LOGINKabanata 5
Napatingin siya sa orasan ng kaniyang phone. She's a bit late. Hinanap nila ni Shiela ang kaniyang dressing room. May nakita silang staff ng kompanya kaya ay tumungo sila rito. "Miss, saan ang dressing room para kay Suraidah?" tanong ni Shiela. "Ah, dumiretso na lang po kayo. May nakalagay na name sa itaas ng door. Dalawa pala sila ni Miss Shari. Hindi kasi nagamit ang isang dressing room dahil sira daw ang aircon." Aalma na sana siya subalit pinigilan siya ni Shiela. "Sige, Miss. Thank you." Tumango lang ang staff at agad na itong umalis. "Shiela, titiisin ko ang room na may sirang aircon, huwag lang kaming magsama ni Shari sa iisang room. Can't you do something about this?" "Te, hindi na ito ang oras para mag-inarte. Gawin mo na lang ang trabaho mo nang sa ganoon ay matapos na tayo." "Shiela, nakita mo naman ang sasakyan na tinuro ko sa iyo kanina, hindi ba?" She sighed. "Sasakyan iyon ni Crane. For certain, he was here! B—Baka sinamahan niya si Shari!" "So? Ano naman ngayon? Fiancee niya si Shari, and I think, walang mali roon!" Shiela lifted her hands. "Nag-usap na tayo kung ano ang dapat mong gawin kapag nandito nga ang Baby Daddy mo, Suraidah. You have to focus on your job. Kapag natapos ang shoot ay aalis din tayo agad." Tumango na lamang siya at dumiretso na sila ni Shiela patungo sa dressing room. The mist of luxurious perfume lingered inside her nose as she walked inside the dressing room. Nakita niyang nakaupo si Shari sa harap ng malaking salamin. This woman looked and smelled expensive. Nakahanda na si Shari. "Wala ka bang wake up time before ang shoots na pinupuntahan mo?" "Sorry, Shari. Hinatid ko pa kasi ang anak ko sa bahay ng Mommy at Daddy ko." "Suraidah, right?" Tumango siya. "Ilang years ka na ba sa industry?" "Almost f—five years." "Bago ka pa lang pala. Kaya siguro hindi ka marunong mag-value ng time ng mga katrabaho mo." "Miss Shari, mawalang galang na po. Naghahanda pa naman sila sa studio." "Manager ka niya?" Tumango si Shiela. "Well, pagsabihan mo itong rookie model na hinahandle mo na ayusin niya ang trabaho niya. Hindi porket hindi pa tapos e-set up ang studio ay magpapakupad na siya. She's insulting someone like me who was here an hour ago!" "Sorry, Shari." "Alam mo? Kung ako sa iyo pumili na lang ako between maging full time mom o maging modelo." Umirap si Shari at agad na sinuot ang sunglasses. Bumihis na rin siya. Mabuti na lang dahil nakapagmake up na siya mula sa bahay kaya ay nag-retouch na lang siya. "Babe?" Tumayo ang mga buhok sa likod niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanigas siya sa kinauupuan niya nang marinig ang tunog ng mga hakbang ng lalaki. "Babe, here's your drinks." Lumingon sa kaniyang kinauupuan si Crane. "Nandito na pala ang katrabaho mo." She swallowed. Kulang na lang ay mahulog siya sa upuan nang humawak si Shiela sa balikat niya. "Hi, Crane. Kilala mo pa ba ako?" "Oh, Shiela Natividad! Of course! Ikaw iyong ex-girlfriend ng batchmate ko sa St. Luke, right? Ikaw iyong umiyak sa CR dahil nagbreak kayo." "Huwag mo nang ipaalala iyon," Shiela said. Kahit hindi siya nakatingin kay Crane ay alam niyang tinuro siya ng lalaki. "Oh, Crane. Si Suraidah, natatandaan mo rin siya, hindi ba? Siya ang classmate mo sa isang minor subject." "I know her. We've met several times lately." Mabuti na lang dahil dumating na ang isang staff. Tinawag na sila para tumungo sa studio kung saan magaganap ang shooting. Ginawa niya ang lahat upang matapos ang shoot kasama si Shari nang isang take lang. Gladly, the shoot went successful in just one take. Una siyang lumabas dahil nais niyang umalis na upang makaiwas. When she opened the door, she was surprised. Nasa loob ang anak niya kasama ang Mamila nito. May hawak na boquet si Caelan at sumigaw ang bata. "Surprise, Mommy!" Her eyes widened as she heard familiar steps behind her. Tumakbo patungo sa kaniya ang bata at yumakap si Caelan sa leeg niya. Nakatingin siya sa kaniyang Mommy. Nakita niya na inangat ng Mommy niya ang titig nito sa kung sino man ang nakatayo sa kaniyang likuran. "Mommy? Are you surprised?!" "Y—Yes, My Love. O—Of course," nauutal niyang wika. "Daddy! Daddy!" Pumiglas ang bata at humiwalay ito sa kaniya. "Daddy! You are here!" "Oh, Caelan?" Tumayo siya at humarap kay Crane. Nakita niya na buhat-buhat ng lalaki ang anak niya. "S—Si Shari?" tanong niya kay Crane habang ang mga mata ay nakatingin sa pinanggalingan ng lalaki. "B—Baka makita ka niya. Hindi ba ay sabi mo na—" "Anak," putol ng Mommy niya. Nakuha niya ang nais iparating ng Mommy niya. She cleared her throat. Binigay niya sa Mommy niya ang bulaklak na galing kay Caelan, bago siya lumapit kay Crane at sinubukang kunin ang anak niya. "Mommy, minsan na nga lang kami magkita ni Daddy, tapos gusto mo akong kunin agad." "Caelan, we talked about this. Hindi mo nga siya Daddy, 'di ba? Ilang beses ko ba dapat na sabihin ito sa iyo?" "No, Mommy. Siya ang Daddy ko! I can feel it! I heard you and Tita Ninang talked about him!" "Your feelings lied to you, A—Anak." Pinilit niyang kunin ang bata. "Iyong narinig mo ay b—baka panaginip mo lang." Binigay niya ito sa kaniyang Mommy. "Sumama ka kay Mamila mo." "Let's go, Caelan," sabi ng Mommy niya. "Mamila, siya ang Daddy ko! And I want to talk to him kahit na sandali lang! You always steal the moments I am with my D—Daddy! You guys are bad! You're mean, Mamila! I will tell Daddylo about this!" Tumalikod siya kay Crane nang sila na lang dalawa ang naiwan sa dressing room. Bumaling siya rito nang makarinig siya ng tunog ng sinaradong pinto. "M—Mister Laviste?" "Suraidah Agos, I think we need to talk about Caelan." Bukod sa takot na baka malaman ng lalaki ang katotohanan ay nakaramdam na rin siya ng hiya. Ilang beses na itong nangyari sa tuwing magkikita sila; iiyak si Caelan at sasabihin nito sa lalaki na anak siya nito. Well, she was sure that Crane was her son's father. But for good's sake, hindi naman ito alam ng lalaki at wala siyang balak na ipaalam ito kay Crane. "Mister Laviste, alam kong paulit-ulit na lang, pero sana mapatawad mo ang anak ko. P—Patawarin mo rin ako if I failed to stop him from coming to your way. Nalapit ka pa sa posibilidad na makita ka ni Shari na buhat-buhat ang anak ko. Nilagay kita sa alanganin. I was worried that it might harm your relationship with Shari." "Suraidah, may ibang gagawin si Shari kaya ay umalis na siya kasama ang PA niya. And I am here to get her things, pero nagkataon na nagkita kami ulit ni Caelan." "Ganoon p—pa man, I'm so sorry." "I think you should be more sorry for hiding the truth," wika ng lalaki. "W—What?" Lumapit sa kaniya ang lalaki. "Alam ko na ang totoo, Miss Agos. Caelan is my own blood and flesh. He is my son." "H—Hindi totoo iyan. Alam mo naman si C—Caelan. He was c—claiming you as his father, b—but you are not, M—Mister Laviste." She clasped her hands. "Huwag mong patulan ang sinasabi ni Caelan. He is just a c—child. H—Hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi niya. Lumapit sa kaniya ang lalaki. Her eyes followed where his hands landed. Tumayo ang mga balahibo sa bawat parte ng katawan niya ang dumapo sa mga braso niya ang mga kamay ng lalaki. "Kaya pala ay ganoon ka mag-react nang makita mo ako na kausap ako ni Caelan." He sighed. "Tama ang kutob ko, Miss Agos, na may tinatago ka nga sa akin." "H—Hindi... W—Wala..." "Your eyes revealed the truth already, kahit na hindi ko pa naipasagawa ang DNA test namin ni Caelan. Your actions and you, being defensive, pushed me to pursue the DNA test kahit na wala itong consent galing sa iyo." "M—Mister Laviste..." "You heard me fucking right, Miss Agos. Pinagpatuloy ko ang DNA Test at lumabas nga na tunay kong anak si Caelan." "H—Hindi... t—the result might be wrong." "Kahit ilang beses ka pang mag-deny ay hindi mo mababago kung ano ang nakasulat sa bawat papel na itinago ko sa silid ko at sa katotohanan na ako ang ama ni Caelan." Her tears travelled down her face. "Now, I want to know how we happened to have Caelan? Ano ang nangyari, Miss Agos?! Saan n—nangyari?!" gigil na tanong ng lalaki.Kabanata 6Her mouth was totally out of words to say. She couldn't even blink properly. Gumuho ang kaniyang damdamin nang marinig mula sa lalaki ang pag-amin na iyon. She refused to agree with the DNA test proposal of Crane because she was certain that the result would be positive as it is.Matagal na panahon niyang itinago sa lalaki ang katotohanan. Subalit nang muling magkrus ang mga landas nila ay sa isang iglap, nabuklad ang palad niyang kumimkim ng lihim na iyon. Her lips trembled. Her hands were shaking. Gayunpaman ay kinaya niyang magpakawala ng malalim na hangin. She wiped her tears, turning to where her things are. Kinuha niya ang bag niya at akmang lalagpasan ang lalaki. The man grabbed her arm, making her face him. "Bakit hindi mo kayang sagutin ang mga tanong ko, Miss Agos?!""L—Let go of me," she said."I won't, unless you answer my questions. How did it happen?! P—Paano? Kailan?! Saan?!"Binawi niya mula sa mga kapit ng lalaki ang kaniyang braso. "K—Kalimutan mo na a
Kabanata 5Napatingin siya sa orasan ng kaniyang phone. She's a bit late. Hinanap nila ni Shiela ang kaniyang dressing room. May nakita silang staff ng kompanya kaya ay tumungo sila rito. "Miss, saan ang dressing room para kay Suraidah?" tanong ni Shiela."Ah, dumiretso na lang po kayo. May nakalagay na name sa itaas ng door. Dalawa pala sila ni Miss Shari. Hindi kasi nagamit ang isang dressing room dahil sira daw ang aircon." Aalma na sana siya subalit pinigilan siya ni Shiela. "Sige, Miss. Thank you." Tumango lang ang staff at agad na itong umalis. "Shiela, titiisin ko ang room na may sirang aircon, huwag lang kaming magsama ni Shari sa iisang room. Can't you do something about this?""Te, hindi na ito ang oras para mag-inarte. Gawin mo na lang ang trabaho mo nang sa ganoon ay matapos na tayo.""Shiela, nakita mo naman ang sasakyan na tinuro ko sa iyo kanina, hindi ba?" She sighed. "Sasakyan iyon ni Crane. For certain, he was here! B—Baka sinamahan niya si Shari!""So? Ano nama
Kabanata 4Her heart was beating the unusual. Hindi naman siya nagkape nitong umaga pero para bang ninenerbyos siya. "Suraidah!" panggugulat ni Shiela sa kaniya"Dios Mio!" napahawak sya sa kaniynag dibdib. "May plano ka bang kitilin ako ng buhay? You're killing me, Shiela!""Ginulat lang, killing agad?!""Seryuso!""Seryuso rin, Suraidah! Ilang araw ka nang wala sa sarili mo! You are not on your shape! Pinabayaan mo ang sarili mo because of Crane?! God! Alam mo naman na hindi ka puwedeng magkaroon ng darks sa under eyes mo! You are a model!"Umismid na lang siya. Balisa siya sa pag-iisip nang malalim ukol sa nais na mangyari ni Crane. Kinababahala niya ngayon ay baka bigla na lang maisipan ni Crane na magpa-DNA test sila ni Caelan. Posibleng gawin ito ng lalaki nang palihim. Sa yaman ba naman nito ay tiyak magiging madali lang upang magawa ang nais nito. "Kinakausap kita, Suraidah. Bukas ay may shoot ka sa studio." Umiling ang kaibigan niya. "Ano ang gagawin natin kung magiging vis
Kabanata 3Ganitong pakiramdam iyon. Nang-iinit ang katawan niya noong gabing pumasok siya sa opisina ng student council. She found Crane on his chair with his unbuttoned polo. Lasing na lasing ang lalaki. She shook her head, trying to put herself back to reality. The way the man in front of her cleaned his throat caught her attention. Napahawak siya sa kaniyang noo, pawisan. Lumalakas ang tibok ng puso niya habang papalapit sa kaniya si Crane. "Who is your child's father?"Halos mawalan siya ng balanse nang marinig ang tanong na iyon mula kay Crane. Bago pa siya makapagsalita ay tumulo na ang kaniyang luha. Nanginig ang mga labi niya't hindi na niya batid kung ano ang isasagot niya sa lalaki. "Miss Agos, I am asking you a question." Katahimikan ang namayani sa loob ng opisina ng lalaki. "Simpleng tanong lang ay hindi mo masagot?""H—He d—died," nauutal niyang wika. "Damn, Miss Agos. Hindi ako naniniwala na patay na ang ama ng anak mo."She sighed heavily, making her best to compo
Kabanata 2He was looking at the folder, starting to read what was written on the paper inside. Isang portfolio ang naroon at iyon ay detalye ng buhay ni Suraidah. Napahanga siya sa mga achievements na mayroon si Suraidah kaya ay napangiti siya nang kusa."She's 27, an entrepreneur and a model," aniya. "Nabuntis siya noong college pa siya?! Wala siyang husband. So, I think, hindi siya pinagutan ng ex-lover niya?" Inalis niya ang tingin niya sa portfolio at inilipat ito kay Caelan na nakatulog na sa sofa. Tumayo siya at nilapitan ang bata. Inayos niya ang tuxedo na ikinumot niya sa paslit. Yumuko siya at pinagmasdan nang mabuti ang mukha ng bata. There was familiarity when he started to study the kid's feature. Ang mga mata nito, mahahabang pilik mata nito, ang ilong nito at ang mga labi nito—all of these were pushing him to look back about his era of being a kid. "Why we have resemblances, Kid? Hindi naman kita ka-ano-ano," bulong niya.May kung ano ang siyang umutos sa kamay niya
Kabanata 1Sinilip niya ang anak na nakatulog sa malambot na sofa sa sala ng kanilang bahay. Napakamot siya sa kaniyang batok nang maisip muli ang naganap sa airport kanina. "Suraidah, ano na naman ang nangyari at para bang asong may galis ka riyan?!" Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. Sumandal siya sa frame ng pinto at tumingin sa malayo. Mayamaya at nilinis niya ang kaniyang lalamunan bago tumingin sa kaibigan niyang pumarito sa bahay niya matapos malaman ang nangyari kaninang umaga."Iniisip mo pa rin ang pagkikita ng mag-ama mo kanina?""Shiela, your mouth. Puwede bang huwag nating pinag-uusapan ang bagay na iyan kapag kasama natin si Caelan. He was invested with what I've said to him." "Isang beses mo lang naman sinabi ang bagay na iyon sa kaniya, hindi ba?""Nagmana sa akin ang bata na may photographic memory, okay? Pinanghahawakan niya ang sinabi kong iyon sa kaniya, Shiela. And I regret saying that to him."She sighed. Makulit si Caelan at panay ang pagtatanong ni
I have your son, Mister Zillionaire(Starting: May 16, ‘26)PrologueLimang taon na ang nakalipas nang muli siyang makabalik sa Pilipinas. Tinapos niya ang kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo sa isang prestihiyosong paaralan sa America. Nang handa na siyang saluin ang obligasyon ng kaniyang Daddy







