“I’m sorry, Miss Pinky…” mahinang sabi ni Jasmine habang nakayuko sa sahig. Nasa table lang sila at hindi siya pwedeng magsalita nang malakas dahil ilang metro lang ang layo ng Ninong Alejandro niya sa kanila. “Okay na po ako,” paninigurado niya kay Miss Pinky sabay pilit na ngiti para makumbinsi ito. Ayaw niyang problemahin pa siya ng babae lalo na’t ang dami pa nilang kailangang gawin.
“Okay. Let’s start with the most basic things you need to learn,” nakangiting sagot sa kanya ni Miss Pinky bago iniurong ang upuan para magkaroon siya ng espasyo. Kahit may sarili siyang desk, pakiramdam niya’y wala rin iyong silbi dahil kailangan niyang dumikit nang dumikit kay Miss Pinky para sa instructions.
Hindi naman siya nahirapan sa mga itinuro nito. Naturuan na rin sila nang gano’n sa klase. Kailangan lang niyang i-refine ang mga natutunan niya at ayos na siya. Karamihan sa itinuro ni Miss Pinky ay tungkol sa pagsa-sort ng documents, emails, at iba pang mahahalagang impormasyon. Ipinakita rin sa kanya ang mga template na ginawa nito na maaari niyang gamitin sa paggawa ng letters, invitations, at scheduling. Binigyan rin siya ng master list ng mga importanteng tao sa kompanya—investors, clients, partners—na kailangan niyang imimemorize
Sa kalagitnaan ng ginagawa nila ay natigil sila nang tawagin ni Alejandro si Miss Pinky.
“Pinky, I want you to personally go to the HR Department and hand them this document. Don’t go back without it, okay?” utos nito na may katigasan.
“Okay, sir,” sagot ni Miss Pinky bago siya nilingon. “I’ll be right back. I-familiarize mo na lang muna ang profiles na ibinigay ko sa ‘yo para hindi masayang ang oras,” bilin nito bago tuluyang umalis.
Nang sila na lang ng Ninong niya ang naiwan, hindi niya mapigilan ang paglakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya’y numipis ang hangin sa paligid. Itinuon na lang niya ang atensyon sa screen ng computer at binasa ang profiles na ibinigay ni Miss Pinky, pero napakagat na lang siya sa labi nang mapansin na paminsan-minsan ay nakatingin sa kanya ang Ninong niya. Muling nanumbalik sa alaala niya ang kapalpakan niya.
Naikuyom niya ang kamao bago bumuga ng hangin at tumayo. Huminga siya nang malalim para mag-ipon ng lakas ng loob bago nagdesisyong lumapit sa kanya. Bawat hakbang niya papunta sa mesa nito ay parang sumisikip ang daanan ng hangin sa baga niya. Ramdam niyang may bumabara sa lalamunan niya kaya ilang ulit siyang napalunok.
“S-Sir…” tawag niya dahil nasa screen lang ng laptop nito ang mga mata nito.
“Hmm?” tugon nito nang hindi man lang siya tiningnan.
“G-Gusto ko lang po sanang mag-sorry…” panimula niya at muling huminga nang malalim para masigurong tuloy-tuloy ang sasabihin. “H-Hindi ko po sinasadya na matapunan kayo ng tubig. I’m really sorry.”
“It’s fine. Just be careful next time,” malamig na sagot nito. At hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng frustration nang hindi man lang siya nito nilingon. Gusto niyang tignan siya nito—na tumitig sa kanya at sabihing ayos lang.
Naikuyom niya ang kamay bago marahang tumango. “Thank you po, Ninong—I mean sir,” sambit niya at agad tinakpan ang bibig niya. Doon lang ito nag-angat ng tingin. Kitang-kita niya kung paanong diretsong tumitig sa kanya ang kulay kape nitong mga mata bago marahang bumuga ng hangin at tumango.
“Jasmine, look…” malamig na sambit nito. “…I’m your boss. Kahit pa anak ka ng matalik kong kaibigan, I still won’t give you any special treatment. So you better get your acts straight and compose yourself dahil bilang lang ang mga pagkakataon na mapapalagpas ko ang mga pagkakamali mo,” mariin nitong dagdag.
Mabilis siyang tumango. “O-Opo. I…I’m sorry po,” tugon niya at mabilis na yumuko para itago ang ekspresyon.
“Instead of apologizing, ayusin mo na lang ang trabaho mo,” walang emosyon nitong sabi.
“Y-Yes, sir,” sagot niya at mabilis na tumalikod at uupo na sana nang may kumatok sa pinto kaya wala siyang ibang choice kundi ang buksan ito.
“Delivery for Mr. Pascual,” sambit ng delivery man sabay pakita sa kanya ng isang malaking kulay beige na box na may red cursive letters.
“Tuxedo Manila…” pagbasa niya sa nakasulat sabay tanggap nito. Inilagay niya muna ito sa tabi sabay pirma sa papel na dala ng delivery man. “Thank you,” nakangiting sabi niya rito.
Pagkaalis nito ay kinuha na niya ang box at muling lumapit kay Alejandro. “S-Sir, delivery for you po.”
“Oh, that must be the suit I ordered,” walang emosyon nitong sabi bago tumayo. “Come and follow me.”
“Po?” tanong niya dahil hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito.
“Follow me and help me put on my suit,” paglilinaw nito pero mas lalo lang siyang naguluhan. Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ito papasok sa isang pinto.
Napamura na lang siya sa isipan. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit kailangan pa nitong magpatulong magsuot ng suit, eh kayang-kaya naman nitong gawin iyon nang mag-isa.
“Kasali pa rin ba ito sa trabaho ko?” naibulong na lang niya bago sumunod sa kanya.
Pagkapasok na pagkapasok ni Jasmine sa silid na pinasukan ng Ninong niya ay agad na napanganga siya nang mapagtantong may separate office pala talaga ito. Akala niya ay 'yon na ang opisina nito sa labas.
“S-Sir, saan ko po ito ilalagay?” tanong niya habang bahagyang inaangat ang hawak na box.
"Just put it anywhere,” tugon nito habang inaalis ang suot na coat.
Hindi niya napigilang mapatingin sa lalaki, lalo na nang makita kung paano bumakat ang mga muscle nito sa braso—halos yakapin na ng tela ng suot nitong puting long sleeves. Agad siyang umiwas ng tingin bago pa man siya mahuli. Namula siya sa hiyang naramdaman.
How could she stare at him that way? Boss niya ito, at higit sa lahat, malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang, best friend ng kanyang ama.
Namura na lang niya ang sarili bago nagdesisyong tumalikod para hindi na siya mapatitig pa rito.
“Jasmine...” tawag nito sa kanya gamit ang malalim at baritonong boses.
Nanigas siya sa kinatatayuan. Ang tinig nitong malalim ay tila gumapang sa likod niya, at may kung anong parte sa tiyan niya ang nakiliti dahil lang sa boses nito.
“P-Po?” tugon niya at humarap dito, pero laking gulat niya nang makitang isang hakbang na lang ang pagitan nila. Kailangan pa niyang tumingala para makita ang mukha nito. And now that she had seen him up close—closer than ever. Masasabi niyang tunay na kahanga-hanga ang hazel eyes nito. Ang golden brown shade ng mga mata nito ay parang sinag ng araw na lumulusot sa maiitim na ulap tuwing madaling-araw.
“Is there something on my face?” matigas na tanong nito, dahilan para matauhan siya.
Mabilis siyang yumuko at umiling. “W-Wala po,” mabilis niyang sagot at hindi napigilang maikuyom ang mga kamay. Ramdam niya ang init sa pisngi niya. Hiyang-hiya siya sa sarili.
“B-Bakit n’yo po pala ako tinawag?”
“I was asking you to hand me the box, but you seemed to have spaced out,” sagot nito bago siya nilagpasan. Doon niya naamoy ang mamahaling pabango nito.
“I’ll put the pants on but I want you to help me put on my coat later,” dagdag nito bago nagtungo sa isa pang pintuan na mukhang banyo.
Sa pag-alis nito ay doon lang niya napagtantong kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga. Bumuga siya ng hangin at makailang beses humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Napailing siya bago kinuha ang coat nito mula sa box.
Matapos ang ilang sandali, lumabas ito na suot na ang bagong pantalon. Nang lumapit ito sa kanya ay agad itong tumalikod, senyas na siya na ang maglalagay ng coat.
Agad siyang pumwesto sa likuran nito at tinulungan itong isuot ang mamahaling coat.
“S-Sir, sorry po talaga kanina,” mahina niyang sambit. Hindi pa rin siya matahimik sa kapalpakan niya.
“It’s fine,” malamig na tugon nito.
“A-At least let me wash those clothes, sir,” sabi niya nang matapos nitong maisuot ang coat.
Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito at kasunod ang mahina nitong pagtango. “Fine. Do whatever you want,” anito bago siya nilagpasan at tuluyang lumabas ng opisina.
Dali-dali niyang kinuha ang coat at pants nito at inilagay sa box na pinaglagyan ng bagong suit. Isasara na sana niya ‘yon pero natigilan siya nang mahagip ng ilong niya ang pabango nito.
At ewan din niya kung anong pumasok sa isip niya pero dahan-dahan siyang yumuko para amuyin ang damit nito. Ngunit biglang bumukas ang pinto kaya agad niya iyong tinakpan.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at uminit ang magkabilang pisngi niya nang humarap siya sa direksyon ng pinto. Doon ay nakita niya si Miss Pinky na nakatingin sa kanya. Mas lalo pa siyang namula sa hiya dahil baka nahuli siya sa akto.
“M-Miss Pinky!” bulalas niya at hilaw na ngumiti. “N-Nakabalik na po pala kayo.”
“Yes,” tipid na sagot nito bago lumapit sa kanya. “What’s with that?” tanong nito sabay nguso sa box.
“A-Ah, ito ‘yong suit ni sir na nabasa ko. Nag-offer na ako na ako na lang ang magpapalaundry dahil kasalanan ko naman in the first place kung bakit kinailangan niyang magpalit,” paliwanag niya sabay hilaw na ngiti.
“Oh, hindi ka na sana nag-abala pa,” ani Miss Pinky at ngumiti sa kanya. “But it’s a good move,” dagdag pa nito. “But for now, focus muna tayo sa mga ituturo ko sa ’yo.”
“Yes po,” tugon niya at sabay na silang lumabas.
Hindi mapigilang mapatingin ni Alejandro kay Jasmine paminsan-minsan habang nagmamaneho. Pero pinipilit niyang siguraduhing hindi siya nito mapapansin. Ni hindi niya alam kung kailan nagsimulang mabago ang tingin niya rito, kung kailan niya napansing naaakit siyang tumingin sa dalaga. Isang araw, nagising na lang siyang iba na ang tingin niya kay Jasmine.Hindi na ito 'yung batang babaeng sanay siyang makitang tumatakbo sa loob ng bahay at naglalaro ng manika. Hindi na rin ito 'yung maingay na batang sumisigaw ng pangalan niya tuwing dumadalaw siya sa bahay nila. Jasmine had become a proper lady... one fine woman, to be exact.Isa sa mga dahilan kung bakit niya inaalok ito ng trabaho ay para makatulong sa pamilya nito. Malapit niyang kaibigan ang mga magulang ni Jasmine. Gusto niyang suportahan at tulungan ang mga ito sa abot ng makakaya. Pero hindi sa puntong aabutan niya ng pera—ayaw niya niyon. Hindi praktikal. Baka masanay lang silang umasa sa kanya. Kaya sa halip na pera, trabaho
Sa sobrang abala ni Jasmine sa trabaho ay hindi na niya napansin pa ang paglipas ng araw. Masyado siyang naka-focus sa mga kailangan niyang matutunan sa trabaho dahil sa maternity leave ni Miss Pinky. She had to make sure that she learned all the basics at nang wala siyang ma-encounter na problema sa oras na siya na ang pumalit sa trabaho nito. And that day has come.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya para siguraduhing maayos ang hitsura niya. She checked her white coat and skirt to make sure na presentable siya lalo na’t unang sabak at agad silang may dadaluhan na meeting. What a great way to test her.Kinuha na niya ang iPad at ang office bag niya at lumabas na ng kwarto. Pumunta siya sa dining area kung nasaan ang mama niya. Nadatnan niya itong inihahanda na ang almusal niya.“Good morning, ‘ma,” nakangiting bati niya sabay halik sa pisngi ng ina.“Good morning, ‘nak. Sige na, mag-breakfast ka na at nang may sapat na lakas ka sa unang araw mo bilang secretary ni
“I’m sorry, Miss Pinky…” mahinang sabi ni Jasmine habang nakayuko sa sahig. Nasa table lang sila at hindi siya pwedeng magsalita nang malakas dahil ilang metro lang ang layo ng Ninong Alejandro niya sa kanila. “Okay na po ako,” paninigurado niya kay Miss Pinky sabay pilit na ngiti para makumbinsi ito. Ayaw niyang problemahin pa siya ng babae lalo na’t ang dami pa nilang kailangang gawin.“Okay. Let’s start with the most basic things you need to learn,” nakangiting sagot sa kanya ni Miss Pinky bago iniurong ang upuan para magkaroon siya ng espasyo. Kahit may sarili siyang desk, pakiramdam niya’y wala rin iyong silbi dahil kailangan niyang dumikit nang dumikit kay Miss Pinky para sa instructions.Hindi naman siya nahirapan sa mga itinuro nito. Naturuan na rin sila nang gano’n sa klase. Kailangan lang niyang i-refine ang mga natutunan niya at ayos na siya. Karamihan sa itinuro ni Miss Pinky ay tungkol sa pagsa-sort ng documents, emails, at iba pang mahahalagang impormasyon. Ipinakita rin
Halos mabingi si Jasmine sa lakas ng kabog ng dibdib niya pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina. Naroon na at naghihintay sa kanya si Miss Pinky, ang secretary ng Ninong niya. Nagpakilala na ito sa kanya kanina at kahit papaano ay nabawasan ang kaba niya dahil sa angking bait ng babae. Ang kalmado pa ng boses nito.“A month from now, ikaw na muna ang gaganap bilang secretary ni sir.”“P-Po?” Mabilis siyang napatingin kay Miss Pinky habang nanlalaki ang mga mata. Naituro pa niya ang sarili. “What do you mean, Miss Pinky?”“Maternity leave,” simpleng sagot nito bago itinuro ang tiyan. “I have to stop working until manganak ako. Maselan kasi ang pagbubuntis ko, Jas. Hindi ako pwede magpagod masydo.”“P-Pero... hindi ko pa po alam ang kalakaran dito,” tugon niya at agad itong nilapitan. “Fresh graduate pa lang po ako."“Don’t worry, I’ll guide you and teach you everything you need to know,” paninigurado ni Miss Pinky. “Hindi ka naman masyadong mahihirapan sa trabaho dahil organized na