LOGINEVANGELINE YUCHENGCOHindi ko na alam kung gaano kalayo ang narating namin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tiningnan ang suot kong relo... at agad akong nanlumo ng mapagtanto ko kung ilang oras na ang lumipas mula ng sapilitan nila akong pinasakay. Anim na oras na. Hindi ko na makita ang mga gusali o mga ilaw ng lungsod. Sa tuwing sinusubukan kong silipin ang paligid sa maliit na bintana ng sasakyan, puro kadiliman at malalawak na bahagi ng kalsadang halos walang dumaraang sasakyan ang nakikita ko.Parang sinadya talaga nilang dalhin ako sa isang lugar na napakalayo mula sa syudad. Isang lugar na hindi madaling matutunton.At ang pinakakinatatakutan ko...paano kung wala talagang makahanap sa akin?Nang tuluyang huminto ang sasakyan, agad akong napatingin sa pinto. Dalawang lalaki ang bumaba at binuksan iyon. Bago pa ako makapagsalita, hinawakan nila ang magkabilang braso ko at sapilitang inilabas.“Please... saan ninyo ako dadalhin?”Wala pa rin silang sagot.Dinala nila
EVANGELINE YUCHENGCOPagkatapos kong mag-almusal, naisipan kong lumabas sandali upang bumili ng cake para kay Konstantin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naisip iyon, pero gusto ko siyang sorpresahin.Noong nakaraang mga araw kasi, napansin kong madalas siyang umuuwi nang pagod. Minsan ay halos hindi na niya nagagalaw ang hapunan dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang asikasuhin. At bukod doon ay napag-alaman ko rin na mahilig siya sa matatamis. Kaya naisip kong kahit papaano ay mabigyan siya ng kaunting bagay na maaari niyang kainin habang nagpapahinga.Hindi naman kailangang mamahalin.Gusto ko lamang na mapasaya siya.“Ma'am Evangeline, handa na po ang sasakyan.”Napalingon ako sa babaeng katulong na lumapit sa akin. Si Agnes iyon, na siyang sasama sa akin ngayong araw.“Salamat, Agnes.”“Si Malrick na rin po ang kasama natin. Nasa labas na po siya.”Tumango ako bago inayos ang dala kong maliit na bag.Si Malrick ay isa sa mga tauhan ni Konstantin. Ilang beses ko
EVANGELINE YUCHENGCO Alas-diyes na ng gabi at tahimik na ang buong mansyon—maliban sa mahinang huni ng mga kuliglig at iilang yapak ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa paligid. Malamig na rin ang simoy ng hangin, lalo na't nasa hardin ako at nakaupo sa isa sa mga upuang malapit sa mga rosas.Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking orasan sa aking cellphone.Wala pa rin siya.Kanina pa ako narito. Noong una, balak ko lang sanang maghintay ng ilang minuto. Gusto ko lang siyang makita bago ako matulog at kumustahin kung kumain na ba siya. Ngunit lumipas ang mga minuto, naging isang oras, at hindi ko namalayang gabi na pala.Hindi ko alam kung anong oras siya karaniwang nakakauwi kapag may trabaho siya sa labas. Hindi rin naman ako nagtatanong nang madalas. Ayokong magmukhang nakikialam sa mga ginagawa niya.Pero ngayong gabi, hindi ko maiwasang mag-alala.“Ma'am Evangeline, baka gusto na po ninyong pumasok sa loob?”Napatingin ako sa isang katulong na lumapit sa akin. Si Agnes i
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOV "Sir, the report will take some time. The accident happened twelve years ago, and we need to retrieve several archived records." I glanced at Darius, who was standing in front of my desk. "Then take your time and make sure you don't miss anything." "Understood. I'll also look into the background of Madam's stepmother and stepsister." "Good." He nodded before handing me another folder. "Regarding the prosthetics specialist, I've already contacted two reputable clinics. Both have specialists who work with advanced prosthetic technology. I'll send you their profiles once I've verified their credentials." Sinuyod ko ng tingin ang isang pahina bago muling inangat ang tingin sa kanya. "Make sure they're qualified. I don't want someone who will simply recommend the most expensive option. I want someone who understands what my wife needs." "Of course, sir." I leaned back in my chair. "And Darius?" "Yes, sir?" "Keep this investigation dis
EVANGELINE YUCHENGCO Nagising ako dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa labas ng aking silid.Sa una ay inakala kong may nahulog lamang na gamit, ngunit nang makarinig ako ng isa pang kalabog ay napakunot ang noo ko.Ano kaya iyon?Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inayos ang gusot kong buhok. Bahagya pa akong napahinto nang mapansin ang aking binti.Nakatatak na muli ang akin prosthetic leg. Napatingin ako roon nang ilang segundo.Hindi ko maalala kung kailan iyon naisuot muli. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo ko sa sahig ng kusina habang umiiyak, bago ako buhatin ni Konstantin patungo rito.Marahil ay siya ang nag-asikaso niyon habang natutulog ako.Napahawak ako sa gilid ng kama at maingat na tumayo. Sinubukan kong igalaw ang aking binti upang matiyak na maayos ang pagkakasuot nito.Mabuti naman.Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto at marahang binuksan iyon.Muli kong narinig ang ingay.May kung anong kumakalabog sa ibaba.Nagtataka akong lumabas ng silid at
KONSTANTIN GABRIEL MOROZOVNang tuluyan nang makatulog si Evangeline ay saka lamang ako dahan-dahang tumayo mula sa gilid ng kanyang kama.Kanina pa siya tahimik. Pagod na pagod ang mga mata niya sa kakaiyak, at ilang beses ko ring naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko tuwing tila nagigising siya mula sa pagkakaidlip.I had to admit, seeing her like that bothered me more than I expected.Hindi ako sanay na nararamdaman ko ang ganitong bagay. Iyong tipo na bigla akong mawawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon habang nakatingin sa kanya. Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang galit ay kailangang kontrolado, ang desisyon ay kailangang pinag-iisipan, at ang kahinaan ay hindi dapat ipinapakita.Kasi maaari iyong gamitin laban sa akin nang kahit na sino. But tonight was different.Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina.Ang pagkakaupo niya sa malamig na sahig. Ang mga luhang pilit niyang itinatago. At ang paraan ng paghila niya sa laylayan ng kanyang damit up







