LOGINMaxine's POV"Nanay, ihahatid mo ba ko sa school?"Maingat kong nilagay ang notebook sa bag ni Mac-mac, saka binigay sa kanya."Oo naman, anak. Ihahatid kita," tugon ko. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok, saka hinagkan sa noo. "Let's go?" muli kong sabi at nilahad ang kamay ko sa kanya.Nang hawakan ni Mac-mac ang kamay ko at akmang lalabas na kami sa malaking pinto, isang boses at nagpatigil sa 'min."Miss Maxine, sandali lang po. Bilin ni Mr. Hamilton na ihatid si young master sa school, sasamahan kayo ng driver," pagpigil ng mayordomo sa amin.Tinaas nita ang kanyang kamay at sumenyas sa mga tauhan na nandoon. Maya-maya lang, dumating ang kotse sa harapan ng drop-off."S-Sige, salamat," tugon ko. Ngunit bago ako tuluyang lumabas, muli akong lumingon sa kanya. "S-Si Drake, kanina pa ba siya umalis?" tanong ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit."Yes, miss. Kanina pa po siyang umaga umalis."Bahagya akong tumango."Ganoon ba? Salamat.""By the way, Miss. Pinatatawag din kayo ni
Maxine's POV"Wala ka bang planong ipaliwanag sa 'kin ang nangyari? Bakit sumaka ka sa lalaking 'yon nang ganoon na lang?"Sandali akong natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Red sa kabilang linya.Kasalukuyan ko siyang kausap sa telepono dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya kahapon."Red, I'm sorry. Nang oras kasing 'yon wala akong ibang choice kundi ang sumama. Alam mo namang hindi ko pwedeng iwan ang anak ko," tugon ko sa kanya."Alam ko 'yon, Max. Ang sa akin lang, you should have contact me soon as you get there, isang buong gabi akong nag-alala sa 'yo. Hindi mo ako masisisi dahil parang ako na rin ang tumayong guardian nyo simula nang magkita tayo, hindi ba?"Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso nang marinig ang bagay na kanyang sinabi. Tama siya, kahit ano man ang gagawin ko, kailangan nya 'yong malaman dahil sa loob ng anim na taon, siya lang ang tumulong sa 'kin."I'm sorry, Red. 'Wag kang mag-alala, sasabihin ko na lahat simula ngayon.""Sige, Max. Salamat naman
Max's POVKumunot ang aking noo nang maramdaman ang paghinto ng kotse. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nasa byahe, ang alam ko lang, dala ng pagod ay tuluyan na akong nakatulog."Are you enjoying resting on my shoulder?"Mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang isang malalim na tinig. Noon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa balikat ni Drake.Agad akong umayos at pinahiran ang kaunting laway sa aking labi."I-I'm sorry, nakatulog pala ko," sambit ko saka kagat sa ibaba ng aking labi dahil sa hiya."It's okay. Let's go, nandito na tayo," aniya saka malamig na binuksan ang pinto at lumabas mula sa kotse.Sinundan ko ang kaniyang paglakad at lumapit siya sa kabilang pinto. Binuksan niya iyon at binuhat si Mac-mac na ngayon ay mahimbing na natutulog."Papanoorin mo na lang ba ako diyan?" inis ang tinig niyang sabi."A-Ah! Oo, bababa na," tugon ko saka napangisi nang kaunti.Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon, ang makasama ang lalaking ito
Maxine's POVIt's been a week simula nang huling mag-usap kami ni Drake at ngayong araw, naghahanda na kami para ma-discharge si Mac-mac."Nanay, bakit parang hindi ka naman masaya na makakalabas na ko ng ospital?" malungkot na wika ni Mac-mac.Pilit akong ngumiti at hinawakan ang pisngi ng anak ko."Siyempre naman masaya ako, anak. May mga iniisip lang si nanay," tugon ko."Iniisip nyo po ba na kasalanan nyo ang nangyari? Wala kang kasalanan, nanay."Mapait akong ngumiti at marahang niyakap ang anak ko. Hinagkan ko ang kanyang noo at hindi pinahalata ang pagluha ng aking mata."Mahal kita, anak. Tandaan mo 'yan.""Mahal din kita, nanay."Maya-maya lang, bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Red."Max, sigurado ka na ba sa desisyon mong to? Bakit kailangan mong magpa-manipulate sa lalaking 'yon?" naiinis na wika ni Red."Red, please. Huwag nating pag-usapan ang bagay na 'yan sa harapan ng bata.""Pero, Max!""May problema po ba, nay?" kunot-noong tanong ni Mac-mac."Wala naman, ana
Maxine's POV"Miss Maxine, huminahon po kayo. Papunta na po rito si Sir. Drake," saad ng assistant ni Drake at pilit akong pinakakalma.Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpalakad-lakad sa loob ng kanyang opisina dahil sa labis na pagkabahala."Bakit ang tagal niya?" naiiyak ko nang sambit sa sarili. Bawat segundo ay mahalaga dahil ano mang oras, pwedeng bumigay si Mac-mac.Hanggang sa maya-maya lang, agad akong napalingon sa pinto ng opisinang iyon nang marinig ko itong bumukas.Nanlaki ang aking mga mata at kahit paano, lumuwag ang pakiramdam ko nang makita si Drake, dahilan upang magmadali akong lumakad."M-Mr. Hamilton, t-tulungan mo si Mac-mac," desperado kong wika sa kanya, wala na akong pakialam kung ano pa ang sabihin niya.Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kanyang dibdib, saka tinapunan ng matalas na tingin. Matapos niyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya, lumakad siya patungo sa kanyang swivel chair at prenteng umupo rito."Bakit? Akala ko ba ay hindi ko
Drake's POVNagsimulang huminto ang itim na sasakyan sa tapat ng malaking mansion. Sa tapat ng aking pinto, humilera ang mga body guard ko at sinimulang buksan ang pinto kung saan ako naroon."Nandito na po tayo sa mansion ng mga Hamilton, Sir," anunsyo ng driver ko.Tumango lang ako bilang tugon at binuksan naman ng tauhan ko ang pinto. Lumabas ako mula sa kotse, saka pinalibot ang tingin sa paligid.It's been a while since I last visit here. Ito ang totoo kong bahay at dito ako lumaki, pero nang mawala ang mga magulang ko, hindi na ako umuwi dito."Apo! Sa wakas at nandito ka na!" sigaw ng isang matanda hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Siya ang lola ko."Lola, mainit dito sa labas. Bakit hindi niyo na lang ako hinintay sa loob?" kunot-noo kong tanong sa kanya, saka inalalayan ang kanyang kamay."Siyempre naman, gusto kong personal na salubungin ang apo ko. Kumusta, apo? May ipapakilala ka na bang girlfriend sa 'kin?" nakangiti at excited na wika ni lola."Hay naku! Ewan ko sa 'yo,
Maxine's POVMabilis na lumipas ang ilang linggo, natahimik naman ang aming buhay at hindi na kami ginulo ni Drake."Nanay, bukas po family day namin. Pupunta ka po hindi ba?" tanong sa 'kin ni Mac-mac habang sinusuklayan ko ang buhok niya at naghahandang pumasok sa eskwela."Oo naman, anak. Pupunt
Maxine's POVMarahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid."Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid."N-Nasaan ako? B-Baki
Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa akin
Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood sila







