Share

Run baby run 11

Bakit ganito parang lumulutang ang pakiramdam ko? Hinang-hina ako.

"Doc? Hindi pa rin po nagreresponce ang patay na pusa..."

"Buwisit ano bang mali? isang linggo na tayo dito pero wala pa rin. Baka mapatay tayo ni heneral Sandro kung hindi pa rin mabuhay ang pusa na 'yan. Akala ko ba nagmatch na ang lahat?"

"Hindi rin po namin alam kung anong problema.."

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na tinig sa akin.

Sino ba sila?

Isang linggo? Gano'n katagal ba akong pinapatulog nila? Kada magkakaulirat ako ay saka naman ang pagturok nila sa akin ng pampatulog.

Lupaypay na ang katawan ko.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa una'y malabo hanggang sa maging malinaw ang lahat. Nailibot ko ang paningin. Base sa pagmamasid ko nasa isa akong laboratory. Madaming mga machine ang gumagana at maraming mga nakaputi na sa tingin ko ay mga Doctor.

Pinilit kong iginalaw ang mga kamay ko ngunit napamaang ako nang may napagtanto ako. Nasa loob ako ng isang lab incubator. Maraming tubo ang naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status