Abala si Analyn sa pagtapos sa design niya kaya hindi niya namalayan na lunch break na pala. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nagtatayuan na ang mga kasamahan niyang mga designers at isa-isa nang lumalabas sa opisina nila. Marahil ay para mananghalian na.“Analyn, tara na!” pagtawag ng kaibigan ni Analyn na si Michelle.“Eto na,” sagot ni Analyn at saka pinatay ang power ng laptop niya.Nilapitan na ni Analyn ang naghihintay na si Michelle. Palabas na sila ng pintuan ng bumulaga si Karla, ang Mama ni Analyn. “Analyn,” walang emosyong pagtawag nito kay Analyn. Nagtaka naman si Analyn kung bakit siya pinuntahan ng Mama niya. “Magandang tanghali, Tita,” bati ni Michelle. “Michelle, sandali lang, ha?” paghingi ng paumanhin ni Analyn sa kaibigan, tapos ay binalingan ang Mama niya, “‘Ma, dito tayo.”Iginiya ni Analyn ang babae sa balcony sa labas ng opisina nila. “Bakit kayo nandito?”“Analyn, hindi ako nagbibiro. Kailangan na ni Jiro ang pera para sa kasal nila ni Frances.”Ba
Akala ni Analyn, pagkatapos malaman ng mga ka-opisina niya na kasal na siya ay wala ng problema. Napansin niya na nag-iba na ang trato sa kanya ng mga kasamahan niya pagkatapos nun. Iyong iba ay tahasan siyang pinag-uusapan kahit pa nandoon lang siya at naririnig niya. Iyong iba ay nagpupunta pa talaga sa mesa niya at kung ano-ano ang pang-iinsulto na sinasabi sa kanya. Nasasaktan man, pero kailangang tiisin lahat iyon ni Analyn.“Okay lang. Sige lang,” mahinang sabi ni Analyn sa sarili. After all, ang Papa niya naman ang nakinabang sa kasalang inoohan niya.Nang gabi ring iyon, may meeting na dinaluhan si Anthony kaya naman late na siya nakauwi sa bahay. Pagkapasok ng bahay, agad niyang hinubad ang coat niya pati na ang sapatos niya. Nagsuot siya ng tsinelas niyang pambahay at nakahanda ng umakyat ng hagdan nang mapahinto siya sa pag-akyat. May nakita siyang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan ni Anthony ang babaeng nakabaluktot sa sofa. Tila balisa ito habang natutulog. Halos ma
Pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila, saka lang niya nalaman na nagpa-meeting pala ang boss niya ngayong umaga. Wala naman siyang natanggap na abiso kaya wala siyang alam. At dahil hindi siya nakita nito sa loob ng meeting room, as usual, puro insulto na naman ang sinasabi nito kay Analyn sa harap ng buong departamento. Alam na alam ni Analyn dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi nito kahit nasa labas siya ng meeting room.“Hindi ko kailangan ang tatamad-tamad na mga empleyado dito sa departamento ko! Aanhin n’yo ang ganda, kung wala naman kayong sipag sa trabaho? Ano’ng oras na ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Analyn dito?” Alam ni Analyn na kapag pumasok pa siya ngayon sa loob ng meeting room ay hindi naman hihinto si Richie sa pagbira sa kanya. Sa tingin ni Analyn, para pa ngang mas nasisiyahan si Richie na may audience siya habang nilalait siya. Para kasing ang dating mas makapangyarihan siya kapag ganun. Umalis na si Analyn sa la
Walang nakapagsalita sa nangyari. Lahat ay tulala na nakatingin kay Analyn. Hindi nila inaasahan na ang tahimik na si Analyn ay kayang gawin ang ganung katapang na kilos.“Analyn,” pagtawag kay Analyn ng babaeng sinampal niya, “may araw ka rin sa aking malandi ka,” galit na galit na sabi nito, sabay duro pa ng daliri kay Analyn, “pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsampal sa akin.”Hindi na nagawang sumagot ni Analyn dahil pagkasabi nun ay tumalikod na ang babae at naglakad pabalik sa mesa niya. Iyong mga nanonood naman sa kanila ay isa-isa na ring nag-alisan mula sa pagkakatyo nila sa mga puwesto nila. Agad namang hinila ni Michelle si Analyn palayo roon. “Friend, kamag-anak mo pala si Gabriela Silang?” pabirong sabi nito kay Analyn.“Hindi ko naman siya kakantiin, kung hindi niya ako kinanti,” seryosong sagot ni Analyn, “isa pa, masyado ng foul ang binitawan niyang salita sa akin. Hindi ko na puwedeng palampasin.” “Ang inaalala ko lang, friend… baka mapag-initan ka na naman ni boss
“Analyn.”Bahagyang nagulat si Analyn sa pagtawag ni Anthony sa kanya. Lalo na ng lumapit si Anthony sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. “Bakit hindi ka pa diretsong umuwi pagkatapos ng trabaho mo?”Naguluhan si Analyn sa inaakto ni Anthony. Gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito, pero sadyang mariin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lalong nagtaka si Analyn nang lingunin ni Analyn ang lalaking may pilat sa mukha. “Kayo? Ano ba’ng kailangan n’yo?”Sa halip na matakot ang lalaki, bahagya lang itong tuumawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Ang lakas ng loob ni Anthony na sitahin siya gayong nag-iisa lang siya, samantalang ang lalaki ay maraming kasama at mukhang mga palabang katulad niya.“Ano? Magpapakabayani ka ba dito kay ganda?” sita ng lalaki kay Anthony.Hindi sumagot si Anthony, at seryoso lang na nakatingin sa lalaki na tila sinusukat ang kakayanan nito.“Okay, tingnan nga natin ang ibubuga mo,” nakangising sabi ng lalaki kay Anthony. Naglabas ng
Kinabukasan, minabuti ni Analyn na gumising ng mas maaga. Hindi niya kayang harapin si Anthony ngayon. Pagkatapos ng tsismis tungkol sa eksena nila ni Anthony sa elevator kahapon, pihadong hindi rin makakaligtas ang pagtatanggol sa kanya ni Anthony nung uwian.Matagumpay niyang naiwasan si Anthony, pero pagdating niya sa opisina, si boss Richie naman ang nakasalubong niya.Bakit kaya ang agang pumasok nito?Walang pagpipilian si Analyn kung hindi batiin ang boss niya. Ngumiti si Analyn at saka ito binati.“Good morning, boss.”Tiningnan lang siya ni Richie at bahagyang tumango. Walang emosyon ang mukha nito. Nang nakalampas na si Analyn kay Richie, biglang huminto ang lalaki at tinawag si Analyn.Biglang huminto si Analyn sa paglakad at saka hinarap si Richie.“Boss?”“Samahan mo ko mamaya. May dinner party akong pupuntahan. Dress nicely. There are some business partners there. At ayokong
“Enough!”Sabay na napalingon si Analyn at Vi kay Richie. Itinuro ni Richie si Analyn.“Ikaw, Analyn. Huwag kang magparatang sa kasamahan mo. Paano mo nasabing ikaw ang gumawa nito, wala ka ngang maipakita sa akin ngayon. Bakit parang napakagaling mo kung magsalita ka? Wala ka pa namang napatunayan sa departamentong ito. I tell you, kung hindi ka magbabago, hindi ka tatagal sa departamento ko. This design department will not tolerate your bad habits!”Buong tapang na hinarap ni Analyn si Richie.“Boss Richie, design ko ‘yan. Ako ang gumawa. At patutunayan ko ‘yan sa ‘yo.”Bahagyang natawa si Richie.“Patutunayan mo? Kanino? Kapag sinabi ko sa managemen na design ni Vi ito, that's it! Design ni Vi ito, at walang kokontra dun. Sa tingin mo, hindi sila maniniwala kapag sinabi ko ‘yun?”Mariing naikuyom ni Analyn ang malayang kamay niya. Hawak niya kasi sa isa ang laptop niyang ayaw magbukas.So, naniniwala si boss Rich
Nagulat man si Analyn sa sinabi ni Anthony ay naisipan pa rin niyang magpasalamat sa lalaki.“Thank you. Sir. Maraming salamat, pero kaya ko pa naman.”Dahil mukhang desidido naman si Analyn na hindi magpatulong kay Anthony, nilingon ng binata ng assistant niya para senyasang aalis na sila roon. Kaagad namang nagpunta sa CCTV room si Analyn nang naglakad ng palayo ang dalawa.Sa loob ng CCTV room, natuklasan ni Analyn na ang lahat ng video ngayong umaga sa kanilang departamento ay burado lahat. Nanghina siya sa nalaman. Nagsisi siya na hindi siya nagpunta agad sa CCTV room pagkatapos ng sagutan niya kay Vi at boss Richie.Napakabilis ng mga kalaban niya. Nasira agad nila ang ebidensya na panghahawakan niya sana.Saka lang napansin ni Analyn ang sunod-sunod na message alert mula sa telepono niya. Wala sa loob na tiningnan ni Analyn kung bakit. Doon niya nakita sa group chat ng departamento nila ang maraming mensahe ng pagbati kau Vi, kas
Natagalan maghanap sila Analyn at Jean ng taxi driver na marunong magsalita ng Ingles. Halos rush hour na ng nakaalis sila. Matrapik na ang mga kalsadang dinadaanan nila.Medyo madaldal ang driver, at maraming tanong sa kanila. Si Jean na ang sumasagot dito dahil alam niyang wala sa wisyo si Analyn. Mayamaya, nag-ring ang telepono ng driver. Dinukot ng driver ang telepono sa bulsa niya. Nakita ni Analyn nang napangiti ito sa screen ng telepono niya. “Naku, tumatawag ang asawa ko.” “Sige lang po, sagutin n’yo na.” Si Analyn ang sumagot. Base sa pagkakangiti nito ng nakita niya ang pangalan ng asawa sa screen ng telepono nito, obvious na mahal na mahal nito ang asawa. Ganun nga ang ginawa ng driver. Masaya nitong sinagot ang tawag ng asawa. Kaya naman nag-drive ito na isang kamay lang ang may hawak sa manibela at ang isang kamay ay hawak ang telepono niya na nasa tenga. Nasa malalim na pag-iisip si Analyn nang bigla na lang na nakarinig siya ng malakas na tunog at ang sigaw ni Jean
Ininom na ni Analyn ang gamot na inireseta ng doktor at bahagyang umigi ang pakiramdam niya. Pero nahihirapan siyang matulog at walang ganang kumain. Naiisip niya si Anthony. Alam niyang hindi basta-basta ang pinagdadaanan nito ngayon. At para malibang, bumaba siya sa coffee shop na nasa ibaba ng hotel na tinutuluyan dala ang laptop niya at doon gumawa ng mga disenyo para sa proyekto nila sa Blank para malibang at maalis sa isip niya ang kalagayan ng negosyo ngayon ni Anthony..Mayamaya, napagod na si Analyn kaya huminto muna siya sa ginagawa. Bigla na naman niyang naalala ang kondisyon niya. Inihawak niya ang isang kamay sa tiyan niya. “Baby, naririnig mo na ba ako?” Hinimas-himas ni Analyn ang impis pa niyang tiyan. “May mabigat na pinagdadaanan ngayon ang Daddy mo. Magkasama nating i-monitor ang tagumpay niya. Okay ba?”“Kung sakaling mabibigyan ka uli ng panibagong buhay, pakiusap… hanapin mo uli ako. Bumalik ka uli sa akin, anak ko.” Nang di inaasahan, nakita niyang pumasok a
Nang dumating si Analyn sa ospital, wala pa ang doktor kaya pinaupo muna sila. Hindi naman nagtagal at dumating agad ang doktor. Mabuti na lang at siya pa lang ang unang pasyente kaya mabilis siyang naisalang sa check-up. Matamang nakinig ang doktor sa deskripsyon niya sa sakit na nararamdaman niya. May ilang procedure pang ginawa sa kanya, tapos ay kinausap na siya nito. “Miss, gagawan kita ng referral sa OB-Gyne Department,” sabi ng doktor habang inaabot ang notepad na nasa gilid ng mesa niya.“OB-Gyne?” pag-uulit ni Analyn. Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Ang alam niya ay para sa mga may balak magbuntis o buntis lang ang nagpapa-check up sa ganung doktor. Napahinto sa pagsusulat ang doktor sa notepad niya. “Oo. The pregnancy cycle is 23 days. And the baby is misplaced in your fallopian tube, complicated by cervical inflammation, infection and bleeding. Kung ako ang tatanungin, I want to suggest the removal of the fetus. But ang OB pa rin ang may final say dito.” N
Nakahiga lang si Analyn sa kama. Nawala na ang sakit sa tiyan niya, pero tinatamad pa siyang kumilos. Hindi rin siya pumayag na samahan siya ng sekretarya ni Anthony. Sa palagay niya, mas kailangan siya ni Anthony sa meeting nito.Nag-video call si Elle, ngiting-ngiti ito sa screen.“Bakit ganyan ang ngiti mo?”[“Sikat na sikat kayong dalawa ni Anthony dito sa Tierra Nueva.”]Nagtaka si Analyn sa sinabi ni Elle, isama pa ang malisyosong ngiti nito.“Bakit?” [“Balitang-balita ang paglipad ni Mrs. De la Merced papuntang Hongkong para suportahan ang asawa niya sa krisis ng DLM Group.”]“Sus!”Tumawa lang si Elle. “Nag-aalala ako sa kanya, Elle.”Nagkibit-balikat si Elle. Pagkatapos ay umiba ng ayos sa sofa na kinauupuan niya.[“Good! In love ka na talaga kay Kuya Anthony, ha…”]“Sira! By the way, binigyan ko ng trabaho iyong dalawang bago natin. Kaya bawas na ‘yun sa trabaho n'yo ni Michelle.”[“Gor it!”]Kumunot ang noo ni Analyn. “Nasaan ka? Bakit parang nasa ibang bahay ka? Wala k
Pinagmasdan ni Ailyn ang itsura ng bagong gising na si Anthony. Ni hindi pa nga yata ito nakapaghilamos ng mukha, pero guwapo pa rin ito. “Ailyn? Ano'ng ginagawa mo rito?” Napansin ni Anthony na kakaiba ang binis nito ngayon. Sa unang tingin pa lang, alam niyang branded ang lahat ng suot nito sa buong katawan, pati na ang nakasukbit na bag sa balikat niya. Ibang-iba sa dating ayos niya ng una niya itong nakita.“Pinapunta ako rito ni Boss Edward. Kailangan mo raw ang impormasyon na dala ko.” Tiningnan pa ng mga mata ni Ailyn ang hawak na envelope.Tumaas ang isang kilay ni Anthony. “Ano'ng impormasyon?”Mahina lang ang pagkakatanong nun ni Anthony pero tila kulog ang dating nun sa pandinig ni Ailyn. Bahagyang nanlamig at nanginig ang katawan niya sa takot sa lalaki. “E-Eto. H-Hawak ko ngayon.” Napansin ni Anthony ang pagka-utal ng kausap. “Are you afraid of me?”Lumunok si Ailyn. “Aware naman siguro ni Sir Anthony na halos lahat ng tao sa Tierra Nueva ay takot sa kanya.”Walang sa
“Analyn, come here,” tawag ni Anthony sa asawa. Agad namang lumapit si Analyn. Ganun din, ang babaeng nasa likuran ni Anthony ay naglakad papunta sa kinauupuan ni Edward. Bahagya pang nagkasagian ang mga manggas ng mga damit nila. Napatingin tuloy sila sa mukha ng isa't isa, tila pilit kinikikilala ang bawat isa.“Uuwi na ba tayo?” tanong ni Analyn ng nasa harap na siya ni Anthony. “Yes,” sagot ni Anthony at saka hinawakan sa kamay ang asawa at giniya palayo roon. “Kanina pa kayo nag-uusap?” tanong ni Anthony habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng sasakyan niya.Inalis ni Analyn ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Anthony at saka naglalambing na humawak sa braso nito.“Hmm? Hindi naman…” “Bakit ka lumabas sa kuwarto? Sabi ko sa iyo, doon mo ko hintayin.” “Naiinip na ko. Mag-isa lang ako dun.”Sinalubong sila ng sekretarya ni Anthony, may bitbit itong coat sa isang kamay niya.Kinuha mula sa kanya ni Anthony ang coat at saka ipinatong sa balikat ni Analyn.Pagkaup
Wala sa loob na nasapo ni Brittany ang nasaktang pisngi, kasabay ng pag-agos ng mga luha. Hilam sa luha na itinaas niya ang mukha at tiningnan ang ama. Ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay nito sa loob ng mahabang panahon. Mataas at malakas ang paghinga nito na halatang hindi pa rin bumababa ang emosyon nito. Nanginginig ang kamay na itinaas niya iyon at saka itinuro si Brittany.“Kapatid mo siya kaya huwag mo siyang itrato ng ganyan!”Pinahid ni Brittany ang basang pisngi. `“Ni hindi ko nakita o naabutan ang buhay ng sinasabi mong kapatid ko at kung anong klaseng kapatid siya! Pero ikaw, anong klaseng ama ka ba sa akin? Nung bata pa ako, hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo. Nasa nawawala kong kapatid lang ang atensyon mo! Buong panahon at oras mo, inubos mo sa paghahanap sa kanya! Siya lang ang mahal mo, hindi mo ako mahal.” “At ano naman ang alam mo nung mga panahon na iyon? Masyado ka pang bata para sa mga kadramahan. Kung may dapat piliin noon, natural na siya ang pipiliin
Hindi nakikita ni Analyn ang reaksyon ni Brittany dahil nakatalikod siya sa babae. Hindi niya nakita kung paanong halos mawalan na ng kulay ang mukha nito. Minabuti niyang isuot na ang mga damit na hinubad, kaya naman gusto niyang lumabas na si Brittany doon. “Miss Brittany, wala ka pa bang balak lumabas? Hindi pa ba tayo tapos?” tanong ni Analyn habang dahan-dahang nagbibihis ng nakatalikod kay Brittany.Hindi na sumagot si Brittany. Pakiramdam niya ay napipi siya at hindi alam ang sasabihin. Nagmamadali siyang lumabas doon. Pero pagkalabas niya sa banyo ay hindi siya tuluyang lumabas ng kuwarto. Sumandal siya sa dingding sa tabi ng pintuan ng banyo at saka sinapo ang dibdib. Parang nahihirapan siyang makahinga sa natuklasan niya. Paano nangyari ‘yun? Paano’ng may ganung balat si Analyn sa likuran niya? Wala sa loob na napasalampak ng upo si Brittany sa parehong puwesto habang bumabalik sa isip niya ang nangyari noong mga nakaraang araw. NUNG araw ng auction, pinatawag si Britt
“Oh… Nandoon ka ng saksakin ako ni Vivian sa tagiliran ko. Nagka-peklat ako sa parte ng katawan ko na ‘yon. Pero ano’ng ginawa ni Anthony? Binurdahan niya ng tattoo ang ibabaw ng peklat para matakpan iyon. Isa iyong rose na napapalibutan ng mga stem na may mga tinik, ibig sabihin daw nun, siya ang stem na may mga tinik at ako ang rose. Gusto niya akong bakuran, iyon ang ibig sabihin ng tattoo. Gusto mo bang makita? Di ba, to see is to believe?”“Walanghiya ka!” galit na sagot ni Brittany. Umismid si Analyn. “Walanghiya talaga ako. Kaya nga okay lang sa akin na makita mo ang tattoo sa katawan ko.” Dahil nakita ni Analyn na apektado na si Brittany sa mga sinabi niya, at nasira na niya ang momentum ng babae, ipinagpatuloy niya ang pagsasabi rito ng pwede pa niyang ika-inis. “At alam mo ba, kapag nagigising ako sa pagtulog sa gabi at nauuhaw ako? Gigising din si Anthony para bigyan ako ng tubig. At kapag nauuna siyang magising sa umaga, gigisingin niya ako ng mga halik niya. At walang