/ Romance / INSTANT DADDY / Chapter 107

공유

Chapter 107

작가: Writer Zai
last update 최신 업데이트: 2025-07-21 09:14:42

Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki.

"Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake.

Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin.

Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis.

Huminga siya ng malalim at pilit
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
Writer Zai
salamat po sa pagsubaybay
goodnovel comment avatar
Writer Zai
Pinipilit ko po. pasensiya kung paisa-isa lang ang update ko
goodnovel comment avatar
Remedios Villanueva Balboa
author damihan mo nman update pls
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • INSTANT DADDY    Chapter 123

    "Hi, dude! Kumusta?" Nakangiti nang pumasok si Tyron sa office ni Aedam. Masayang-masaya siya, dahil nakabalik na ang kanilang kaibigan. Buong akala niya'y mawawala na ito, pero sadyang mabait ang nasa Itaas, binigyan ito ng panibagong buhay. Pero hindi pa dapat sila magpakasaya, hindi dapat pakampante, dahil ang taong may kagagawan ng nangyari ay hindi pa rin nahuhuli. Nagtatago na sa kasalanang nagawa.Nag-angat ng mukha si Aedam. Napangiti rin ito nang makita siya. Subalit agad na nagsalubong ang kaniyang kilay nang may mapagtanto. "Where's your eyeglasses?" "Huh? Salamin?" Naglumikot ang mata nito, hindi malaman kung naghahanap ba o nag-aapuhap ng sasabihin. "Nagbabasa ka nang walang suot sa mata?" muling tanong niya. "Ah, yun ba? Nababasa ko naman na e, kaya hindi ko na kailangan ang eyeglasses ko." Imposible!Hindi kailanman ginawa ni Aedam ang bagay na yun, dahil ang doctor ang may payo rito. "Nakakapagtaka naman. Naoperahan din ba ito sa mata?" naitanong niya sa sarili.I

  • INSTANT DADDY    Chapter 122

    Ilang araw nang laman ng isipan ni Meadow nabanggit na panagalan ng hospital, hindi siya mapanatag. Gusto sana niyang tanungin ang asawa, pero sa tuwing maghaharap sila ay palagi siyang natatameme. Isang araw, habang sakay ng kotse, patungo siya sa clinic para magpa-check up, si Cindy ang kasama niya, naraanan niya ang sasakyan ni Drake sa tapat ng isang coffee shop. "Nick, ihinto mo muna ang sasakyan," utos niya sa driver. Nang huminto ay mabilis siyang bumaba, sumunod sa kaniya si Cindy. Hinanap niya si Drake. Natagpuan niya itong nakapila. Noon pa man ay hilig na nito ang kape. Hinintay niya itong matapos. Ang mata niya ay nagmamasid sa paligid, may mga teenager na nakatambay roon at malalagkit ang titig sa binata. Sino ba naman ang hindi mapapatingin dito, wala itong tulak-kabigan tulad din ng asawa niya. "Ate, sino po ang hinihintay natin dito?" bulong sa kaniya ni Cindy. "Ang lalaking yun," itinuro niya ang lalaking nakasuot ng gray na t-shirt. Tulad ng asawa niya, mat

  • INSTANT DADDY    Chapter 121

    Hindi mapakali si Meadow, paroo't parito siya sa loob ng banyo. Paulit-ulit niyang pinag-iisipan ang mga agam-agam. Hindi lang isang beses na nagkaroon siya ng kakaibang kutob, pero binabalewala lang niya. Ipinikit niya ang mata, humugot ng malalim na hininga. Isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan. Hinarap na niya ang pinto. Muntikan na siyang mapasigaw nang sa pagpihit niya door knob ay mukha ni Aedam ang nabungaran niya. Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya, na para bang may alam sa naiisip niya. Dinaan na lang niya ang umusbong na takot. "Tinakot mo naman ako, sweetheart." Napasapo pa siya sa dibdib, saka'y pinong ngumiti. "Ang tagal mo namang lumabas," seryosong sabi nito. Hindi niya ipinahalata ang biglang pagdaan ng pagkabahala. Agad siyang umisip ng maidadahilan dito. Hindi naman siya nabigo. Pinasigla niya ang sarili. "Pinag-iisipan ko kasi kung mag-shower, pero parang masarap mag-swimming sa pool." Effective naman ang sinabi niya. Pansin niyang nabahala ito.

  • INSTANT DADDY    Chapter 120

    May agam-agam pa rin sa puso't isipan ni Meadow kahit nakapagpaliwanag na si Aedam sa kaniya. Ayon sa asawa, nakuha nito ang marka nang mangyari ang insidente. Sumabit ito sa sanga ng puno nang kasalukuyang tumatakas sa nag-aapoy na sasakyan. Hindi siya nagbigay ng kumento, itinikom na lamang niya ang bibig. May ilan pa siyang napupuna rito, pero lahat ay ipinagsasawalang-bahala na lamang niya. Ang importante ay masaya ang anak niyang si Avi. "Anong ginagawa mo rito?" Bahagyang nagsalubong ang kilay niya sa boses na biglang sumulpot sa likuran niya. Agad siyang napalingon, mukha ng asawa ang nabungaran niya, pero hindi yun ang boses nito. Si Rex...Boses yun ni Rex. Pero, bakit? Bakit nakikita niya sa asawa ang lalaking nagpahamak dito."I said, anong ginagawa mo rito?" Patalikod siya nitong niyakap. Pumulupot ang braso nito sa may kalakihang tiyan niya. Umalon ang lalamunan niya. Bakit biglang nanuyo yun? Nangapa siya ng sasabihin. "Pinagmamasdan ko lang ang paligid." Nasa harden

  • INSTANT DADDY    Chapter 119

    Ilang beses nang nagpapakawala ng hangin si Meadow. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang agam-agam sa isipan niya. May iba siyang nararamdaman, o baka'y sadyang paranoid lang siya. Tiningala niya ang kalangitan, nagkikislapan ang mga bituin. Taimtim siyang umusal ng panalangin. "Gabayan Mo po kami..." "Anong ginagawa mo rito?" Napakislot siya nang may magsalita sa bandang likuran niya. Si Aedam. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Pinakatitigan niya ang mukha nito... mukha ng lalaking minahal niya noon, pero sadyang may kulang ngayon. Hindi niya makapa kung ano. Lumapit na ito sa kinatatayuan niya. "I said, ano ang ginagawa mo rito?" Yumakap ito sa kaniya at sinamyo ang nakalugay niyang buhok. Gumanti siya ng yakap dito, pinakiramdaman kung ano ba nag nag-iba. "Uhm, nagpapahangin lang. Tapos na ba kayong mag-usap ni dad?" "Mmm... natagalan nga, may ikinuwento pa siya sa akin." "Ano naman ang pinagkuwentuhan niyo?" muling tanong niya kasabay ng pagsamyo sa amoy

  • INSTANT DADDY    Chapter 118

    "Daddy..." tili ni Avi. Patakbo nitong sinalubong ang ama. Kitang-kita ni Meadow ang pananabik sa mata ng anak. "Ang kulit talaga ng anak mo. Ilang beses na naming pinagsasabihan, pero ayaw kaming sundin," naiiling na pahayag ni Meadow. Gusto sana niyang tanungin si Aedam, dahil ang alam niya ay bukas pa tatanggalin ang benda sa mukha nito, pero hindi na siya makahanap ng tiyempo dahil sa anak. "Daddy..." "Baby ko." Bahagyang yumukod si Aedam para salubungin ng yakap ang anak. "Hi, baby. I've missed you so much." Binuhat nito si Avi at buong pagmamahal nitong pinupog ng halik.Humagikgik ang kanilang anak sa ginawa ng asawa. Hin*gkan nito sa leeg, sa may puno ng balikat, itinaas pa nito ang kamay ng anak para mah*likan ang kililiki. Alam niyang nakikiliti ito dahil panay iwas si Avi. Habang nakatitig sa kaniyang mag-ama ay may dumaang alaala sa kaniyang isipan. Dahil doon ay unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Si Rex. Si Rex ang gumagawa n'on sa anak niya. Para siyang natuk

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status