Share

Chapter 4

NAWALA ang nadaramang pagod ni Cataleyah pagkapasok niya sa loob ng kanyang writing room. Kaagad siyang naupo sa harap ng kanyang personal computer na binuhay na niya. Mamaya na siya kakain ng dinner at uunahin muna niya ang pagsusulat.

Madami siyang tinapos na trabaho sa hotel at resort at halos ma-drain ang energy niya. Dulot ng ininom niyang coffee ay nakapag-recharge siyang muli ng energy. Mga ilang sandali pa, kaharap na niya ang ongoing story niya sa isang platform sa internet. Binasa muna niya ang mga comment sa last updated chapter na ni-upload niya kahapon.

Minsan pa siyang nagpalamon sa ikalawang mundo niya. Ang kanyang lihim na katauhan bilang isang manunulat.

“Kung kayo excited sa mangyayari kay Von at Amarah, paano pa kaya ako na writer?” napalakas niyang sabi sa sarili. Para bang may kausap talaga siya. “Kumalma lang kayo at tatapusin ko ang pagkabitin ninyo sa aking story.”

Bumuntong-hininga siya sa harap ng monitor. Isusulat na kasi niya ang love scene ng kanyang mga character. Kung tutuusin ay hindi naman erotica ang story niya pero maraming reader ang na-hook. Napa-hot yata ang description niya sa kanyang lead male character.

Nilabanan niya ang pressure. Deep-inside ay kinakabahan siya sa kalalabasan ng eksenang titipain niya. ayaw niyang mag-failed ang expectation ng mga reader niya. Gusto niyang maging buhay na buhay sa imahinasyon ang mainit na ganap na iyon.

Kinuha niya sa notebook niya ang isang litrato na ini-print niya. idinikit niya iyon sa gilid sa itaas ang ng monitor ng computer niya. tumingin muna siya sa picture ni Lukas Adriatico kasunod ang pagtipa na niya sa keyboard.

Sinimulan na niya ang pagsusulat sa kipanabikang eksena. Sa una ay pumasok muna ang mga character niya sa loob ng isang pribadong silid. Magkaharap ang mga ito na parehong may flame of desires ang mga mata. Pinapapalalim at pinapainit na niya ang eksena.

Madali niyang nailarawan ang hubad na katawan ni Amarah dahil mismong sarili niya ang ginawa niyang reference sa character niya. Pero pagdating kay Von ay parang nakulangan siya. Andito pa naman ang high expectation pagdating sa physical description.

“Siguradong maa-award ako ng mga reader ko kapag hindi ko ginalingan ang description kay Papa Von.” Ni-minimize muna niya ang typing program na gamit niya at nagbrowse muna siya sa internet. Nagpunta siya sa isang social media site. Ini-type kaagad niya ang pangalan ng lalaki sa search box na pinapagalaw niya sa imahinasyon niya. Naging stalker siya sa profile ng binata.

Lukas Adriatico ang nabasa niyang pangalan na sa kwento niya ay pinangalanan na Von. Kapansin-pansin na iilan lang ang picture nito na naka-upload. Karamihan ay mga shared post. Baka naman may pagka-low key lang ito.

Kagagawan ng imahinasyon niya kung bakit binubulabog niya ito ng walang kamalay-malay. Pasalamat na lang siya na hindi nito malalaman na ginagamit niya itong character peg sa story niya.

Napatigil siya sa pag-scroll nang makita niya ang isang picture ni Lukas. N*******d ito at tanging board short lang ang suot. Malaya niyang namamasdan ang magandang built ng pangangatawan nito. Mula sa malapad nitong dibdib hanggang sa flat na tiyan. Wala sa oras na hinaplos niya ang monitor ng computer niya.

Sa init na dumampi sa dulo ng daliri niya ay may sumabay din na kakaibang init. Nanulay iyon sa bawat himaymay niya habang nakatingin pa rin sa hubad na picture ni Lukas.

Nabuhay ang isang sensasyon na naramdaman niya noong gabing naipagkaloob niya ang sarili. Ayaw na niyang balikan pa ang isang gabing pagpapanggap na iyon na naging kapalit ng puri niya. Ngunit kung di naman siya pumayag sa condition na iyon ni Claudia ay hindi siya malayang namumuhay ngayon dito sa Palawan.

Sinariwa niya sa kanyang alaala ang gabing iyon na naging substitute wife siya ni Claudia. Muli siyang bumalik sa pagta-type at naging mas mainit ang takbo ng imahinasyon niya. Naisulat niya ng detalyado ang love scene sa story niya. Matagumpay niyang nagawa si Lukas ang kaniig niya at hindi ang asawa ng namayapang kakambal.

At siya bilang manunulat, naging pangahas ang female character niya sa hero. Doo’y malaya niyang ni-explore ang hubad na katawan ng lalaki. Sa ganoong paraan ay para na rin niyang nagawa iyon kay Lukas Adriatico. Wala itong kamalay-malay na sinasamba na niya ito sa kanyang imahinasyon.

Napaungol siya matapos niyang mag-type. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Tila totoong naramdaman niya ang kanyang isinulat na mainit na eksena. Kunsabagay, hango mismo iyon sa totoong karanasan niya at may idinagdag lang siya na ilang detalye. Sa kabila ng lamig dulot ng hanging dagat na pumapasok sa loob ng writing room niya, pinagpawisan pa rin ang katawan niya.

Siya na mismo ang nadala sa sinulat niya.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Isang tawag ang natanggap niya mula sa number naka-save sa contact niya. Napakunot ang noo niya sa pagtataka nang mapansin ang tumatawag sa kanya.

“Bakit kaya tumatawag sa akin si Ma’am Laida?” Tukoy niya sa pangalan ng boss na general manager ng pinapasukan niyang resort. Nagsalit na siya sa kabilang linya. “Hello Ma’am, good evening po.”

Natigalgal siya sa masamang balita na natanggap niya. Ang anak ng boss ang tumawag sa kanya. Patay na si Mrs. Laida Sandejas dahil sa atake sa puso. Dead on arrival na ito sa pinakamalapit na hospital.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at naparam ang init ng katawan na naramdaman niya kanina. Lumukob ang matinding kalungkutan sa dibdib niya hanggang sa mapahagulhol siya.

Para kasing ina ang turing n’ya kay Ma’am Laida. Ito mismo ang kumuha sa kanya bilang secretary nito sa office nito. Malaki at malalim ang kanilang pinagsamahan.

TATLONG araw ang nakakalipas, nagmamadali sa paglalakad sa pasilyo patungong opisina si Cataleyah. Eight thirty na ng umaga at late na siya sa pagpasok niya sa trabaho. Kinakabahan siya dahil ngayon ang unang araw na mami-meet niya ang magiging bagong boss niya. Nakadama siya ng hiya. Isang babae rin ang bagong general manager ng El Nido Paradise Hotel and Resort. Sa ayaw man niya, mukhang magkakaroon ito ng bad first impression sa kanya.

Nawili kasi siya sa pagsusulat kagabi at hindi niya namalayan na inabot siya ng madaling araw. Ang matindi pa doon, nakalimutan niyang mag-alam ng cellphone niya. lagpas na sa nakagawiang gising niya tuwing umaga.

Palakas na palakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit siya sa pinto ng opisina ng General Manager. Tila namawis ang kamay niya ng kumatok siya.

“Come in.”

Napaangat ang isang kilay niya sa pagtataka dahil tila boses yata ng lalaki ang narinig niya sa loob. baka nagkamali lang siya ng dinig at ganap na siyang pumasok sa opisina.

“Ganyan ba talaga ang magiging secretary ko, late pumapasok?” tanong ng isang matangkad na lalaki na kay tikas sa suot na business attire. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.

“Good morning S-Sir, I’m sorry kung na-late ako…” Para siyang natuklaw ng ahas nang ganap na mapagmasdan ang mukha nito. Tinambol ang dibdb niya nang makilala ang bagong boss niya.

Kamukhang-kamukha ito ng lalaking pantasya niya sa kwentong isinusulat niya. Nanginig ang buong pagkatao niya nang mabasa ang pangalan nito sa table desk. 

Lucas Adriatico!

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
ayan na cataleya boss mo pala
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
naku cataleyah nag kita n Kyu n lucas slmat otor
goodnovel comment avatar
Bascon Reyes Pasumala Leen
Lagot ka cath sa bago mong boss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status