FAZER LOGINWALANG narinig na boses mula si Drake sa kabilang linya, pero alam niyang hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan Wala sa plano nito ang ginawa niya. Si Meadow, bakas sa mukha nito ang pagkalito. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Pabalik-balik sa kaniya at sa phone na hawak nito ang tingin. "Meadow, my Meadow..." Narinig niya ang paghikbi ni Aedam sa kabilang linya. Parang may sumakal na kamay na bakal sa puso niya. Sa tagal na nilang magkakaibigan, bibihira niya itong makitang ganito. Alam niyang sobra na ang pinagdaanang hirap ng dalawa, magmula pa kay Brenda. Ang matagal na pagkawala ni Meadow at ngayon naman ay muntik na ring mawala ang kaniyang kaibigan dahil sa isang taong may sira ang utak. Kumuyom ang kaniyang kamao, at para mawala ang galit sa dibdib niya'y lumabas siya, pero hindi siya lumayo sa silid. Sumandal siya sa malamig na wall malapit sa pinto. Mabuti na ring lumabas siya, para malaman kung paparating na ba si Rex. Tatlong minuto ang lumipas, matapos l
PUMARADA ang mamahaling sasakyan sa parking lot ng hospital, may pagmamadali sa kilos ni Drake, hindi siya dapat magsayang ng oras. Kailangang malaman na ni Meadow ang katotohanan. Bawat hakbang niya sa kahabaan ng pasilyo ng pagamutan, bumibigkas ang isipan niya. Hinihiling na sana'y wala pa roon si Rex, dahil tiyak na hindi na siya makahahanap ng magandang tiyempo para makausap ng sarilinan ang babae. Pero ayon kay Avi, wala pa roon ang ama nito, ngunit kahit ganoon ay hindi siya dapat makampante. Malapit na siya sa silid nang maisipan niyang tawagan ito. He stopped and quickly dialed Rex's number. He will pretend not to know, to find out where he is."Hello, p're!" sabi agad nito. "Napatawag ka."Malamig siyang ngumisi. Hindi kailanman siya tinawag na 'p're' ni Aedam. N'ong una niya itong narinig ay sobra siyang nagtaka at doon pa lang ay naghinala na siya. "Nasa hospital ka ba?" tanong niya. Matalim ang titig sa kung saan, na para bang nandoon ang kausap."Wala e. May inaasikaso
NAKABUNGISNGIS si Drake, katatapos lang niyang tawagan si Meadow, ginawa niya 'yon dahil may plano siya. Nakuha na niya ang sagot sa tanong nila pareho, kung bakit tila ba'y may nagbago sa kasulukuyang Aedam na kasama nito. At tama nga ang kutob nila, may kakaibang nangyari. Ngayong kaharap na niya ang tunay na Aedam, naiinis siya rito. Nasa kaniya na ang rights at may pruweba na sila kung sino talaga ito, pero ayaw pa ring kumilos. "Sir, bakit ayaw mo pa pong magpakita sa asawa mo?"Bumaling ang paningin niya sa babaeng nakaupo sa dulo ng sofa na kinauupuan din niya. Maging ito ay naguguluhan din sa desisyon ng kaibigan niya.Umangat ang likod ni Aedam. "Dahil hindi pa natin nahuhuli kung sino ang kasabwat ni Rex," seryosong saad nito. Napaisip din siya, at may punto ito. "Si Brenda?" patanong niyang sagot. Segundong nagkatitigan sila ni Aedam. Pero sa huli ay umiling ito. "May posibilidad na kakampi niya si Brenda, lalo na ngayong nakatakas ito. Pero bukod dito, palagay ko'y may
MADALING nabuksan ni Aedam ang lock ng unit niya at ngayon ay nasa loob na sila. Kapwa silang magkaibigan nag-iisip ng tamang takteka para mabuko si Rex. Samantalang si Danica ay nililibot ang buong room. Amaze na amaze ito sa nakikita, lalo na sa tanawin sa ibaba. Para itong batang pumapalakpak. "She's so annoying!" Marahas na bumuga ng hangin ang kaibigan niya. "You know what, bagay kayo," saad niya, sakay isinandal ang likod sa ulo ng sofa. Umismid ang kaibigan niya. "Hindi ako pumapatol sa isip-bata." Sa sinabi nito'y hindi niya napigil ang matawa. "E, bakit gusto mong ligawan ang anak ko?" "Avi is different, hindi 'yon isip-bata," seryosong tugon nito, saka'y sinimsim ang beer na nakuha niya sa ref. Buti na lang may stock pa siya ng pagkain at hindi pa expired. They looked at each other and suddenly laughed together. Naalala na naman niya ang kakulitan ng anak. Ang walang humpay nitong katanungan, at ang kadaldalan nito. "I really missed my daughter, Drake." Mabilis
NASA malalim na pag-iisip si Aedam, iniisip kung anong hakbang ang gagawin para matiklo si Rex. Kinuha nito ang lahat sa kaniya, napaniwala ang mga mahal niya sa buhay na siya ito. Ito ang kapiling ng kaniyang asawa sa kama, ang kayakap gabi-gabi, maging ang anak niyang si Avi. Ang mga kaibigan niya at ang ama. Ito rin ang pumapasok sa opisina niya. Ngunit, aad na nagsalubong ang kilay niya, what if may pipirmahan itong papeles? Paano nito naitawid yun? Kung ganoon, maging ang pirma niya'y ginaya nito. "Mahusay!" anas ng isipan niya. Mahabang panahon ang inilaan nito para perpektong magaya siya. Pero, siguradong hindi ito nag-iisa. May kasabwat ito, at sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ng mahal kung sino man ang taong kasabwat ni Rex. "Dude..." Nahinto ang paglalabay ng diwa niya. Nilingon ang kaibigang tumabi sa kaniya. Ang mukha ay hindi na halos maipinta."May isa pa pala akong balita na hindi nasasabi sa iyo," seryosong sabi nito. "What is it?"Bagama't kinakabahan ay na
NAKAHINGA nang maluwag si Aedam. Nawala ang bumukol na kaba sa dibdib. Ang dumating ay ang sinasabi ni Drake na nagligtas sa buhay niya habang wala siyang malay sa hospital. Hindi niya akalaing may taong magliligtas pa sa kaniya sa bingit ng kamatayan. Dininig ang dalangin niya ng Maykapal. Natagpuan din siya ng kaibigan. Buong akala niya'y matutuluyan na siya. Awang ang bibig ng babae habang pumapasok, ang mata'y hindi inaalis sa kaniya. May mga plastik itong dala. Base sa nakikita, ang laman ng isa ay mga damit. Inilapag nito ang dala sa mesa. "G-gising na po pala kayo, Sir," tila gulat niting sabi. Simula nang ipasok siya sa mental hospital, hindi niya alam kung may nakakita sa kung ano ang mukha niya. Nang magkamalay siya, balot na ng benda ang mukha niya. "Dude, ngayong nakaalis ka na sa hospital, what exactly do you want to happen? I mean, what is your plan?" Naunahan siyang magsalita ng babae. "Magkakilala kayo?" gulat nitong tanong at ibinaling ang paningin kay Drake. "
Nakahanda na ang mga gamit ni Meadow sa panganganak. Ilang araw na lang ay masisilayan na niya si Railey. Lahat ay excited na sa paglabas nito, lalo na ang panganay niyang anak. Si Aedam ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siya nitong mino-monitor, kahit nasa trabaho o kaya'y may importanteng nil
"Lintik ka, Brenda! Sisirain mo pa ang plano ko!" Galit na galit si Rex nang ipaalam sa kaniya ni Jack ang balitang nakatakas si Brenda. Pero naiinis din siya sa sarili, kung hindi sana niya ipinaalam dito ang katotohanan, hindi sana ito tatakas sa kulungan. "Hindi ako makapapayag na isiwalat mo
Hindi na naman lubayan ang isipan ni Meadow sa narinig na pakikipag-usap ni Aedam sa kung sino man. Ayaw siyang patahimikin. Para iyong turumpong paikot-ikot. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan niya. Sino ang taong kausap nito? Wala siyang ibang kilala na tinatawag nitong tito. "Hindi kaya
"Hi, dude! Kumusta?" Nakangiti nang pumasok si Tyron sa office ni Aedam. Masayang-masaya siya, dahil nakabalik na ang kanilang kaibigan. Buong akala niya'y mawawala na ito, pero sadyang mabait ang nasa Itaas, binigyan ito ng panibagong buhay. Pero hindi pa dapat sila magpakasaya, hindi dapat pakampa







