공유

Chapter 2

작가: BM_BLACK301
last update 게시일: 2026-09-07 08:56:00

Tatlong araw matapos ang kanilang kasal, nakatayo si Elena sa harap ng isang maliit na bahay na paupahan kung saan ay nakuha na nila sa isang tahimik na lugar.

Simple lang ang bahay, may isang silid, isang maliit na sala, kusina at isang banyo. Napapangiti si Elene habang pinagmamasdan ang magiging saksi sa kanilang pagsasama at pag-uumpisa.

May ilang bahagi rin ng dingding na nangangailangan ng pintura. Ngunit habang nakatayo siya sa pintuan at pinagmamasdan ay alam niyang madali lang ‘yon lahat.

"Pwede na," mahina niyang sabi.

Napalingon siya sa likuran niya si Lance may bitbit na kahon na naglalaman ng ibang gamit namin.

"Sigurado ka na dito?" Tanong nito.

Tumango siya. "Oo naman at parang feel ko na ‘tong bahay."

Ibinaba ni Lance ang kahon sa sahig. "Alam kong maliit."

"Lance." Tumingin ito sa kanya. "Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay. "Ang importante kahit umuupa tayo ay sa atin pa rin ito."

Saglit na natigilan si Lance bago lumapit at niyakap siya.

"Pasensya na kung hindi ko pa kayang ibigay yung mas maganda hayaan mo darating rin ‘yon."

Umiling si Elena. "Huwag kang humingi ng sorry." Hinawakan niya ng mariin ang kamay ng asawa.

Ngumiti si Adrian. "Salamat asawa ko.”

Napangiti si Elena sa tinuran ng asawa. “Welcome po asawa ko,” ngiti ring gaya niya.

Napatawa sila pareho at tinuloy na ang paghakot ng mga gamit nila. Doon sila nagsimulang bumuo ng kanilang maliit na pamilya, hindi sila bumili ng mamahaling gamit. Ang kama ay secondhand ngunit maayos pa, ang maliit na mesa na nabili nila sa murang halaga.

At ilang plato at baso ay galing sa bahay ng mga magulang niya. Pati ang maliit na electric fan na inilagay nila sa kwarto ay lumang gamit na ibinigay ng papa ni Lance.

Sa halip na reklamo, puro tawanan ang maririnig sa loob ng bahay habang inaayos nila ang kanilang mga gamit.

"Huwag diyan." Puna niya sa asawa.

"Bakit?" Salubong ang kilay ni Lance.

"Kapag nilagay mo diyan, hindi na mabubuksan yung cabinet."

Napatingin si Lance sa maliit na espasyo.

"Oo nga." Napakamot siya sa ulo.n"Tama ka."

Napatawa si Elena. "Syempre." Natatawang ani niya.

"Ang yabang." Lumapit si Lance at bahagyang kiniliti ang tagiliran niya.

"Ay!"

Napaatras si Elena habang tumatawa.

"Tama na!" Malakas na bigkas niya.

"Hindi." Sagot ni Lance na patuloy siyang hinahabol at kinikiliti.

"Lance!" Tawang-tawa na tawag niya sa pangalan ng asawa para bantaan.

Sa gitna ng maliit at halos walang laman na bahay, napuno iyon ng kanilang tawanan. Wala silang mamahaling kasangkapan. Wala rin silang malaking ipon. Ngunit sa mga sandaling iyon sapat na sa kanila na magkasama na sila ngayon.

___

Makalipas ang ilang linggo, nagsimula ang bagong routine nila. Maagang umaalis si Lance para pumasok sa construction.

Minsan, alas-singko pa lamang ng umaga ay gising na ito. Samantala, si Elena naman ay nananatili sa bahay. Dahil sa pagbubuntis, pinayuhan siyang bawasan ang trabaho at magpahinga.

Hindi iyon naging problema kay Lance dahil sa halip ‘ay mas lalo itong naging maingat sa kanya.

"Huwag mong buhatin 'yan."

Napatingin si Elena sa hawak niyang timba. "Maliit lang naman ‘to."

"Elena." Mahinang sabi ni Lance.

Napabuntong-hininga siya. "Okay." Agad kinuha ni Lance ang timba mula sa kanya.

"Maupo ka lang diyan." Utos nito sa kanya.

"Parang may sakit naman ako." Nakanguso si Elena.

"Buntis ka at kailangan mo mag-ingat.” Napapangiting turan ni Lance dahil sa nakasimangot na mukha ng asawa.

"Alam ko naman." Mahinang sabi niya.

"Kaya hayaan mo ako okay?”

Napangiti si Elena. "Ang sungit naman."

"Concerned ako at isa pa unang anak natin ‘yan"

"So, may balak ka pang dagdagan?” Nakataas ang kilay niya at natawa si Lance.

“Hindi naman pero puwede rin para masaya.” Malokong sagot nito.

“Loko ka, pero puwede naman pero saka na kapag kaya natin mahirap mag-anak ng marami rin.” Sabi niya at tumango si Lance.

"Kumain ka na?" Pag-iiba ni Lance.

"Hindi pa." Mabilis na sagot niya.

“Bakit hindi pa? Dapat kumain ka na kasi dalawa na kayong kumakain.”

"Hinihintay kasi kita gusto ko sabay tayo."

Napatingin sa orasan si Lance. "Alas-sais na."

Ngumiti si Elena. "Mas masarap kumain kapag kasama ka."

Saglit na natahimik si Lance paagkatapos ay ngumiti rin.

"Okay tara na kumain na tayo.” Masayang sabi ni Lance at ngumiti.

__

Lumipas ang mga buwan lalong lumalaki ang tiyan ni Elena. Kasabay nito, lalo ring naging abala si Lance sa trabaho.

Bilang foreman, mas marami na siyang responsibilidad ngunit kahit pagod siya, hindi niya nakakalimutang dumaan sa maliit nilang bahay upang tingnan ang asawa. Minsan may dala itong tinapay.

At kung minsan naman ay prutas, kapag may kaunting sobrang pera, bumibili ito ng maliit na bagay para sa magiging anak nila.

Isang gabi, umuwi si Lance na may dalang maliit na paper bag.

"Ano 'yan?" tanong ni Elena.

"Wala ‘to.” Sagot nito na napapangiti.

"Lance?” Tingin ni Elena dahil alam niyang hindi totoo na wala.

Napangiti ito. "Buksan mo."

Inabot ni Elena ang paper bag at binuksan, tatlong pare ng isang maliit na medyas para sa baby namin. Iba’t ibang kulay ‘yon at may maliit na drawing na bear.

Napahawak siya sa dibdib. "Ang cute naman."

"Nagustuhan mo?"

Tumango siya. "Oo naman ang cute nga.”

Umupo si Lance sa tabi niya. "First baby natin ‘yan kaya dapat paghandaan.” at maingat na hinaplos ang may kalakihan na tiyan ng asawa.

"Salamat." Hilig ni Elena sa balikat ng asawa.

"You're always welcome." Ipinatong ni Adrian ang kamay sa tiyan niya. "Naririnig mo ba ako, baby?"

Napatawa si Elena. "Hindi yata hindi gumagalaw." Sabi niya.

"Naririnig niya ako." Ani ni Lance at pumikit pa pinakiramdaman habang hawak ang tiyan ng asawa.

"Sure ka?" Natatawa pa rin si Elena.

"Of course." Lumapit pa si Adrian sa tiyan niya. "Baby, huwag mong pahirapan si Mommy."

Tumawa si Elena. "Ikaw ang magiging dahilan kung bakit mapapagod ako."

"Why?" Kunot noo si Lance.

"Dahil ikaw ang gumawa sa kanya."

Pareho silang natawang dalawa sa simpleng gabi na ‘yon.

___

Dumating ang araw ng panganganak ni Elena, halos hindi mapakali si Lance habang naglalakad sa hallway ng ospital.

"Lance.."

Agad siyang lumapit nang marinig ang boses ni Elena. "Kumusta ka?"

Pagod na pagod ang itsura ni Elena, ngunit nang makita ang asawa niya ay napangiti siya.

"Nandito lang ako naghihintay.” Sabi ni Lance.

"Alam ko naman.” Mahinang sabi ni Elena at hinawakan ang kamay niya ni Lance.

"Hindi kita iiwan." Halik ni Lance dahil hinihintay pa ang oras na pagpasok niya sa delivery room.

Hanggang sa dalhin na si Elena sa delivery room at makalipas ang ilang oras, isinilang ang kanilang anak. Nang makita na ni Lance ang kanilang anak na nasa tabi ni Elena ay nawala lahat ng alalahanin niya sa isip at dibdib.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Baby natin..." Nakangiting sabi ni Elena.

Napatingin siya sa maliit na mukha ng anak nila. "Ang liit niya." Lumapit si Lance.

Hinawakan niya ang maliit na kamay ng sanggol gamit ang isang daliri at bahagya pa siyang nagulat ng kumapit ang maliit na daliri nito.

Tuluyang tumulo ang luha sa kanyang pisngi. "Hi, baby."

Napapangiti si Elena na naiiyak habang pinagmamasdan niya ang ang asawa.

"Anong nararamdaman mo?" Masayang tanong ni Elena.

Huminga nang malalim si Lancem "Parang... hindi ko alam pero masaya ako.”

Tumawa siya nang mahina habang pinupunasan ang kanyang mata.

"Pero mahal na mahal ko siya." Halik ni Lance sa kamay ng anak. "Ikaw?" Napatingin siya kay Elena.

“Ito na ang simula ng ating pamilya Lance,” naiiyak muling sabi ni Elena. Marahang hinalikan ni Adrian ang noo niya.

"Kayong dalawa ang pamilya ko ngayon at iingatan ko ‘yan."

Iyon ang pangakong tumatak sa isip ni Elena. At sa mga unang buwan pagkatapos ipanganak ang kanilang anak, pinatunayan naman iyon ni Lance sa kanya at sa kanila.

Kapag umiiyak ang bata sa madaling-araw, bumabangon ‘din siya. Kapag kailangan ni Elena ng tulong, ginagawa niya iyon.

Kapag halos hindi na makatulog ang kanyang asawa, sinasabi niyang siya muna ang mag-aalaga sa anak. Ngunit habang lumalaki ang kanilang anak, unti-unting nagbabago ang routine nila.

Mas naging abala si Elena, halos buong araw siyang nasa bahay, nag-aalaga sa bata at nag-aasikaso sa mga kailangan ni Lance at maglinis na rin ng bahay.

Minsan, hindi na siya nakakapag-ayos ng buhok pati na ang sarili, pareho pa rin ang suot niyang damit mula umaga hanggang gabi.

Minsan, kapag umuuwi si Lance, makikita niyang magulo ang buhok nito at may bahid ng marumi ang damit ni Elena at halatang pagod na pagod ito. Iniintindi nalang yon ni Lance at hindi na pinapansin pa.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Is It Too Late My Love?   chapter 8

    Maagang-maaga pa nang huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat ng maliit na bahay ng pamilya ni Lance.Bumaba si Sandra na bit-bit ang isang magandang supot na may lamang prutas. Maayos ang suot niya, pati ang buhok at make-up. Nakasukbit ang mamahaling bag at kung marunong ka tumingin malalaman mong mamahalin ‘yon.Ilang sandali siyang nakatayo sa harap ng pintuan bago kumatok.“Sandali!” malakas na sabi ng mama ni Lance.Bumukas ang pinto. Lumabas ang ina ni Lance na si Marissa, hawak ang walis tambo. Napatingin ito kay Sandra at nagtataka.“Magandang umaga po,” magalang na bati ni Sandra.“Magandang umaga.” Bahagyang kumunot ang noo ni Marissa. “Sino ka naman?”“Ako po si Sandra. Ako ang amo ni Lance.”Agad nagbago ang ekspresyon ni Marissa. “Amo?” nataranta bigla si Marissa.“Opo.” matamis ang ngiting sagot ni Sandra.“I-ikaw yung kausap ko kanina?” Napangiti si Mariss.Ngumiti at tumango si Sandra at iniabot ang supot kay Marissa.“Nako, salamat nag-abala ka. Halika pasok ka p

  • Is It Too Late My Love?   chapter 7

    Tahimik sa loob ng bahay tanging ang mahinang ugong ng electric fan at ang putol-putol na pag-yak ng isang taong gulng na si Lucas ang maririnig sa loob.Katatapos lang ni Elena linisan ang anak nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. Nagtataka naman si Elena dahil wala siyang inaasahan na bisita at lalong walang sasakyan ang bibisita sa kanya.Napatingin siya sa orasan, alas otso ng gabi. Sumilip siya sa bintana at doon mismo sa tapat nila mismo pumarada ang itim na kotse. At ganun nalang ang pagbilis nang tibok ng puso niya ng mapagsino ito si Lance.Hindi niya ito inaasahang uuwi at ngayong gabi pa kaya naman mabilis na lumapit si Elena at inayos ang suot niyang lumang pambahay. Nakatali lang basta-basta ang buhok niya at may mga nakalaylay na ilang hibla. Kinarga si Lucas at excited na sinalubong niya sa pintuan ang asawa.“Lance napauwi ka bigla? Sana sinabi mo at–”Nakasimangot ito, halatang nagmamadali. Naka-uniform pa mula sa trabaho at may maliit na b

  • Is It Too Late My Love?   chapter 6

    Maagang nagising si Elena dahil sa iyak ni Lucas. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na nilapitan.“Shh… nandito si Mommy.” Binuhat niya si Lucas mula sa kama at marahang hinaplos ang likod nito.Dinampot ni Elena ang cellphone para tingnan ang message ng asawa ngunit nagtaka siya dahil wala itong message. Alas siyete na ng umaga na kadalasan ay laging may message ito.Sinubukan kang tawagan ni Elena ang asawa pero panay lang ring walang sumasagot. Baka may ginagawa na at nakalimutang mag-message. Dibale sabado ngayon uuwi siya mamaya.Dahil sa nasa isip ni Elena ay masayang kumilos siya. Pagkatapos pakainin si Lucas, nagsimula na ang karaniwang gawain ni Elena.Maghugas ng mga bote at maglaba pati na ang maglinis dahil para dumating ang asawa makitang malinis ang bahay nila.Habang nagluluto ng pagkain ay hindi maiwasan ni Elena ang paulit-ulit na tingnan ang cellphone. Bandang tanghali, wala pa ring message si Lance sa kanya kaya naman siya na ang nagkusa.Kumain ka na ba?Ilang m

  • Is It Too Late My Love?   chapter 5

    SPG ALERT!Maingay at patay sindi na ilaw, sigawa at tawanan. Mga nagsasayawan at masasayang mga tao sa bawat sulok ng bar kung saan dinala ni Sandra si Lance. Hindi naman makapaniwala si Lance na makakapunta siya sa ganung lugar dahil first time niya makapasok sa bar at dahil ‘yon sa kanyang amo.“Nagustuhan mo ba dito?” Malakas na bulong ni Sandra na halos dumikit na ang labi sa tenga ni Lance.“Yes ma'am! Na-relax ako.” Malakas rin na sagot ni Lance, ilang bote na rin ang naiinom nila.Nagpatuloy sila sa pag-inom at hindi nila namamalayan halos maghalikan na silang dalawa sa tuwing bumubulong si Sandra at lilingon si Lance. Nagdidikit na ang labi nilang dalawa.Hawak ni Sandra sa braso si Lance at hinatak palapit sa kanya.“Sa hotel na lang tayo.” malakas na sabi ni Sandra.Tumingin si Lance sa kanyang amo. Ang mga mata ni Sandra ay mapungay na, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawang na para bang inaanyaya na si Lance. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Lance, bagaman

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 4

    "Foreman!"Napalingon si Lance sa tawag ng isa sa mga tauhan. Kasalukuyang pinag-aaralan at pinagmamasda ang sinisimulang gawin ng mga trabahador."Boss, may problema sa delivery."Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kalsada kung saan nakaparada ang isang truck na puno ng mga kahon ng materyales."Anong problema?" Tanong niya kay Carlos ito ang isa sa pinagkakatiwalaan niya."May kulang sa listahan." Anito sabay abot ng clipboard kung nakaipit ang resibo.Kinuha ni Lance ang clipboard mula sa kamay nto at isa-isang tiningnan ang mga nakalista."Fifty bags dapat 'to.""Forty five lang po ang nasa invoice."Napakunot ang noo niya. "Nasaan yung unang resibo?" Tanong niya kay Carlos.Iniabot iyon sa kanya at matagal niyang tiningnan bago umiling."May mali rito. Tawagan mo supplier." Utos niya."Opo." Agad na tugon ni Carlo.Hindi pa man nakakalayo ito nang marinig ni Lance ang isang sasakyan mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang itim na SUV at bumukas ang pinto.Lumabas si

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 3

    Hindi pa sumisikat ang araw nang bumaba si Lance mula sa jeep. Agad niyang naramdaman ang init dahil sa panahon kahit maaga palang ay mainit na. Nagbabalak na siya mag-loan ng motor dahil para hindi siya mahirapan bumyahe.Pagdating niya sa site kung saan ang bagong proyekto niya. Humugot siya ng malalim na hininga habang inaayos ang suot niyang helmet at tinitingnan ang malaking lupang nasa harapan niya.Dito itatayo ang bagong proyekto, isang rest house at hindi ito basta ordinaryong rest house. Ayon sa kanyang supervisor, isa itong mamahaling property na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante na bihirang lumabas sa kanilang siyudad.Malawak ang lupain at napapalibutan iyon ng mga puno at matatanaw mula sa mataas na bahagi ng property ang malawak na kabundukan. Sa gilid ay may maliit na ilog na dumadaloy papunta sa mababang bahagi ng lupa.Kung hindi lamang siya nagtatrabaho, marahil ay maiisip niyang magandang lugar iyon para sa isang bakasyon. Kasama ang mag-ina niya. Biglaan an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status