“SIR Lukas?!” mulagat na sambit ni Cataleya sa pangalan ng boss niya. Bigla na lang itong sumulpot sa pag-uusap nila ni Romeo. Katulad ng gabi, wala siyang makitang emosyon sa mukha nito na nakatingin sa kanilang dalawa ng binatang kapitbahay. Napansin niya na nakasuot ito ng sando at board short. Sabagay, may pagka-alinsangan ang klima sa gabing iyon.“Hala andito ka pala Sir,” gulat na sabi ni Romeo, bigla itong nakadama ng hiya. “Sorry po kung naibuko ko po kayo kay Ma’am cat, na kayo ang tumulong sa kanya ng gabing iyon.”Kumibit-balikat ito. “It’s alright Romeo. Mas maganda nga na malaman na rin niya.”Minsan pang nanlaki ang mata niya sa kumpirmasyon na iyon ng binatang boss. Kahit paano ay bahagyang sinusundot rin pala ng kalambutan ang puso nito. Mixed ang nadarama niyang emosyon. May sama pa rin siya ng loob dito sa nangyari kaninang umaga sa meeting.“Ay ‘di salamat Mr. Adriatico.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Baka, sumbatan mo pa ako sa ginawa mong pagtulong mo sa akin.
“SORRY kung naka-istorbo ko ang pag-uusap ninyo, ka-video call ko kasi ang friend ko,” palusot na sabi ni Cataleya kina Lukas at Lorraine. Pinakatitigan pa niya ang hawak na cellphone kahit hindi siya nakakonekta kay Ria. Abot-abot ang kaba niya ng mga sandaling iyon.Nangunot ang noo ni Lukas. “Nasa trabaho ka Miss Domingo, pero nakikipag-video call ka ng ganitong oras?”“I’m sorry Sir,” mababang tonong paumanhin niya. “Bigla kasing tumawag ang friend ko. Baka kasi emergency.”“Okay never mind, basta make sure na hindi mo mapapabayaan ang work mo.” Binalingan nito ang dalagitang pamangkin. “Teka, kumain ka na ba my dear niece?”“Tamang-tama uncle, gutom na nga ako kaya nga pinuntahan kita dito sa office mo.” Humagikhik pa si Lorraine.Minsan pa siyang nanibago sa pagiging kalmado ng presensya ng boss niya. Tila yata natulong ang pagiging isang dragon nito.“Miss Domingo, lalabas lang kami saglit ng pamangkin ko huh,” untag ni Lukas sa kanya. “Kailangan pagbalik ko mamaya ay tapos na
KULANG na lang ay maipikit ni Cataleya ang mga mata nang masamyo pa niya ang mabangong hininga ni Lukas. Tila nanadya ito sa malapit na pagitan ng kanilang mga labi. May kung anong kakaibang init ang binubuhay nito sa bawat himaymay niya.“Inayos ko lang ang pagkakabit mo ng seat belt mo. Maluwag eh at delikado sa mga unexpected circumstance,” sabi nito. Napababa ang tingin niya sa abalang kamay nito.Inayos nga nito ang pagkasuksok ng latch plate sa buckle ng seat belt niya. Isang bagay na hindi niya napansin kaagad. Nakadama naman siya ng pagkapahiya sa sarili, pero hindi niya ipinahalata iyon sa boss niyang kasama. “Sorry, nagmadali kasi ako sa pagsakay dito sa SUV mo. Hindi ko na napansin ‘yan.”Inilayo nito ang sarili sa kanya at umayos muli ng upo sa driver’s seat. Natuon muli ang atensyon nito sa muli sa pagpapaandar ng kinaluuanan nilang sasakyan.“It’s alright, time to go again,” ani nito na hindi na siya nilingon pa. Naramdaman nila ang kanilang pag-andar sa gitna ng kalye.
“MAY ipapakiusap sana ako sa’yo, Ma’am Cataleyah,” muling sabi ni Conchita. Mababakas sa mga mata nito ang kislap ng pakikiusap.“Ano naman poi yon?” Nanatiling ang diretsong tingin niya sa ginang. “S”ya nga po pala, Cat na lang po ang itawag ninyo sa akin. Huwag n’yo na po akong tawaging Ma’am dahil hindi naman na kayo iba sa akin ni Aya.”Para kasi siyang nakasumpong ng bagong pamilya sa mag-ina na kasama niya ngayon sa bahay niya. Kung ayaw ni Lukas sa mga ito, sa parte niya ay hindi siya magdadamot ng pagmamahal at pagutulong. Magkataliwas ang mga desisyon nila ng kanyang boss. At least siya ay puso ang pinapairal niya.“Huwag mong sukuan ang anak kong si Lukas, Cat,” malumanay na sabi ni Conchita. “Sa pamamagitan mo kasi, kahit paano ay nagiging updated ako sa nangyayari sa buhay ng anak ko.”Hindi niya malaman ang magiging reaksyon niya. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Kaya ko naman hong pakisamahan at tiisin si Lukas sa trabaho, pero hindi ko po sigurado kung ma
PAGKAPIKIT ni Cataleya ng mga mata ay kaagad din siyang nagmulat. Pakiramdam niya ay napunta siya sa ibang dimensyon. Nawala ang pagka-antok sa diwa niya. Nanatili siyang naroon sa mamahaling sa silid sa hotel na iyon pero hindi na siya nag-iisa. May kasama siyang isang lalaki na hindi niya makita ng malinaw ang itsura. Nakatayo ito sa may gilid ng kama at alam niya na masuyong nakatingin ito sa kanya.“Hindi ka totoo,” aniya na napailing pa ang ulo niya. “Panaginip lang ang lahat ng ito.”Ang blangkong expression ng mukha nito ay kaagad na napalitan ng pagkaaliwalas. Hindi niya ganap na makita ang malagkit na tingin sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, but you are beautiful in my eyes tonight.”Sa boses pa lang ay naghatid ng kakaibang epekto sa katawan niya. Hot and sexy ang dating sa pandinig niya.Hindi pa rin makapaniwala na bumangon siya buhat sa pagkakahiga sa kama. Lumapit siya sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. At ganap na ngang magkaharap silang dalawa.Halos hin
“KUNG pinapalayas mo na ako bilang secretary mo Sir Lukas,” matapang na sabi ni Cataleya sa bagong dating na boss. “Willing naman ho akong umalis. Kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa.”Umiling ang ulo nito kasabay ang pagkunot ng noo. “It’s not about that, Miss Domingo!”“Then, diretsahin na ako Sir!” napatayo na siya na may kasamang pagkainis. Pilit niyang hinahabaan ang pisi ng pasensya para dito. kailangan pa rin na maging magalang siya kay Lukas.“Have you seen it?” Iniharap nito sa kanya ang screen ng mismong cellphone nito. Minsan pang nanlaki ang mga mata niya sa nakitang picture doon.Pamilyar sa kanya ang nasisilayan niyang imahe. Bigla tuloy niyang naalala ang cellphone niya. Kaagad niyang pinulot sa sahig at nagulat siya sa bumulagang video doon.“Hindi ito totoo!” Nagpalipat-lipat ang tingin niya screen ng cellphone niya at sa mukha ni Lukas. At ganap na niyang naunawaan ang lahat sa tila ma-intrigang araw na iyon.Isang intimate video ang naroon, kung saan siya napa
“NAKU frenny, paano na ‘yan?” nag-aalalang sabi ni Ria habang ka-video call ito ni Cataleya. “Malalagot ako nito kay Madam Wanda. Inaasahan na niya sa akin ang bayad sa mga alahas na kinuha ko sa kanya.”Napabuntong-hininga si Cataleya. Bakas pa rin sa mukha niya ang matinding panglulumo dahil sa nanyari. Nabigo siyang mabawi ang nahablot na bag sa kanya kung saan naroon ang mga alahas. Nai-report na niya sa police ang nangyari. Kaso ang masaklap, walang CCTV camera sa lugar na naging biktima siya ng riding and tandem.“Naghahanap na ako ng pwede kong pagbentahan nitong bahay ko,” sabi niya, labag sa kalooban niya ang naiisip niyang plano. “Then, may pera pa naman ako sa bangko para pandagdag bayad din.”“Pero, paano ka frenny? Saan ka titira n’yan?” ani ng kaibigan niya na mas lalo pang nag-alala. “Kulang din ang pera ko ngayon, maliit lang pero pwede ng pandagdag.”Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Bahala na, mas mabuti pang makitira ako kung saan kaysa makulong ako
“SANA ito na nga ang answered prayer mo sa akin,Lord,” napatingalang sabi ni Cataleya pagkalabas niya ng bahay. Punong-puno siya ng umaga ngayong araw. Muli niyang nagamit ang bag na pang-opisina niya pero sa pagkakataong iyon, hindi siya papasok sa trabaho. May imi-meet lang siyang possible buyer ng beach house niya sa town proper ng El Nido. Sa isang sikat na kainan sa bayan sila magkikita.Nilapitan na niya ang naka-paradang motorcycle saka sumakay na siya doon. Nakabukas naman na ang gate sa bakuran niya na nakasanayan ng gawin ng katiwala niya.Pagkasuot ng helmet at inihanda na niya ang sarili sa pag-alis ng bahay. Subalit, hindi pa man siya nakakalabas ng garahe ay may humarang na isang sasakyan sa drive way sa labas ng gate niya. Bumusina pa ito nang paulit-ulit.Nakadama siya ng pagkainis pero natigilan siya dahil pamilyar sa kanya ang naturang sasakyan. At hindi siya maaaring magkakamali. May hinala na siya kung sino ang may-ari ng SUV.Wala n asana siyang balak pansinin pa