LOGINThird Person's POVAmari Lavegas...Frederick Lavegas...Nanginginig at nagbabara ang lalamunan ni Peachee nang hawakan niya ang nakaukit na mga pangalan ng dalawang taong nakahimlay rito.Kahit si Stefan napatingala na lang habang magkadaop ang parehong kamay sa harap, binibigyan ng momento ang dalaga upang kilalanin ang tunay na mga magulang."Si... Mommy sampung taon na simula noong mawala... at si Daddy..." Doon na nga tuluyan nabasag ang boses niya."Halos nito lang, kaka-apat na taon lang. Hindi man lang nila ako nahintay bumalik?" saad niya na may mapait at masakit na tanong.Namula rin ang mga mata ni Stefan nang namuo ang luha para sa naulilang dalaga pero siya sumabay sa pagiging emosyonal nito at sa halip dinaluhan niya at marahan hinagod ang likod nito para damayan."Naniniwala silang babalik ka... na buhay ka pa dahil wala naman nakitang katawan mo pero habang lumulipas ang bawat taon ay doon na sila unti-unti nawalan ng pag-asa makita ka pa," malungkot niyang sinabi na l
PeacheeTiningala ko siya habang hawak niya ang kamay ko at tahimik kaming naglalakad patungo sa totoo kong mga magulang.Ang mga sinabi niya sa akin kahapon, lahat ng mga ipinaliwanag niya may nagsasabi sa isip at puso ko na sa lahat ng tao, siya ang hight na dapat kong paniwalaan.Tumigil muna kami sandali bago tumuloy sa naturang destinasyon. Hinarap ko siya buhat ng nangungusap kong mga mata, nanatiling magkahawak kamay mga kamay namin.Hinawakan niya ang pisngi ko, humilig ako rito at pumikit dinadama ang init ng palad niya."Thank you, you believed in me." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at ginawaran ako ng masuyong halik sa noo.Pumikit ako at tumango. "Mas maniniwala ako sa iyo kaysa sa mga taong wala naman hangad sa akin kundi ang mapasama ako o ikaw," sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya at yumakap sa baywang niya.Muli kong tiningnan ang mukha niya na puno ng pagsusumamo sa akin higit ng pagpapasalamat na pinili ko siyang tanggapin ulit sa buhay ko."Minsan mo akong
Third Person's POV"Kahapon pa po hindi napasok si Ma'am Peachee, Sir eh. Hindi nga po namin alam anong nangyari, wala po siya sinasabi sa amin," sagot ng staff ng bakeshop nang puntahan ni Stefan kinabukasan.Walang nasagot kahapon pa sa bahay ng dalaga, naka-off din ang phone nito, hindi pumasok kahapon at inabangan niya ito lumabas ng bahay magdamag wala pa siyang tulog pero walang Peachee na lumalabas o nagpapakita.Lumabas si Stefan ng bakeshop sabunot ang buhok. "Where are you, Peachee? Saan ka ba nagpunta?" bulong niya at sumakay na sa sasakyan mabilis na pinasibat.Panay ang igting ng panga niya habang nasa daan ang tingin, mahigpit na hawak niya sa manibela kaya halos mamuti na ang kamao.Nag-dial siya sa phone niyang naka-stand sa unahan ng sasakyan nagsuot ng earpiece at tinawagan ang isa sa mga tao niya."Bring me the spare keys of Peachee's house, I need it, asap." Binaba niya rin ang tawag at inalis ang earpiece sa tainga at binato lang kung saan.Ayaw niyang mag-trespas
Third Person's POV"WHAT DID YOU SAY TO HER?!" Stefan asked Don Octavio furiously holding the old man's collar in a vice gripped.All he can see is red, hindi na niya control ang galit matapos malamang nanggaling dito si Peachee at ngayon hindi niya alam kung saan ito magpunta!Buo lang ang mukha ni Don Octavio na pinapanuod ang nanlilisik na mata ng anak niya, ni hindi niya ito pinigilan sa ginagawa."Sinabi ko lang ang totoo... hindi ba ikaw naman talaga ang puno't dulo ng lahat?" Sabay tumaas ang sulok ng labi."We both know you pushed her—""WALA KANG ALAM AT HINDI KO IYON MAGAGAWA SA KANYA! SA ISIP MO LANG ANG MGA BAGAY NA IYAN! AND I'VE NEVER DID PUSH THAT KID!" Nagmistulan kulog ang naging boses ni Stefan na dumagundong sa bawat sulok ng study room ng matanda.Hindi nagsalita si Don Octavio at ang mga mata ng binata nag-umpisa na manginit at mamuo ang luha."What did you do... huh old man?" Nabasag ang boses niya. "Wala ka roon para sabihin mong ginawa ko sa bata ang ganoong ka
Peachee Nanginginig ang kamay ko at ganoon din ang mga binti kong napahawak sa pader ng labas ng bakuran ng mansyon habang pinakakatitigan ko pa rin ang papel. Sa bawat kurap ng mga mata ko, siyang bagsak ng butil ng luha sa magkabilang pisngi ko. "Papaanong..." Hindi ako makabigkas ng kaduksong buhat ng nanginginig at nagbabara kong lalamunan. Hindi ko alam saan parte ba ako magugulat, na hindi ko totoong mga magulang ang mga nakasama ko o... si Stefan na may kinalaman dito? Nasapo ko ang ulo ko sa hindi ko maintindihan mararamdaman ko. Parang sasabog ang dibdib ko pati ulo ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subversion pero tulala ako at hindi natingin sa nilalakaran. Pumara ako ng Taxi nang nasa tabi na ako ng daan, pagsakay ko saka ko lang ibinalik ang DNA Test sa envelope at kinuha ang litrato ng isang buong pamilya. Pinagmasdan ko ang babaeng katabi ko rito, lalong nanikip ang dibdib ko nang mapansin malaki nga ang hawig ko sa kanya kaya muli na naman
PeacheeTahimik akong nakaupo sa katapat ng couch na kinauupuan ni Don Octavio matapos niya akong ipatawag para personal na makausap.Dito ako dinala ng kasamabahay nila sa pribado nitong study room na puro antigo ang mga gamit.Magkikita sana kami ni Stefan kanina pero nagdahilan ako na may importante akong gagawin at dito sa mansion nila ako dumiretso."Pasensya na sa abala, hija. Wag kang mag-aalala, tinaon ko na wala si Matilde sa bahay nang hindi ka mailang," saad niya na na tipid ko lang na ikinangiti.Hindi nga maganda ang una namin naging pagkikita ng pangalawang asawa niya kaya mabuti ngang wala ito."Ayos lang po, pero bakit niyo nga ba ako gustong makausap?" tanong ko kahit may kutob na akong tungkol ito sa amin ng anak niya.Hindi pa man opisyal na isinisiwalat ni Stefan ang balitang nagkabalikan na kami, sigurado nauna nang makarating dito dahil kinansela niya na ang kasal nila ni Rivaly...At walang ibang dahilan kundi ako."Alam ko na nagkakamabutihan na kayo ulit ng an
Peachee Minuwestra ako ni Tita Windy sa kanila na parang inilalako at puno ng pagmamalaki. "Handsomes, this is Peachee Gellato, 19 year old, v*rgin bagong-bago rito sa club kanina lang dumating, presyong maganda tayo, limited edition lang ang batang ito." Na para bang ginawa akong manikang kagag
Peachee "Mag-a-apply ho ako sa iba, Nay... wag niyo lang ho akong ipasok sa beer house o kahit saang club, pero sige payag ho ako kung pwede sana waitress na lang—" "Ay hindi!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata kaya napaatras ako. "Mas malaki ang kita sa pag-GRO, mas doble, o mas triple pa kapag na
PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging persona
Peachee Gellatto"Ms. Peachee Gellato?"Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano. Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.Kaya kapag ganiton







