Share

Chapter 112

Author: EL Nopre
last update Huling Na-update: 2025-09-23 21:15:57

"BYE."

Ngumiti lang ako sa mga empleyado na bumati at nagpaalam sa akin. Ang ilan sa kanila ay overtime. Ako naman ay tapos na nang 5pm.

Magkasabay na umalis sina Josh at Kino kanina para sa isang dinner meeting. At hindi na ako pinasama. Pero ayoko pang umuwi. The house will feel more empty to me ngayon na alam ko na ang totoo sa pagkatao ng may-ari niyon.

Mag-isa akong sumakay sa elevator. Tapos na ang rush hour kaya walang nag-uunahan o nagsisiksikan na mga empleyado.

"Ano naman kung siya ang CEO?"

Kailangang mailabas ko ang hinanakit ko sa dibdib bago matapos ang araw dahil baka sumabog na iyon. Kausap ko ang sarili kong repleksiyon sa salamin ng pinto ng elevator.

"Kahit anak pa siya ng presidente ng Pilipinas, wala akong pakialam. Kung hindi lang ako nagpipigil, napatikim ko na sa kanya ang natutunan kong flying kick at side punch."

Nakipagsuntukan ako sa ere. Hindi ako makasipa dahil hindi gaanong malawak ang espesyo kaya ang mga kamao ko na lang ang pinakilos ko.

"Mukhang kail
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit
goodnovel comment avatar
Cris Tea
more uodate pa please ms. a
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 198

    PAST nine nang nakauwi si Josh dahil may tinapos pa siya sa opisina. Maaga naman na nagpaalam sa kanya kanina si Denise. Magkikita raw sila ni Emie at bibisita sila sa bagong bahay ni Hector.Pero wala pa ito sa bahay nang dumating siya. Naghintay siya nang halos isang oras. Kahit cellphone nito ay naka-off kaya hindi niya ito matawagan.Hindi siya nag-aalala. Nakakaramdam lang siya nang matinding selos."Mukhang nawiwili na siya kay Emie, ah? At bakit kailangan niya pang pumunta kina Hector? Hindi naman sila close!"Tumayo si Josh at sumilip sa bintana. Wala pang komosyon sa labas o kahit ilaw man lang nang paparating na sasakyan."Haist! Nakalimutan na ba niyang may asawa siyang naghihintay rito?"Nagpalakad-lakad si Josh. Hindi siya mapakali sa pag-iisip. Marami nang mga hindi magagandang senaryo ang pumapasok sa utak niya.Well, hindi niya maikakaila na guwapo talaga si Hector. Magkaibigan silang dalawa noon bago pa man siya nito trinaydor. Habulin talaga ito ng mga babae. He's on

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 197

    GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 196

    "WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 195

    HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 194

    PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel

  • I UNINTENTIONALLY MARRIED MY CEO BOSS   Chapter 193

    "MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status