Share

Chapter 31

—One Week Later

INILIBOT ni Cassandra ang paningin sa resthouse na pinagdalhan sa kaniya ni Ian. Ang akala niya noong una ay maliit lamang na disenyong bahay-kubo ang itsura nito subalit nagkakamali siya. Ang nakikita niya ngayon ay isang tila isang mansyon na noong panahon pa ng mga kastila itinayo. Bagama’t hindi ito mukhang luma at tila kare-renovate pa lamang upang maging bahay-bakasyunan.

Ang buong paligid ng mansyon ay napapalibutan ng iba’t ibang klase ng puno kagaya na lamang ng narra, linden, walnut at iba pang hindi na niya matukoy ang pagkakakilanlan. Marami rin siyang nakikitang mga puno ng niyog na matatayog.

“Koprahan ba ang pangunahing hanapbuhay dito sa lugar n’yo?” wala sa loob na tanong pa niya habang inililibot ang mga mata sa buong paligid.

Narinig naman niyang tumawa si Ian at inakbayan siya. Dinampian pa siya ng halik nito sa kaniyang noo na animo i

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status