HINDI nangyari ang hiling kong maglaho na lamang kaya ako na lang ang tumalikod at umalis. Pero marahas na hinablot ng ama ko ang isa kong braso at saka ako itinulak.
Pumutok ang noo ko nang tumama iyon sa kanto ng mesa matapos na mawalan ako ng balanse at matumba. Pero hindi ko man lang kinakitaan ng pagkabahala ang lahat. Para ngang natutuwa pa ang mga ito. "Hanggang naririto ka sa pamamahay na ito, batas ko ang masusunod dito! Kung gusto mong umalis, pakasalan mo si Damian!" Napapikit ako habang nasasapo ko ang dumugo nang noo ko. Hindi ko ramdam ang sakit niyon kundi ang walang puso na pagtrato sa akin ni Papa. Wala nang mas sasakit doon. Kaibigan nito si Mr. Damian Cheng. Isang matandang Chinese national na may-ari ng ilang sabungan at manukan sa lugar namin. Hindi pa ito nakuntento sa anim na mistress at gusto pa akong isama sa mga koleksiyon nito. Nagpakita ito ng interes sa akin noong minsan itong dumalaw sa papa ko. "Kapag pinakasalan mo siya, bayad na ang mga utang ko sa kanya at bayad ka na rin sa amin. At magbibigay pa raw siya nang malaking halaga para pang-negosyo ng mga kapatid mo." Nanghihina man ako dahil sa halo-halong mga emosyon na nararamdaman ko, pinilit ko pa ring tumayo. Sumusuko na ako. Hindi ko na kaya. Umabot na ang pagtitiis ko sa hangganan. "Sige. Pakakasalan ko siya." Kasal sa legal na asawa si Mr. Cheng. At nasa China ito. Pera lang ang katapat sa muling pagpapakasal nito sa kahit sino man na babae na magustuham nito. "Talaga?" Nakita ko na huminahon si Papa at natuwa naman ang pamilya ko. "Oo." "Sasabihin ko agad kay Damian." "Pero..." Hinintay ko munang lumingon si Papa nang tumalikod na ito at akto nang aalis, "Patay na akong haharap sa altar." "Gusto mong ako mismo ang pumatay sa 'yo?" sigaw ng madrasta ko. Tinungo ko ang kusina at kinuha ko ang isa sa mga kutsily○ sa drawer. "Heto. I****k mo iyan mismo sa puso ko para siguradong patay agad ako dahil kayo rin lang ang magagastusan kapag nagtagal ako sa ospital." "Aba, matapang ka na." Sinundan ko ng tingin ang pagtungo sa harapan ko ng madrasta ko. Kinuha niya ang kutsily○ at saka binaliktad iyon bago ibinalik sa kamay ko. Lumikha ng hiwa ang talim niyon sa palad ko. At napaigtad ako sa sakit. Napasulyap ako kay Papa. Umiwas ito ng tingin at mas pinili nitong maupo kaysa awatin o sawayin ang asawa. Ang dalawa sa tatlo kong kapatid ay dumating din, pero pinanood lang nila ang nangyayari. Ang mga hipag ko ay bumalik sa labas at sigurado na inulan na naman ng tsismis ang mga kapitbahay na ako ang masama. "Makakaalis ka lang dito kapag ikinasal ka na. Kaya hanggang wala pang lalaki ang magtitiyaga sa 'yo, bubuhayin mo ang pamilyang ito." Alam na alam nila ang kahinaan ko. Ang pumasok sa isang relasyon. I hate being in a relationship lalo na ang magpatali sa lalaki habangbuhay. Because I never once believed that true love and forever exist. Walang ganoon sa mundo. Everything is already predetermined. I just need to go with the flow of life. "Pa'no ba iyan? Mukhang lahat tayo rito magiging pabigat na dahil natanggal na ako sa trabaho." "Ano?!" bulalas ng lahat. Nakita ko si Papa na napatayo. Parang gusto na naman nito akong saktan dahil sa sinabi kong masamang balita. "Sino na ngayon ang aako ng mga responsibilidad sa pamilyang ito?" "Maghanap ka ng trabaho!" sagot ni Papa sa akin. Hindi man lamang nito tinanong kung bakit ako natanggal. "Marami pa riyan. Maghanap ka nang mas mataas ang sahod. Nakapagtapos ka ng kolehiyo kaya dapat magandang posisyon sa kompanya ang mapasukan mo. Hindi 'yong basta ka na lang nagtitiyaga sa kung ano lang ang bakante." Nakapagtapos nga ako ng pag-aaral, pero sa sarili ko namang pagsisikap. Wala roong naiambag ang pamilya ko. Wala rin silang maiaambag dahil madalas sabihin sa akin ng madrasta ko noon na mas uunahin niya ang sariling mga anak. Tumalikod na ako. "Saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin ang madrasta at Papa ko na humabol pa sa paglabas ko. "Hindi pa kumakain ang mga tao rito!" Tumigil ako sa paghakbang at saka ko uli hinarap ang madrasta ko. Sinulyapan ko rin si Papa na punong-puno nang pagkamuhi. Kasusuklaman ko ito habangbuhay. "Mamamatay pala kayo nang wala ako, sana ginandahan niyo na ang pagtrato sa akin." "Ikaw -" Maagap kong nahawakan ang kamay ng madrasta ko nang paliliparin sana niya ang palad sa pisngi ko. Ubos na ubos na ang pasensiya ko sa kanila. "Tama na! Sawang-sawa na ako sainyo!" Wala na akong pakialam sa lakas ng boses ko o pag-usisa ng mga nag-uumpukan na kapitbahay sa labas ng aming bakuran. Isa lang ang kinakapitan ko kaya hindi ako makaalis-alis sa bahay na iyon. Dahil alam ni Papa kung nasaan si Mama. Nangako itong sasabihin sa akin ang kinaroroonan niya kapag nabayaran ko na lahat nang utang nito. Pero hindi ito nauubusan ng utang. Dumadagdag pa hanggang ako na ang umako sa dapat ay responsabilidad nito sa pamilya. "At anong gagawin mo?" singhal ng madrasta ko. "Aalis na ako rito at hinding-hindi niyo na ako makikita kahit kailan!" Hindi na ako nagpapigil pa. Hindi na rin ako lumingon. Halos patakbo na akong lumayo. Handbag ko lang ang dala ko. At hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Bahala na. Bahala na ang tadhana sa akin."ANO pang hinihintay mo riyan?""H-Ho?""Kumilos ka na."Napasulyap muna ako kay Renzo bago ako nagmamadaling tumungo sa itinuro ni Jonas.Tumayo ako sa kanang bahagi ng kotse. Pero ang kaliwang pinto ang nagbukas kaya agad-agad akong lumipat doon."The CEO has arrived!" anunsiyo ng isang lalaki.Lumabas ang mga bodyguard mula sa unahan ng sasakyan at tatlo pang nasa likuran. Saka rin lang pinahintulutan ang press na kumuha ng coverage. But they were barricaded by Magnefico's security team.Susundan ko sana ng tingin ang may-ari ng mahabang hita na unang lumabas sa pinto, pero naagaw ang pansin ko nang paglapit ni Kino. Gusto ko sana itong senyasan na umalis, pero yumukod ito."Sir..."Saka lang ako napabaling sa mataas na bulto ng katawan na lumabas sa kotse at binati ni Kino.Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. I was not expecting to be in a dream, pero mukhang iyon nga yata ang nangyayari."Bakit maraming tao rito?"No. I think I'm not dreaming. His voice is not just th
NAPATAKIP ako sa nakaawang kong bibig. At ramdam ko sa dibdib ko ang pagbilis ng tibok ng puso. Para akong kakapusin ng hininga habang naaalala ko ang isa sa naging pag-uusap namin ni Josh."Sino naman ang mukhang espasol na 'yan?''''Si Renzo Alegre Myeharez. Ang nag-iisang apo ni Chairman Myeharez. At hindi siya mukhang espasol. Mestiso siya.''''Huh! Hamak pa rin na mas guwapo ako riyan!''Sandali akong napaisip. Iba ang pagpapakilala sa amin ni Renzo."Wait. Tama ba ang pagkakaalala ko?"If I'm right, Renzo Alegre Nuńez ang binanggit sa aming pangalan noong araw na maupo sa posisyon ang bago naming director."But what if he's the CEO? Darn! I'm doomed!""Okay ka lang?" tanong ni Kino. "Kakainin mo ba iyan o hindi?""I think I lost my appetite."Isinara ko ang glove box at laglag-balikat akong napasandal sa kinauupuan ko."Anong gagawin ko? Hindi puwedeng mawala sa akin ang trabaho ko. Ito lang ang natitirang pag-asa ko para makalaya ako sa pamilya ko.""May problema ba?"Umiling l
SA buong araw ng Sabado at Linggo ay hindi umuwi si Josh. Nakapatay pa rin ang cellphone niya."Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Hindi ba niya alam na nag-aalala rin ako? Paano kung magkaroon ng emergency rito sa bahay niya? Hindi ko man lang siya ma-reach out."Baka hindi ko lang natitiyempuhan na naka-on ang cellphone ni Josh kasi nabasa naman niya ang mensahe na ipinadala ko tungkol sa welcome party ng bagong director ng Marketing."Kahit text o voice mail hindi niya man lang magawa? Haist! Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya!"Kinuha ko ang number ni Kino. At siya ang kinukulit ko nang kinukulit. Pero hindi ko rin siya makausap nang matino dahil marami siyang alibi para umiwas."Teka." Napaisip ako. At lalo tuloy akong kinabahan. "Paano kung nakulong na siya nang dahil sa mga utang niya?"Gusto ko nang hilahin ang araw para mag-Lunes na. Si Chairman Myeharez na lang ang tatanungin ko kasi sa opisina nito huling pumunta si Josh. Baka may alam ito."Haist! Nakakainis talaga
"DRINKS and foods are in the house!"Naghiyawan ang lahat bilang tugon sa malakas at masayang anunsiyo ni Renzo. Tahimik lang ako sa isang mesa kasama ng ilan sa mga katrabaho ko.Parang gusto ko nang hilahin ang oras para makauwi na. Nag-aalala kasi ako. Naka-off pa rin ang cellphone ni Josh. At hindi rin siya nasagot sa mga message ko.Wala namang problema kung hindi niya ako masundo. Puwede akong mag-taxi. Pero sana man lang ay magparamdam siya nang hindi na ako nag-iisip ng mga bagay na hindi maganda.Josh used to take my call. At kahit simple o maiksi lamang ang mensahe, nagre-reply agad siya. Hindi niya ako pinaghihintay ng matagal."Hey," untag sa akin ni Nomi. "Okay ka lang?""Oo naman.""Nakangiti at nagsasaya ang lahat, pero ikaw para kang namatayan."Lalo lang tuloy nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa huling salita na sinabi ni Nomi. "Ano ka ba?" asik ko."O, bakit?""Huwag kang magbabanggit nang tungkol sa patay dahil malas iyon!""Mas malas kung nakatunganga ka lang
"THERE'S no one who has no family. Lahat ay may pamilyang pinagmulan."Binalingan ko si Renzo. "Tama. Lahat nga ay may pinagmulan, pero hindi lahat ay may kinamulatan. Orphans.""Oh," maikli niyang sambit na nagpatigil sa kanya sa pagtawa."And someone like me who was not loved and was abandoned.""Sorry to hear that."He didn't sound apologetic. He is more like mocking me, not concern at all. As I have dashed my eyes to him, I saw him smirked.Ang gaan na naramdaman ko sa kanya noong una ko siyang makaharap ay bigla na lang bumigat."It seems you're not an orphan. Nasaan ang pamilya mo?""Si Papa, may bago na siyang pamilya. I have three half-siblings. But sometimes, I despise their existence."Napansin ko na dumiin ang hawak ni Renzo sa manibela. Kumulimlim din ang kanyang mukha nang mapasulyap ako sa kanya."Why?""Dahil nasira ang pamilya ko nang dahil sa kanila.""Hindi iyon kasalanan ng mga anak.""Pero kung alam nila na anak sila sa pagkakasala, bumawi man sana sila sa ugali. '
I SAW a new personality in him habang tumatawa siya. Like those of a villain that I have watched on the dramas.Pero baka mali lang ako."You will choose love over money. Is that your answer to my question earlier?"Hindi ako umimik. Kahit naman mukha akong pera, makapangyarihan pa rin sa akin ang pag-ibig. At naniniwala ako na kayang pakilusin nito ang isang tao para pasayahin ang kanyang minamahal. And together, they can defeat obstacles that come on their way, and then they will live happily ever after.That's how the story I want for an ending. It's not realistic, pero baka posible naman. As I have said, love is powerful."You may go now."Hindi agad ako nakatayo. Iniisip ko kasi na mahaba-haba ang magiging usapan namin.Nasa intro pa lang ako ng pagpapakilala sa sarili ko. It seems he's not interested in knowing more about me. Balak ko pa naman sana na ikuwento sa kanya ang talambuhay ko."I'll call you again kung magpapatimpla ako ng kape."His tone became cold. O, baka naging