Share

Chapter 108

Auteur: Writer Zai
last update Dernière mise à jour: 2025-07-21 22:56:38

"May nahanap ka bang kahit anong bakas?"

Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack."

"E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?"

"Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan.

Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot.

"Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw."

Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Ruby Bautista
more update please
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 108

    "May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila

  • INSTANT DADDY    Chapter 107

    Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki. "Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis. Huminga siya ng malalim at pilit

  • INSTANT DADDY    Chapter 106

    "Jack, puwede bang huwag niyo munang sabihin kay Avi ang nangyari kay Aedam, please?" May panginginig sa boses ni Meadow. Anumang oras ay darating na ang kaniyang anak, at ayaw niyang mabigla ito sa masamang balita.Nagkatinginan si Jack at Drake, kalauna'y tumango na rin ang dalawa. "Magpahinga ka na muna, Meadow. Ako na ang bahala kay Avi," sabi ni Drake. Aalalayan sana siya nito pero maagap siyang tumanggi. "Hihintayin ko rito ang aking anak. Mayamaya na lang siguro, sabay kaming aakyat sa itaas. Gusto kong ibalita sa kaniya na lalaki nga ang kapatid niya." Pino siyang ngumiti.Saglit pa ay humahangos na dumating si Zeus. Bitbit nito ang may kalakihang plastic at base sa hugis at mango ang laman n'on. Anihan na ng mango. Ilang araw ito sa probinsiya para mag-harvest ng tanim. "Kararating ko lang pero masamang balita agad ang bumungad sa akin," sabi nito, kasabay ang paglapag ng dala sa mesa. "Is he dead?" Walang nais magsalita sa kanilang tatlo, kaya't mukhang nakuha na nito an

  • INSTANT DADDY    Chapter 105

    Hindi mapalagay si Meadow, bakas sa mukha ang matinding takot at may kasamang lungkot. Nasa sasakyan na sila, ang driver na ni Avi ang nagsundo sa kanila, habang ang anak ay nasa school pa. Nagpapadaan siya sa lugar na tinutukoy ni Jack, pero mariing tumanggi si Simon. Sinasabi nito na delikado pa kung susuong pa sila roon. "Paula, wala pa bang chat si Jack?" "Wala pa po," tugon nito na sinamahan ng iling. Lalo siyang nakadama ng takot. Kaninang nasa clinic ay nawalan na siya ng malay, hindi niya kinaya ang masamang balita. "Aedam..." Ipinikit niya ang mata at taimtim na nanalangin. Dasal niyang sana'y ligtas ang asawa. Nakiusap si Meadow sa mga bodyguard na dumaan sa pinangyarihan ng aksidente, pero mariing tumanggi si Simon. "Kabilin-bilinan po sa amin ni Sir Jack na ideritso ka na sa mansyon, Ma'am," sabi nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Iniisip niya rin ang anak na nasa sinapupunan. Nang magkamalat siya sa clinic ay binilinan siya ng doktor na mag-ingat. Isinan

  • INSTANT DADDY    Chapter 104

    NAGMAMADALI ang bawat kilos ni Jack. Pagkarating niya sa office ay para siyang hangin na umalis din agad. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Greg, ibinalita nito ang naganap na aksidente. May tama rin ito, pero si Aedam... ang kaibigan niya, kasamang sumabog ng sasakyan. "No!" paulit-ulit na hiyaw ng isipan niya. Kasalukuyan na siyang papunta sa pinangyarihan ng krimen. Matulin ang pagpapatakbo sa sasakyan. May naraanan pa siyang check point, pero hindi siya nag-atubiling huminto man lang. Kilala na ng mga kapulisan ang sasakyan niya, pero tiyak na may paglalamayan kung may sumita at pagbawalan siyang dumaan. Habang tumatakbo ang sasakyan ay tinawagan niya ang mga kaibigan, ipinaalam ang nangyari kay Aedam. Tulad ng inaasahan, hindi naniwala ang mga ito sa sinabi niya. "Papunta na ako sa pinangyarihan ng insidente. Ang bodyguard nito ang tumawag sa akin kaya hindi ko pa alam kung nagsasabi ba ito ng totoo.""I know it's a prank lang," tinig ni Kent. Manaka-naka'y sumusulyap siya

  • INSTANT DADDY    Chapter 103

    Hindi malaman ni Meadow kung bakit siya biglang kinabahan. Nakaupo siya at kasalukuyang hinihintay ang pagdating kaniyang OB-gyne. May mga nauna pang buntis sa kaniya at panglima siya sa nakalista. Sa kasamaang palad ay nag-anunsiyo ang secretary ng ob na mali-late ng dating ang doktora, na sinang-ayunan niya. Gusto niyang nasa tabi na ang asawa kapag isasalang na siya sa ultrasound.Panay ang tingin niya sa relong nakasabit sa dingding ng clinic. Maya't maya ang pagpakawala niya ng malalim na hininga."Paula, tawagan mo nga si Aedam, please!""Sige po." Tumalima ito. Ewan ba niya kung bakit halos magbuhol-buhol na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Hindi siya mapakali. Tumayo siya't marahang humakbang. Ang bodyguard ay nakasubaybay lang sa kaniya."Ma'am, hindi po sumasagot si Sir. Baka po'y nasa meeting na."Napahinto siya sa paghakbang. Ang bilis namang makarating ng asawa niya. Mula sa clinic na kinaroroonan ay aabutin ito ng twenty to thirty minutes, depende pa nga sa traffic. "M

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status