LOGIN
"YOU'RE FIRED!"
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon mula sa manager ko. Under six months probation pa lang ako bilang sekretarya, pero hindi man lang niya ako pinatapos. Dalawang linggo na lang sana bago ang probation period. Maliit na bagay lang naman ang dahilan kaya siya nagalit. Hindi ko nasundo ang anak niya sa eskuwelahan nito. Kahit na hindi na iyon sakop ng trabaho ko, hindi ako nagrereklamo. Mas mahalaga kasi sa akin ang sasahurin ko. Kahit pa maliit na sentimo ay malaki na ang maitutulong niyon sa tulad kong kapos sa pinansiyal. Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko sasabihin sa pamilya ko na natanggal na ako. Ako pa naman ang breadwinner. At wala kaming ibang kabuhayan. Wala ring pinagkakakitaan ang mga tamad kong kapatid na puro lalaki sana, pero lahat naging pabigat sa akin. Sandali akong napahinto nang tumapat ako sa bahay namin. Naglalaro sa harap ang apat kong pamangkin. At ang ina ng mga ito ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga kapit-bahay. Sumasakit ang ulo ko tuwing umuuwi. Nararamdaman ko lahat nang pasan ko na mabigat sa balikat ko mula nang umalis si Mama. Masama ang loob ko sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na si Mama ngayon. Pero gusto ko pa rin siyang makita. Marami akong gustong itanong sa kanya. At gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko kasalanan na iluwal dito sa mundo. Kung maaari lang sanang pumili ng pamilya, hindi ko pipiliin ang meron ako ngayon. "Tita!" Napukaw ang diwa ko sa malalim na pag-iisip nang tumatakbong lumapit ang mga pamangkin ko na yumakap pa sa may paanan ko. Maliliit pa ang mga ito. Limang taon ang pinakamatanda at magdadalawang taon ang pinakabata. Kahit malaki ang inis ko sa mga hipag ko na puro rin palamunin at asa sa lahat, wala pa ring kasalanan ang mga bata. "Tita, may pasalubong ka po?" Inilabas ko ang ilang pakete ng maliliit na biscuits sa bag ko na nakuha ko kanina sa free taste sa nadaanan kong food stand. "Hati-hatiin niyo," bilin ko sa mga bata nang iabot ko iyon. Natuwa naman ang mga ito. "Huwag kayong mag-aaway, ha?" Mabilis nang umalis ang mga pamangkin ko na tumungo at naupo sa gilid ng gate ng bahay namin at inabala na ang mga sarili sa kakarampot na pagkain na para sa mga ito ay malaking biyaya na. Sana lang lahat sa pamilya ko ay marunong ding mag-appreciate tulad nang mga ito. "Sana dinamihan mo na..." Nabaling ang tingin ko kay Neri. Asawa ito ng panganay ng ama ko sa pangalawa nitong asawa. At dito talaga kumukulo ang dugo ko. "Wala akong pera pambili nang marami." Pumasok na ako sa bakuran hanggang sa loob ng bahay, pero sinundan ako ni Neri. "Ganyan namani ang sinasabi mo na lagi kang walang pera, pero nakakabili ka ng bagong damit at sapatos." "Bumibili ako dahil kailangan ko sa trabaho." "Kailangan din namin dito." Hinarap ko si Neri. Inuubos talaga nito ang pasensiya ko. "Kung gan'on pala, bakit hindi kayo magtrabaho nang mabili niyo lahat nang gusto niyo?" "Makakapagtrabaho ba ako na maliliit pa ang mga anak ko? Sinong magbabantay sa kanila?" "At anong ginagawa ng batugan mong asawa? Bakit hindi mo sa kanya ipasa ang responsabilidad bilang isang magulang?" "Hindi siya batugan! Wala lang siyang mahanap!" "Dahil hindi naman talaga siya naghahanap!" "Huh! Malakas lang ang loob mong magsalita nang ganyan dahil ikaw ang bumubuhay sa pamilyang ito!" "Mabuti naman at alam mo? Kaya sana, kahit sa mga gawaing-bahay ay tumulong kayo. Ako pa ba ang inaasahan ninyong maglinis ng mga kalat niyo? Ako pa ba ang maghuhugas nang mga pinagkainan niyo?" Hindi ko na kailangang suyurin pa ang paligid dahil iyon at iyon din lang naman ang nadadatnan ko araw-araw; marumi, makalat. "Uy, sinisigawan mo ba ang asawa ko?" Natuon ang tingin ko sa paglapit ni Ponce. Malaki ang pangangatawan nito, pero hindi marunong magbanat ng buto. Dalawang buwan lang ang agwat ng edad nito sa akin. Ibig sabihin, nagloloko na ang ama ko noong nasa sinapupunan pa lang ako ng mama ko. "Babe, pinagsalitaan niya ako ng masasakit?" sumbong ni Neri na pinalukot pa ang mukha upang mas paniwalaan ng asawa. "Bawiin mo ang mga sinabi mo sa kanya!" sigaw ni Ponce. "Alin sa mga sinabi ko ang babawiin ko? Ang sinabi kong batugan ka? Palaasa? Ang pagsabi ko sa kanya na matuto rin kayong magtrabaho para nabibili niyo lahat nang gusto niyo? Ang pagsabi ko na kahit sa mga gawaing-bahay ay marunong din sana kayong tumulong?" Napipilan si Ponce. "Bakit ba ang ingay-ingay niyo na naman?" Napatiim-bagang ako nang makita kong pumasok si Papa na lasing. Kaabay nito ang madrasta ko na may hawak pang ilang piraso ng bingo cards. "Nagrereklamo at nanunumbat na si Denise sa pagbuhay sa atin!" sumbong ni Ponce. "Sinabi mo 'yon?" "Pa -" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko mula sa aking ama. At nakita ko pa ang pagngisi ng madrasta ko. "Anong karapatan mo? Ang pamilyang ito ang bumuhay at nagpalaki sa 'yo noong iwan ka ng walang kuwemta mong ina! At ito pa ang igaganti mo?" Nang mga oras na iyon ay gusto ko na lamang maglaho. Sa kabila nang ginawa kong paghihirap at pagtitiis, wala pa rin akong halaga sa ama ko. Marami na akong isinakripisyo, pero hindi man lang nito nakita ang kontribusyon ko sa pamilya nito na sana ito ang tumataguyod.GUSTO nang patikumin ng suntok ni Olivia ang nakabukang bibig ni Renzo na kanina pa hindi matigil sa kakatawa. Hindi na nga nito halos maikuwento nang maayos sa ina ang dala nitong magandang balita.Well, for them it's good news. Pero para sa kanya, isa iyong bangungot. Marami na rin naman siyang nakaharap na mga kriminal. But these two are beyond evil. They used the pain of others to get the things they really wanted; fame, wealth, and power. Kahit pa ang maging kapalit niyon ay kalungkutan o buhay ng ibang tao. They didn't care at all."Will you stop!" asik ni Margarita."If you can see her face, Ma, siguradong mababaliw ka rin sa kakatawa. Oh, my! She's deadly serious and emotionally distraught!""Yes, I get it. Pero simulan mo sa simula para mas maintindihan ko."Umayos naman sa pagkakasalampak ng upo si Renzo at sumeryoso ito. "I was not really sure when I came there that we will get a positive result. Helena is smart as she is a successful businesswoman. So, I doubted if she wou
"WHY of all places? Bakit naman dito, anak?""Dahil ligtas kayo rito," tugon ni Hector sa naging tanong ng ama."Hindi iyon ang nakikita namin," wika naman ng ina ng binata."Believe me. This place is safe. I've been here many times."Sinundan din ni Hector ang pagsuyod ng tingin ng mga magulang sa paligid. Bago pa nakalabas sa ospital ang ama niya ay nakabili na siya ng bago nilang malilipatan. At ilang bloke lang iyon mula sa bahay nina Emie. Sa Tondo.Malayong-malayo ang lugar na iyon sa nakagisnan ng kanyang mga magulang.Hindi kalakihan ang bahay. Pero maayos naman itong tingnan; semi-bungalow at medyo may malawak itong bakuran saka driveway.Nag-migrate na sa Amerika ang dating nagmamay-ari nito at ibinenta na iyon. Eksakto naman na naghahanap siya ng malilipatan nila noon.Siguro nakatadhana siya hindi lang para kay Emie. He is also destined to live in a place na kilala sa Maynila na magulo at matao.Alam niyang maninibago ang kanyang mga magulang sa magiging buhay nila. Pero i
HUMAHANGOS na pumasok si Pavlo. At natuon naman ang tingin dito ni Helena mula sa kinauupuan niya sa mahabang sofa."Amigo."Tinabihan ni Pavlo si Helena. "How do you feel? Kailangan mo ba nang gamot? But it would better kung dadalhin kita sa ospital."Pinigilan niya ang kaibigan sa braso nang akto itong tatayo. "There's no need.""Pero mukhang hindi ka okay."Yumakap siya sa kaibigan saka siya muling humagulhol."What really happened?" usisa nito habang masuyong tinapik-tapik sa likuran si Helena."It's just painful. Let's stay like this for a while. I'm really exhausted."Sandali ngang nanatili sa ganoong posisyon ang dalawa hanggang sa kumalma si Helena.Humiwalay siya sa yakap at tinuyo ang mga luha. "I will be fine.""Uminom ka kahit gamot.""I took it already.""Good. Teka nga pala. Bakit hindi ko nakita sa labas ang assistant mo? At wala rin siya rito sa loob." Pinagala pa nito ang tingin sa paligid ng silid. "Did you send her away for an errand?""I fired her.""What?" bulalas
PIGIL na pigil ni Helena ang bumabangon na galit sa kanyang puso. Ang inaasahan niya ay isang masayang pagtatagpo. But she feels more betrayed. And it happened over and over again since she came back to the Philippines. Trust is really not easy to give and find.She wanted to curse Renzo for fooling her, betraying her, using her. But Josh reminded her something. To know her enemies and be wise with her action."Tahan na po," malumanay na saway ni Olivia habang tinatapik-tapik sa likuran ang kayakap."I'm sorry. I just can't believe it." Luhaan siyang kumalas at tumitig uli sa dalaga. "Ikaw na nga ba iyan, Lily? Ikaw ba talaga ang nawawala kong anak?""Pasensiya na po. Wala kasi akong maalala tungkol sa kabataan ko. Ang alam ko lang po ay may iniwan sa akin na bracelet noon si Mama bago siya umalis. At iyon na ang naging huling alaala ko sa kanya.""Come here, come her." Inalalayan ni Helena ang dalaga na maupo. At tumabi siya rito. "Did you have it?""Ho?""May iniwan nga akong bracel
"MADAM, nandito po si Director Nuńez."Mula sa pagtanaw sa kawalan ay natuon ang tingin ni Helena sa kanyang assistant. Hindi agad siya nakasagot. Inaanalisa niya pa sa isip ang napag-usapan nila ni Josh."Let him in.""Yes, Madam.""By the way..."Huminto ang assistant sa akto na sanang pagtalikod. "Yes, Madam?""This would be your last day working with me.""H-Ho?""Ayoko nang makita kita pag-alis ng bisita.""Pero, Madam -""Don't ask the reasons. Dahil baka sa presinto na kita sagutin niyan."Hindi na ulit nag-usisa pa ang babae. Agad na itong tumalikod at nagmamadali nang lumabas ng silid. Sumalubong dito si Renzo na nasa harap na ng pinto."Anong sabi?""Sir, tinanggal na niya ako sa trabaho.""Hindi iyan ang gusto kong marinig. Can I come in?""Mukha pong alam na ni Madam Helena na nagtatraydor ako sa kanya. Nakita niya ang pinakabit mo sa aking audio bug.""Shut up," saway ni Renzo na napatingin pa sa ilang bodyguard na hindi kalayuan sa kanila."Sorry, sir.""Let's talk about
PAREHONG napatda sina Josh at Renzo nang magsalubong sila sa isang pasilyo ng hotel. Nagkatitigan pa sila. At halata sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang presensiya ng isa't isa."What are you doing here?""Bakit? Pag-aari mo na rin ba itong hotel?" sarkastikong balik-tanong ni Josh. "Inangkin mo na nga ang ospital maging si Lolo, pati ba naman dito gusto mo na akong pagbawalan? Ibang klase ka ring maging gahaman.""Just get out of my way!"Humarang si Josh sa daraanan ni Renzo na akto nang hahakbang. "Huwag kang pakasiguro na makukuha mo ang lahat. Baka sa paghahangad mo nang marami, walang matira sa iyo.""You're still underestimating me after all you have gone through. Tsk! But I think that's how you showed your defeat.""Nasa climax pa lang tayo ng laban." Ngumisi siya. "And the exciting part is nearly to happen. Kaya kung ako sa iyo, plan your wise moves. Baka magkamali ka ng hakbang at mahulog ka sa bangin na puno ng patalim."Nakakalokong tumawa si Renzo. "Jeez! What's wit







