SAGLIT na tumigil sa paglakad si Cataleya pagkababa niya ng unang palapag. Galing lang naman siya sa ika-apat na palapag ng second building ng hotel. Bale nasa anim na department ang pinuntahan niya. ngayon lang siya sa nakadama ng matinding pagkapagod sa trabaho niya. Pinunasan niya ang pawis na naglitawan sa mukha niya. Napansin niya na magtatanghaling tapat na, kung kaya kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.
Sa isip niya ay pinapagalitan niya ang bagong boss niya. Doon niya inilalabas ang panggigil dito. Maling-mali na ginawa niya itong visual peg sa male character niya. Ibang-iba it okay Von.
Ewan ko ba sa’yo Mr. Lukas Adriatico. Parang wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga empleyado mo.
Humakbang na siyang muli para bumalik na sa opisina niya. Humupa naman na ang nadarama niyang pagkapagod ng katawan. Naroon pa rin ang lihim niyang pagkastigo sa isip niya sa bagong boss.
Sa sumunod na pagkhakbang ng paa niya, bigla iyong nawala sa pagkakaapak sa sementong daan. May malakas na pwersa na ang nagtulak sa katawan para bumagsak. Naipikit niya ang mga mata niya sapagkat alam niyang hahalik ang mukha niya sa semento.
May nahagip bigla ang kamay niya saka ubod laaaks siyang kumapit dito. At sa isang iglap, lumapat siya sa may katigasang bagay pero hindi masakit at nakakabali ng buto. Nakadama siya ng human warm.
“Damn it!” galit na angil ng boses ng isang lalaki.
Hindik siyang nagmulat ng mata. Napagtanto niya na nakakubabaw siya sa isang katawan ng lalaki. Nakasubsob ang mukha niya sa may kalaparang dibdib na natatago sa suot nitong long-sleeve na grey. Naamoy din niya ang mabangong sanghaya ng gamit nitong perfume. Pa-simpleng sinamyo pa ng ilong niya.
“At wala ka talagang balak na umalis sa pagkakadagan mo sa akin?” pagalit na tanong ng lalaki.
Pamilyar sa kanya ang boses nito. dali-dali siyang bumangon buhat sa ibabaw ng lalaki na marahil ay nakabanggaan niya. Naramdaman niya ang pagtayo nito. Napaawang ang labi niya sa pagkabigla nang masilayan na ang mukha nito.
“Sir Lukas!?” bulalas niya. Damang-dama niya ang matinding kahihiyan. “I’m sorry po, k-kung naabala ko kayo.”
Iritadong inayos nito ang nayukos na suot nitong business suit saka may katalimang tumingin sa kanya. “Anong klaseng secretary ka Ms. Domingo? First day pa lang natin na nagkakasama pero ang daming aberya na ang ginawa mo.”
“Kaya nga nahingi ako ng sorry Sir, hindi ko naman kagustuhan ang madulas dito sa hallway.” Pinipigilan niyang ilabas ang m*****a side niya. Kailangan pa rin niya itong igalang dahil boss niya ang binata. Ayaw pa rin niyang mawalan ng trabaho.
“Kasi nga hindi ka aware sa paligid mo!” itinuro nito ang isang floor sign na may nakasulat na ‘wet floor’. Napansin niya na basa ang bahaging iyon ng hallway. Halatang nilalampaso. “At sinasadya mo pa aking hagipin kanina.”
“It’s not my intention Sir,” may himig depensang sabi niya.
“I will call the housekeeping department now, mananagot ang pabayang janitor nila,” nagbabalang saad ni Lukas. “Kailangang matanggal siya sa trabaho.”
“Pero Sir, unfair naman po yata ang desisyon ninyong ‘yan,” malumanay na protesta niya. Kilala kasi niya ang pitong janitor ng resort. Malapit ang mga ito sa kanya at alam niya ang hirap ng buhay ng mga ito at malaking tulong ang pagtatrabaho sa resort. “Be considerate po sana.”
“It’s a big no Miss Domingo,” giit nito. “One mistake is enough para gawin ko ang gusto ko. Maraming umaabuso kapag panay bigay tayo ng another chance.”
Siya naman ang napailing sa sinabing iyon ng bagong boss. Napakalaki nito na walang pakialam sa mga empleyado nito.
“Kasalanan ko naman Sir, dahil ako ang nadulas.” Pagtatanggol pa rin niya sa katrabahong posibleng mawalan ng trabaho. “At sorry again kung nadamay kayo.”
Isang mariing pag-iling ang naging tugon nito. nagsalubong na naman ang prominent brow nito. Sa ekpresyon ng mukha nito ay mababasa na desidido na ito sa nasabi nito.
“Go back to office now at maraming trabaho ang naghihintay sa’yo.” Walang pasabing nilagpasana na siya nito sa paglalakad. Wala siyang idea kung saan ang punta nito. Besides, hindi naman siya interesado.
“Lord, sana baguhin mo po ang takbo ng isip ng bago kong boss,” usal niya. Hindi niya napigilang lingunin ang naglalakad na bulto ng bagong boss niya. Napa-cross finger siya. Huwag sanang mangyari sa bagay na kinatatakutan niya.
Sana nga lang ay hindi siya nadulas. At may nagbabantang mawalan ng trabaho.
SA isang hall ng hotel ginanap ang ipinatawag na general meeting ni Lukas sa lahat ng mga empleyado. Nakaupo siya sa unang row ng upuan dahil doon siya pinapwesto ng bagong boss niya. Gusto raw nitong nakikita siya ng mga mata nito. Kung anu-ano pa ang naging utos nito sa kanya bago siya nakaupo ng matagal.
“As as new manager of this hotel and resort, marami tayong pagbabago na i-implement,” panimulang sabi ni Lukas sa harap ng lahat ng empleyado. Napakatikas nito sa pagkakatayo sa podium. Masasabing stand-out in the crowd ang datingan nito.
Ito ang tipo ng boss nasa itsura pa lang ay ramdam na ang awtoridad nito. Sa presensya pa lang nito ay maghahatid ng ibayong nerbyos sa sinumang naroroon. Mga bagay na napagtanto ni Cataleya sa new boss niya.
Sa loob ng isang araw, pakiramdam niya ay ang dami ng nangyari. Gwapo naman si Lukas. Hindi niya napigilang humanga sa kabila ng ugali na mayroon ito. Kailangang lagyan niya iyon ng hangganan.
“When I accept the position, pinag-aralan ko na ang kalagayan ng hotel at resort na ito. Sad to say, napaka-negative sa akin ng mga nalaman ko.” Bumakas sa mukha ni Lukas ang malaking pagkadismaya. Lalo pa itong sumeryoso sa pagkakataong iyon. “Asahan ninyo na magbabawas tayo ng tao sa mga susunod na araw. Only the effective and competitive employees will remain.”
Parang iisang tao na huminga ng malalim ang lahat ng empleyado ng resort and hotel. Nakadama ang karamihan sa mga ito ng panganib for their job security.
Maging si Cataleya ay tutol sa sinabing iyon ng bagong boss. Totoo naman ang report na nakuha nito at nalaman na niya iyon sa namayapang boss.
“Ang lupit mo Sir Adriatico!” biglang sigaw ng isang lalaki mula sa bandang hulihan ng hall. Lahat ng mata ay napako doon. Isang tensyon ang nabuo sa paligid. Nagkaroon na rin ng bulong-bulungan.
Nasundan pa ang mga pagsigaw na kapareho ng mga nauna. Nakilala niya Cataleya ang mga lalaking nagpo-protesta sa bagong boss niya. Nangyari na nga yata ang isang bagay na kinatatakutan niya kani-kanina lang.
Umahon ang dugo sa ulo niya sa mga sandaling iyon. May kung anong emosyon ang lumukob sa dibdib niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan, lakas-loob niyang nilapitan si Lukas sa podium.
Bahala na. Ang tanging nasabi niya para sa isang akyon na gagawin niya.
TUMIGIL ang van sa compound na nasa labas ng Metro Manila. Mula sa nasabing sasakyan ay sapilitang ibinaba ang dinukot na mag-asawa. May nakasaklob na sako sa mga ulo nito. Bumaba na rin ang mga goon saka pakaladkad na ipinasok ang mga bihag sa loob ng isang lumang bodega. Papakalat na ang dilim sa buong paligid.Sa loob ng bodega ay may dalawang upuang kahoy kung saan iniupo sina Lukas at Cataleya. Nagpapalag ang dalawa pero walang silang magawa para makatakas. Nakatali ang kanilang mga kamay at panibagong tali pa ang ginawa sa kanilang mga katawan sa kanilang kinauupuan.“Welcome,my dear Lukas at Cataleya,” anang ng isang boses na babae na may pagbubunyi ang tono.Kasabay n’on ay ang pagtanggal ng nakasaklob na sako sa kanilang mga ulo. Hindi makapaniwala si Lukas sa mukha ng taong nagpadukot sa kanila. “M-Mama Matilde, kayo ang may kagagawan nito?”Si Cataleya naman ay maang nakatingin sa may katandaan ng babae. Halatang may ginagamit para mapigilan ang pagkulubot ng mukha. Hindi n
"I admit Cataleya, iniwan nga kita noon dahil sa pagkagalit ko sa'yo," walang emosyong pag-amin ni Lukas. Nagtagis ang bagang nito pero sa kislap ng mga mata ay naroon ang pagka-guilt. "Inisip ko na niloko mo ako, dahil nalaman ko ng gabing iyon na ikaw pala ang kakambal ng namatay kong asawa.""At k-kailan nangyari iyon?" Kumabog ang dibdib niya sa walang kalinawang dahilan. Pakiramdam niya ay mas lalo pang nahiwa ang puso niya.Kagaya ng nitong nakaraang araw, wala siyang maapuhap sa alaala niya."It was three years ago, nang i- invite tayo ng father ko sa mansyon for a dinner date. Gusto ka nilang makilala," pagpapatuloy ni Lukas. "Pero malaki ang pagka-disgusto sa'yo ng Mama Matilde. Siya ang nagsiwalat ng pagkatao mo kasabwat ang dating secretary ng kakambal mo."Marahan siyang napatango ngunit may isang particular na emosyon ang nagnanais kumawala sa dibdib niya. Her temporary memory loss prevented her from fully bursting out."Iyong totoo Lukas, until now ay galit ka pa rin ba
"KANINONG bahay ito Lukas?" tanong ni Cataleya sa nagpakilalang asawa niya. Kabababa lang nila sa sasakyan at nasa harap sila ng dalawang palapag na bahay na tabing-dagat. "Ang ganda namam ng view dito."Sumalubong sa paningin ang tanawin ng dagat na kung saan ay may natatanaw siyang tila maliliit na isla.Nilingon siya ni Lukas, karga nito ang dalawa sa triplet na parehong nakatulog sa mahabang byahe. "Bahay mo ito my dear wife."Namanghang nanlaki ang mata niya. "Wow talaga, sa akin talaga ang bahay na ito.""Oo, dito ka tumira noong nag-stay ka pa dito sa El Nido," sagot ni Lukas. "Anyway, pumasok na muna tayo sa loob at para madala sa kwarto ang mga anak natin."Marahan siyang tumango at napasunod na lang sa muling paglakad ng asawa. Humahanga siya sa magandang interior ng bahay na pag-aari niya daw. Dulot ng amnesia niya ay hindi niya maalala ang pagiging bahagi n'on sa buhay niya.Isang kuwarto ang binuksan ni Lukas at nanatiling nakasunod siya dito. Marahan nitong inihiga sa ka
NAGISING siya ng umagang iyon na pakiramdam niya ay malakas na siya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Nakasanayan na ng mga mata niya ang kinaroroonan niyang apat na sulok ng silid, ang madalas niyang makamulatan sa bawat umaga.Isang malaking tanong sa kanya kung nasaan siyang lugar. Humakbang siya palabas silid. Marahan niyang pinihit ang seradura para ganap na siyang makalabas.Hindi pamilyar sa kanya ang pasilyo na nabungaran niya. malinis, maaliwalas at maalwan ang bahaging iyon ng kabahayan. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad.Natagpuan niya ang sarili na bumababa sa grand staircase. Indikasyon na naroon siya sa isang mansion. Pero ang tanong, kaninong bahay ang kinaroroonan niya?“Gising ka na pala, ahm okay na ba pakiramdam mo?” Salubong sa kanya ng isang matangkad at gwapong lalaki pagkababa niya ng hagdan. Kita niya ang concern sa mukha nito.Tumango siya pero kinikilala pa rin niya ang itsura nito. “Ayos naman ang pakiramdam ko. Teka, s-sino ka ba?”“Ak
CATALEYA gently stroked him. Tila may nakikipaglaban sa mahigpit niyang pagkakapit niya sa isang bagay nasa loob ng short ni Lukas. Biglang napahiwalay ang labi ng asawa sa kanya at napaungol ito sa bawat paghagod ng kamay niya sa ebidensya ng pagiging lalaki nito. Naroong nakagat pa nito ang sariling labi.“You’re making me crazy,” anas ni Lukas saka naipikit pa nito ang mga mata. Nanatiling pa ring nakaupo ito.Lihim naman siyang nangiti dahil nagawa niyang paligayahin ang asawa sa kanyang mga kamay. Lalo pa ito naging hot sa mga mata niya dahil nakikita niyang reaksyon ng gwapong mukha nito.Lalo pa niyang itinodo ang ginagawa niya. Ayaw niyang maputol ang mainit na sandaling iyon. She loves every inch of him.Maging si Lukas ay hindi na rin nakapagpigil sa matinding init na lumuukob dito. Marahan nitong inalis ang kamay niya na nasa loob ng shot nito. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya sa ere at saka niya namalayan na pangko na siya ng asawa.Iniangkla niya ang magkasug
“MAY kailangan ka ba sa akin Lukas?” tanong ni Cataleya sa asawa nang mabungaran niya ito sa mini-bar ng bahay nito. Prente itong nakaupo sa isang round table na kanugnog ng ipinasadyang table. Naka-display ang mga mamahaling alak at iba’t ibang uri ng kopita. A sign of luxurious living.Nilagok muna nito ang lamang alak ng hawak na kopita saka tumingin sa gawi niya. “May gusto lang akong sabihin about sa nangyari kanina sa mansion. Take a seat first.”Medyo kinakabahan na naupo siya sa upuang itinuro nito na malapit lang sa pwesto nito. Sinikap niya na maging kalmado. “I’m sorry kung naging rude o nawalan ako ng galang sa Mama Matilde mo.”Hindi kaagad ito tumugon bagkus ay kumuha pa ito ng isang kopita. Ipinatong sa mismong tapat niya saka sinalinan iyon ng vodka. “It’s not what I mean my dear wife. Ang totoo n’yan ay napahanga mo pa ako sa ginawa mo kanina. Hindi ko inaasahan iyon lalo na ang DNA result.”My dear wife. Tila musika iyon sa pandinig niya na kinasabikang marinig ng pu