"Traffic na naman!" Tumingin sa labas ng bintana si Gab.
"Araw-araw na hong ganito dito Sir." Naiiling na sumagot ang driver ng binata na si Mang Janno. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan.
Tumingin siya sa suot na wristwatch. Alas-singko pasado na pero nasa gitna pa sila ng mala-parking lot na kahabaan ng Marcos Highway. Alas-tres ang dating ng eroplanong sinakyan ni Irish, ang kinakapatid na susunduin sa International Airport. Gusto niyang makadama ng pagkainis sa Mommy niya kung bakit siya pa ang inutusang sumundo sa inaanak nito?
Napabuntong-hininga si Gab ng matanaw mula sa malayo ang kinakapatid na ngayon ay dalagang-dalaga na. Nakasuot ito ng white croptop blouse na nagpalitaw ng pusod nito at denim mini-skirt na ilang pulgada na lang ang haba mula sa tuhod. Kulay puti din ang suot nitong rubber shoes.
Halata ang impluwensya ng modernong pananamit ng mga banyagang nakasalamuha nito sa paglaki. Naka-ponytail ang hanggang balikat na buhok na hindi n'ya maintindihan kung bakit light-green ang napili nitong ipinakulay sa alun-alon nitong buhok.
Ngumiti ito nang lapitan n'ya. "Kuya Gab?" Tumango lang s'ya at iginiya ito pasakay sa sasakyan. Bakas sa mukha ng binata ang pagkadisgusto sa kaharap.
"Hindi ka ba masayang makita ako?" Tinapunan n'ya lang ito nang blangkong ekspresyon, ang lapad ng ngiti ni Irish na lalo niyang ikinairita.
"Masaya." Sagot n'ya kahit naiinis siya sa feeling-close nitong gesture gayung ngayon na lang ulit sila nagkita pagkalipas ng maraming taon.
"Excited na akong makita si Ninang!" Nagulat s'yang matatas itong magtagalog kahit pa may accent na ito ng banyagang kinalak'han.
"Namiss kita Kuya..."
Nakita n'yang ngumuso ito nang hindi s'ya sumagot nanatiling nakatuon ang atensiyon n'ya sa tinatahak ng Honda Civic na sinasakyan nila.
"Kumusta ka na kuya?" Hindi maalis-alis ang ngiti nito.
"Irish sa bahay na tayo mag usap." Pasuplado niyang asik.
Bahagya itong natigilan pero parang batang sinaway ng mga magulang na tumahimik naman ito at naging abala na sa hawak nitong cellphone. Palihim niyang sinisipat sa salamin ang hitsura at ayos nito, gusto niyang mapailing.
Naglayag ang isipan ni Gab habang abala si Irish na pagmasdan ang mga nadadaanan. Hindi pa rin makapaniwala si Gab na ang isang gaya n'ya pakakasal sa ganito kabata na parang kaaawat lang sa dede ng ina.
Nang mamatay ang ama ni Irish wala itong ibang hiniling kundi ang pakasalan n'ya ang anak nito na kaisa-isa ring tagapagmana ng mga magulang nito. Pero hindi ito ang tipo n'ya. Gusto n'ya ng babaeng sopistikada at independent at hindi ang gaya ni Irish, mukhang hindi mabubuhay ng walang yaya at maid.
Pumasok sa isang maluwang na bakuran ang kotse ni Gab. Nagkakandahaba ang leeg ni Irish na silipin mula sa tinted na salamin ang paligid ng bahay. Gustong mapailing ni Gab para kasi itong batang dinala sa isang paborito nitong pasyalan. Napa-yehey pa ito habang nagmadaling bumaba ng kotse.
Tuwang-tuwa ang mommy ni Gab nang makita ang dalaga. Halata ang pananabik na nagyakapan ang magninang at nakalimutan na ang presensiya ni Gab. Magkasabay na pumasok nang bahay ang dalawa habang nakasunod ang binata.
Dumeretso sa kusina ang magninang, parang batang napatakbo si Irish sa harap ng dining table. Puro paborito niya ang nakahain, parang batang hinipan nito ang candle na may sindi sa ibabaw ng chocolate cake. Ang luwang ng ngiti nito.
"Thank you ninang..."
"I missed you so much..." Maluha-luha pa si Mely at muling niyakap ang anak-anakan.
Tumikhim si Gab. Tila napansin naman nang dalawa ang presensiya n'ya.
"Nagkakuwentuhan na ba kayo ni Gab?" kay Irish ito muling tumingin.
Awtomatikong lumingon si Irish sa kinatatayuan ni Gab at nagkasalubungan ang tingin nila. Nawala ang ngiti sa labi ni Irish nang makitang hindi ito masaya.
"Yes Ninang." Nag iwas ng tingin ang dalaga dahil pakiramdam n'ya, ano mang oras ay kakainin s'ya nito ng buhay. Kanina n'ya pa napapansing naiinis sa kan'ya si Gab at hindi n'ya maintindihan kung bakit?
Umupo ito sa tapat niya at nagsandok ng pagkain nito habang ipinagsasandok naman si Irish ng kaniyang ninang."Yung gagamitin mong kwarto sa itaas ready na anak ha. Pwede ka ng magpahinga pagkatapos mong kumain." sunod-sunod ang bilin ng mommy ni Gab. Hindi ito magkandatuto sa pag aasikaso sa inaanak.
"Sige po." narinig niyang sagot ni Irish. Naiiling na pinagmasdan ni Gab ang mga ito, magkasundong-magkasundo talaga ang dalawa.
"Kapag nagutom ka. May mga binili akong paborito mong pang midnight's snack bumaba ka lang ha." hindi nawawala ang ngiti ng mommy ni Gab.
"Yes Ninang. Ahm. . . Kuya Gab pwede ba tayong magkwentuhan mamaya?" baling ni Irish sa binatang abala sa pagkain.
"Pagod ako." ni hindi nito sinulyapan ang dalaga.
"S-sige sa sunod na lang kuya kapag hindi ka na pagod."
Tinapunan ito nang masamang tingin ni Gab na ikinayuko nito saka tinapos ang pagkain.
"Gab..." Tawag ni Mely sa anak pero tumayo na ito at hindi pinansin ang ina saka iniwan sila. "O kumain ka pa?" Binalingan na lamang ni Mely ang inaanak.
"Sobrang sarap nyo po talaga magluto ninang. Grabe nabusog ako" Puri ni Irish sa mga inihanda nitong pagkain bahagya pang hinaplos ng dalaga ang tiyan na bundat na sa dami nang kinain nito.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa nang bumalik si Gab. Kababakasan pa rin nang pagkairita ang seryoso nitong mukha.
"Mom, can we talk?" Kapwa napalingon ang dalawa.
Bihis na si Gab at presko na ito sa white T-shirt at urban short. Dumako ang paningin ni Gab sa dalagang nagdadalawang-isip kung ngingitian ba siya o mananatiling nakatingin na lang?
"Iwan mo na muna kami ni Mommy." Utos niya rito na ipinahalata ang pagkainis.
Tumayo si Irish at h*****k sa pisngi ng ina ni Gab saka iniwan ang mag-ina. Umakyat na ito sa ikalawang palapag ng bahay.
"Gab, ayokong makipagtalo." Napabuntong-hininga si Mely. Ilang taon na ba nilang pinagtatalunan ang pagpapakasal nito kay Irish.
"Mom, talaga bang ipapakasal n'yo ako sa batang 'yun?" May diin ang boses ni Gab.
"Hindi na siya bata, can't you see na dalaga na si Irish. Nasa tamang edad na kayo. And besides nangako ka sa Daddy ni Irish."
Hindi sumisigaw ang mommy niya pero kapag ayaw nitong makipagtalo napipilitan itong magtaas ng boses.
"Mom sa gitna ng modernong panahon at talagang naniniwala pa kayo sa pangakong ganyan? Napaka-tradisyunal ng mindset niyo."Napatiim-bagang si Gab.
"Sige sabihin mo 'yan sa Tita Amanda at Tito Alfred mo!" Nagtaas agad ng boses ang mommy n'ya. Iisa ang ibig sabihin 'nun hindi ito magpapatalo. Inis na iniwan n'ya ito. Hindi pa s'ya nanalo sa ina kahit kailan.
Umakyat s'ya sa ikalawang palapag ng bahay at inis na binuksan ang pinto. Lalo s'yang naimbyerna ng makita mula sa bukas na silid ang dalagang nakatihaya at komportable ito habang nakahiga sa kama. Dagli itong bumangon nang makita siya.
"Hi kuya!" Seryosong tinitigan n'ya ito. Hindi niya ibinalik ang matamis nitong ngiti lalo lang s'yang naiinis sa tila kainosentehan nito. Hindi ba nito nararamdamang naiinis s'ya rito?
"Matuto kang magsara ng pinto!" asik n'ya.
Ngumuso lang ito. Mukhang spoiled pa na alagain. Hays!
Inis na pumasok s'ya ng silid. Ilang linggo mula ngayon ikakasal na s'ya rito. Nakaplano na ang buhay n'ya. Plinano na ng mga magulang. Pero wala siyang magawa kundi sundin ang mga ito. Nagpalit s'ya ng pantulog at pumili ng ilang books na maaaring basahin. Magpapaantok muna s'ya at pilit na kakalimutan ang nakatakdang pagpapakasal.
Nakakadalawang pahina pa lang s'ya sa binabasa ng marinig ang malakas na tili mula sa katapat na silid. Mabilis s'yang lumabas ng silid at tinungo ang pinanggalingan ng tili. Mabuti na lamang at matigas ang ulo nito dahil hindi ito naglock ng silid kaya nabuksan niya agad.
"Anong nangyari?"
Awtomatikong lumingon ito. Nagtakip ito ng bibig at namilog ang mga mata.
"Naistorbo ba kita Kuya Gab?" Tila nagulat pa ito.
"Sumigaw ka ng pagkalakas-lakas tapos itatanong mo kung naistorbo mo ako?" Gusto n'ya itong singhalan pero baka marinig ng mommy n'ya.
"Sorry. . ." Nag peace sign ito. "Si Ji Chang-Wook kasi eh."
"Ano?" Kumunot ang noo ni Gab, ipinakita nito ang pinanonood sa laptop. Inis na tinitigan n'ya ito."
"Dahil lang sa korean-novela Irish?" Naisuklay ng binata sa buhok ang palad. Ganito ba talaga ang ipapakasal sa kaniya? Asal-bata?
"Sorry Kuya Gab, kinilig kasi ako eh." Inis na tinalikuran n'ya ito.
"Maglock ka ng pinto Irish."
"Alright, Kuya." Malambing ang boses nito, muli n'ya itong nilingon.
"Pakiusap kung kikiligin ka pwede bang huwag ka ng sumigaw." Tumango lang ito at ngumiti. Naiiling na bumalik s'ya ng silid. Kung ganito ang pakakasalan n'ya paano n'ya naman ito pakikisamahan araw-araw? Hays...
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita