เข้าสู่ระบบKabanata 2
He was looking at the folder, starting to read what was written on the paper inside. Isang portfolio ang naroon at iyon ay detalye ng buhay ni Suraidah. Napahanga siya sa mga achievements na mayroon si Suraidah kaya ay napangiti siya nang kusa. "She's 27, an entrepreneur and a model," aniya. "Nabuntis siya noong college pa siya?! Wala siyang husband. So, I think, hindi siya pinagutan ng ex-lover niya?" Inalis niya ang tingin niya sa portfolio at inilipat ito kay Caelan na nakatulog na sa sofa. Tumayo siya at nilapitan ang bata. Inayos niya ang tuxedo na ikinumot niya sa paslit. Yumuko siya at pinagmasdan nang mabuti ang mukha ng bata. There was familiarity when he started to study the kid's feature. Ang mga mata nito, mahahabang pilik mata nito, ang ilong nito at ang mga labi nito—all of these were pushing him to look back about his era of being a kid. "Why we have resemblances, Kid? Hindi naman kita ka-ano-ano," bulong niya. May kung ano ang siyang umutos sa kamay niya na hawakan at damhin ang pisngi ng musmos. May nararamdaman siyang lukso ng dugo nang naglapat ang palad niya sa pisngi ni Caelan. Gumalaw ang bata kaya ay agad niyang kinuha ang kaniyang kamay. Tumayo siya nang tuwid at tumingin sa suot niyang mamahaling relo. It was already 7 in the evening, yet he was here, waiting for this kid's mom to fetch him. "D—Daddy?" "Yes, Kid?" "Thank you," nakangiting wika ng bata. "Hindi ka ba talaga hinahanap ng Nanay mo? It's already quarter 8. Kailangan ko na ring umuwi. I have a lot of things to do, you know?" "Then, bring me home, Daddy. Doon na lang ako sa bahay mo. Anak mo naman ako," nakabungisngis na wika ng bata. "H—Hindi kita anak, Kid. So please, refrain from calling me “Daddy”. I have a fiancee at malapit na kaming ikasal. Kapag nakauwi na siya from abroad, magpapakasal na kami," wika niya. Nakita niya na nalungkot ang mukha ni Caelan. Subalit nasa mga mata pa rin ng bata ang paghawak sa kung ano man ang sinasabi nito. "Hindi puwede, Daddy! You should marry my Mommy!" Huminga siya nang malalim. Umupo siya sa sofa at agad na binuhat ang bata. Pinaupo niya ito sa kaniyang kanang biyas at inayos niya ang buhok nito na nagulo dahil sa pagkakahiga. "I know that you are eager to have a Daddy, Kid. Pero, please, maniwala ka sa akin na hindi kita anak. At isa pa ay hindi ko puwedeng pakasalan ang Mommy mo. H—Hindi ko nga siya naging ka-close kahit na noong naging magkaklase kami." "And please, believe me. I am telling the truth. Narinig ko rin si Mommy at Tita Ninang Shiela kagabi." Tumingala sa kaniya ang bata. "Masama ang nakikinig sa usaping pang-matanda, Kid." "I just can't resist, Daddy. Basta, narinig ko na sinabi ni Mommy at Tita Ninang na ikaw ang Daddy ko. S-She was just afraid to let you know dahil—" Naputol ang sinabi ng bata dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Napabuntong-hininga na lang si Crane nang makita si Mark. "Can you please just knock?!" "Sorry, Sir Crane." Tumingin si Mark sa likod nito. "Pumasok po kayo, Miss Suraidah." "T—Thank you," wika ng babae. Nagmadaling pumasok si Suraidah. Lumapit ito sa kanila ni Caelan at agad nitong hinawakan sa magkabilang balikat ang bata. Medyo naiilang siya dahil para bang isang melo-drama ang senaryo sa loob ng opisina niya. Niyakap ni Suraidah ang anak nito habang nasa kandungan niya ang bata. Hinayaan na lamang niya ang babae na gawin ang bagay na iyon. Pumatak ang mga luha ni Suraidah, tumama pa ang ilang butil ng luha sa kaniyang braso at dibdib. "C—Caelan, naman. Bakit mo ako pinag-alala nang ganito?! Ilang beses ko bang dapat ipaalala sa iyo na huwag kang lalabas ng bahay?! P—Paano kung may mangyari sa iyo? P—Paano si Mommy?! P—Paano na lang ako, Caelan, kung may masamang mangyari sa iyo," hikbi nito. "I'm fine, Mommy. Safe naman po ako. At isa pa ay kay Daddy naman ako tumungo. He gave me food and he let me sleep on his soft sofa!" Humiwalay kay Caelan si Suraidah. Binuhat nito pababa ang bata at tumingin ito sa kaniya. "Maraming salamat, Mister Laviste." "Walang-anuman, Miss Agos." Tumayo siya at huminga nang malalim. Nakita niya kung paano agad na inalis ng babae ang titig nito sa kaniya. Namutla ito bigla at tila ba ay nanginginig pa ang mga labi nito. "Pasensiya ulit sa abala," she said. "Bigla kang nag-alaga ng batang nag-layas." "Don't mention it, Miss Suraidah. Ang mahalaga ay okay ang bata. Actually, kanina pa ako naghihintay na may tumawag sa opisina ko tungkol sa anak mo." "H—Hindi ko kasi naisip na dito pupunta si Caelan. Hinanap ko pa siya sa bahay ng Ninang niya at ng mga magulang ko." Yumuko si Suraidah at tinitigan sa mga mata si Caelan. "Umuwi na tayo, Caelan. Kailangang malaman ng Mamila at Dadilo mo na okay ka lang at nakita na kita." "I'll stay with Daddy, Mommy," wika ng bata. "C—Caelan!" Pumiglas ang bata at agad itong tumakbo patungo kay Crane. Nagulat si Crane nang yumakap sa binti niya ang bata. "I don't want to leave Daddy alone. Ayaw kong magpakasal siya sa fiancee niya! Kayo ang dapat na maikasal, Mommy! Kayo ni Daddy!" Napapikit si Suraidah dahil sa sinabi ng anak niya. Nakatitig lang siya sa bata. Mayamaya pa ay tumingin siya kay Mark. Nais niyang tulungan siya ni Mark na matapos ang senaryong ito. Subalit pag-iling lang ang naitugon ni Mark sa kaniya. Maging ang personal assistant niyang ito ay hindi alam kung paano tapusin ang kaganapang ito. "Daddy said that he would be marrying his fiancee! Do something about this, Mommy! Huwag mong hayaan na may kumuha kay Daddy!" "Caelan, n—nakakahiya. Ano ba ang pinagsasabi mo?" Lalapit sana si Suraidah sa bata. Subalit sumenyas siya na susubukan niyang kausapin si Caelan. Yumuko siya. Lumipat siya sa harap ni Caelan at inalis ang mga luha ng bata. "Caelan, huwag mong sigawan ang Mommy mo. That is not a good idea for a kid to do, okay?" "E, kasi, Daddy, she won't do anything if I will just stay quiet. B—Bakit ba kasi magpapakasal ka sa iba?! Nandiyan naman si Mommy! Nandiyan si Mommy ko!" giit nito. "Shhh. Don't cry. Kakausapin ko si Mommy mo, okay?" "Kayo na ang magpapakasal, Daddy?" Hindi niya sinagot ang bata gamit ang mga salita, subalit ay nginitian niya ito. Tumingin sa kaniya si Mark na tila ay binalaan siya sa posibleng resulta ng ginawa niya. "Sumama ka muna kay Uncle Mark mo at mag-uusap kami ni Mommy mo." "Okay, Daddy." "Come here, Caelan. Doon muna tayo sa labas." Tunog ng nasaradong pintuan ang naging dahilan upang mapagtanto niya na naiwan kasama niya sa loob ng silid si Suraidah. Lumingon siya sa babaeng nakayuko at tila'y hindi magawang tumingin sa kaniya. "It's fucking hot," pabulong na reklamo niya. Malakas naman ang aircon sa opisina niya, pero bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaibang init. For certain, dahil ito kay Suraidah. Sa wari nga niya'y pamilyar din ang tagpong ito— and he was asking himself in his mind; bakit niya nararamdaman ang bagay na ito?Kabanata 3Ganitong pakiramdam iyon. Nang-iinit ang katawan niya noong gabing pumasok siya sa opisina ng student council. She found Crane on his chair with his unbuttoned polo. Lasing na lasing ang lalaki. She shook her head, trying to put herself back to reality. The way the man in front of her cleaned his throat caught her attention. Napahawak siya sa kaniyang noo, pawisan. Lumalakas ang tibok ng puso niya habang papalapit sa kaniya si Crane. "Who is your child's father?"Halos mawalan siya ng balanse nang marinig ang tanong na iyon mula kay Crane. Bago pa siya makapagsalita ay tumulo na ang kaniyang luha. Nanginig ang mga labi niya't hindi na niya batid kung ano ang isasagot niya sa lalaki. "Miss Agos, I am asking you a question." Katahimikan ang namayani sa loob ng opisina ng lalaki. "Simpleng tanong lang ay hindi mo masagot?""H—He d—died," nauutal niyang wika. "Damn, Miss Agos. Hindi ako naniniwala na patay na ang ama ng anak mo."She sighed heavily, making her best to compo
Kabanata 2He was looking at the folder, starting to read what was written on the paper inside. Isang portfolio ang naroon at iyon ay detalye ng buhay ni Suraidah. Napahanga siya sa mga achievements na mayroon si Suraidah kaya ay napangiti siya nang kusa."She's 27, an entrepreneur and a model," aniya. "Nabuntis siya noong college pa siya?! Wala siyang husband. So, I think, hindi siya pinagutan ng ex-lover niya?" Inalis niya ang tingin niya sa portfolio at inilipat ito kay Caelan na nakatulog na sa sofa. Tumayo siya at nilapitan ang bata. Inayos niya ang tuxedo na ikinumot niya sa paslit. Yumuko siya at pinagmasdan nang mabuti ang mukha ng bata. There was familiarity when he started to study the kid's feature. Ang mga mata nito, mahahabang pilik mata nito, ang ilong nito at ang mga labi nito—all of these were pushing him to look back about his era of being a kid. "Why we have resemblances, Kid? Hindi naman kita ka-ano-ano," bulong niya.May kung ano ang siyang umutos sa kamay niya
Kabanata 1Sinilip niya ang anak na nakatulog sa malambot na sofa sa sala ng kanilang bahay. Napakamot siya sa kaniyang batok nang maisip muli ang naganap sa airport kanina. "Suraidah, ano na naman ang nangyari at para bang asong may galis ka riyan?!" Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. Sumandal siya sa frame ng pinto at tumingin sa malayo. Mayamaya at nilinis niya ang kaniyang lalamunan bago tumingin sa kaibigan niyang pumarito sa bahay niya matapos malaman ang nangyari kaninang umaga."Iniisip mo pa rin ang pagkikita ng mag-ama mo kanina?""Shiela, your mouth. Puwede bang huwag nating pinag-uusapan ang bagay na iyan kapag kasama natin si Caelan. He was invested with what I've said to him." "Isang beses mo lang naman sinabi ang bagay na iyon sa kaniya, hindi ba?""Nagmana sa akin ang bata na may photographic memory, okay? Pinanghahawakan niya ang sinabi kong iyon sa kaniya, Shiela. And I regret saying that to him."She sighed. Makulit si Caelan at panay ang pagtatanong ni
I have your son, Mister Zillionaire(Starting: May 16, ‘26)PrologueLimang taon na ang nakalipas nang muli siyang makabalik sa Pilipinas. Tinapos niya ang kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo sa isang prestihiyosong paaralan sa America. Nang handa na siyang saluin ang obligasyon ng kaniyang Daddy bilang tagapamahala ng Laviste Group ay nakapagdesisyon siyang umuwi at manatili na sa bansa. Paglapag ng eroplano at nang magbukas ang pintuan nito ay mabilis na lumabas si Crane Laviste—isang guwapo, matipuno ang katawan, misteryuso, at magaspang ang ugali sa mga taong mayroong gabagalan ng pag-iisip. Gayunpaman ay mabuti siyang kaibigan at anak. Tinahak niya ang airport at hinanap ang kaniyang taga-sundo. Sa kalayuan ay tanaw na niya ito. Agad siyang lumakad patungo kay Mark na may hawak na karatula kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan. "Sir Crane!" tuwang wika ng lalaki. Tatlong hakbang na lang ang pagitan nila nang may yumakap sa kaniyang binti, dahilan upang tumigil siya sa p







