwento.Parang piniga ang puso ni Lory sa narinig. Naawa siya kay Emily at nagmakaawa para sa pinsan nya. Parang hindi na niya nakikilala ngayon si Jesabell dahil sa nagbago na rin ang ugali. Noon ay kuntinto na sa bawat planong sasabihin niya. Mukhang nakahalata na ito na napapahamak at hindi nakakaganti kay Emily."Ano ang ginawa ani Tyron?" nakangiti niyang tanong para ipak
Nangunot ang noo ni Tyron nang makitang mag isa na lang si Jesabell sa silid. Hindi rin nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pagrehersto ng pagkagulat sa mga mata ng dalaga nang makita siya. Napabuntong hininga siya, marahil ay hindi na naman nito inaasahan na babalikan niya ito ng ganitong oras. Ang akala nito ay umuwi siya upang alagaan si Emily sa halip na ito.Napatingin si Jesabell sa dala ng binata. May dala itong pagkain mula sa isang kilalang restuarant. Iyon pala ang dahilan kung bakit ito umalis at hindi dahil lay Emily. Nagbubunyi ang puso niya dahil siya na ulit ang priority ni Tyron. Pero agad din naputol iyon nang kumuntra ang isang bahagi ng isipan niya."May sakit ka ar si Emily kaya ikaw ang pinili sa ngayon."Napasimangot siya matapos marinig ang bulong ng isang bahagi ng isipan. Tama, bukas o sa susunod na araw ay back to normal kaya hindi dapat siya nagbunyi ngayon. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa cellphone at nagkunwaring hindi interesado sa presensya
"Dahil ba sinabi ni Emily na bad influence si Jason?" Nang uuyam niyang tanong pa sa binata at tumawa ng mapakla. "Ngayon naman ay si Mr. Timothy. Sa tingin mo ay pag interesan ako ng isang tulad niya?"Nangalit ang mga bagang ni Tyron at nasaktan sa huling sinabi ng dalaga. Nasasaktan siya dahil parang ang liit ng tingin ni Jesabell sa sarili nito. Nawala na ang babaeng nakilala niyang masayahin, full of energy and naughty. "Kasama din ba sa utos ni Lolo mo na dapat wala akong kaibigang lalaki?" Sarakastikong pahabol niyang tanong sa binata nang hindi na ito nakapagsalita. Bubuka pa sana ang bibig niya nang bigla na lang yakapin nito ang ulo niya."I'm sorry, please come back!"Nagugulohan si Jesabell sa mga sinasabi ng binata. Hindi naman siya lumayas para makiusap na bumalik siya. Pero lumalambot na naman ang puso niya habang sinasamyo ang mabango nitong amoy. Nasa tiyan kasi nito ang mukha niya at magaan na hinahaplos ang kaniyang buhok."Please, huwag ka nang magalit sa akin. Pa
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang