로그인"Foreman!"
Napalingon si Lance sa tawag ng isa sa mga tauhan. Kasalukuyang pinag-aaralan at pinagmamasda ang sinisimulang gawin ng mga trabahador.
"Boss, may problema sa delivery."
Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kalsada kung saan nakaparada ang isang truck na puno ng mga kahon ng materyales.
"Anong problema?" Tanong niya kay Carlos ito ang isa sa pinagkakatiwalaan niya.
"May kulang sa listahan." Anito sabay abot ng clipboard kung nakaipit ang resibo.
Kinuha ni Lance ang clipboard mula sa kamay nto at isa-isang tiningnan ang mga nakalista.
"Fifty bags dapat 'to."
"Forty five lang po ang nasa invoice."
Napakunot ang noo niya. "Nasaan yung unang resibo?" Tanong niya kay Carlos.
Iniabot iyon sa kanya at matagal niyang tiningnan bago umiling.
"May mali rito. Tawagan mo supplier." Utos niya.
"Opo." Agad na tugon ni Carlo.
Hindi pa man nakakalayo ito nang marinig ni Lance ang isang sasakyan mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang itim na SUV at bumukas ang p***o.
Lumabas si Sandra naka-itim na bistida na hanggang hita, dito una napatingin si Lance dahil sa kitang-kita ang mapuputing hita ni Sandra.
"What's happening?" Tanong ni Sandra a lumapit siya kay Lance na tulala pa rin, lihim na napangisi naman si Sandra.
"A-a… Maliit lang na problema ma’am sa delivery." Natatarantang sagot ni Lance at napamura sa isipan.
“Okay. Wait are you okay Mr. Guevara?” Tanong ni Sandra dahil panay ang lingon ni Lance.
“W-wala naman po,” pilit ang ngiting sagot niya.
Marahan na napatango si Sandra at bahagyang pinagmasdan si Lance, nang magtama ang mata nila ay binigyan ni Sandra ng matamis na ngiti si Lance. Bagay na hindi inaasahan ni Lance.
"How's the progress?" Tanong ni Sandra.
"Okay naman. Natapos na yung foundation sa east side." Sagot niya na hindi man lang magawang tingnan si Sandra.
"Okay, don't worry. Kahit anong buwan niyo na matapos walang problema, kung matatapos agad ‘di mas maganda.” Nakangiting pagkakasabi niya kay Lance.
"Huwag kayong mag-alalaa ma’am ginagawa namin ang lahat, mahirap rin magmadali mas maganda ng maayos ang pagkakagawa.” Totoo sa loob na sabi niya at hindi magawang tingnan ng matagal si Sandra.
Nakangiting tiningnan siya ni Sandra at lumapit ng kaunti. "You always answer like that?"
Natigilan naman si Lance dahil sa sinabi ni Sandra at napangiti. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong niya.
"Like you're not doing anything special." Sagot ni Sandra at may ibig sabihin ang sinabi niya.
Bahagyang natawa si Lance. "Trabaho lang naman po ang ginagawa ko rito." Kaswal na pagkakasagot niya.
Saglit siyang pinagmasdan ni Sandra bago muling tumingin sa construction site.
"I like people who take their work seriously. Nakakahanga ‘yon at syempre dahil ‘yon sa namumuno sa kanila at ikaw ‘yon.”
"Thank you ma’am." Yukong pasasalamat niya. “Maiwan ko po muna kayo may bibisitahin lang ako sa kabila.” Paalam niya at nang tumalikod na si Lance muling nagsalita si Sandram
"Have you eaten?"
Natigilan siya at bahagyang lumingon. "Hindi pa po." Tipid niyang sagot.
"Tanghali na." Mukhang sila naka-break na.”
"May aasikasuhin po ma’am. Madali lang naman po kumain,” ngiti niyang litanya.
"That's not what I asked."
Napatingin siya rito at napakunot ang noo niya.
"You haven't eaten." Naka-cross arm si Sandra.
Hindi alam ni Lance kung bakit parang utos ang tono nito.
"Later na lang po." Pilit ang ngiting sabi niya.
Umiling si Sandra. "Come with me." Aya nito
"Ma'am?" Tanging nasabi ni Lance.
"I brought lunch. Huwag mo akong tatangihan,” natatawang pagkakasabi ni Sandra.
Napatingin siya sa lugar kung saan ang iba ay bumalik na sa kanilang trabaho.
"Ma'am, may trabaho pa po ako." Sabi niya na napapangiti.
"Your workers can continue without you for thirty minutes."
Hindi na nakasagot si Lance at walang nagawa dahil isa pa ay amo niya ito.
___
Sa loob ng maliit na temporary office, may ilang lalagyan ng pagkain na nakalagay sa mesa..Hindi iyon ang karaniwang pagkain na nakikita ni Lance sa construction site na nakasanayan na niya.
May kanin at ulam na mukhang masasarap lahat, prutas at malamig na inumin. Umupo siya sa dulo ng mesa. Si Sandra naman ay nasa kabilang side.
"Eat." Nakangiting aya ni Sandra.
Kumuha siya ng kutsara. "Salamat po,” mahinang sabi niya.
Tahimik sa loob habang may kaniya-kaniya silang mga iniisip. Tanging tunog ng kubyertos ang maririnig mo, hanggang sa si Sandra na ang bumasag sa katahimikan.
"How long have you been a foreman?"
"Two years na ako sa trabaho na ‘to pero bagong promote palang po bilang foreman.” Kuwento niya.
"And you're still working like this?" Muling tanong ni Sandra.
"Like what po?” Kunot noong pagkakaklaro niya.
"Like you're trying to prove something."
Napangiti nang bahagya si Lance. "Wala naman akong pinapatunayan." Simpleng sagot niya lang at pinagpatuloy ang pagkain.
"Your wife?"
Napatingin siya. "Why her?" Taka kong tanong.
"You're always talking about your family." Titig ni Sandra sa mukha ni Lance.
"Yes ma’am kasi ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Sa anak ko at asaw–"
"Boy?” Tanong agad ni Sandra at naputol ang sasabihin ni Lance.
"Yes." Proud niyang sagot.
"What's his name?" Curious na tanong ni Sandra.
"Lucas." Tipid na sagot niya at uminom ng tubig.
"How old?" Muling tanong ni Sandra nag-krus ang binti niya, hindi naman yon nakaligtas sa mata ni Lance.
"O-one year old." Sagot niya na parang kinakapos ng paghinga.
"Siguro ang cute at pogi niya mana sa papa."
Naitigilan si Lance dahil habang sinasabi ‘yon ni Sandra diretso sa mata niya ito nakatingin.
Pero agad rin siyang nakabawi at napangiti si Lance habang inilalabas ang cellphone.
"Tama po kayo,” ngiti niyang sagot at binuksan niya ang gallery at ipinakita ang litrato ng anak.
Lumapit nang kaunti si Sandra upang makita ang screen pero ang atensyon ni Lance sa mabangong amoy ng amo niya. Nanonoot yun sa buong kalamnan niya pati na ang mabangong buhok nito at banda sa may dibdib nito na medyo nakikita ang cleavage.
"He's adorable." Ngiting sabi ni Sandra pero ang mata niya palihim na nakatingin kay Lance.
"Makulit na nakakapunta na kasi kung saan-saan Pero kapag ngumiti ang anak ko nakakalimutan ko pagod ko."
Sandaling hindi nagsalita si Sandra dahil nasa labi ni Lance siya nakatingin sa bawat pagbigkas nito.
"Napaka-lovable mo talaga, ang swerte ng asawa mo.” Sabay layo ni Sandra.
Nagtaka naman si Lance sa inasal ng amo.
“Aalis na ako.”
Paalam nito at hindi na nagawang makapagsalita ni Lance, tahimik na nakatingin lang siya sa p***o kung saan lumabas si Sandra.
____
Pagsapit ng gabi, tinawagan ni Lance si Elena para kamustahin ang asawa at anak niya.
"Hello?" Masigla ang boses ni Elena.
"Hi." Mahina ang boses niyang sagot.
"Nakakain ka na?" Tanong niya.
"Oo. Tapos na Ikaw?" Tanong naman ni Elena.
"Mamaya pa may gagawin pa ako.” Sabi niya at napapapikit dahil medyo kumikirot ang ulo niya.
"Late ka na naman kakain baka magkasakit ka niyan." Nag-aalalang sabi ni Elena.
"Busy lang kakain rin ako kapag natapos na.” Pilit ang ngiting sagot niya.
May narinig siyang mahinang iyak sa kabilang linya. "Si Lucas?"
"Oo. Kanina pa naghahanap sa'yo."
Napangiti si Lance. "Ilapit mo sa kanya ang cellphone,” sabi niya.
"Sige sandali.”
Makalipas ang ilang segundo, narinig niya ang maliliit na tunog ng kanilang anak.
"Hey, buddy."
Hindi malinaw ang sagot ng bata, napatawa siya dahil kahit paano gumaan ang pakiramdam niya.
"Miss Daddy?" Masayang sabi niya at naririnig niya ang boses ng anak na parang may nilalaro.
“Miss na miss ka na ni Lucas at ako rin,”
Natigilan si Lance.”Uuwi ako bukas,” sagot niya.
Tumahimik si Elena sa kabilang linya. "Sigurado?"
"Oo naman.” Sagot niya lang.
"Okay."
Nang matapos ang tawag, inilagay ni Lance ang cellphone sa tabi ng kanyang kama. Hindi niya napansing nakatayo pala si Sandra sa may gilid ng p***o.
"Your wife?"
Napalingon siya. "Yes." Tipid niyang sagot at muling naramdaman ang kirot sa ulo kaya napapikit siya.
“May masakit ba sa’yo?” Biglang lumapit si Sandra dahil nag-aalala siya kay Lance.
“Wala naman konting kirot sa ulo, inuman ko lang ‘to ng isang boteng alak pangpa-relax.” Natatawang sabi niya.
“Okay, labas tayo inom tayo.” Aya ni Sandra.
“Umiinom ka?” Taka niyang tanong.
“Oo naman, tara kahit saglit lang sagot ko na. Isa pa next week birthday ko,” ngiting pagkakasabi ni Sandra.
Napapangiti lang si Lance at nawala isip niya ang lahat sumama siya kay Sandra.
____
Samantala, sa kanilang maliit na bahay, si Elena ay nakaupo sa sahig habang pinapakain si Lucas. Matapos ang pag-uusap nila ng asawa niya.
Nakatali ang buhok na walang suklay, namamawis ang mukha dahil wala pang ligo. Simpleng t-shirt at short na mahaba ang suot niya. Nang matapos ang anak niya, tumingin siya sa cellphone.
Walang bagong mensahe mula kay Lance. Napatingin siya sa oras alas otso na ng gabi at oras na ng pagtulog ng asawa niya at alam niyang magme-message ito sa kanya.
Napangiti siya at siya na ang unang nag-message.
"Matutulog ka na? Ingat ka diyan palagi. Miss ka na namin."
Matagal siyang naghintay para sa reply ng asawa pero lumipas ang ilang minuto at umabot na ng isang oras walang reply. Ilang oras pa ang lumipas at halos antok na antok siya bago tuluyang nag-vibrate ang cellphone niya.
Lance: Nakatulog ako sa pagod goodnight.
Tinitigan iyon ni Elena at nalungkot man siya dahil parang nakulungan siya sa reply ng asawa ay pinilit niyang ngumiti at inintindi na pagod ito.
Ibinalik niya ang cellphone sa mesa.
"Baka pagod lang si Daddy," bulong niya kay Lucas na kasalukuyang dumedede at papatulugin na niya.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang ipaliwanag iyon sa sarili niya.
Maagang-maaga pa nang huminto ang isang itim na sasakyan sa tapat ng maliit na bahay ng pamilya ni Lance.Bumaba si Sandra na bit-bit ang isang magandang supot na may lamang prutas. Maayos ang suot niya, pati ang buhok at make-up. Nakasukbit ang mamahaling bag at kung marunong ka tumingin malalaman mong mamahalin ‘yon.Ilang sandali siyang nakatayo sa harap ng pintuan bago kumatok.“Sandali!” malakas na sabi ng mama ni Lance.Bumukas ang pinto. Lumabas ang ina ni Lance na si Marissa, hawak ang walis tambo. Napatingin ito kay Sandra at nagtataka.“Magandang umaga po,” magalang na bati ni Sandra.“Magandang umaga.” Bahagyang kumunot ang noo ni Marissa. “Sino ka naman?”“Ako po si Sandra. Ako ang amo ni Lance.”Agad nagbago ang ekspresyon ni Marissa. “Amo?” nataranta bigla si Marissa.“Opo.” matamis ang ngiting sagot ni Sandra.“I-ikaw yung kausap ko kanina?” Napangiti si Mariss.Ngumiti at tumango si Sandra at iniabot ang supot kay Marissa.“Nako, salamat nag-abala ka. Halika pasok ka p
Tahimik sa loob ng bahay tanging ang mahinang ugong ng electric fan at ang putol-putol na pag-yak ng isang taong gulng na si Lucas ang maririnig sa loob.Katatapos lang ni Elena linisan ang anak nang marinig niya ang tunog ng isang sasakyang huminto sa labas. Nagtataka naman si Elena dahil wala siyang inaasahan na bisita at lalong walang sasakyan ang bibisita sa kanya.Napatingin siya sa orasan, alas otso ng gabi. Sumilip siya sa bintana at doon mismo sa tapat nila mismo pumarada ang itim na kotse. At ganun nalang ang pagbilis nang tibok ng puso niya ng mapagsino ito si Lance.Hindi niya ito inaasahang uuwi at ngayong gabi pa kaya naman mabilis na lumapit si Elena at inayos ang suot niyang lumang pambahay. Nakatali lang basta-basta ang buhok niya at may mga nakalaylay na ilang hibla. Kinarga si Lucas at excited na sinalubong niya sa pintuan ang asawa.“Lance napauwi ka bigla? Sana sinabi mo at–”Nakasimangot ito, halatang nagmamadali. Naka-uniform pa mula sa trabaho at may maliit na b
Maagang nagising si Elena dahil sa iyak ni Lucas. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na nilapitan.“Shh… nandito si Mommy.” Binuhat niya si Lucas mula sa kama at marahang hinaplos ang likod nito.Dinampot ni Elena ang cellphone para tingnan ang message ng asawa ngunit nagtaka siya dahil wala itong message. Alas siyete na ng umaga na kadalasan ay laging may message ito.Sinubukan kang tawagan ni Elena ang asawa pero panay lang ring walang sumasagot. Baka may ginagawa na at nakalimutang mag-message. Dibale sabado ngayon uuwi siya mamaya.Dahil sa nasa isip ni Elena ay masayang kumilos siya. Pagkatapos pakainin si Lucas, nagsimula na ang karaniwang gawain ni Elena.Maghugas ng mga bote at maglaba pati na ang maglinis dahil para dumating ang asawa makitang malinis ang bahay nila.Habang nagluluto ng pagkain ay hindi maiwasan ni Elena ang paulit-ulit na tingnan ang cellphone. Bandang tanghali, wala pa ring message si Lance sa kanya kaya naman siya na ang nagkusa.Kumain ka na ba?Ilang m
SPG ALERT!Maingay at patay sindi na ilaw, sigawa at tawanan. Mga nagsasayawan at masasayang mga tao sa bawat sulok ng bar kung saan dinala ni Sandra si Lance. Hindi naman makapaniwala si Lance na makakapunta siya sa ganung lugar dahil first time niya makapasok sa bar at dahil ‘yon sa kanyang amo.“Nagustuhan mo ba dito?” Malakas na bulong ni Sandra na halos dumikit na ang labi sa tenga ni Lance.“Yes ma'am! Na-relax ako.” Malakas rin na sagot ni Lance, ilang bote na rin ang naiinom nila.Nagpatuloy sila sa pag-inom at hindi nila namamalayan halos maghalikan na silang dalawa sa tuwing bumubulong si Sandra at lilingon si Lance. Nagdidikit na ang labi nilang dalawa.Hawak ni Sandra sa braso si Lance at hinatak palapit sa kanya.“Sa hotel na lang tayo.” malakas na sabi ni Sandra.Tumingin si Lance sa kanyang amo. Ang mga mata ni Sandra ay mapungay na, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawang na para bang inaanyaya na si Lance. "Sigurado po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Lance, bagaman
"Foreman!"Napalingon si Lance sa tawag ng isa sa mga tauhan. Kasalukuyang pinag-aaralan at pinagmamasda ang sinisimulang gawin ng mga trabahador."Boss, may problema sa delivery."Mabilis siyang lumapit sa gilid ng kalsada kung saan nakaparada ang isang truck na puno ng mga kahon ng materyales."Anong problema?" Tanong niya kay Carlos ito ang isa sa pinagkakatiwalaan niya."May kulang sa listahan." Anito sabay abot ng clipboard kung nakaipit ang resibo.Kinuha ni Lance ang clipboard mula sa kamay nto at isa-isang tiningnan ang mga nakalista."Fifty bags dapat 'to.""Forty five lang po ang nasa invoice."Napakunot ang noo niya. "Nasaan yung unang resibo?" Tanong niya kay Carlos.Iniabot iyon sa kanya at matagal niyang tiningnan bago umiling."May mali rito. Tawagan mo supplier." Utos niya."Opo." Agad na tugon ni Carlo.Hindi pa man nakakalayo ito nang marinig ni Lance ang isang sasakyan mula sa likuran niya. Paglingon niya, nakita niya ang itim na SUV at bumukas ang pinto.Lumabas si
Hindi pa sumisikat ang araw nang bumaba si Lance mula sa jeep. Agad niyang naramdaman ang init dahil sa panahon kahit maaga palang ay mainit na. Nagbabalak na siya mag-loan ng motor dahil para hindi siya mahirapan bumyahe.Pagdating niya sa site kung saan ang bagong proyekto niya. Humugot siya ng malalim na hininga habang inaayos ang suot niyang helmet at tinitingnan ang malaking lupang nasa harapan niya.Dito itatayo ang bagong proyekto, isang rest house at hindi ito basta ordinaryong rest house. Ayon sa kanyang supervisor, isa itong mamahaling property na pagmamay-ari ng isang babaeng negosyante na bihirang lumabas sa kanilang siyudad.Malawak ang lupain at napapalibutan iyon ng mga puno at matatanaw mula sa mataas na bahagi ng property ang malawak na kabundukan. Sa gilid ay may maliit na ilog na dumadaloy papunta sa mababang bahagi ng lupa.Kung hindi lamang siya nagtatrabaho, marahil ay maiisip niyang magandang lugar iyon para sa isang bakasyon. Kasama ang mag-ina niya. Biglaan an







