“IKAW ba talaga ang minana kong secretary?” mariing tanong ng bagong boss kay Cataleya. Pauyam ang mga tingin nito sa dalaga. “Unattentive at wala sa focus.”
Mabilis niyang hinamig ang sarili sa sandaling iyon. Diretso siyang tumingin sa mukha ni Lukas. “I’m s-sorry Sir, medyo kinikilatis ko lang kayo as my new boss.”
Kulang na lang ay mapapikit siya sa alam niyang sablay niyang dahilan. Masyado kasi nitong nawindang ang buong pagkatao niya. Kailangan na lang niyang panindigan ang mga sinabi niya.
Nakita niya ang pag-alis nito sa likod ng executive table nito at lumakad patungo sa harap niya. Hanggang balikat siya nito dahil taglay na katangkaran. Pinagsalikop nito ang mga braso habang nanunuri ang mga tingin. “Late ka na nga Miss Domingo, pero nakuha mo pa akong kilatisin. Hindi ba dapat ako ang gumawa n’yan sa’yo.”
Lukas Adriatico was handsome as hell. Sa mga simpleng kilos nito ay mababasa ang dinadalang authority. Malayong-malayo ito sa namayapa niyang boss. At isang malaking adjustment ang mangyayari sa work niya.
Taas noong ginantihan ang titig nito. “I’m just stating my opinion Sir Adriatico. Hindi naman siguro masamang kilatisin ko kayo kahit paano. Remember, tayo ang magkakasama sa trabaho dito sa hotel and resort na ito.”
Saglit na nabaghan ang itsura nito. Halatang nasaling niya ang ego nito. Hindi makapaniwala sa lakas ng loob niya na sagutin ito. Umangat ang dark, slightly brows nito. Parang may natatagong misteryo at agony sa likod ng prominenteng bahaging iyon ng mukha nito. “We are wasting time Miss Domingo, as my first task, please make a letter to all department. I want to meet all employees this afternoon.”
Bago pa siya makahuma, nilagpasan na siya nito ng lakad. Lumabas muna ito ng opisina hanggang sa narinig niya ang pagbukas-sara ng dahon ng pinto. Walang pasabing iniwan siya nito sa loob.
Kahit paano ay napabuntong-hininga si Cataleya. “Good luck na lang talaga kung magkakasundo kami ng bago kong boss. Mister Sungit eh, parang nagkamali ako na ginamit ko siyang character. Pero teka, siya ba talaga ‘yun?”
Makailang beses niyang pinagmasdan ang pangalan ng binatang boss sa ibabaw ng table nito. Napansin niya ang isang nakapatong na photo frame doon. Kinuha niya iyon saka pinagmasdan. Minsan pa siyang namangha sa nakita niya.
Ang picture kasi ni Lukas na naroon ay kapareho ng ‘ninakaw’ niyang picture nito sa internet. Bakit parang ang lumiit ang mundo nilang dalawa. Isang malaking kahihiyan kapag nalaman ng bagong boss niya na ito ang pinapagalaw niyang character sa online novel niya.
Bigla niyang naalala ang male character niyang si Von. Lalong nagkabuhay iyon sa imahinasyon niya dahil nakaharap na niya si Lukas. Pakiramdam niya ay sumanib sa kanya ang heroine niyang si Amarah. Magkaharap daw silang dalawa ng bagong boss niya at sila ang gumaganap sa kwentong isinusulat niya.
An intimate moment. Hinawakan nito ang mukha niya saka nagtama ang kanilang mga mata. There was a flame of desire. Tumaas-baba pa ang adam’s apple nito na nagpapahiwatig ng pinipigil na pagtitimpi. Hanggang sa kusang tinatawid na nito ang nalalabing distansya nila sa isa’t isa. Lumapat na nga ng tuluyan ang labi nito sa kanya.
“Are you out of your mind?”
Bigla siyang napamulat ng mga mata niya. Hindi niya namalayan na napapikit pala siya sa pag-alala sa isang eksena sa kwento niya. Namula siya nang kaharap na pala ulit niya si Lukas. Bumalik na pala ito sa opisina. Ang matindi pa doon, huling-huli siya nito na nakanguso ang labi niya.
“I’m s-sorry Sir,” nag-aapuhap ng sasabihin na saad niya. pakiramdam niya ay nakabilad siya sa matinding kahihiyan. “Ahm, bigla lang akong napuwing.”
“Napuwing ka, pero hawak-hawak mo ang picture ko?” salubong ang kilay nito na usisa sa kanya.
Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang ulo niya, naging isang buhay na ahas ang tingin niya sa hawak pa ring photo frame. Dali-dali niyang ipinatong iyon sa table nito.
Ano ba namang buhay ito Cataleya, hindi niya napigilang sita sa sarili. Kulang na lang ay matampal niay ang sariling noo. Another kahihiyan na naman.
“Pinunasan ko lang Sir dahil may alikabok at ‘yun nga napuwing ako.” Kunwa’y ginusot niya ang sariling mata. “Sige, back to work muna ako.”
Hindi na niya hinintay pa itong tumugon. Nagpunta na siya sa office table na laan para sa kanya. Parang nanghihina siyang napaupo sa swivel chair pagkabuhay niya sa computer. Palihim niyang sinulyapan ang bagong boss. Naupo na ito sa may executive table nito at may pinag-aaralnang mga papeles.
Sinimulan niyang gawin ang utos nito sa kanya. Mabilis niyang nagawa ang letter at naipadala iyon online sa mga kaukulang department. Masasabing bihasa na siya sa trabaho niya bilang secretary.
“Just follow my order! Hindi natin kailangang pairalin ang awa sa negosyo!”
Napaurong siya sa kinauupuan, pagkarinig sa pasigawa na iyon na boses ni Lukas. May kausap ito sa cellphone nito. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang lumabas ang pagiging mabagsik nito. Sinikap niyang ignorahin ang bagong boss niya. Itinutok niya ang atensyon sa monitor ng computer kahit tapos na siya sa trabaho.
“Tapos na ba ang ipinapagawa ko sa’yo Miss Domingo?”
Kaagad siyang napatingala kay Lukas na nasa nakatayo na pala sa harap ng table niya. Kita sa gwapong mukha nito ang kawalan ng pasensya at pinipigilang iritasyon.
Malayong-malayo ito sa character niyang si Von. Iba ang nai-potray niyang character para dito.
“Yes Sir, tapos ko na po. Nai-send ko na sa email sa bawat deparment.” Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi niya. tiwala at kampante siya para sa sarili.
Mariing itong umiling at lumarawan ang pagka-diskumpyado sa mukha nito. “Hindi ka sumusunod sa utos ko. Ang sabi ko ay gumawa ka ng letter para mamaya at wala akong sinabi na i-send moa gad.”
Itinago niya ang panginginig ng katawan niya. Puno ng awtoridad ang boses ni Lukas. “Sir, ginawa ko lang ang nakasanayan kong protocol at akala ko ay iyon ang nais ninyong mangyari.”
“Miss Domingo, we need change!” napataas pa ang tinig nito. “Tama na tayo sa nakasanayan, lalo’t ako ang bagong resort manager. Gumawa ka ng hard copy ng letter at dalhin mo sa lahat ng department. Wala akong tiwala kapag online lang.”
“Pero Sir,” protesta niyang sabi. Okay lang na magprint siya ng mga letter pero kung dadalhin iyon sa bawat opisina ay hindi biro. Malaki ang hotel and resort na pinagtatrabahuhan niya. Magkakalayo pa ang bawat department.
“May violent reaction ka ba Miss Domingo?” sarkastikong tanong nito. “Sabihin mo lang, para may idea ako kung tatanggalin ba kita at papalitan ka as may secretary.”
Napaawang ang labi niya sa narinig. Ganito ba talaga kawalang consideration ang isang Lukas Adriatico? Ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang pagiging mahigpit at istrikto nito. Matatagalan kaya niya ang maging secretary nito?
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu