Maraming tao sa ospital. Nasa dulo ng pila sila Analyn at Anthony. Siguro dahil sa hapon na sila nakarating sa ospital. “Sa sasakyan ka na lang, Sir Anthony. Ako na lang ang pipila,” sabi ni Analyn sa binata. “No, it’s okay,” sagot naman ng binata.“Ha? Baka may makakita sa iyo rito, Sir.”Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Hindi pa sila nagtatagal sa pila ng may lumabas na nurse mula sa loob ng clinic. “Mr. De la Merced. Papasukin ko na raw kayo sabi ni doc.”“No, okay lang. Maraming nauna sa amin sa pila. Let them in first. Maghihintay na lang kami.”“Sure ka?” tanong ni Analyn. Inaalala kasi niya na baka may makakita kay Anthony at maging laman pa ng mga balita. Actually, hindi inaasahan ni Analyn na tatanggihan ng binata ang pribilehiyo na inalok sa kanya ng nurse. Hindi niya akalain na ang isang presidente ng kumpanya na tulad ni Anthony ay tatanggi na mauna sa pila. Nang sa wakas ay oras na ni Analyn para pumasok sa loob ng clinic, sumama rin si Anthony sa kanya. Nasa tabi
Kinabukasan, pumasok na si Analyn. Agad siyang sinalubong ni Michelle.“Congrats, Analyn!” pagbati ni Michelle habang mahigpit na yakap ang kaibigan.“Michelle! Ano ka ba? Nakatingin silang lahat sa atin,” patungkol ni Analyn sa mga kasamahan nila.“Hayaan mo silang tumingin,” at saka binitiwan ni Michelle si Analyn, “huwag kang magpa-apekto. Ikaw na ang manager dito, subukan lang nila na gawin nila sa iyo iyong ginagawa nila sa iyo dati. Pwede mo na silang alisin sa trabaho nila.”Nang may biglang dumaan sa likuran nila na dating malapit kay Fatima.“Tingnan natin kung tatagal ka sa posisyon na ‘yan.”
Pinapanood ni Justine ang raw video ng shooting nang nagmamadaling pumasok ang handler niya at may ibinulong sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Justine.“Talaga?” Tumango ang handler.“Oo. Nandiyan na sa parking.”Biglang nagningning ang mga mata ni Justine, kasabay ng malapad na pagngiti. Agad niyang hinanap ang make-up artist niya. “Mai-mai, re-touch mo make-up ko. Bilis!”Agad na sumunod ang tinawag. Pagkatapos ng ilang sandali ay pinahinto na siya ni Justine.“Okay na, okay na.” Pagkatapos ay mabilis ng tumayo si Justine mula sa kinauupuan at saka mabilis na sinulyapan ang mukha sa salaming nasa harapan niya. “Sa tingin mo, okay lang ba?” tanong ni Justine sa handler na nasa tabi niya.“Oo naman, girl! Magandang pagkakataon ito,” sagot nito na halatang hindi maitago ang excitement.Malapad na ngumiti uli si Justine. “Okay ba itsura ko?” tanong uli ni Justine sa handler. “Oo, girl! Gora na!” Pagkasabi ng handler nun ay excited na tinakbo na ni Justine ang papunta sa p
Pilit na inalis ni Anthony ang kamay ni Justine na nakahawak sa braso niya. “Ang assistant at ang driver ko na ang magdadala sa iyo sa ospital.”Namilog ang mga mata ni Justine, sabay napamaang. “P-Pero, Sir Anthony–”“That injury will not even leave a scar,” putol ni Anthony sa sasabihin pa ni Justine. “Sir Anthony…”“Watch your mouth. Ayokong may makalabas na balita na hindi ko magugustuhan. Don’t you dare,” sabi pa ni Anthony sa natatarantang dalaga.Pagkatapos ay tumalikod na siya at bumalik sa lugar ng pinangyarihan. “Tara na, Miss Justine. Kailangan mo ng matingnan sa ospital,” sabi ni Vivian pagka-alis ng amo niya. HAWAK ni Analyn ang kahuli-hulihang paper cup na niligpit niya. Pakiramdam niya ay siya na lang ang taong naiwan doon. Nagtataka rin siya kung bakit hindi pa rin bumabalik si Michelle. Pagharap niya ay nagulat siya ng makita ang mukha ni Anthony. Ngumisi si Analyn sa binata. “Wow. Ang bilis mo namang nakabalik galing sa ospital,” sarkastikong komento ni Analy
“Dito ka na maupo sa kabisera, ‘Lo,” sabi ni Anthony kay Greg.“Oh? Eh, ikaw ang may-ari ng bahay. Bisita lang ako rito kaya ikaw dapat ang maupo riyan.”“No, ‘Lo. Kahit bahay ko ‘to, ikaw pa rin ang head of the family. Kaya, dito ka maupo,” sagot ni Anthony at saka iginiya ang lolo niya sa pag-upo sa kabisera.Naupo naman si Greg. Mauupo sana si Analyn sa katapat na upuan ni Anthony nang pigilan siya ni Greg.“Analyn, doon ka maupo sa tabi ng asawa mo.”Tipid na ngumiti si Analyn sa matanda at saka lumipat sa katabing upuan ni Anthony.Habang naglalakad si Analyn papunta sa tabi ni Anthony, hindi mapigilan nni Greg na hindi sundan ng tingin ang dalaga. Wala na siyang maipipintas pa sa napangasawa ng apo. Mabait itong bata, ramdam niya. Hindi importante sa kanya kung isa mang ulila si Analyn at malabo ang nakaraan. Ang importante, may maganda itong pag-uugali.
Nasa sala si Analyn, nakaharap siya sa laptop niya. Balak niya sanang gumawa ng design, pero kanina pa siya nakatitig pero walang pumapasok na design sa isip niya. Hanggang sa namalayan niya na tumutulo na ang mga luha niya.Agad niyang pinunasan ang basang mga pisngi. Pilit niyang ipinokus ang isip na makagawa ng disenyo, para makalimutan niya ang sama ng loob na nasa dibdib niya ngayon. Pero tila may sariling isip ang mga luha niya dahil ayaw nilang magpa-awat.Nang sa wakas ay huminto na ang pagtulo ng mga luha ni Analyn, bitbit ang laptop, umakyat na siya sa itaas para matulog. Ang balak niya ay doon matulog sa dating kuwarto niya. Pero nagulat siya ng lumabas mula roon sa kuwarto si Greg.“Apo, bakit?”Pinilit ngumiti ni Analyn. “Ah, ma
Hindi alam ni Analyn kung magagalit kay Anthony o ano. May kumot na nakalagay sa ibabaw ng katawan niya. Nakasuksok pa rin ang susi sa susian at nakabukas ang aircon. Pero alam naman niya na may trabaho siya, kaya nainis pa rin siya kay Anthony.Inalis ni Analyn ang kumot sa ibabaw ng katawan at saka tiniklop iyon at inilagay sa likurang upuan. Pinatay niya ang makina at kinuha ang susi, at saka lumabas na ng sasakyan. Ano pa ang mukhang ihaharap niya sa mga tao niya? Sobrang late na siya sa trabaho.Samantala, sa conference room sa palapag ng opisina ni Anthony, may nangyayaring meeting. Pero kapansin-pansin sa lahat ng naroroon na tila wala sa meeting ang isip ng presidente ng DLM.Kanina pa nasa laptop nito ang atensyon niya at wala sa mga nagre-report. Manaka-naka pa itong napapangiti sa screen ng la
Tumunog ang telepono ni Anthony. Agad niyang binasa ang mensaheng naroon. “The celebration of Del Mundo acquisition will be in three days. Be ready,” sabi ni Anthony ng hindi nag-aangat ng mukha mula sa binabasang mensahe sa telepono niya.Nagtaka si Analyn. Akala niya ay iyon ang pinuntahan ngayon ni Anthony at Vivian. Akala niya ay nagbago na ang isip ng binata na si Vivian na lang ang isama sa halip na siya. “Seryoso ka bang makita ako ng mga tao in public?”Saka lang nag-angat ng tingin si Anthony. “Ang mga taong attend doon ay mga ka-alyado ko, so wala sa kanilang magliligwak ng impormasyon.”Sa isip ni Analyn, wala naman siyang magagawa. Pero naisipan niyang asarin ang binata. “Wala sa usapan natin ang mga pagpunta ko sa mga ganyang okasyon. Kung gusto mo ako talagang isama, sa palagay ko, kailangan mong magdagdag ng bayad sa akin kada event na isasama mo ako.”“Huwag mo namang ipahalata na mukha kang pera.”Nainis si Analyn sa salita ni Anthony. “Ganun ba? So, bakit kaya
Kasabay ng gulo ng isip ay ang takot na nararamdaman ni Analyn. Litong-lito na ang isip niya. Muli siyang napatingin sa mukha ni Edward at saka napatanong sa sarili. Ano’ng ginagawa nila ni Edward sa kuwarto na iyon? Nagpalipas silang dalawa roon ng buong gabi ng hubo’t hubad?Pinilit niyang alisin sa isip niya ang ideya na ayaw niyang tanggapin. Hindi pwedeng mangyari ang naisip niyang iyon. Ipinilig ni Analyn ang ulo niya at saka inabot ang kumot sa may paanan niya. Itinakip niya iyon sa katawan, pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ni Edward para gisingin ito. “Edward! Edward!” Bahagya niyang tinapik-tapik ang pisngi nito. Niyugyog na rin niya ng bahagya ang lalaki para mas sigurado siyang magigising ito. Pero nakakapagtakang ni hindi man lang gumalaw ni ang talukap ng mga mata nito. Talagang nakakapagtaka, dahil sa pagkakakilala ni Analyn sa lalaki ay magaan lang itong matulog. Pero bakit ngayon ay parang sobrang lalim ng tulog nito? At paano’ng nandito ang lalaki? Sa pagka
Hindi na mapakali si Anthony. Kanina pa siya hindi matapos-tapos sa pag-iisip kung nasaan na si Analyn. Iniisip din niya kung sino ang posibleng mga kaaway niya, pero si Analyn ang tinarget dahil alam nilang siya ang kahinaan niya. “I-check n’yo si Edward!” galit na utos niya sa mga tauhan niya. Alas-otso na ng umaga nun ng sumunod na araw pagkatapos ng araw ng kanyang kapanganakan. Halos lahat ng tauhan niya ay nakakaramdam na ng takot, dahil alam nilang maaari silang pagbuntunan ng frustration at galit ng amo dahil sa hindi nila makita ang asawa nito.Pero bago makaalis ang mga tauhan niya, may dumating na rider sa gate. “Delivery po para kay Mr. Anthony De la Merced.” Agad na kinuha iyon ng isang tauhan ni Anthony. Binusising mabuti para i-check kung ligtas bang hawakan ng Presidente ng DLM. Nang napasakamay na ni Anthony ang envelope, agad siyang nakaramdam ng kaba pero pilit niyang binabale-wala ang tumatakbong ideya sa isip niya. Agad na nakilala ni Anthony ang sulat-kamay
Pagkaraan ng ilang minuto pagkatapos lumabas ng opisina ni Anthony si Ailyn, muling pumasok si Anthony sa loob ng opisina niya. Dumiretso siya sa upuan niya kung saan nakaupo si Analyn, at saka niyakap ang asawa. “Satisfied?” tanong ni Anthony sa asawa. Tinampal ni Analyn ang kamay ni Anthony na nakapatong sa dibdib niya. “Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. Ano? Satisfied ka na ba na nalinis ko na ang kalat na ibinigay sa iyo ni Sixto Esguerra?” inis na sagot ni Analyn.Nakangiting hinalikan ni Anthony si Analyn sa pisngi nito. “Ako na naman ang kontrabida nito,” dagdag pa ni Analyn.Hindi naman kasi talaga gusto ni Anthony na maging assistant niya si Ailyn, pero hindi siya maka-hindi kay Sixto. Nang biglang may naalala si Analyn. “Wala ka pa bang balita kay Papa? Ano ng nangyari? Gustong-gusto ko na siyang makita.”“Wala pa, pero hindi naman tumitigil ang mga tao ko na maghanap at humanap ng leads. Aalis muna ako bukas. May importante lang akong investor na kailangang i-meet. Ok
Naunang bumaba ng sasakyan si Analyn, kasunod niya sa likuran si Anthony. Lahat ng madaanan nilang mga empleyado ay sabay silang binabati. Pagdating sa palapag ng President’s Office, wala pa ni isang staff ang nandoon pero naroroon na si Ailyn. Nasa loob na siya ng opisina ni Athony at ginagawa na ang trabaho niya. Nang narinig niya ang pagbukas ng pintuan, nag-angat agad siya ng tingin. Malapad ang ngiti niya dahil alam niyang dumating na si Anthony. “Tonton!” Pero agad na napawi ang ngiti niya ng nakita niya ang pagmumukha ni Analyn. “A- Miss Analyn…”Ngumiti si Analyn kay Ailyn. “You’re so early. Mukhang swak na swak ka talaga sa posisyon mo rito sa opisina ni Anthony.”Sinulyapan ni Ailyn si Anthony, tila ba humihingi ito ng tulong sa lalaki. Eksakto naman na may dumating na isang opisyal ng DLM Group na may dala-dala g dokumento. “Boss Anthony, mabuti nandito ka na. May nakalimutan kang pirmahan dun sa bagong project natin, kailangan na itong dalhin ngayon sa munisipyo.”T
20th floor. Sa condo unit ni Elle. Doon tumuloy si Analyn mula sa bahay ni Anthony. “Kanina, ipinatawag ni Papa Sixto ‘yung tatlong anak para hatiin na sa kanila ‘yung shares niya.”Nagulat si Analyn sa sinabi ni Elle. Nabasa naman ni Elle sa mukha ni Analyn na gusto nitong malaman ang dagdag na impormasyon pa kaya sinabi na niya. “20% kay Alfie, 15% kay Ate Brittany at 10% kay Ate Ailyn.” Lalong nagulat si Analyn. “Bakit pinakamalaki kay Alfie?” “Ang isa pang nakakagulat, kanina, may nagpuntang pulis sa bahay ng mga Esguerra. Kinuwestiyon sila isa-isa. Galit na galit ang matanda. Ikaw ba ang may pakana nun?”Napangiti si Analyn sa narinig. “Magaling si mamang pulis, ha… pagagawan ko nga siya ng tarpaulin, tapos ibabalandra ko roon sa police station nila.”“Sira!”Tumawa lang si Analyn. “Napapansin ko, lagi ka ng masaya ngayon.”“Hindi na kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni Alfie.”“Talaga ba? Himala yata? Nag-therapy ba siya?”“Natulungan ko siya sa isang project, tuwang-tuwa a
Samantala, tila naman napako na si Analyn sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan at hindi na niya nakuhang makababa. Nakatingin lan siya sa dalawang taong na nasa harapan ng bahay ni Anthony. Gusto na niyang bawiin ang tingin niya, pero hindi niya magawa kahit nasasaktan na siya. Mahal na niya kasi, kaya ramdam na niya ang sakit. Ngayon lang niya na-realize na ganun na pala kalapit sa isa’t isa sila Anthony at Ailyn. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magtiwala kay Anthony, lalo na kung wala siya sa paligid nito.Habang papalapit si Anthony sa sasakyan na kinalululanan ni Analyn, mataman lang siyang nakatingin sa asawa. Nang huminto ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo at kinatok ang salamin, hindi pa rin siya natinag. Kahit na hindi nakikita ni Anthony ang sakay ng sasakyan dahil sa madilim na tint, alam niya sa puso niya na si Analyn ang nasa loob nito. “Analyn.” Ngayon ay may kasama ng pagtawag ang ginawa niyang pagkatok sa bintana. Huminga muna ng malalim si Analyn at
Malakas na itinulak ni Analyn si Anthony.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtatrabaho na si Ailyn sa kumpanya mo?!”“Alam mo na ngayon.”“Huwag kang pilosopo!”“This is the reason why I didn’t tell you. Kapag sinabi ko, magagalit ka rin naman.”“Mahal mo na ba siya?!”Pumikit si Anthony, at saka hinilot-hilot ang pagitan ng mga kilay niya.“Na-inlove ka na talaga sa kanya?” hindi makapaniwalang tanong uli ni Analyn. Nilapitan niya si Anthony at saka hinila ang kamay nito para mapilitan siyang magdilat ng mga mata at tingnan siya.“Analyn…”“Sagutin mo ko, Anthony!”Hinila ni Anthony si Analyn palapit sa kanya. “Isa lang ang Mrs. De la Merced sa buhay ko.”Niyakap ni Anthony si Analyn at saka hinalikan ang buhok nito. Pilit namang humihiwalay sa kanya ni Analyn. “Pero maraming babae.”Pilit namang ibinalik ni Anthony ang asawa sa pagkakayakap. “No. Wala. Kahit isa.”Hinuli ni Anthony ang mukha ni Analyn at saka ito pilit hinalikan sa mga labi. Kahit anong piglas ni Analyn ay hind
Nang itulak ni Analyn ang pintuan ng opisina ni Anthony, nakita niyang nakaupo si Anthony sa mesa nito habang may pinipirmahang mga dokumento habang nakayukong nakaalalay dito si Ailyn, para ilipat ng pahina ang mga pinipirmahan ng aawa. Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa. Konting galaw pa siguro at mahahalikan na nila ang isa’t isa. “Kailan ka pa nagpalit ng sekretarya? Hindi ako na-inform na wala na pala rito ang dati mong sekretarya,” tanong ni Analyn pagkakita sa dalawa. Bahagyang nagulat si Anthony, pero hindi siya nagpahalata. “Analyn, ano’ng ginagawa mo rito? Ipinagbilin ko sa bahay na huwag kang paalisin.”Agad na tumayo si Anthony para salubungin si Analyn. “Bakit? Para hindi ko malaman itong sikreto n’yo?” Tumuwid ng tayo si Ailyn. Kalmado lang itong ngumti kay Analyn. “Miss Analyn, nandito ako as assistant ni Tonton. Ito kasi ang gusto ni Papa.” Matalim na tinitigan ni Analyn si Ailyn. Nakaramdam naman ng takot si Ailyn kaya lumipad ang tingin niya kay Anth
Nanginginig ang buong katawan ni Analyn habang ikinukuwento kay Anthony ang nangyari. Takot na takot pa rin siya, at tanging si Anthony lang ang makakapagtanggal ng takot niya. Hinagod ni Anthony ang likuran ni Analyn. “Itinawag mo na kamo sa pulisya, di ba? Dapat may resulta na ang imbestigasyon nila ngayon.” Umiling-iling si Analyn. “Hindi, Anthony. Masama ang kutob ko. Malakas ang paniniwala ko na hindi basta-bastang pagkawala ito. Malakas ang kutob ko na may kumuha sa Papa ko.”“Shh… huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Malapit na tayo sa dating bahay niya. Baka nandun lang siya.” “Sana nga, Anthony. Sana nga…”NANG dumating sila Anthony at Analyn sa dating bahay ni Damian, walang senyales na galing doon si Damian. Saradong-sarado ito, at naka-lock ng padlock ang pintuan sa labas. Imposibleng makapasok si Damian doon.“Wala siya rito, Anthony. Ano’ng gagawin natin?”Dinukot ni Anthony ang telepono niya mula sa bulsa ng pantalon at saka tumawag sa bahay. Pero wala pa rin d