Share

Chapter 8- Priority Vs. Opportunity (2)

Lavigña's POV

Ang manlalarong nanalo ay walang iba kundi si Mavin Luther. Walang nagawa si Zaido kundi ang kamutin Ang kaniyang pawisang noo. Habang Ang tatlong kasamahan ay hiyawan at kantiyawan Ang ginawa.

"Paano Yan broh, prepare your complete gear. Panigurado masusunog ka sa bukid. Sayang Yung glutathione na ginamit mo!" kantiyaw ni Mavin.

"F*CK you broh" ganti ni Zaido sabay dirty finger Kay Mavin na mas Lalo pang tumawa Ng malakas.

"I'll call dad at ipapa sched ko na sa kanya Yung pagpunta mo doon bro"

"F*CK you too and all of you!"

Tawanan Ang lahat na pati ako ay napangiti na Lang sa asaran nila.

"Kung Hindi kayo sasama sa akin in the province, then walang pupunta," seryosong wika niya.

"Hey, bet is bet. Kailan naging bhag Ang buntot mo ha, ZAIDO LEIGH MAGDAY, akala ko ba Wala Kang inaatrasan!" si Jico.

"Sasamahan natin siya doon at syempre panonoorin. Dapat nga mag araro ka pa, gamitin natin Yung kalabaw ni Mang Insyong." dagdag pa ni Yavez.

"Haha, wag na at baka siya Ang iararo Ng kalabaw!" hagalpak Ang tawanan Ng magba barkada.

"You guys! May araw din kayo sa akin!" si Zaido na Hindi mo mawari kung pikon o hindi.

Habang nagkakantiyawan Ang grupo ay muling tumunog Ang bell Ng announcement. Ito pa din yung lalaking naghahanap kanina.

Ilang segundo lang ay napatahimik kaming lahat ng magsimulang magsalita Ang lalaki.

Lahat kami ay napatunganga matapos ang narinig.

"DAHIL AYAW MONG PUMUNTA DITO BABY, YOU FORCED ME TO DO IT. BABY LAVIGÑA WHO DROVED HERE USING A MATTE GRAY FORD MUSTANG, MORE OR LESS 5'3" ANG HEIGHT, NAKA DIRTY WHITE ADIDAS SNEAKERS, BLACK PANTS, MAUVE CROP TOP AND BROWN BLAZER, WITH LONG STRAIGHT BLACK HAIR, COME TO ME HERE AT THE ANNOUNCEMENT AREA BABY, I KNOW YOU ARE GOOD IN DRIFTING. I NEED YOU. MY FUTURE IS IN YOU BABY. LAVIGÑA BABY, COME HERE AS SOON AS POSSIBLE OR ELSE I WILL THROW YOUR MILLION AT THE ROOFTOP".

LAVIGÑA-check

USE A MATTE GRAY FORD MUSTANG-kay Mavin Yung car na ginamit, check

MORE OR LESS 5'3" height- check

DIRTY WHITE ADIDAS SNEAKERS- check

BLACK PANTS- check

MAUVE CROP TOP AND BROWN BLAZER-check

LONG STRAIGHT BLACK HAIR- check

DRIFTER?- Hmmmmm

"Lavi, drifter?" si Jico na inulit pa at talagang kinabisa at chineck kung ako ba talaga Yung Ina announce.

"Who the hell is that, Lavigña?! si Mavin

Lahat kami ay nagtinginan.

"Wooh! the punisher has her fans, Sana all", si Zaido.

Hindi ko alam Ang sasabihin ko kasi hindi ko din naman Kilala kung sino Yung nag a announce. Mangilan ngilan lamang Ang nakakaalam na nag dri drift ako.

"Drifter ka pala Lavi ha", si Quevin.

"Stop that guys. Ano naman ngayon if she's a drifter. Karamihan Naman sa mga babae ngayon marunong na magdrive." depensa ni Mavin.

"Magdrive, yeah, but mag drift and a woman?, parang sa Fast and Furious ko lang Nakita Yun. I never witnessed a woman na mag drift, even in abroad" si Yavez.

"Baka pwede mo kaming pakitaan Lavi", si Jico.

"Isa pang Lavi, at makakatikim na kayo sa akin" biro ko pero mukhang galit.

"Basta lend us some of your time, turuan mo kaming mag drift. I doubt kung may nakakaalam sa amin Dito, maliban tong si Roman na lagi mong Kasama". si Zaido.

"Tama na Yan guys, let's go na. Baka mapan trouble pa Tayo dito." si Quevin Ng mapansing pinagtitinginan na kami sa loob. May mga nagsipunta na din sa Announcement area para maki usyoso.

"Seryoso Lavigña, Hindi mo Yun Kilala?" si Jico.

'How can I? kakilala ko pa na lang ngayon yung apat na mayayamang sira ulong kagaya nyo, may dumadagdag na naman." sagot ko.

"Mavin, why don't you go there. Stop that jerk announcing her name." si Quevin.

"Kami muna Ang bahala Kay Lavi" si Yavez.

Tiningnan ko Ng masama si Yavez ng ulitin miya ang ipinalayaw sa akin Ng grupo. Pero kinindatan lang ako.

Saglit lang ay tumunog muli Ang bell.

"WELL KUNG TALAGANG AYAW MO MAGPAKITA, I WILL NOW GO TO ROOFTOP AND THROW THE MILLION"

" I FORGOT I DONT HAVE CASH, PWEDE BANG MY ATM NALANG PEOPLE?"

Hindi na nakatiis si Mavin at tumayo.

"I'll go to that insane creature, dito ka lang Bella. Pagbalik ko aalis na tayo".

"Wait, ako Yung hinahanap, ako dapat ang pupunta doon".

"Para ano, para pag piyestahan? Bago ka pa makaapak sa pinto ng room na to, kinaladkad kana Ng mga tao jan sa labas. Do you think hindi ka nila makikilala, that bastard really announced including your height. "

"Sige na Mavin, you can go na. Kami na bahala dito." si Jico.

At saka siya nagmadaling lumabas.

Ilang minuto pa ay Hindi ako mapakali. Baka Kung ano na Ang nangyari sa loob Ng announcement area.

"Zaido, may I borrow your jacket, your hat too Jico, pwede?" sabay tanggal sa aking blazer at inihagis sa kanila.

"Wooh, don't tell me na.....

"Yeah, don't worry. Mag be behave ako. Just want to check Mavin"Putol ko.

I wear Zaido's coach dark blue leather jacket at itinali ko Ang buhok ko saka isinuot Ang sumbrero ni Jico.

"Okay na?" tanong ko sa kanila.

Tumango Ang iba at Ang iba Naman ay nag thumbs up.

Nagpalipas muna ako Ng isang minuto bago lumabas Ng game zone. Hindi din naman kalayuan ang announcement area. Tutuloy na sana ako ngunit napakaraming tao sa may pinto.

Sa bintana Ng office, I saw Mavin at kausap niya ang matangkad na lalaki. Naka side siya sa akin kaya Kita ko Ang kalahati Ng Mukha niya. The man has a broad shoulder. Batak ito Dahil fit Ang sleeves Ng kanyang damit sa muscle niya. Hindi siya gaanong maputi but his nose, Ang tangos. For the first time in history, ngayon ko lang natipuhan Ang isang lalaki.

"Lavigña akala ko ba priority muna" my positive self.

"Minsan minsan lang Naman Yan Bella, namnamin mo na. Ikaw na nga Ang hinahanap ng poging yern, di va! Kiligin ka Bella! Kiligin Ka!" my negative self said.

Napahawak na lamang ako sa aking ulo Dahil sa mga nag pa pop sa aking isipan.

ilang minuto pa ako naghintay sa isang tabi, at nakasimple para Hindi mahalata.

Nang magsi alisan na Ang mga tao ay saka ako unti unting lumapit sa area.

Nang iilan na lamang sila sa loob ay lumapit ako at kumubli malapit sa pinto. Nag usap lang saglit si Mavin at Ang lalaki. Habang paalis si Mavin ay binangga pa Niya Ang lalaki. Tatawagin ko na sana si Mavin pero, Nakita ko Ang isang familiar na Mukha sa loob. Yung babaeng nakatayo kanina sa may lobby. Yung nakatingin sa Amin kanina while I parked Mavin's car. At ....... malamang nakita Niya Ang pag drift ko kanina.

Now I know kung ano Ang nangyayari. Mga mayayaman talaga. Gagamitin lahat Ng Pera at kakayahan para lang makuha Ang gusto nila. Palabas na silang apat medyo familiar din Ang kasunod niyang babae, Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita . At sumunod Ang dalawa pang lalaki. Nagpa Iwan sa loob Ang gwapong lalaki. Kinausap yata Ang mga staff doon.

Mabait din naman pala Ang kumag na to.

Nang palabas na siya ay sinalubong ko at bigla Kong hinatak ang kaniyang matigas at matipunong braso sa isang bakanteng espasyo na walang dumadaan.

"Who the hell are you!" pasigaw Niya sa akin sabay bawi Ang kaniyang braso.

"Ako Yung hinahanap mo"!

Napatigil muna siya at nag isip.

"You want some money ha! Well I'm sorry pero I don't have any cash. And the million is not intended for you. Front ko lang yon para magpakita Yung babaeng hinahanap ko, kung meron man sa kanya ko ibibigay."

Maiinsulto sana ako pero naisip ko na Tama lang na Hindi niya ako kilala.

"Mabuti naman kung Hindi ka naniniwala. But please refrain announcing a name kahit Hindi pa Yun Lavigña, at dinescribe mo pa talaga "?

"Why should you care ha? Gusto mo bang ipa announce ko din Ang pangalan mo. I'll do what I want without anyone's care?"

"Hindi na kailangan. And I don't need your money also. Lalo pa at galing sa inyong..... nevermind. I can make my own" wika ko at tatalikuran na sana ng bigla niyang hablutin Ang aking braso.

"Hindi ko agad napansin, napakaganda mo pala" wika niya at bigla akong hinalikan sa labi. Napakabrusko ito pero napakalambot Ng labi niya. Nalanghap ko Ang Amoy Ng alak habang sinisimsim Ang kaniyang labi. Halos mapugto Ang aming hininga ng maghiwalay Ang aming mga labi.

"If you're a good drifter, sumama ka sa akin, I'll give you the money" wika niya.

Biglang tumaas ang palad ko at isinampal sa kaliwa niyang pisngi. Saka ako mabilis na umalis. Hindi ko alam kung ano Ang naging reaksyon niya. Basta nagpatuloy lang ako sa paglakad at pagtakbo. Napakainit pa din Ng labi ko. Parang nakalapat pa din Ang mga labi niya.

Nang makarating na ako sa malapit sa lobby biglang nag ring Ang aking cellphone.

"Punk nasaan ka ba? They told me sinundan mo daw ako?" bungad ni Mavin.

"Papunta nako sa lobby".

"Deretso ka na sa main entrance. Hintayin mo ako doon. Ako na ang mag Dra drive."

"Sige papunta na ako".

Saktong pagsapit ko sa main entrance door ay agad Kong nabungaran si Mavin. Agad akong pumanhik sa sasakyan Niya Ng makahinto sa tapat ko.

"Nasaan na mga baliw mong Kasama?"

"Eh Ikaw, saan ka nagpupunta, wala ka naman doon kanina?"

"Ah, oo sinundan kita kanina, Kaso nalito ako. Mali Yung napasukan Kong area". palusot ko Ng maalala ko Ang nangyari kanina.

"I'm sorry Bella, napagtripan ka tuloy, I'll never let that happen again".

"Okay lang, ano ka ba. Wala namang nangyari sa akin".

"Hindi na Yun manggugulo doon. I'll promise".

"I really like the place, Mavin. Hindi kaya ako ma ba ban doon." Mas gugustuhin ko pa Lalo doon dahil doon nangyari Ang first kiss ko..

"Hindi Naman sila nag ba ban Basta Basta. Tsaka Don't worry hindi ko hayaan na ma ban ka".

"Para maniwala ako, pakainin mo muna ako".

"Sure, saan mo gusto?"

"Sa dati nalang doon mas malapit".

"Yes ma'am, sit tight at lilipad na Tayo doon", at pinaharurot Ang sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status