MasukKabanata 1
Sinilip niya ang anak na nakatulog sa malambot na sofa sa sala ng kanilang bahay. Napakamot siya sa kaniyang batok nang maisip muli ang naganap sa airport kanina. "Suraidah, ano na naman ang nangyari at para bang asong may galis ka riyan?!" Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. Sumandal siya sa frame ng pinto at tumingin sa malayo. Mayamaya at nilinis niya ang kaniyang lalamunan bago tumingin sa kaibigan niyang pumarito sa bahay niya matapos malaman ang nangyari kaninang umaga. "Iniisip mo pa rin ang pagkikita ng mag-ama mo kanina?" "Shiela, your mouth. Puwede bang huwag nating pinag-uusapan ang bagay na iyan kapag kasama natin si Caelan. He was invested with what I've said to him." "Isang beses mo lang naman sinabi ang bagay na iyon sa kaniya, hindi ba?" "Nagmana sa akin ang bata na may photographic memory, okay? Pinanghahawakan niya ang sinabi kong iyon sa kaniya, Shiela. And I regret saying that to him." She sighed. Makulit si Caelan at panay ang pagtatanong nito noon kung sino ang kaniyang Daddy. Hindi sinadyang nasabi ni Suraidah na si Crane ang Daddy nito. Kaya ay ganoon na lang kung igiit ni Caelan na ama niya si Crane nang magkita silang dalawa. "Kausapin mo na lang bukas si Caelan. Magbabago rin ang paniniwala niya, lalo na at sinabi mong pinagtabuyan siya ni Crane." "Sana nga, Shiela. I—I am afraid," basag na boses niyang wika. Mabilis na tumungo sa kaniya si Shiela. Humawak ang kaibigan sa kaniyang nakakrus na mga bisig. "Don't be. Naitago mo nga kay Crane ang tungkol kay Caelan sa loob ng limang taon, hindi ba? Kakayanin mo ito. Isa pa ay ako, ikaw at mga magulang mo lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng bata." Huminga nang malalim si Shiela. "Sana ay hindi ko rin sinabi kay Caelan na totoo ang sinabi mo." "Shiela, naitago ko ang katotohanan dahil wala sa Pilipinas si Crane sa loob ng limang taon. But now that he is here, I am not sure if I can still hide the truth from him. Sikat si Crane, anak ng may-ari ng Laviste Group. Sa ayaw at sa gusto ko ay makikita siya ng anak ko sa Magazine, TV, newspaper, at sa mga billboards sa labas." "You're just overthinking about this." "Masisisi mo ba ako?" Mapagsimpatiyang sulyap lang ang naitugon ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Noong gabing iyon ay hindi alam ni Crane na siya ang babaeng nasa kandungan nito. Kapag sinabi niya sa lalaki na totoo ang sinabi ni Caelan dito ay baka husgahan siya nito. Ayaw niyang isipin ng lalaki na malandi siya. Isa ring pagkakamali iyon para kay Suraidah. Hindi niya nais ang nangyari. Subalit ay huli na ang lahat. Hindi na niya maibabalik pa ang panahon bago ang oras na may nangyari sa kanila ni Crane. Kung kaya'y ang alam niyang tamang gawin ay itago kay Crane ang tungkol kay Caelan. Kinaumagahan ay napansin ni Suraidah ang pagiging matamlay ng kaniyang anak. Hindi siya sanay sapagkat malikot ang bata. Madalas din na naglalaro kahit umaga pa lang si Caelan, ngunit ngayong araw ay tila walang gana sa lahat ng bagay ang anak niya. "Good morning, My Love. How was your sleep?" "Good," maikling tugon ng bata. Umupo siya sa tabi ni Caelan at inayos ang magulong buhok ng bata. "Gusto mo bang mamasyal tayo mamaya? Walang work si Mommy ngayon," alok niya rito. "Punta tayo sa park, bring lang tayo ng food? How about magstay tayo rito at sa pool tayo wholeday? Or gusto mo bang mag-shopping? Let's buy toys and new things for you." Huminga nang malalim si Caelan. Pinahinto siya ng anak niya sa pag-aayos ng buhok nito. Tumingala sa kaniya ang bata. "Why, My Love? Ayaw mo na ba kay Mommy?" "It's not like that, Mommy. Wala lang ako sa mood gawin ang mga sinabi mo." Tumayo ang bata at agad itong umakyat sa hagdan. Pumaibaba ang mga balikat ni Suraidah. Lubos ang takot niya na baka maging dahilan ito ng pag-layo ng damdamin ni Caelan sa kaniya. Sa halip na ang maid ang siyang naghatid ng pagkain ng bata ay siya ang siyang tumungo sa silid ni Caelan. Dala niya ang pagkain ni Caelan. Binuksan niya ang pintuan at nagulat siya nang wala roon ang anak niya. "C—Caelan?!" Halos matapon ang gatas na nasa baso nang nilapag ni Suraidah ang foodtray sa kama ni Caelan. Hinanap niya ito sa banyo ng silid, maging sa silid kung saan bumibihis ang anak niya ay wala rin ito sa loob. Nagmadali siyang lumabas upang magtanong sa mga maid. "C—Caelan is not in his room. Nasaan siya? N—Nakita niyo ba ang anak ko?!" "Ma'am, h-hindi po!" Dumapo ang kaniyang kamay sa dibdib niya. Hindi siya mapakali, hindi niya alam ang gagawin. Nasaan na nga ba nagpunta si Caelan? — His little feet felt tired. Napaupo siya sa gilid at tumingin siya sa malaking billboard sa isang matayog na gusali. He could not accept what his Mommy said. Binawi ng ina niya ang sinabi nito sa kaniya. Wala nang magagawa pa ang Mommy niya dahil si Mister Crane Laviste ang gusto niyang maging Daddy. "Malakas ang kutob ko na siya ang Daddy ko! Ayaw lang aminin sa akin ni Mommy!" Tumayo siya at sumipa sa hangin. "Hindi puwedeng magkaroon ng ibang fiancee si Daddy! Gagawa ako ng paraan para makita nila ni Mommy ang daan patungo sa isa't isa!" Saktong pagtitig niya sa glass door ng building ay nakita niya ang lalaking kasama ni Crane kahapon. Mabilis siyang tumakbo patungo sa lalaki at hinarang ang mga kamay niya. "Nasaan ang Daddy ko?" "Bata, bawal ka rito!" Lumingon si Mark sa guwardiyang aawat sana kay Caelan. "I know this kid. Ako na bahala sa kaniya." Yumuko si Mark at tumitig siya sa mga mata ni Caelan. "Ikaw na naman? Bakit ka nandito?" "Where is my Daddy?" tanong niya sa mamang kaharap niya. "I want to talk to him. Hindi siya puwedeng magkaroon ng ibang fiancee! Bring me to my Daddy!" "Alam ba ng Mommy mo na nandito ka?" "Y—Yes." Dinampot siya ni Mark at agad na kinarga upang dalhin sa opisina ni Crane. "Amoy laway ka pa, Bata. Suot mo pa ang pantulog mo. Hindi ako naniniwala na alam ng Mommy mo na nandito ka." "I—I am telling the truth!" Pagkapasok nila sa opisina ni Crane ay pumiglas upang makababa si Caelan. Tumakbo siya patungo kay Crane na nakatitig sa malayo habang may kausap sa linya. Binaba naman ni Crane ang tawag phone nito nang makita muli si Caelan. "Daddy! Daddy!" Tumingin si Crane kay Mark. "Naglayas siguro," tugon ni Mark sa tanong ng mga mata ni Crane. "Diretsahang DNA test na lang kaya ang gawin mo, Sir Crane, nang sa ganoon ay tumigil na ang batang ito sa pagsasabi na anak mo siya." "That's a good idea, Mark. Pero parang tanga naman ako kung gagawin ko iyan agad." "Hindi bale nang tanga, basta tumigil lang ang batang iyan. Kapag talaga nalaman ni Miss Shari ang tungkol dito ay tiyak akong magagalit iyon." Napabuntong-hininga na lang si Crane habang si Caelan naman ay nanatiling nakayakap sa binti niya. "Iyong tungkol sa pinagawa ko sa iyo?" "Nandito na sa loob ng envelop ang lahat ng detalye tungkol kay Miss Suraidah Agos, Sir Crane," wika ni Mark at nilabas mula sa loob ng suot na tuxedo ang nayuping envelope.Kabanata 6Her mouth was totally out of words to say. She couldn't even blink properly. Gumuho ang kaniyang damdamin nang marinig mula sa lalaki ang pag-amin na iyon. She refused to agree with the DNA test proposal of Crane because she was certain that the result would be positive as it is.Matagal na panahon niyang itinago sa lalaki ang katotohanan. Subalit nang muling magkrus ang mga landas nila ay sa isang iglap, nabuklad ang palad niyang kumimkim ng lihim na iyon. Her lips trembled. Her hands were shaking. Gayunpaman ay kinaya niyang magpakawala ng malalim na hangin. She wiped her tears, turning to where her things are. Kinuha niya ang bag niya at akmang lalagpasan ang lalaki. The man grabbed her arm, making her face him. "Bakit hindi mo kayang sagutin ang mga tanong ko, Miss Agos?!""L—Let go of me," she said."I won't, unless you answer my questions. How did it happen?! P—Paano? Kailan?! Saan?!"Binawi niya mula sa mga kapit ng lalaki ang kaniyang braso. "K—Kalimutan mo na a
Kabanata 5Napatingin siya sa orasan ng kaniyang phone. She's a bit late. Hinanap nila ni Shiela ang kaniyang dressing room. May nakita silang staff ng kompanya kaya ay tumungo sila rito. "Miss, saan ang dressing room para kay Suraidah?" tanong ni Shiela."Ah, dumiretso na lang po kayo. May nakalagay na name sa itaas ng door. Dalawa pala sila ni Miss Shari. Hindi kasi nagamit ang isang dressing room dahil sira daw ang aircon." Aalma na sana siya subalit pinigilan siya ni Shiela. "Sige, Miss. Thank you." Tumango lang ang staff at agad na itong umalis. "Shiela, titiisin ko ang room na may sirang aircon, huwag lang kaming magsama ni Shari sa iisang room. Can't you do something about this?""Te, hindi na ito ang oras para mag-inarte. Gawin mo na lang ang trabaho mo nang sa ganoon ay matapos na tayo.""Shiela, nakita mo naman ang sasakyan na tinuro ko sa iyo kanina, hindi ba?" She sighed. "Sasakyan iyon ni Crane. For certain, he was here! B—Baka sinamahan niya si Shari!""So? Ano nama
Kabanata 4Her heart was beating the unusual. Hindi naman siya nagkape nitong umaga pero para bang ninenerbyos siya. "Suraidah!" panggugulat ni Shiela sa kaniya"Dios Mio!" napahawak sya sa kaniynag dibdib. "May plano ka bang kitilin ako ng buhay? You're killing me, Shiela!""Ginulat lang, killing agad?!""Seryuso!""Seryuso rin, Suraidah! Ilang araw ka nang wala sa sarili mo! You are not on your shape! Pinabayaan mo ang sarili mo because of Crane?! God! Alam mo naman na hindi ka puwedeng magkaroon ng darks sa under eyes mo! You are a model!"Umismid na lang siya. Balisa siya sa pag-iisip nang malalim ukol sa nais na mangyari ni Crane. Kinababahala niya ngayon ay baka bigla na lang maisipan ni Crane na magpa-DNA test sila ni Caelan. Posibleng gawin ito ng lalaki nang palihim. Sa yaman ba naman nito ay tiyak magiging madali lang upang magawa ang nais nito. "Kinakausap kita, Suraidah. Bukas ay may shoot ka sa studio." Umiling ang kaibigan niya. "Ano ang gagawin natin kung magiging vis
Kabanata 3Ganitong pakiramdam iyon. Nang-iinit ang katawan niya noong gabing pumasok siya sa opisina ng student council. She found Crane on his chair with his unbuttoned polo. Lasing na lasing ang lalaki. She shook her head, trying to put herself back to reality. The way the man in front of her cleaned his throat caught her attention. Napahawak siya sa kaniyang noo, pawisan. Lumalakas ang tibok ng puso niya habang papalapit sa kaniya si Crane. "Who is your child's father?"Halos mawalan siya ng balanse nang marinig ang tanong na iyon mula kay Crane. Bago pa siya makapagsalita ay tumulo na ang kaniyang luha. Nanginig ang mga labi niya't hindi na niya batid kung ano ang isasagot niya sa lalaki. "Miss Agos, I am asking you a question." Katahimikan ang namayani sa loob ng opisina ng lalaki. "Simpleng tanong lang ay hindi mo masagot?""H—He d—died," nauutal niyang wika. "Damn, Miss Agos. Hindi ako naniniwala na patay na ang ama ng anak mo."She sighed heavily, making her best to compo
Kabanata 2He was looking at the folder, starting to read what was written on the paper inside. Isang portfolio ang naroon at iyon ay detalye ng buhay ni Suraidah. Napahanga siya sa mga achievements na mayroon si Suraidah kaya ay napangiti siya nang kusa."She's 27, an entrepreneur and a model," aniya. "Nabuntis siya noong college pa siya?! Wala siyang husband. So, I think, hindi siya pinagutan ng ex-lover niya?" Inalis niya ang tingin niya sa portfolio at inilipat ito kay Caelan na nakatulog na sa sofa. Tumayo siya at nilapitan ang bata. Inayos niya ang tuxedo na ikinumot niya sa paslit. Yumuko siya at pinagmasdan nang mabuti ang mukha ng bata. There was familiarity when he started to study the kid's feature. Ang mga mata nito, mahahabang pilik mata nito, ang ilong nito at ang mga labi nito—all of these were pushing him to look back about his era of being a kid. "Why we have resemblances, Kid? Hindi naman kita ka-ano-ano," bulong niya.May kung ano ang siyang umutos sa kamay niya
Kabanata 1Sinilip niya ang anak na nakatulog sa malambot na sofa sa sala ng kanilang bahay. Napakamot siya sa kaniyang batok nang maisip muli ang naganap sa airport kanina. "Suraidah, ano na naman ang nangyari at para bang asong may galis ka riyan?!" Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan. Sumandal siya sa frame ng pinto at tumingin sa malayo. Mayamaya at nilinis niya ang kaniyang lalamunan bago tumingin sa kaibigan niyang pumarito sa bahay niya matapos malaman ang nangyari kaninang umaga."Iniisip mo pa rin ang pagkikita ng mag-ama mo kanina?""Shiela, your mouth. Puwede bang huwag nating pinag-uusapan ang bagay na iyan kapag kasama natin si Caelan. He was invested with what I've said to him." "Isang beses mo lang naman sinabi ang bagay na iyon sa kaniya, hindi ba?""Nagmana sa akin ang bata na may photographic memory, okay? Pinanghahawakan niya ang sinabi kong iyon sa kaniya, Shiela. And I regret saying that to him."She sighed. Makulit si Caelan at panay ang pagtatanong ni
I have your son, Mister Zillionaire(Starting: May 16, ‘26)PrologueLimang taon na ang nakalipas nang muli siyang makabalik sa Pilipinas. Tinapos niya ang kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo sa isang prestihiyosong paaralan sa America. Nang handa na siyang saluin ang obligasyon ng kaniyang Daddy







