Third person point of view Nang mawala sa paningin ni Don Juanito ang dalagang si Natasha ay doon lang ito pumasok sa silid ng kanyang apo. Galit na nilapitan niya ito at walang sabi sabi na hinampas ng tungkod na hawak. “Ouch! What was that for? Old man!?” Angil ni Giovanni dahil masakit ang ginawang iyon ng kanyang lolo. “Wala ka na talagang respeto na bata ka! Bakit mo pinagsalitaan ng ganoon si Natasha ha!” Galit na sigaw ni Don Juanito. Gigil na gigil ito sa kanyang apo, pinipigilan lang nito ang sarili. Kanina pa ito sa labas ng kwarto ng apo, noong una ay masaya pa ito at nangingiti dahil nagkakausap ang dalawa at naririnig niya ang malakas na sigaw ni Natasha sa apo, pero biglang naglaho ang ngiti niya ng marinig rin ang sigaw ng apo at ang masasakit nitong salita. Hindi akalain ni Don Juanito na ganito na pala talaga ang ugali ng kanyang apo. Hinayaan muna nito ang sarili at hindi pumasok sa kwarto. Ayaw ng matanda na marinig ng dalaga ang mga sasa
Samantalang si Giovanni naman ay abala pa rin sa kanyang pagbibihis habang iniisip ang mga sinabi ng kanyang Lolo. Susundin muna niya sa ngayon ang nais ng kanyang lolo para matahimik ito, Pero kikilos pa rin siya ng palihim para magawa ang iba niyang plano. Katulad ng pagpapabaksak sa mortal niyang kalaban na si Logan Acosta. Ang grupo nito ang laging humahadlang sa mga deliver nila ng epektos sa mga karatig probinsya. Lahat ng importanteng operasyon nila ay pumapalpak dahil sa Dragon Bloods Mafia Organization na pinamumunuan ni Logan Acosta. Kailangan niyang kumilos para hindi na maulit ang ginawa nitong pang-aagaw at paninira sa mga delivery nila. Pati ang mga negosyanteng bibili at makikisosyo sana sa kanila ay pinatay ng hayop na lalaki para wala silang mapakinabangan. Ang iba naman ay inagaw nito para mas lumakas ang grupo nila. Malaki na rin ang nawawala sa kanilang pera dahil sa pananabonatahe nito. Hindi makakapayag si Giovanni na may pumalit sa pwesto niya s
NATASHA'S POV Pag-karating ko sa mansyon sinalubong ako ni Kuya Larry. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. Nagtataka naman ako dahil pati ang mga guards na nasa labas ay tila nag-aalala din. Para silang natanggalan ng tinik sa kanilang lalamunan ng makita akong papasok sa single gate kanina. Anong nang-yayari? “Saan ka nang-galing binibining Natasha? kanina pa nag-aalala sa ‘yo si Don Juanito. Kanina ka pa niya pinapahanap.” Iyon agad ang binungad sa akin ni Kuya Larry ng makalapit siya sa akin. May kung anong guilty naman akong naramdaman mukhang napag-alala ko pa si Lolo J. “Pasensya na kayo kuya Larry, lumabas lang po ako saglit para maglakad lakad at makapag-isip isip. Nasaan po ba si Lolo J?” “Nandoon sa kanyang opisina, Puntahan mo na at kanina ka pa no‘n hinihintay.” Tumango naman ako bago mabilis na naglakad patungo sa hagdan para umakyat at pumunta sa opisina ni Lolo J. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay bumuntong hininga muna ak
"Let's talk" Napataas naman ako ng isang kilay. “Tungkol saan?” “About earlier.” Mabilis niyang sagot. Bumuntong hininga ako. “Sige, doon na lang tayo mag-usap sa may gazebo niyo.” Ayokong marinig nila mama ang sasabihin ng boss ko, Baka ano ano na naman ang sabihin. Baka maliitin na naman kami tapos marinig nila mama at masaktan. Nako! Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ‘to. Malakas pa naman akong manuntok at manipa. “Alright, Let's go ther—” Hindi natapos ni Giovanni ang sinasabi ng biglang sumingit si mama. “Anak, sino ba iyang kausap mo at ang ta—Ay, Sir kayo po pala. Goodafternoon po.” Nahihiyang sabi ni mama bago bahagyang yumuko. “Good Afternoon din po.” Gulat akong bumaling sa lalaki dahil sa magalang nitong pagbati sa mama ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Bakit ang bait ata ng timawa na ‘to? Bigla ring naging maamo ang mukha. Parang kanina dinamay pa niya ang mama at kapatid ko sa pang-huhusga! Anong masamang hangin
NATASHA's pov KINABUKASAN maaga akong bumangon para makapag asikaso at pumunta sa mansyon. Magaan ang aking pakiramdam dahil sa nang-yari kahapon. Ang sarap din ang cake na binigay ng Boss ko. Tuwang tuwa ang bunso kong kapatid dahil ngayon lang kami nakatikim ng mamahalin na cake at sobrang sarap pa. May tira pa nga at nilagay nila mama sa Ref para may pang himagas daw sila. Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang pamilya mo. Nakaka-ganado mag-trabaho lalo. Nakangiti akong nagtungo sa mansyon at katulad kahapon naabutan ko si Lolo J sa dining area habang nagbabasa ng dyaryo. “Goodmorning Lolo J!” Masayang bati ko dito. Binaba naman nito ang hawak na dyaryo at nakangiti akong binalingan. “Goodmorning Iha, mukhang maganda ang gising mo. May nang-yari ba?” Lumawak ang ngiti ko bago lumapit kay Lolo J. “Opo, Lo. meron.” Mahina kong sabi. “Talaga, ano naman iyon, Iha? Pwede ba malaman ni Lolo?” Nakangiting tanong nito. “Lolo,
NATASHA's pov TAHIMIK lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Sir Giovanni. Papunta na kami ngayon sa Venice Luxury Condominium. “Natasha.” Biglang tawag ng boss ko sa aking pangalan kaya mabilis akong bumaling sa kanya. “Bakit Sir?” “Are you sure you know how to take care of a sick child?” Mahinahon niyang tanong, sumulyap pa siya sa akin sandali bago binalik ang atensyon sa unahan. “Oo naman Sir, ang kapatid kong bunso kapag nagkakasakit iyon ako ang nag-aalaga." “Good, Ikaw ng bahala sa kapatid ko. Sinabi sa akin ni Butler Chen na ayaw daw nitong kumain at uminom ng gamot. May sakit na nga spoiled brat pa rin. Sana magawan mo ng paraan na makakain siya kahit konti at makainom ng gamot.” Kapatid? May kapatid pala siya? Biglang sumagi sa isip ko iyong batang babae na nasa malaking picture frame. Iyong batang babae na mukhang manika! Kahit nag-aalinlangan akong tanungin siya ay naglakas loob ako. “Yung sinasabi mo bang kapatid, Sir ‘yung
Matapos niyang kumain pinainom ko lang siya ng gamot tapos pinahiga ulit at binalutan ng comforter. Tumayo ako para patayin ang aircon para mabilis mapag-pawisan ang bata at bumaba ang lagnat nito. Napansin kong nakasunod lang ng tingin sa akin ang boss ko. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pag aasikaso sa kapatid niya. Pumasok ako sa CR para tignan kung may malalagyan ba ako ng tubig. Napangiti ako ng may makitang maliit na plangana. Kinuha ko iyon at nilagyan ng tubig, binasa ko na rin ang nakuha kong maliit na towel sa damitan ni Gia. Lumabas ako ng banyo, nilapag ko sa bedside table ang maliit na plangana. Hinayaan ko munang mapag pawisan ng lubos ang bata bago ko siya punasan at maginhawaan na. Makalipas ang isang oras kinapa ko ang noo at leeg ni Gia, napangiti ako ng bumaba na ang lagnat nito. Pawis na pawis na rin kaya muli akong tumayo para ikuha siya ng panibagong damit. Papalitan ko siya sigurado basang basa na ang likod nito dahil sa pawis, baka magkar
BANDANG hapon ng magdesisyon si Sir Giovanni na umuwi kami sa mansyon, Buti na lang wala ng lagnat si Gia. Iyon nga lang ayaw nitong mag-pabuhat sa kuya niya o kat Butler Chen. Wala akong nagawa ng sa akin ito mag-pakalong. Mukhang malayo talaga ang loob ng bata sa kuya niya. “Are you okay? Kaya mo pa ba?” Biglang tanong ni Sir Giovanni sa aking tabi. Nasa loob na kami ng elevator at buhat buhat ko si Gia. Nakapatong ang kanyang pisngi sa aking balikat habang sa aking leeg nakaharap ang mukha nito. Sa totoo lang sobrang bigat niya, ang laking bulas ng batang ito at mag-wawalong taong gulang na. Pero wala naman akong magagawa ako ang gusto niyang bumuhat sa kanya kaya kahit masakit na sa balakang ay tinitiis ko. “Yes, Sir. Kaya pa naman po.” Nakangiti kong sabi bago inayos ang pagkakabuhat sa bata. Narinig ko ang buntong hininga nito. “Kung hindi mo na kaya sabihin mo lang para ako na ang magbubuhat sa kanya." Seryosong sabi nito. “Sige po.” Iyon lang ang sina