FAZER LOGIN
ELENA
Hindi mapakali si Elena habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Naghalo ang kaba at saya sa puso niya habang hawak ang pregnancy test. Naroon ang resulta ang dalawang pulang linya na nagpapatunay ng katotohanan.
"Buntis ako..." Halos pabulong niyang sambit.
Napahawak siya sa kanyang impis tiyan habang unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Lance magkakaanak na tayo.
Napapangiting isip ni Elena ngunit nag-aalala si Elena kung sakaling ipapaalam niya dahil kaka-promote palang ni Lance bilang foreman. Nagpaplano palang silang mag-ipon para sa kanilang kasal.
Magkasintahan pa lang at napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang magiging kinabukasan, pero wala pa sa plano nila ang pagpapakasal ng maaga o ang magkaanak.
Buong araw pinag-isipan ni Elena kung paano niya sasabihin kay Lance kaya nag-message siya na magkita sila. Nang gabing rin no’n nagkita sila sa isang maliit na restaurant malapit sa lugar nila.
Tahimik si Elena habang nakaupo sa harap ni Lance, moreno at matangkad at hindi naman sobrang gwapo si Lance pero napakalakas ng dating nito.
Napansin naman ni Lance ang kakaibang kilos niya.
"May problema ba?" Tanong agad ni Lance.
Umiling siya. "Wala naman.” Nakangiting sagot niya.
"Bakit parang ang layo ng iniisip mo?" Napapangiting turan ni Lance.
Napayuko si Elena, huminga siya nang malalim bago inilabas mula sa kanyang bag ang maliit na plastic. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng mesa.
Napatingin si Adrian, dahan-dahani niyang kinuha ang pregnancy test sa plastic at nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang guhit.
"Elena..." Mahinang sambit nito.
"Buntis ako." Kabadong pagkakasabi ni Elena.
Hindi agad nakapagsalita si Lance dahil hindi nito inaasahan, ilang segundo silang nanatiling tahimik na dalawa. Hindi naman maalis ni Elena ang tingin sa mukha ng nobyo at nag-aalala siya.
"Sorry." Tanging nasabi ni Elena dahil pananahimik ni Lance. Tiningnan siya ni Lance.
"Bakit ka na nagso-sorry?" Nakabawi si Lance sa pagkagulat.
"Dahil wala pa ‘to sa plano natin.” Nakayukong sabi niya.
Tumahimik si Lance at hindi maitatanggi n Lance na nagulat talaga siya, wala siyang naramdaman na saya pero para kay Elena ay ngumiti siya nang makita niyang nangingilid ang luha sa mga mata ni Elena, agad niyang inabot ang kamay nito.
"Huwag kang umiyak." Ngiting pangaalo niya kay Elena.
"Galit ka ba?" Nagpupunas ng mata na sabi ni Elena.
Umiling si Lance. "Hindi, bakit ako magagalit?” Matamis ang pagkakangiti ni Lance.
"Pero—" dagdag pa ni Elena.
"Nagulat lang ako." Putol ni Lance sa sasabihin ni Elena at mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Mahal kita, Elena."
Doon tumulo ang luha sa pisngi ni Elena pagkasabi ni Lance.
"At anak natin 'yan." Dagdag pa ni Lance.
Sandaling tumingin si Lance sa pregnancy test bago muling bumalik ang tingin sa kanya.
"Papakasalan kita huwag kang mag-alala.”
Napatitig si Elena kay Lance at hindi siya makapaniwala. "Sigurado ka?" Tanong pa niya.
"Oo naman, blessing yan sabi nila kaya wala naman tayong magagawa.” Seryosong sabi ni Lance.
"Pero hindi ba tutulungan mo pa ang magulang mo? A-ayos lang naman kahit hindi na muna tayo magpakasal.” Sabi niya at napaayos ng upo si Lance.
"Huwag mo ng isipin ‘yon magkakapamilya na tayo, sigurado akong maintindihan nila ako.” Seryosong pagkakasabi ni Lance.
Hindi napigilan ni Elena ang mapaiyak. Sa kabila ng takot niya simula kanina ngayon ‘ay gumaan na ang pakiramdam niya.
Hindi niya alam kung paano nila haharapin ang mga susunod na araw, ngunit alam niyang hindi siya nag-iisa ngayon dahil kasama niya ang lalaking mahal na mahal niya at mahal rin siya.
___
Kinabukasan, magkasamang pumunta sina Elena at Lance sa bahay ng mga magulang ni Elena. Halata sa mukha nilang dalawa ang kaba dahil nga sabi nila mag-iipon muna sila bago magsama.
Nang sabihin nila ang balita, ilang sandaling natahimik ang magulang ni Elena.
"Buntis ka?" tanong ng ina ni Elena.
Marahan na tumango siya sa ina. "Opo ma."
Napatingin naman ang ama ni Elena kay Lance.
"Ano ang balak mong gawin?" Tanong ng papa ni Elena na binalingan ito.
Hindi umiwas ng tingin si Lance, tuwid niyang tiningnan sa mga mata ang papa ni Elena.
"Pakakasalan ko po si Elena." Buo ang loob na pagkakasabi ni Lance.
Tahimik ang ama ni Elena at ganun rin ang mama niya.
"Saan kayo titira? Wala pa kayong sarili niyong bahay.” Maya’y wika ng ama ni Elena.
“Siguro pa uupa muna kami at kapag nakapag-ipon na bibili rin kami ng sarili namin.” Singit na sagot ni Elena.
"Hindi ba kaka-promote mo palang? Dapat ‘yan pagbutihan mo dahil maganda na yang posisyon.”
“Opo, iingatan ko ang trabaho ko.” Sagot ni Lance. "Hindi ko po maipapangakong magiging maginhawa ang buhay nila," mahinahon niyang sagot. "Pero pananagutan ko po sila. Mahal ko po si Elena at ang magiging anak namin."
Tumingin ang mga magulang ni Elena sa isa't isa dahil sa sinabi ni Lance at sobrang saya naman ng puso ni Elena dahil sa sinabi ng nobyo. Makalipas ang ilang sandali, pumayag na ang mga ito. Masayang umalis sa bahay ng magulang ni Elena silang magnobyo dahil okay na sa magulang ni Elena.
Kinabukasan naman ay kinausap naman nila ang pamilya ni Lance, dito ay kinabahan si Elena dahil alam niyang may pagkamasungit ang mama ni Lance.
Ganoon din ang naging usapan kung paano nila pinagtapat. Nagulat ang papa ni Lance pero mas nagulat ang mama ni Lance at makikita agad na ang pinipigilang galit sa mukha nito.
“Alam mo naman na ikaw na lang ang inaasahan ko dito, mag-aasawa ka na agad?”
Napatingin si Elena kay Lance dahil tahimik lang ito.
“Ma, kahit mag-asawa ako tutulu–”
“Nako! Isang malaking kasinungalingan ‘yan! Sige na gawin niyo gusto niyo hayaan mo na kami!”
“Ma.” Akmang lalapit pa si Lance pero sumenyas ang ama ni Lance na tumigil na at umalis na lang.
“Alam kong hindi matatanggap ng mama mo.” Sabi ni Elena paglabas nila.
“Hayaan mo kakausapin ko siya ulit, ngayon lang ‘yan galit.” Ani ni Lance.
Hindi na sumagot si Elena pero rin ang pag-aalala sa magulang ni Lance.
Pinanindigan nina Elena at Lance ang kanilang magiging anak, napagdesisyunan nilang huwag nang maghintay ng malaking seremonya kahit isang simpleng kasal lang lang sapat na.
Ilang araw lamang ang lumipas matapos ang ilang paghahanda ay sa isang maliit na opisina, sa harap ng isang judge, nagsimula ang bagong buhay nina Elena at Lance.
Walang magarbong handaan, simpleng damit pangkasal. Gamit ang konting naipon nilang dalawa ay iyon ang ginamit nila.
Ang kanilang mga magulang lamang ang naroon upang saksihan ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit makikitang hindi pa rin tanggap ng mama ni Lance ang kanilang pagpapakasal.
Nang ideklara silang mag-asawa na sila, hindi napigilan ni Elena ang mapangiting may luha sa mata.
Tumingin sa kanya si Lance "Okay ka lang, Mrs. Guevara?"
Napatawa siya ng mahina. "Parang ang bilis lang pero sobrang saya ko.” Turan niya.
Ngumiti si Lance. "At least, hindi na ako boyfriend mo." Nakangising sabi ni Lance.
"Anong tawag ko sa'yo ngayon?" Napapangiting tanong ni Elena.
"Your husband.” Pa-pogi pang sabi ni Lance na parang naging gwapo nga ito lalo sa kanyang paningin.
Napailing si Elena habang nakangiti. "Ang yabang."
Tumawa si Lance at marahang hinawakan ang kamay niya.
"Pero seryoso ako." Tumigil siya. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo at sa anak natin."
Tumango si Elena. "Naniniwala ako sa'yo."
Matapos ang kasal, hindi pa rin sila agad nagsama. Kailangan muna nilang ayusin ang kanilang mga gamit at humanap ng maliit na matitirhan na kakayanin ng kinikita ni Lance.
Habang si Elena ay nananatili muna sa bahay ng kanyang mga magulang, si Lande naman ay patuloy na nagtatrabaho at nag-iipon para sa kanilang magiging tahanan.
Hindi marangya ang kanilang magiging buhay. Pero puno sila ng pangarap at ang pangarap na magkaroon ng sariling maliit na bahay sa bubuohin nilang pamilya.
Higit sa lahat ay ang manatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit na anong pagsubok pa ang dumating.
Kinabukasan maagang nagising si Elena. Hindi dahil nakatulog siya nang maayos. Sa katunayan ‘ay halos hindi siya nakatulog.Ilang beses siyang napapikit ngunit mayamaya ay nagigising din. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Lance. Hindi na kita mahal, pirmahan mo na.Pati ang sinabi ng ina nito.nKung ayaw na niyang manatili, pareho lang kayong mahihirapan.Sa bawat pagmulat niya, parang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Pero ngayong umaga, wala nang luha. Parang naubos na lahat kagabi dahil iniiyak na niya lahat.Tahimik siyang bumangon at tiningnan si Lucas na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakabuka nang bahagya ang bibig ng anak habang yakap ang maliit na unan.Napangiti si Elena. Marahan niyang inayos ang buhok nito.“Good morning, baby.” mahinang bigkas niya hindi naman nagising si Lucas.Hinalikan niya ito sa noo.“Simula ngayon, tayo na lang muna.”nl Doon bahagyang nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi niyaPero mabilis niya iyong pinun
Halos buong araw na hindi ginalaw ni Elena ang divorce papers na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ilang beses niya ‘yon dinaanan. Ilang beses ‘ding napahinto ang mga mata niya sa papel, ngunit hindi niya magawang lapitan iyon at kunin ang ballpen para simulang pirmahan.Hindi pa niya kaya. Marahil dahil may maliit na bahagi pa rin sa puso niyang umaasa. Kahit sinaktan na siya ng labis. Umaasa siyang baka bumalik si Lance at sabihin nitong nagkamali lamang siya.Na baka sabihin nitong gusto pa niyang ayusin ang pamilya nila. Baka kapag nakita nitong masayang lumalapit si Lucas kay Lance, maalala nito kung ano ang mawawala kapag tuluyan silang naghiwalay.Nakakatawa man, umaasa pa rin si Elena at kahit alam niyang napakatanga niya sa parte na ‘yon wala na siyang pakialam.“Mama…”Napalingon siya. Nasa sahig si Lucas habang hawak ang maliit nitong laruang kotse. Paulit-ulit nitong itinutulak iyon sa sahig habang gumagawa ng hindi maintindihang mga tunog.Napangiti nang bahagya si Elena. “An
Pagkasara ni Sandra ng pinto ng condominium unit ay agad niyang inihagis ang handbag sa sofa.“Damn it!”Mabilis siyang naglakad patungo sa maliit na bar counter at kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator. Binuksan niya iyon at sunod-sunod na uminom, ngunit hindi pa rin nawala ang inis na kanina pa kumukulo ang dibdib niya sa galit.Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin pumipirma si Elena. Pati kay Lance ay nagagalit na siya dahil hindi nito magawan ng paraan na matapos ng pirmahan ang divorce paper.Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang hinihintay ng babaeng iyon. Malinaw naman ang sinabi ni Lance. Hindi na nito mahal si Elena.Siya ang mahal nito at siya lang mamahalin ni Lance. Pero bakit ayaw pa ring bumitaw? Ganun ba siya katanga?“Ang tibay talaga ng mukha niya.”Mariing inilapag ni Sandra ang bote sa ibabaw ng counter. Naalala niya kung paano lumuhod si Elena sa harap ni Lance noong gabing dinala nila ang divorce papers.Kung siya lamang ang masusunod,
“Hindi mo kailangang luhuran ang lalaking katulad niya.”Sabay-sabay na napalingon sina Lance at Sandra sa lalaking biglang nagsalita. Walang iba kung hindi si Kael. Samantalang si Elena ay nanatiling nakatayo matapos siyang hilahin ni Kael mula sa pagkakaluhod. Nanlalabo pa ang mga mata niya dahil sa mga luha nang makilala niya kung sino ang lalaking nasa tabi niya.“Kael…”Hindi niya inaasahang makikita niya itong muli at sa ganung sitwasyon pa. Parang muling bumalik sa isip ni Elena ang gabing una silang nagkakilala. Ang gabing nahuli niya si Lance sa site kasama si Sandra.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya kung paano tila gumuho ang buong mundo niya nang makita mismo ng dalawang mata ang pagtataksil ng asawa. Hindi niya maalala kung paano siya nakalayo nang maayos mula roon. Basta ang alam niya, tumakbo palayo habang umiiyak hanggang sa mapunta siya sa kalsada.Doon niya nakilala si Kael. Ang lalaking bumusina sa kaniya dahil halos hindi na niya namamalayang nasa gi
Alas otso ng gabi nang marinig ni Elena ang tunog ng sasakyang huminto sa labas ng kanilang bahay. Napalingon siya sa bintana. Saglit na tumigil ang kanyang paghinga.Ilang araw niyang hinihintay na umuwi si Lance at nang makita niya ang pamilyar na sasakayan ay ganun nalang ang tuwa niya. Matapos ang pag-uusap nila ni Mila ay nagdesisyon siya na bigyan ng pagkakataon ang asawa at humingi ng tawad dahil para sa anak nila at ayaw niyang hindi buo ang pamilya niya.Maayos siya ngayon hindi tulad noon, hindi man siya naka-make up ay nakabistida siya na bumagay sa kanya. Maganda nga ngunit bakas sa mukha at mata ni Elena ang matinding paghihirap dahil sa panlalalim ng mga mata.Agad niyang ibinaba ang hawak na damit ni Lucas. Excited na binuksan ang pintuan para salubungin ang asawa.Habang nasa sahig ang ilang laruan ng anak niya. Mahimbing na natutulog ang bata sa maliit nilang kwarto matapos niya itong patulugin kanina.Mabilis na inayos ni Elena ang buhok niya gamit ang mga daliri at
Pagkaalis ni Kael sa lugar kung saan nakatira si Elena ay nagtino para makipagkita sa kanyang private investigator. Pagdating sa isang restaurant kung saan ay wala masiyadong customer doon napili ni Kael makipag-usap dahil ayaw niya ng masiyadong maraming tao.Sumandal si Kael sa kaniyang upuan pagdating ni Gigo ang private investigator niya at magalang na yumukod sa kanya.“Yung babaeng nakita ko sa kalsada, may construction site malapit doon. “Alamin mo kung kanino ang property ‘yon.”“Okay po.”“Alamin mo rin kung sino ang contractor, project manager at foreman pati ang buong detalye nila.”“Opo, sir.”“Tinanong mo kung may nakakita sa babaeng iyon kagabi sa lugar na ‘yun.” Seryosong ani niya.“Masusunod po.”“Gusto ko lang malaman kung sino ang mga taong naroon.” Tumahimik si Gigo. “Kung ano ang nangyari sa babae na ‘yon noong gabi.” dagdag ni Kael.“Opo, sir.”“Hindi mo kailangan kausapin ‘yung babae ang tanging gusto ko ang detalye doon sa site na ‘yon.”“Understood, sir.”Mata







