Share

Chapter 3

Penulis: BM_BLACK301
last update Tanggal publikasi: 2026-09-07 08:56:20

Hindi pa sumisikat ang araw nang bumaba si Lance mula sa jeep. Agad niyang naramdaman ang init dahil sa panahon kahit maaga palang ay mainit na. Nagbabalak na siya mag-loan ng motor dahil para hindi siya mahirapan bumyahe.

Pagdating niya sa site kung saan ang bagong proyekto niya. Humugot siya ng malalim na hininga habang inaayos ang suot niyang helmet at tinitingnan ang malaking lupang nasa harapan niya.

Dito itatayo ang bagong proyekto, isang rest house at hindi ito basta ordinaryong rest house. Ayon sa kanyang supervisor, isa itong mamahaling property na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante na bihirang lumabas sa kanilang siyudad.

Malawak ang lupain at napapalibutan iyon ng mga puno at matatanaw mula sa mataas na bahagi ng property ang malawak na kabundukan. Sa gilid ay may maliit na ilog na dumadaloy papunta sa mababang bahagi ng lupa.

Kung hindi lamang siya nagtatrabaho, marahil ay maiisip niyang magandang lugar iyon para sa isang bakasyon. Kasama ang mag-ina niya. Biglaan ang project niya na ‘yon at ibabalita palang niya kay Elena.

"Ikaw si Lance Guevara?"

Napalingon siya nang marinig ang boses ng isang lalaki mula likuran niya.

Tumango siya. "Yes po.” Magalang niyang sagot.

"Foreman Guevara?" Paninigurado pa ng lalaki.

"Yes sir.” Muling tugon ni Lance, iniabot ng lalaki ang kamay nito.

"Roberto Escobar. Project manager." Pakilala nito kay Lance at inabot ni Lance ang kamay rito.

"Nice to meet you sir." Yukong bati niya.

"Halika. Ipapakilala kita sa may-ari."

Bahagyang kumunot ang noo ni Lance.

"Ngayon na po?" Natitigilan niyang pagkakasabi.

"She's already here."

Napatingin siya sa paligid hindi niya inaasahang pupunta agad ang may-ari ng property dito. Sinundan niya si Roberto patungo sa pansamantalang opisina na itinayo malapit sa construction site.

Pagbukas ng p***o, agad niyang napansin ang babaeng nakatalikod sa kanila habang nakatingin sa blueprint na nakalatag sa malaking mesa.

Mahaba ang buhok nito na kulay burgundy at kahit nakatalikod, halatang hindi ito ordinaryong kliyente at talagang mayaman.

Nang marinig ang kanilang mga yabag, dahan-dahan itong lumingon at kay Lance agad napunta ang mata ng babae. Saglit na natigilan si Lance dahil ngayon palang siya nakakita ng babaeng sobrang ganda at ang puti, makinis ang balat.

Halatang mayaman dahil kahit simpleng puting blouse na ipinares sa itim na maong na pantalon, ngunit halatang mamahalin ang bawat piraso ng suot nito pati na ang alahas na suot.

"Ma'am Victoria," bati ni Roberto.

Tumango ang babae. "Is this the foreman?"

"Yes ma’am. Lance Guevara." Si Roberto ang sumagot.

"Ma'am magandang umaga po.” Simpleng bati ni Lance at inilahad ang kamay niya rito kay Sandra.

Tiningnan siya ni Sandra mula ulo hanggang paa bago nito marahang inabot ang kamay niya.

"Lance." Tipid ang ngiting sambit nito sa pangalan ni Lance.

"Yes, ma'am." Ngiting sagot ni Lance.

"Ikaw ang mamamahala sa construction?" Ani nito.

"Opo ma’am.” Masayang pagkasagot niya.

"Okay.” Kaswal na sagot ni Sandra at binitiwan nito ang kamay niya at muling sinulyapan ang mukha ni Lance.

Matapos ay tumalikod ito at lumapit muli sa lamesa kung saan nakalatag ang blueprint.

“Ma’am maiwan ko muna kayo dahil may lakad pa ako.” Paalam ni Roberto at naiwan silang dalawa.

"I want everything done exactly according to this."

Lumapit si Lance at pinagmasdan ang plano, malaki ang bahay may dalawang palapag at may dalawang swimming pool.

May malaking terrace at may private garden ayon sa plano, may sariling guest house pa sa likuran.

"Medyo marami pong detalye," sabi niya.

"I know." Ngiting sagot ni Sandra at muling hinarap si Lance.

"May target date po ba kayo?" Seryosong tanong niya.

"Nine months." Sagot agad ni Sandra.

Saglit na natigilan si Lance. "Possible naman," sabi niya, "Pero kailangan consistent ang materials at workers."

"Then make sure they are." Mabilis na sagot ni Sandra.

Tumango si Lance. "Yes, ma'am." Sabay yuko para ipakita ang respito.

Akala niya ay tapos na ang usapan dahil natahimik na ito ngunit hindi pa.

"May asawa ka?"

Bahagya nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahan ang tanong na ‘yon mula sa rito ngunit iniisip niya siguro gusto lang nito na may alam kahit paano sa trabahador niya.

Saglit siyang natigilan bago tumango. "Yes ma’am." Proud pang sabi niya.

"Anak myroon na?” Titig niyang tanong kay Lance.

"One only palang po.” Masayang sagot ni Lance.

"How old?" Muling tanong ni Sandra.

"One year old po.” Simpleng sagot niya.

Napansin niyang bahagyang ngumiti si Sandra.

"Ilang taon ka na pala mukhang bata ka pa,” interesadong tanong nito.

“Thirty na po ma’am.” Sagot lang niya.

“Matanda pala ako ng limang taon sa’yo.” Nakangiting sabi ni Sandra.

Hindi naman nakasagot si Lance dahil akala nga niya mas matanda siya rito pero mali pala siya. Dahil siguro maganda ito at mukhang laging fresh.

Wala nang ibang sinabi ang boss ni Lance, ngunit hindi maaalis sa isip niya ang magandang mukha ni Sandra dahil para itong artista.

___

Kinahapunan, sinimulan na ni Lance ang pag-aayos ng mga manggagawa. Dahil malaki ang proyekto, mas marami silang kailangang tao. Kailangang maayos ang schedule.

Walang masasayang na materyales. Bilang foreman, siya ang nasa gitna nang lahat ito at aasahan ng lahat. Sa ilalim ng araw, paulit-ulit siyang nag-iikot sa construction site.

"Lance!"

Napalingon siya ang isa trabahador niya tinatawag siya na malapit rin sa kanya si Carlo. 

"Boss, dito po." 

Lumapit siya. "Anong problema?"

"Yung materials po."

Agad niyang sinuri ang mga ito. "Ilipat ninyo sa kabilang side. Huwag dito."

"Opo por.” Tangong sagot nito.

Muling umalis si Lance at halos buong araw siyang hindi nakaupo. Nang sumapit ang hapon, saka niya naramdaman ang pagod.

Umupo siya sandali sa ilalim ng isang puno at kinuha ang cellphone. May tatlong missed calls mula kay Elena. Agad niyang tinawagan ang asawa at isang ring lamang ay sinagot agad nito.

"Hello?"

Narinig niya ang boses ni Elena. “Hi.” Bati niya.

"Nasaan ka?" Tanong niya.

"Dito sa bagong project nalipat ako.” Medyo pagod ang boses na sagot niya.

"Ganun ba? Okay ka lang?"

"Yeah. Busy lang ng konti pasensiya na hindi ko na sagot." Sandal niya sa pader.

"Nag-lunch ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Napatingin siya sa kanyang relo halos alas-singko na pala ng hapon.

"Oo, ikaw kumain ka na?” Tanong niya.

“Nagluto palang ako ng hapunan anong oras ka uuwi?” Masiglang tanong ni Elena.

“Malayo ang project ko, tuwing sabado lang ako makakauwi.” Nanghihinang balita niya.

“Ganun ba? Si-sige mag-iingat ka diyan palagi.”

“Oo naman.” Tipid ang ngiting sagot niya.

Tumahimik sandali si Elena sa kabilang linya at balak na sana magpaalam ni Lance.

"Namimiss ka na ni Lucas."

Napangiti si Lance ng marinig ang pangalan ng anak. "Namimiss ko rin kayo."

"Mag-iingat ka diyan tawag ka sa amin kapag may free time ka.”

"Oo, huwag mo akong alalahanin kayo mag-ingat diyan.”

Matapos ang tawag, matagal na nakatingin si Lance sa screen ng kanyang cellphone. Naisip niya ang kanilang maliit na bahay. Ang asawa niyang abala sa pag-aalaga sa anak nila. May dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyektong iyon dahil mas malaki ang magiging sahod niya.

Mas malaking overtime at may dagdag na allowance dahil malayo ang lugar. Kung magiging maayos ang lahat, makakapag-ipon siya para sa kanila.

Marahil ay makakapagpagawa sila ng sariling bahay balang araw. Iyon ang iniisip niya kaya todo sipag siya at walang inaayawan na project. 

___

Kinagabihan, habang sinusuri ni Lance ang mga dokumento sa pansamantalang opisina, muling dumating si Sandra.

"Still working?"

Napatingin siya ng biglang pumasok ito. "Yes, ma'am." Sabay tayo niya.

"No. Huwag ka ng tumayo,” natatawang sabi nito.

Umupo si Sandra sa kabilang bahagi ng mesa.

"Do you always work this hard?" Interesadong tanong ni Sandra.

"Kapag kailangan po.” Sagot niya at hindi mapigilan na napatingin kay Sandra dahil sa nakapalda lang ito hindi naman maikli dahil halos umabot yun sa tuhod ngunit kitang-kita ang mapuputing binti at tuhod nito.

"Napakasipag mo namang asawa sana makakita rin ako ng katulad mo.” 

Natigilan si Lance dahil akala niya baka may pamilya na ito.

“Nagulat ka ba single pa ako?” Natatawang sabi nito.

“H-hindi naman po sa ganun.” Napakamot siya sa ulo.

“May mga naging boyfriend ako pero hanggag doon lang date, sex. Walang feelings.”

Bahagya natigilan si Lance dahil hindi niya inaasahan na ganito magsalita ang amo dahil parang mag-tropa lang sila.

“Ganun po talaga siguro kapag hindi seryoso ang relasyon.” Sagot lang niya.

“Yeah, tama ka diyan. Anyway.” Tumayo si Sandra. "Good night, Lance."

"Good night, ma'am." Ngiting sabi rin niya at nang makaalis ito muli niyang binalik ang atensyon sa pinagaaaralan.

Ngunit wala sa binabasa niya ang utak dahil sumisingit sa isip niya ang magandang mukha ni Sandra. Kaya nagdesisyon nalang siya na matulog nalang. Doon rin siya mismo sa opisina matutulog dahil mayroong sofa doon at sanay naman siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 20

    Kinabukasan maagang nagising si Elena. Hindi dahil nakatulog siya nang maayos. Sa katunayan ‘ay halos hindi siya nakatulog.Ilang beses siyang napapikit ngunit mayamaya ay nagigising din. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Lance. Hindi na kita mahal, pirmahan mo na.Pati ang sinabi ng ina nito.nKung ayaw na niyang manatili, pareho lang kayong mahihirapan.Sa bawat pagmulat niya, parang may mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Pero ngayong umaga, wala nang luha. Parang naubos na lahat kagabi dahil iniiyak na niya lahat.Tahimik siyang bumangon at tiningnan si Lucas na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakabuka nang bahagya ang bibig ng anak habang yakap ang maliit na unan.Napangiti si Elena. Marahan niyang inayos ang buhok nito.“Good morning, baby.” mahinang bigkas niya hindi naman nagising si Lucas.Hinalikan niya ito sa noo.“Simula ngayon, tayo na lang muna.”nl Doon bahagyang nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi niyaPero mabilis niya iyong pinun

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 19

    Halos buong araw na hindi ginalaw ni Elena ang divorce papers na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ilang beses niya ‘yon dinaanan. Ilang beses ‘ding napahinto ang mga mata niya sa papel, ngunit hindi niya magawang lapitan iyon at kunin ang ballpen para simulang pirmahan.Hindi pa niya kaya. Marahil dahil may maliit na bahagi pa rin sa puso niyang umaasa. Kahit sinaktan na siya ng labis. Umaasa siyang baka bumalik si Lance at sabihin nitong nagkamali lamang siya.Na baka sabihin nitong gusto pa niyang ayusin ang pamilya nila. Baka kapag nakita nitong masayang lumalapit si Lucas kay Lance, maalala nito kung ano ang mawawala kapag tuluyan silang naghiwalay.Nakakatawa man, umaasa pa rin si Elena at kahit alam niyang napakatanga niya sa parte na ‘yon wala na siyang pakialam.“Mama…”Napalingon siya. Nasa sahig si Lucas habang hawak ang maliit nitong laruang kotse. Paulit-ulit nitong itinutulak iyon sa sahig habang gumagawa ng hindi maintindihang mga tunog.Napangiti nang bahagya si Elena. “An

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 18

    Pagkasara ni Sandra ng pinto ng condominium unit ay agad niyang inihagis ang handbag sa sofa.“Damn it!”Mabilis siyang naglakad patungo sa maliit na bar counter at kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator. Binuksan niya iyon at sunod-sunod na uminom, ngunit hindi pa rin nawala ang inis na kanina pa kumukulo ang dibdib niya sa galit.Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin pumipirma si Elena. Pati kay Lance ay nagagalit na siya dahil hindi nito magawan ng paraan na matapos ng pirmahan ang divorce paper.Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang hinihintay ng babaeng iyon. Malinaw naman ang sinabi ni Lance. Hindi na nito mahal si Elena.Siya ang mahal nito at siya lang mamahalin ni Lance. Pero bakit ayaw pa ring bumitaw? Ganun ba siya katanga?“Ang tibay talaga ng mukha niya.”Mariing inilapag ni Sandra ang bote sa ibabaw ng counter. Naalala niya kung paano lumuhod si Elena sa harap ni Lance noong gabing dinala nila ang divorce papers.Kung siya lamang ang masusunod,

  • Is It Too Late My Love?   Chapter 17

    “Hindi mo kailangang luhuran ang lalaking katulad niya.”Sabay-sabay na napalingon sina Lance at Sandra sa lalaking biglang nagsalita. Walang iba kung hindi si Kael. Samantalang si Elena ay nanatiling nakatayo matapos siyang hilahin ni Kael mula sa pagkakaluhod. Nanlalabo pa ang mga mata niya dahil sa mga luha nang makilala niya kung sino ang lalaking nasa tabi niya.“Kael…”Hindi niya inaasahang makikita niya itong muli at sa ganung sitwasyon pa. Parang muling bumalik sa isip ni Elena ang gabing una silang nagkakilala. Ang gabing nahuli niya si Lance sa site kasama si Sandra.Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya kung paano tila gumuho ang buong mundo niya nang makita mismo ng dalawang mata ang pagtataksil ng asawa. Hindi niya maalala kung paano siya nakalayo nang maayos mula roon. Basta ang alam niya, tumakbo palayo habang umiiyak hanggang sa mapunta siya sa kalsada.Doon niya nakilala si Kael. Ang lalaking bumusina sa kaniya dahil halos hindi na niya namamalayang nasa gi

  • Is It Too Late My Love?   chapter 16

    Alas otso ng gabi nang marinig ni Elena ang tunog ng sasakyang huminto sa labas ng kanilang bahay. Napalingon siya sa bintana. Saglit na tumigil ang kanyang paghinga.Ilang araw niyang hinihintay na umuwi si Lance at nang makita niya ang pamilyar na sasakayan ay ganun nalang ang tuwa niya. Matapos ang pag-uusap nila ni Mila ay nagdesisyon siya na bigyan ng pagkakataon ang asawa at humingi ng tawad dahil para sa anak nila at ayaw niyang hindi buo ang pamilya niya.Maayos siya ngayon hindi tulad noon, hindi man siya naka-make up ay nakabistida siya na bumagay sa kanya. Maganda nga ngunit bakas sa mukha at mata ni Elena ang matinding paghihirap dahil sa panlalalim ng mga mata.Agad niyang ibinaba ang hawak na damit ni Lucas. Excited na binuksan ang pintuan para salubungin ang asawa.Habang nasa sahig ang ilang laruan ng anak niya. Mahimbing na natutulog ang bata sa maliit nilang kwarto matapos niya itong patulugin kanina.Mabilis na inayos ni Elena ang buhok niya gamit ang mga daliri at

  • Is It Too Late My Love?   chapter 15

    Pagkaalis ni Kael sa lugar kung saan nakatira si Elena ay nagtino para makipagkita sa kanyang private investigator. Pagdating sa isang restaurant kung saan ay wala masiyadong customer doon napili ni Kael makipag-usap dahil ayaw niya ng masiyadong maraming tao.Sumandal si Kael sa kaniyang upuan pagdating ni Gigo ang private investigator niya at magalang na yumukod sa kanya.“Yung babaeng nakita ko sa kalsada, may construction site malapit doon. “Alamin mo kung kanino ang property ‘yon.”“Okay po.”“Alamin mo rin kung sino ang contractor, project manager at foreman pati ang buong detalye nila.”“Opo, sir.”“Tinanong mo kung may nakakita sa babaeng iyon kagabi sa lugar na ‘yun.” Seryosong ani niya.“Masusunod po.”“Gusto ko lang malaman kung sino ang mga taong naroon.” Tumahimik si Gigo. “Kung ano ang nangyari sa babae na ‘yon noong gabi.” dagdag ni Kael.“Opo, sir.”“Hindi mo kailangan kausapin ‘yung babae ang tanging gusto ko ang detalye doon sa site na ‘yon.”“Understood, sir.”Mata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status