CHAPTER 9
Ex-boyfriend
“―so as I was saying, may quiz tayo bukas sa Accounting. I'll give you two cases only tutal may group assignment na kayo diba?” tanong ni Ms. Rosefe, our Managerial Accounting professor.
“Yes ma'am,” we replied in sync.
“Class dismissed,” she cued before storming out.
Napaunat ako ng kamay at braso dahil sa ginaw na nanggagaling sa aircon. Ang lakas kasing magpa aircon ni ma'am. Hindi n'ya ata napapansin ang nilalamig naming itsura.
"May Law ba tayo ngayon?" tanong ko kay Gelai na nagliligpit ng kanyang gamit.
"Papasok si prof ngayon. Pumasok kasi s'ya sa kabilang section kahapon."
Tumango ako at mabilis na sinukbit ang bag sa aking balikat. Hindi pa naman ako nakapagluto ng babaunin ngayong araw. Ayoko ring umuwi sa boarding house at baka mahuli ako sa law subject. Napaka-strikto kasi ni professor Meriales pagdating sa attendance.
"Sana may emergency case si sir ngayon, please Lord," sigaw ko ng nasa kalagitnaan na kami ng field naglalakad ni Angela.
"Hoy 'wag naman. Kailangan nating makabawi sa mga nawalang panahon dahil sa trabaho n'ya," she chided.
"Alam ko 'yun, pero nakakatamad kasing pumasok kapag gabi."
Our commercial law starts at 6 PM until 9 PM kaya medyo babad na kami sa pixie dust na pampatulog. Antok na antok na nga ako habang nagrerecite ng articles pagkatapos mabunot yung index card ko. Pero kapag alam kong hindi pa ako tinatawag ni prof mas kabado ako. Nagkakaroon ako ng mini heart attack every law subject. Nakakaloka.
"Saan tayo kakain?" tanong ko nang makalabas kami ng university gate.
May iilang carenderia at eatery sa gilid, may 11-Eleven sa harap ng university, may malalaking malls na kayang lakarin, at may branch din ng Taco Boy. There are so many options to choose from, pero mas pinili naming dalawa and magturo-turo muna. Streetfoods. Isaw, adidas, barbecue at kung anu-ano pa. Kapag nasa University of Southwestern Philippines ka makakatipid ka ng maayos, pero hindi para sa pagkain kundi para sa photocopies and xerox.
"Dito lang ako sa kabila," paalam ko kay Gelai na kumukuha na ng lumpiang nakatuhog sa stick.
"'Wag kang mawawala," paalala n'ya. Ano ko s'ya? Nanay? She sounds like my mudra.
I went to buy some barbecues and rice. Tamang 20 pesos lang and you're good to go. Kaso malakas akong kumain kaya umaabot minsan ng 30 pesos ang gastos ko rito kaya prefer ko talaga ang mag eatery e.
"Ate, dalawang barbecue," sabi ng lalaki na may napakapamilyar na boses.
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Sabi na nga ba! Mabilis kong nginatngat yung taba ng barbecue at nilunok ko iyon ng buo sa aking lalamunan. Ang tibay ko talaga, nagawa ko yun ng walang tubig na iniinom. Binayaran ko kaagad si ate na nagbabantay, at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa buko juice na katabi lang nitong barbecue-han. Inaabot ko na yung juice ng nagsalita siya bigla."Ruby?" patanong talaga, teh?
Muntikan ko na maluwa ang kinakain kong taba. Hindi ko pa rin kasi yun nalulunok eh. Slowly but surely, nilingon ko s'ya at ningitian ng pilit.
"Uy, Adam! Musta?"
"Ayos lang ako, ikaw ba?"
Ang gwapo n'ya pa rin kahit kailan. Walang kupas, walang pinagbago. Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali kung sino iyong nakita ko sa mall noong nakaraang linggo. Kahit malabo ang paningin ko, matalas naman ang mga mata ko pagdating sa kanya. But I chose to ignore who I saw. Ayoko lang na bumalik s'ya sa buhay ko gayung s'ya naman itong nang-iwan ng walang pasabi.
"Okay lang din ako. Gaya mo," sabi ko at mabilis na ininom yung buko juice. Ni-hindi ko na nga naramdaman yung lamig ng ipin ko basta diretso lunok lang ang ginawa ko kasama ng malaking ice. "Sige. Alis na ako, nagkamustahan naman na tayong dalawa."
Tinapon ko ang plastic cup sa basurahan at mabilis s'yang tinalikuran, pero hindi pa pala s'ya tapos sa pakikipag kumustahan sa akin.
"M-May kailangan ka pa sa akin?" pagtataka ko.
Sa pagkakaalam ko hindi naghihilahan ang mag ex sa tuwing natapos na silang magkumustahan.
"W-Wala naman," he replied, nakahawak pa rin s'ya sa kamay ko.
My goodness! Pakisabi sa lalaking ito na bitawan ako please at baka sumabog ako rito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Angela help!
Nasaan na ba ang knight in shining armor ko? (kung meron man) please Lord, ipadala n'yo na sa akin because I badly need one right now.
"I'm sorry for leaving without letting you know my reason. Pero andito na ako, I'll explain everything to you if you would just let me," he begged.
"Ah, eh, ih, oh, uh... may klase pa kasi ako mamaya. Maybe next time?" napabitaw s'ya ng dahan-dahan mula sa pagkakahawak n'ya sa aking kamay.
I feel sad and guilty at the same time, but this is his fault after all. Hindi ko kasalanan kung gusto kong dumistansya muna sa kanya. I'm not ready for this, I never was.
"Until when?" tanong n'ya bigla.
"Ang alin?"
"Your class will end. Until when?"
T-teka nga lang muna. Pause! Rewind! Am I hearing his words correctly?
"Bakit mo tinatanong? Don't tell me-"
"I'll wait for you after class," he continued, cutting my words right off the bat.
Hihintayin talaga ako ng isang ito? Sure ba s'ya dyan ha?
"Seryoso ka ba? Baka nagjojoke time ka lang, Adam," seryoso kong tanong. Just making sure na hindi n'ya ako pinapaasa ulit.
“I will. I badly want to explain everything to you. You don't have a boyfriend, do you? Wala naman sigurong magagalit."
Hindi ko alam kung babatukan ko ba s'ya o sisipain dahil sa kanyang sinabi. Nakakainsulto kaya ang ganun para sa isang babae na maganda pero walang jowa like me.
"I don't have-" natigil ako sa pagsasalita when someone put his arm around my neck. Ang bigat ng kamay n'ya habang nakaakbay sa akin.
"Soon, she'll have one." singit n'ya sa usapan ng may usapan.
"Hoy, sulpot ka nang sulpot kung saan. Ano ba?" inis kong hinawi ang kanyang kamay sa balikat ko tsaka ko s'ya tinitigan ng masama.
Hindi s'ya natinag sa sinabi ko sa halip mas tinitigan niya pa lalo ang lalaki na nasa harapan namin pareho. He was weirdly smiling at Adam. Mukhang nakuha yata ni Adam ang gustong iparating na tingin ng isang ito kaya agad s'yang nagpakilala.
"Adam Cordova, nice to meet you..?"
"Joseph Rivera," he simply introduced. He pointed his forefinger at my head. Palibhasa matangkad kaya inaabuso na kaming mas maliit sa kanya.
"Kaano-ano mo ang mataray na ito?"
Siniko ko s'ya, but he caught my elbow quick. Para bang alam n'ya na gagawin ko 'yun. Tinignan muna ako ni Adam bago sumagot sa tanong ni Joseph.
"Friend, and you?" he replied.
"Friend din, but I'll make sure to put boy sa unahan ng salitang yan," matalim n'yang sagot but he was smiling.
They were both glaring at each other like I wasn't standing in between. I cleared my throat to get their attentions and effective nga.
"Are you done staring at each other? Kasi may klase pa ako!" sarkastiko kong pahayag.
"Rubs, tara na," pagtawag ni Gelai sa akin. Bigla s'yang napatitig kay Adam. Lumapit s'ya rito nang nakangiti at binati pagkatapos.
Oh, yeah right. They know each other.
"Kumusta ka na, Dam? Ang gwapo mo na lalo ah?" puri n'ya pa rito.
"Ayos lang. Ikaw din, you look beautiful," ngiti ni Adam.
Tinampal s'ya ng mahina ni Gelai sa braso nito. "Bolero ka pa rin. Kaya ka siguro iniwan ni Ruby no?"
For the record, Angela. He's the one who left me, so don't turn the tables around. I saw Joseph's unpleased reaction when he heard what Angela said.
"What do you mean iniwan?" pagtataka nito.
"Iniwan, hiniwalayan, ganun. Hindi mo ba alam? Adam is Ruby's ex-boyfriend," she said in a simpleminded approach without reading the entire atmosphere between us.
"Oh, I see," he nods in amusement. "He completed those words already. Ex. Boy. Friend."
-x
CHAPTER 10PinaglutoIn the end, hindi kami nagkausap ni Adam after what happened.Nakakairita kasi si Joseph. Sumulpot na lang bigla para guluhin ang naudlot naming love story ni Adam. I admit, I still love the guy after two years. Hindi naman agad-agad mawawala iyon. (Two years is not a long period for me because I'm martyr and umaasa pa rin). And now, he came back. Akala ko noong una magagalit ako sa kanya, na sisigawan ko s'ya kapag nagkita kami ulit but I was wrong. I was always wrong.My anger disappeared, it turned to guilt and sadness. Ayokong maramdaman ito, but I felt it anyway. Ano pa ba ang magagawa ko sa feelings ko na hindi mawala-wala? At mas lalo pa s'yang gumwapo ngayon. I wonder if sa Ateneo p
CHAPTER 11HinahanapI stood frozen for a minute hearing him say those words. Napapakurap ko s'yang tinignan ng mabuti, my eyes widen in shock as well, I can't even imagine my reaction right now."P-Pinagluto mo ako?" I asked again. I want to be sure na narinig ko siyang mabuti.He nods, pointing at the chicken buffalo wings on the table. "It's actually for you."Napalunok ako. Mukha pa namang nakakatakam yung niluto n'ya. Ang bango rin kasi, pero hindi ito ang panahon para magpauto ako sa gaya n'ya. I restraint myself from saying nice words to him. Kahit takam na takam na ako sa manok, pinigilan ko pa rin ang laway kong umubod.
CHAPTER 12 Research Days flew fast as it usually is. Isang buwan na rin simula nung lumipat ako ng boarding house, and now our schedule's getting hectic. Ang daming gagawin lalo na sa Marketing namin. I'm dying from all the requirements and flooding activities every day. Hindi kinakaya ng utak ko ang ganito karaming sunod-sunod na projects. "Sa boarding house raw tayo nila Veronica gagawa ng Marketing Research," paalala ni Gelai sa akin. Niyugyog n'ya bigla ang balikat ko. "Uy, nakikinig ka ba?"
CHAPTER 13Adam CordovaNatapos ng matiwasay ang group activity namin. Buong oras din akong inasar ni Angela kay Adam. Paano ba naman kasi? Palagi n'yang sinusulyapan ang ganda ko. Hays."Kausapin mo na kasi," sundot n'ya sa tagiliran ko."Ayoko nga. We have nothing to talk about," sabi ko habang nililigpit isa-isa ang gamit sa loob ng bag. "Mararamdaman ko lang ulit yung sakit.""Akala ko ba naghilom na?""Bumukas ulit 'yung sugat.""Magmove-on ka na kasi," she sighed."Nakamove-on na ako, but he came back in the flesh as nothing happened." Mabilis kong isinuksok sa loob ng ba
CHAPTER 14MagkunwariMy eyes were fixed on him.I hope the ground swallows me because my heart is beating so fast. Without hesitation, I cut off our gaze afterward and quickly walked away from him."Feelings my ass," I whispered violently.I don't believe in everything he says. Sobrang hirap paniwalaan. Ayoko lang na maging uto-uto dahil ako rin ang masasaktan pagdating ng panahon.If I ever fall for another guy again, I'll make sure it's worth another fall.Nakarating kami sa boarding house nang walang imikan. Mabilis siyang lumabas ng kwarto matapos ilagay ang laptop ko."Thanks," matabang kong sabi. 
CHAPTER 15NominatedI leaned on my armchair after we reported the case study. I know that I haven't explained it well. It was not obvious from sir that he was satisfied with my answer earlier. Eto pala ang feeling ng kasabihang 'I tried my best, but my best wasn't good enough.'“Oy, okay lang yun. Bawi na lang tayo sa next case,” hinawakan ni Angela ang balikat ko.Hindi man halata sa itsura ko, but I’m very disappointed in myself. Nakakadismaya na pinag-aralan kong mabuti ang case na ito, pero inunahan ako ng kaba bago makasagot ng maayos.I feel so down.“Not for me. It was not okay, it will never be okay. Sayang din ang points na binibigay ni sir.”
CHAPTER 16TouchI yawned as we passed the convenience store. Ivy's too focused on her phone screen. Wala akong panahon para magtext or magchat man lang. Inaantok na ako ng sobra, ni hindi ko na nga maramdaman kung nagugutom ba ako dahil sa sobrang antok."Gusto mo munang kumain?" tanong n'ya, still fixating her eyes on the phone screen.Umiling ako kahit hindi n'ya iyon nakikita. "No thanks, gusto ko lang matulog ngayon."“Mauna ka na muna ha. Bibilhan ko lang ng makakain kapatid ko," aniya at nagpaalam patakbo.Wala akong panahong makipag-usap kaya dumiretso na ako sa boarding h
CHAPTER 17Tears"Thank you sa ice cream," I said, unbuckling my seat belt."Let's grab something warm next time," matabang n'yang ngiti.Natawa ako sa kanyang reaksyon. He can’t stand eating cold treats kaya pinili ko ang ice cream. Mabilis s'yang tamaan ng pangingilo because his teeth are sensitive at mabilis din s'yang ma-brain freeze. I was about to say goodbye when someone wrapped his arms around my waist sending strange currents down my back."If may next time. Kaso wala ng susunod na date dahil sisiguraduhin kong aangkinin ko na ang- s-shit!"I secretly pinched his skin dahilan para mapamura s'ya ng ganun kalutong. Impit akong nagpipigil ng tawa dahil sa galit na galit n'yang itsura.