Home / Romance / I am My Stepbrother's Wife / COUNSELING GONE WRONG

Share

COUNSELING GONE WRONG

Author: Bryll McTerr
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-12 18:03:38

FIVE MINUTES bago ang napag-usapang oras ay nasa harap na si Isaviel ng dalawang palapag na gusali kung saan naroon ang office ni Atty. Cruz. Ito ang nirekomenda ni Atty. Suarez sa kanilang dalawa ni Anton para sa kanilang marriage counseling.

“Maraming salamat, Lando. Pakibalikan na lang ako dito mamaya. Mag-ikot-ikot ka na lang muna diyan sa paligid.” aniya sa anak ni Nana Nena na siyang naghatid sa kanya.

Nagtext sa kanya si Anton kanina na magkita na lamang daw sila sa opisina ng abogado. May importante daw itong inaasikaso kaya hindi na siya masusundo sa mansion. Pabor naman iyon kay Isaviel dahil pagkatapos ng mainit na pagtatalo nilang dalawa kagabi ay hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki na hindi na naman sila magtatalo.

At hindi nga rin niya alam kung may silbi ba o patutunguhan itong gagawin nila.

Tumango si Lando.

“Sige po, senyorita. Tawagan n’yo na lang po ako.”

Sinulyapan ni Isaviel ang sarili sa rearview mirror at nang makontento sa nakitang anyo ay tuluyan na siyang naglakad patungo sa dalawang na gusali. Tuloy-tuloy siyang umakyat at tinumbok ang opisina ni Atty. Cruz.

Marahang kumatok ng tatlong beses si Isaviel pagkuwa’y pinihit ang seradura. Itinulak niya ang p***o at kaagad na bumungad sa kanya ang maaliwalas na opisina. Taliwas iyon sa inaasahan niyang tambak na mga libro at papeles kagaya ng opisina ng abogado ng Lolo niya.

The room smelled like coffee and old paper. Bahagyang napangiti si Isaviel dahil ganoon din ang amoy ng study room ng Lolo niya. And it somehow calmed her senses na kanina pa tensed dahil sa counseling na haharapin nila ni Anton.

“Good afternoon! How may I help you? May appointment po ba kayo kay Attorney?” ani ng babaeng marahil ay edad kuwarenta pataas kay Isaviel. Pormal ang suot nitong damit at may makapal na salamin sa mata.

She must be the secretary.

Tipid na ngumiti si Isaviel saka tumango.

“Good afternoon! Yes, I have an appointment with Atty. Cruz at exactly three o’clock. My name is Isaviel Cast– er, Resma.” pagpapakilala ni Isaviel sa sarili.

Bahagya pa siyang napangiwi nang banggitin ang apelyedo ni Anton. Muling pinuno ng pait ang puso niya nang tuluyang mag-sink in sa kanyang isipan na nakakabit pa rin pala sa kanya ang pangalan ng lalaki.

Kaagad na lumiwanag ang anyo ng sekretarya nang marinig ang sinabi ni Isaviel. Inilahad nito ang kamay para ituro ang isang p***o na nakasarado.

“Napakaganda mo, iha.” bakas ang paghanga sa mga mata na bulalas ng babae. “Naghihintay na si Attorney sa inyo.” dugtong nito bago iginiya si Isaviel patungo sa pinaka-opisina ng abogado.

Tipid na ngumiti si Isaviel saka sinulyapan ang suot na relo. Eksakto lang ang dating niya.

“Dumating na ba si Anton?” naisipan niyang itanong.

“Naku, hindi pa, iha. Pero baka parating na din ang batang ‘yon.”

Hindi naitago ni Isaviel ang bahagyang pag-angat ng kanyang kilay dahil sa narinig. Mukhang kilalang-kilala nito si Anton kung pagbabasehan niya ang pagkagiliw sa boses nito para sa lalaki.

And as if right on cue, biglang tumunog ang door chime kasunod ng pagbukas niyon. Mula doon ay bumungad ang tila pagod na pagod na mukha ni Anton ngunit hindi pa rin iyon nakabawas sa angking kagwapohan ng lalaki.

Hindi napigilan ni Isaviel ang sarili. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang anyo ng lalaki.

Medyo magulo ang buhok nito. Hapit na pantalong maong ang suot na tinernohan nito ng mint green na polo shirt at bagay na bagay iyon sa lalaki.

Wala sa loob na napalunok ng sariling laway si Isaviel. Shit! Wala pa rin talagang kupas ang karisma ng walanghiya. Tila mas lalo pa nga itong naging guwapo sa paningin niya dahil nagmature na ang itsura nito. Mas naging intense ang mga mata nitong kinababaliwan niya noon. Titig pa lang nito noon ay tumitiklop na siya. Tapunan lang siya nito ng titig noon ay sumusunod na siya sa gusto nito.

Ang matangos nitong ilong. Ang mga labing hindi makapal, hindi rin manipis.

Oh, hell! How she missed his lips–

Napatigil sa kung ano mang balak takbuhin ang isipan ni Isaviel nang marinig niya ang eksaheradong pagtikhim ni Anton. Mula sa mamula-mulang labi ng lalaki ay nag-angat siya ng paningin at kaagad na pinamulahan ng mukha nang makita ang lantarang pagngisi nito sa kanya. Inirapan niya ang lalaki para lang mapagtakpan ang naramdamang pagkapahiya.

Jesus, Isaviel! Nakakahiya ang ginagawa mo.

Mabilis niyang hinamig ang sarili saka taas-noong tinalikuran ang lalaki at nagmamartsang nauna nang pumasok sa opisina ni Atty. Cruz. Dinig pa niya ang mahinang pagtawa ng lalaki nang makatalikod siya.

Buwiset! Ang sarap tampalin…

Ilang sandali pa ay pareho na sila ni Anton na nakaharap kay Atty. Cruz. Sa ibabaw ng mesa ng abogado ay nakapatong isang maliit na notebook at nakabukas iyon.

“Thank you for coming,” may ngiti sa labi na turan ni Atty. Crus habang ang mga kamay ang magkasalikop na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito. “I know this wasn’t your choice but since you’re already here, let’s try it. May gusto ba kayong sabihin sa isa’t-isa?”

“Wala akong sasabihin.” walang emosyong turan ni Anton habang nakasandal sa upuan nito.

Tumango ang abogado bago ibinaling ang pansin kay Isaviel.

“Iha?’

Wala sa loob na napatitig si Isaviel sa kanyang mga daliri. Particular sa kanyang ring finger. And she wasn’t wearing one anymore.

“I... I didn’t know that we were still married.”

Nagsulat sa notebook ang abogado bago muling nagtanong.

“Paano nangyari?”

“I left the annulment papers six years ago then I left for Manila the next morning. I thought he signed them.”

“And did you?” baling ni Atty. Cruz kay Anton.

Tumiim ang anyo ni Anton. Naningkit ang mga mata ng lalaki na tiningnan ng nagbabaga si Isaviel. Naroon ang piping mensahe na hindi nito nagustuhan ang ginawa ng babae anim na taon na ang nakaraan.

Umangat naman ang kilay ni Isavie. Ano ba ang ipinaglalaban ng lalaking ito? Bakit ito umaakto na parang ito ang nasaktan sa kanilang dalawa? Hindi ba’t wala naman itong pakialam sa kanya noon? Hindi ba’t lantaran naman nitong ipinamukha sa kanya noon na hindi siya nito mahal? Na hindi siya ang pangarap nitong babae? Na kahit kasal na sila ay hindi asawa ang tingin nito sa kanya?

Oh, damn him!

“Hindi,” malamig ang tinig na sagot ni Anton. “I saw them. I burned them. And let me rephrase your words, Isaviel. You didn't just left. You run.” ani nito na ipinagdiinan ang dalawang huling salita.

Isaviel’s head snapped to him. “Bakit hindi mo pinirmahan? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Because you were already gone,” Anton said in a flat and cold voice. “You left a note. You said you can’t do it anymore. What was I supposed to do? Habulin ka?”

Ngali-ngaling batukan ni Isaviel ang kaharap. Mukha ba siyang nagpapahabol dito noon? Gago pala ito,eh! Siya nga itong habol nang habol dito noon at ano ang napala niya? Sakit lang sa puso. She was decided to leave kaya kahit habulin siya nito noon ay hindi na magbabago ang pasya niya.

It was over for them. Period!

“I left because I couldn’t breathe in that house!” nagsisimula nang magtaas ng tinig na sikmat ni Isaviel sa lalaki. Mahigpit na nakakuyom ang mga palad niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang mga hita. “Because every day felt like I was walking on eggshells around you!”

How dare him? Kung sana ay pinirmahan nito ang annulment papers na iniwan niya noon, wala sana sila sa ganitong sitwasyon ngayon. Tapos na sana ang lahat at malaya na sana itong ituloy ang naudlot na pagpapakasal kay Venice.

Biglang sumigid sa isipan ni Isaviel ang nang-uusig na tingin ng kanyang nakakatandang kapatid sa kanya noon. Pain and betrayal was clearly written on Venice’s eyes she as looked at her in horror pagkatapos nitong malaman na ikinasal sila ni Anton habang wala ito.

Wala sa loob na napahilot siya sa sariling noo.

“Then why didn’t you talk to me?” mainit na rin ang ulo na singhal ni Anton. Salubong na ang mga kilay nito at kung bumubuga lang ng apoy ang mga mata nito ay malamang na natupok na si Isaviel. “Why run, Isa? Why not stay and fight? Di ba ikaw naman ang may gusto na malagay tayo sa ganoong sitwasyon? What? Dahil ba nakuha mo na ang gusto mo at na-realize mo na sawa ka na kaya ka nagpasyang umalis na lang basta? Shit!”

Nanlaki ang mga mata ni isaviel sa mga narinig. Ang sama talaga ng tingin nito sa kanya. Wala naman nang bago doon. Para kay Anton ay si Venice lang ang mabait at siya naman ang demonyitang kapatid. But fuck him for judging her without even trying to know the real her! Mali ito ng akala sa kanya. Maling-mali…

“Because there was no longer reason for me to fight, Anton! Ginawa ko ang lahat para lang maging mabuting asawa sa’yo kahit walang araw na hindi mo ipinaparamdam sa akin na kahit na anong gawin ko ay hindi nun mababago ang sitwasyon natin. I was your unwanted wife and I still am. I was young and naive. I was careless and I let my emotion control me and because of that, I lost my–” biglang napahinto si Isaviel sa pagsasalita nang maisip ang bagay na hindi na dapat pang malaman ng lalaki.

No. Wala itong karapatang malaman ang tungkol doon.

Biglang napatayo si Isaviel saka sapo ang ulo na nagsimulang nagpalakad-lakad sa harapan ni Anton at ng abogado.

“Lost what, Isaviel? Bakit hindi mo ituloy?”

“I don't want to talk about –”

“Bullshit, Viel!" mataas ang tinig na putol ni Anton sa iba pang sasabihin ni Isaviel. Napakislot naman ang huli. “Ang kalayaan mo ba, ha? Iyon ba ang tinutukoy mo na nawala sa'yo? Kaya ba nagfile ka ng annulment? Damn you, Isaviel pero ito ang tandaan mo. Wala akong balak na pumirma kahit na magfile ka pa ulit ng annulment. Mananatili kang kasal sa akin hangga't gusto ko!"

“How dare you?! Ang kapal naman ng mukha mo pala. Let me go, Anton! Wala namang buting idudulot kung itutuloy pa natin ito.”

Napabuga na lamang ng hangin si Attorney Cruz habang nakikinig sa mainit na pagtatalo ng dalawa sa kanyang harapan.

“Both of you, please, sit down. Kaya tayo narito ay para gawan ng paraan na maayos ang kasal nito."

Isaviel snapped her head. Nag-aapoy ang mga mata sa galit na tinitigan niya si Anton.

“No. Hindi na kailangang ayusin pa–”

“Yes, my dear wife. Aayusin natin ang kasal natin. Nakalimutan mo na bang ito ang gusto ng Lolo mo?”

Marahas na nagtaas-baba ang dibdib ni Isaviel dahil sa matinding emosyon. Damn! Paano ba niya nakalimutang ang Lolo niya ang dahilan kaya sila naroon ni Anton? Tiyak niyang kung hindi dahil sa bilin ng namayapang Don ay wala doon ang lalaki.

Itinaas ni Atty. Cruz ang kanyang kamay para patigilin ang dalawa sa pagbabangayan saka banayad ang tinig na nagtanong.

" Anton, what did she mean by that?”

Anton frowned. “I don’t know. That’s why I’m asking her.”

Tumutok kay Isaviel ang nagtatanong na mga mata ng lalaki.

Isaviel froze. Her heart pounded.

No, hindi nito kailangang malaman. She almost said it but she swallowed the words.

Not now. Not ever, maybe. It was her secret to keep.

“Wala,” Isaviel said quickly and sat down. “Misunderstanding lang. It doesn’t matter anymore.”

“Don’t lie to me.”

Anton stared at Isaviel. Naroon sa kislap ng mga mata ng lalaki na hindi ito naniniwala sa kanya.

Kumuyom ang palad ni Isaviel. Sinalubong niya ang tingin ng lalaki. No! Wala itong makukuhang sagot sa kanya kahit na pilitin pa siya nito. At ano ba ang pakialam niya kung ayaw nitong maniwala sa kanya? It was as if he ever believe her before. He never did kaya ano pang bago doon?

“I’m not lying,”

Naningkit ang mga mata ni Anton samantalang tumango naman si Atty. Cruz.

“Okay. New topic. Anton, why didn’t you sign the papers?” tanong ng abogado.

Hindi kaagad sumagot si Anton. Napansin ni Isaviel ang kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata ng lalaki ngunit saglit lang iyon. Was it longing? Was it pain? Pero bakit?

Ipinagwalang bahala ni Isaviel ang nakita. Hindi nga siya sigurado kung tama ang nakita niya o kung may nakita ba talaga siya.

“Because signing meant it was over,” he said finally. Bakas sa tinig ni Anton ang tila paghihirap ng loob nito. It was as if admitting it in front of Isaviel was a damn torture. “And I wasn’t ready for it to be over.”

Isaviel’s breath caught.

“Even after she left?”

“Especially after she left,” tugon ni Anton sa tanong ng abogado. He looked at the window, not at Isaviel. “Because if I signed, that means I agreed that we're really done. And I wasn’t ready to agree to that.”

Titig na titig si Isaviel kay Anton habang nagsasalita ito. Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito pero hindi niya maalis ang pagdududa. Why now? And if he really meant to keep her, bakit paulit-ulit nitong ipinamumukha sa kanya noon na hindi siya nito magugustuhan kahit na ano pa ang gawin niya? Kaya nga ang lakas ng loob ni Venice na kutyain siya kahit na nasa ibang bansa na ito noon, di ba? Dahil ito naman talaga ang mahal ni Anton. Dahil ito naman talaga ang dapat na pinakasalan ng lalaki.

Hindi siya…

“Isaviel,” Dr. Reyes said gently. “How does that make you feel?”

“Scared,” Isaviel whispered. At hindi niya iyon naitago ng tinig niyang bahagya pang nanginig. “Because if he wasn’t ready to let go then... is he ready now? Because I am.”

Dinig ni Isaviel ang marahas na paghinga ni Anton. Tila umabot pa nga sa kanya ang init ng hanging ibinuga nito.

Hindi kaagad nakasagot ang abogado. Ilang sandali itong nakatitig lamang kay Isaviel pagkuwa’y tumango.

“Alright. That’s enough for today. This was heavy. And your homework: 10 minutes tonight. Talk about anything. Not the will. Not Lolo. Anything else. The weather. The roses. Just talk.”

“We’ll try…” tugon ni Anton bago nauna nang lumabas ng opisina ni Atty. Cruz.

Kagat-labi namang napasunod na lamang si Isaviel sa lalaki. Nasa p***o na siya nang tawagin siya ni Atty. Cruz.

“Isaviel, iha,"

Huminto si Isaviel at lumingon. Hinintay niya ang sasabihin ng abogado.

"He loves you, iha…”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I am My Stepbrother's Wife   ALRIGHT, MRS. RESMA

    HABANG NASA loob ng banyo si Anton ay kumuha naman si Isaviel ng panglinis sa sugat ng lalaki pati na rin band-aid. Hindi rin naman siya naghintay ng matagal dahil makalipas lamang ng marahil sampong minuto ay lumabas na rin ito ng banyo. Natigilan siya nang makitang nakatapis lamang ng towel si Anton at tumutulo pa ang tubig sa leeg nito pababa sa dibdib. Wala sa loob na sinundan ng mga mata ni Isaviel ang ilang butil ng tubig na tila tuksong dahan-dahang dumadausdos sa katawan ng lalaki. Napalunok pa siya nang dumako ang kanyang paningin sa ibaba ng pusod nito kung saan nagdudugtong ang towel na siyang nakatakip sa bahaging iyon ng katawan ng asawa. Ginitian ng ilang butil na pawis sa noo si Isaviel. Great! Nakatodo naman ang bukas ng aircon pero bakit parang init na init siya?Isang mahinang tikhim mula kay Anton ang gumising sa pagkakatulala ni Isaviel.“Well?” may ngiti sa mga labi na untag ni Anton. Bakas sa kislap ng mga mata nito ang lihim na panunukso dahil sa ipinakitang r

  • I am My Stepbrother's Wife   TRUCE

    THREE WEEKS…It has been three weeks since her grandfather died. Three weeks na rin simula nang basahin ng abogado ng nayapang Don ang last will nito at three weeks simula nang simulan nila ni Anton na sumailalim sa counselling. Communicate better, iyon ang bilin sa kanila ni Atty. Cruz pero wala naman silang ginawa ni Anton kundi magtalo. Kahit mga walang k’wentang bagay ay pinagtatalunan nila. Huminga ng malalim si Isaviel. Kasalukuyan siyang nasa veranda at pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi. Sa loob ng mga araw na nagdaan ay natatagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naroon sa tuwing nagiging siya ng alanganing oras kagaya ngayon. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa nasa kalagitnaan na ng buwan ng october. Wala sa loob na hinapit ni Isaviel ang suot niyang roba na nililipad ng hangin nang makaramdam siya ng pagsigid ng lamig sa katawan. Ang buhok niyang malayang nilalaro ng hangin ay bahagyang tumakip sa kanyang mukha pero hinayaan lamang niya iyon. Tumingala siya roo

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK(PROMISE)

    Inilang hakbang lamang ni Anton ang natitirang pagitan nila ni Isaviel saka puno ng pag-aalalang hinawakan sa magkabilang balikat ang huli.“Come here,” mahina ang tinig na usal ni Anton saka maingat na inalalayan ang dalagita papasok sa loob ng kanilang bahay. Walang kibong sumunod naman si Isaviel sa lalaki.Nang makapasok sila sa loob ay mabilis na isinara ni Anton ang pinto. Pinaupo niya si Isaviel sa upuang gawa sa kawayan. “What happened?” ulit na tanong ni Anton pagkatapos niyang tabihan si Isaviel.Hindi sumagot si Isaviel. Instead, she just collapsed into his arms and cried her heart out.Hindi na muling nagtanong si Anton. Hinayaan na lamang niya si Isaviel na umiyak nang umiyak sa kanyang dibdib. Dama ay labis na paghihirap ng loob nito. Her body was shaking. And she was crying like she just lost someone.Biglang kinabahan si Anton ngunit nanatili lamang siyang tahimik. He just held her tight. His one hand was on her back, gently rubbing her in circles.“Hush now, baby,” b

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK (GRIEF)

    TINUPAD Ni Anton ang ipinangako niya kay Isaviel. Muling naulit ang paglabas nila hanggang sa nasundan pa ng maraming beses. Naging masaya at makulay ang buong summer ng dalagita kahit na hindi sa mamahaling restaurant sila pumupunta ng lalaki. Sa burger house sa bayan, sa food stalls na nakahanay sa gilid ng kalsada ng Boulevard. Nothing fancy but it was all fun.Ngunit totoo nga yatang may kapalit na lungkot ang bawat saya dahil bago matapos ang bakasyon ay nakatanggap ng balita si Isaviel mula sa Russia. Wala na ang kanyang ina at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makita ito kahit sa huling pagkakataon. Ipina-crimate ang labi ng kanyang mommy at ang abo naman ay isnabog sa dagat ayon na rin sa huling kahilingan nito.“Miss Isaviel? Are you still there?”Napapitlag si Isaviel nang muling marinig mula sa kabilang linya ang tinig ng abogado ng kanyang ina. “Y-Yes. I’m still here.”“I’m so sorry, Miss Isaviel. My deepest sympathy to you, child.”Sunod-sunod na nag-unahan an

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK (PROMISE)

    HABANG PINAGMAMASDAN si Isaviel na abala sa kinakain nitong barbecue ay hindi napigilan ni Anton na ikuyom ang kanyang mga palad. Damn! First date…kung date nga’ng matatawag iyon. Gusto niyang umasa pero ngayon pa lang ay maliwanag pa sikat ng araw niyang nakikita na hindi siya bagay sa dalagita. Street foods…iyon lang ang kaya niyang ialok dito. Hindi kagaya ng ibang nanliligaw dito na kaya itong dalhin sa mamahaling restaurant.Dumilim ang anyo ni Anton. Tanggap naman niya ang pagkakaiba nila ni Isaviel pero hindi niya pa rin maiwasang masaktan. And at that moment, he realized something. He loves her! Mas lalo pang humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ni Anton. “Hey! Bakit ka kumakain? Come on! Masarap ang barbecue ni Manong.” puna ni Isaviel habang marahang nginunguya ang laman ng bibig nito. Kaagad na inayos ni Anton ang sarili. No. Hindi dapat siya magpa-apekto. At least kahit man lang ngayon. Gusto niyang gawing memorable ang sandaling iyon…ang araw na pakiramdam niya ay

  • I am My Stepbrother's Wife   FLASHBACK (FIRST DATE?)

    MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw hanggang sa naging taon. Isaviel was fifteen and Anton was nineteen.The gym was too hot and loud dahil graduation na ng Senior highschool. And as expected, si Anton ang itnakdang valedictorian ng taong ‘yon. Tuwang-tuwa ang Lolo at Lola niya na siyang dumalo para sa mahalagang araw na iyon.“Antonio Luis Resma, valedictorian.”Umugong ang malakas na palapakan sa paligid nang tawagin ang pangalan ni Anton. Kaagad siyang umakyat sa stage para tanggapin ang kanyang karangalan. At habang naroon ay wala sa loob na dumako sa mga taong naroon ang kanyang paningin. It was if he was searching for someone. At nang makita niya ito sa isang bahagi ng crowd ay bahagyang umangat ang sulok ng kanyang mga labi para sa isang patagong ngiti. Because there she was. Nanghahaba pa ang leeg nito habang nakatanaw sa stage katabi ang isa sa tatlo nitong kaibigan. At nang umangat ang kamay nito para kumaway sa kanya ay muling ngumiti ng palihim si Anton. Mabilis niyang inal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status