Share

Chapter 11

CELINE

"Ba't ang tagal-tagal mo, huh?" kunot-noong tanong sa akin ni David na anak ng asawa ko pagkarating ko sa dining area para kumain ng lunch. Kanina pa kasi ako tinawag na kakain na ng lunch sa kuwarto ng asawa ko. Naligo pa kasi ako, eh.

Nakangusong nakatingin ako sa guwapong mukha niya. Nakaupo na siya at kumakain na nga. Kanina pa siya siguro na kumakain. I cleared my throat first bago ako nagsalita sa kanya.

"Naligo pa kasi ako, eh, kaya ako natagalan. Sorry..." malumanay na sagot ko sa kanya na may kasamang sorry. Umasim pa ang mukha niya pagkasabi ko.

"Puwede ka naman maligo mamaya na lang, eh. Hindi 'yung pinapahintay mo pa ang pagkain at kami dito sa dining area. Imbis na makakapagligpit at hugas na sila pagkatapos ko na kumain ay hindi pa dahil hihintayin ka nila na matapos," singhal niya sa akin.

Sinasabi ko na nga ba, eh. Aawayin na naman niya ako. Napakasimpleng bagay lang naman ay pinapalaki pa niya. Kung anu-ano ang sinasabi niya sa akin. Kaya siguro gusto niya na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status