LOGINKung may award lang sana para sa "Pinakakapal na Mukha of the Year", sigurado akong hakot-award ang babaeng nasa kabilang cubicle ngayon.Isang linggo na ang nakalipas mula nang sumabog ang mundo ko. Isang linggo mula nang kanselahin ko ang kasal, at isang linggo mula nang makilala ko ang madilim at nakakapapasong mundo ni Harvey Aranas. Pinilit kong bumalik sa trabaho sa advertising agency para ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Ang problema? Dito rin nagtatrabaho si Catherine. Siya ang isa sa mga Account Managers, habang ako naman ay Senior Graphic Artist.Akala ko, matapos ang ginawa nilang pambababoy sa akin, magkakaroon siya ng kahit kaunting hiya para mag-resign o lumipat ng branch. Pero hindi. Nandito siya, suot ang kanyang paboritong beige na pencil skirt, umaariba ang boses sa buong opisina na parang siya ang tagapagmana ng kumpanya."Make the logo bigger. Gusto ng client ng mas malinaw na branding," malakas na utos ni Catherine sa isa naming junior artist, bago niya sin
HARVEY POVPumasok ako sa loob ng mansyon na tila may dalang isang nagbabadyang bagyo. Bawat kasambahay na madaanan ko ay mabilis na yumuyuko at umiiwas ng tingin, ramdam ang mabigat at nakakapapasong aura na nakapalibot sa akin. Dumiretso ako sa aking study room, inalis ang aking suit jacket, at inihagis iyon sa ibabaw ng leather couch.Nananatili sa pandama ko ang pabango ni Marvie. Ang tamis ng kanyang amoy ay kumapit sa aking damit, isang paalala ng panginginig ng kanyang katawan kanina habang pilit niyang itinatago ang sarili niyang takot at galit. Nagbukas ako ng isang bote ng scotch, nagsalin sa baso, at inisang lagok iyon. Hindi sapat ang alak para pawiin ang init na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko kung paano hawakan ng gagong anak ko ang babaeng pag-aari ko na.May kumatok sa pinto. Dalawang magkakasunod na katok bago iyon marahas na bumukas.Iniluwa ng pinto si Harold. Namumula ang kanyang mukha, gusot pa rin ang damit na suot niya kanina sa café, at hawak niya ang kany
HARVEY POV Naramdaman ko ang panginginig ng maliit na katawan ni Marvie sa ilalim ng aking palad habang inaalalayan ko siyang lumabas ng café. Ang panginginig na iyon ay hindi dahil sa takot sa akin, kundi dahil sa pinaghalong galit at pagkapahiya na idinulot ng sarili kong anak. Madiin ang pagkakakuyom ng aking panga. Kung hindi lamang napakaraming tao sa lugar na iyon, at kung hindi ko lang inaalala ang kapakanan ni Marvie, baka tuluyan ko nang nabali ang braso ni Harold. I built an empire from the ground up. I ruthlessly conquered boardrooms in New York and crushed my competitors without breaking a sweat. Yet, my biggest failure is standing right behind me, a weak, entitled fool of a son who doesn't know the value of a diamond even when he’s holding it. To think that just days before her wedding, she catches her fiancé cheating on her with her best friend. It was a pathetic display of cowardice and lack of self-control. Harold threw away a masterpiece for a cheap imitation. Binu
Nanginig ang mga kalamnan ko sa mga salitang binitawan niya. I am never letting you go. Parang isang sumpa na iginuhit sa hangin at tuluyang bumalot sa buong pagkatao ko. Tinitigan ko ang makapangyarihang bilyonaryo na nasa harapan ko, ang lalaking matagal nang single, ngunit ngayon ay tila isang uhaw na lobo na nakatagpo ng kanyang itinakdang kapareha. "Nabaliw ka na ba talaga?" nanginginig man ay pinilit kong patatagin ang boses ko. "Harvey, tatay ka ng lalaking muntik ko nang pakasalan! Iniisip mo ba kung anong sasabihin ng mundo? Ng mga tao sa paligid natin? Isang malaking eskandalo 'to!" Imbes na matinag, isang malamig at mapagmataas na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. "Do I look like a man who gives a damn about what the world thinks, Marvie? The world works for me. As for the scandal? Let them talk. Harold lost his right to you the moment he decided to entertain another woman in his bed. He was a fool. And I don't let treasures belong to fools." Hindi ako nakasagot.
Nakatitig lamang ako sa makintab na emerald green evening gown na nakalatag sa ibabaw ng maliit naming sofa. Parang huminto ang oras sa loob ng apartment. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko mula sa pagkabasa ng mensahe ni Harvey Aranas. Binayaran niya ang lahat. Wala kaming utang, walang obligasyon, ngunit sa kapalit ng kalayaang iyon ay isang bagong patibong na siya mismo ang naglatag."Ano 'yan, anak? Galing ba talaga kay Harold 'yan?" basag ni Papa sa katahimikan, ang boses ay may halong paghihinala. Sumilip siya sa kahon at nakita ang mga dokumentong may tatak na PAID IN FULL.Mabilis kong itinago ang maliit na itim na card sa loob ng aking palad bago pa man nila makita ang initial na H.A. at ang mensaheng nag-uutos sa aking makipagkita sa kanya."H-Hindi po kay Harold, Pa," nauutal kong sagot, pilit pinapatatag ang boses ko. Huminga ako nang malalim. "Galing po ito sa pamilya Aranas. Sa... sa ama ni Harold. Siya na po ang nag-asikaso ng lahat ng cancellation fees. Wala na po ta
"I'm keeping you."Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Ang malalim niyang boses ay tila isang sumpa na bumaon sa bawat himaymay ng aking kalamnan. Nakatitig lamang ako sa kanyang madilim na mga mata, pilit kinakapa kung nagbibiro ba siya. Ngunit sa seryosong linya ng kanyang panga at sa talim ng kanyang paningin, alam kong seryoso ang bilyonaryong nasa harapan ko."Nabaliw ka na ba?" Mariin kong itinulak ang kanyang matipunong dibdib, ngunit hindi man lang siya natinag. Parang pader na gawa sa yelo at apoy ang aking kaharap. "Hindi ako isang gamit, Mr. Aranas. Hindi ako isang trophy na kapag itinapon ng anak mo ay pupulutin mo na lang basta-basta!"Isang madilim na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "You're right. You are not a trophy. You are a woman who was foolishly discarded by a boy who doesn't know your worth. But I do.""Isang pagkakamali ang nangyari sa atin kagabi," nanginginig ang boses na giit ko, pilit iniiwas ang aking paning







