공유

Chapter 36

작가: Senyorita
last update 게시일: 2026-09-06 18:41:28

MIKAELA

"Push, mommy! Konti na lang, nakikita ko na ang ulo ng baby!"

Pawis na pawis si Dra. Mikaela Santos habang nasa loob ng delivery room. Pasado alas-tres na ng madaling araw, pero kailangan niyang maging alerto. Matapos ang ilang minutong pag-iri ng pasyente, umalingawngaw ang malakas na iyak ng isang malusog na sanggol sa loob ng kwarto.

Napabuntong-hininga si Mika at napangiti. Kahit araw-araw niya itong ginagawa bilang isang OB-GYN, hindi pa rin nawawala ang fulfillment na nararamdaman
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 117

    Bumukas nang marahas ang mabibigat na double doors ng Branch 45 Regional Trial Court. Halos magtago sa gilid ng pasilyo ang mga paralegal at nag-aabang na media reporters nang makita nila ang pamilyar at nagbabagang aura ng isa sa pinakamagaling at pinakakinatatakutang public prosecutor ng bansa.Si Atty. Gabriella Lorenzo.Suot ang kaniyang itim na designer power suit, pilit na pinapakalma ni Gabriella ang kaniyang sarili habang naglalakad palabas ng korte. Ang kaniyang mga kuko ay mahigpit na nakabaon sa handle ng kaniyang leather briefcase, na tila ba iyon na lang ang pumipigil sa kaniya para hindi pumatay ng tao sa loob ng bulwagan ng hustisya.Natalo siya.Hindi, hindi lang siya basta natalo. Pinaglaruan siya, pinahiya, at walang-awang dinurog ang kasong inabot ng anim na buwan para buuin niya at ng kaniyang buong team. Ang pinakamatibay nilang ebidensya, ang mismong bank records na nagpapatunay na ang bilyonaryong si Arturo Velasco ay ang pasimuno ng isang malaking human traffic

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Gabriella

    "I never lose a case, Atty. Lorenzo. But if you want me to throw this one away... you'll have to pay my ultimate professional fee."Kilala si Atty. Gabriella Lorenzo bilang isang palaban at prinsipyadong public prosecutor. Para sa kaniya, itim at puti lang ang batas. Walang gray area, at lalong walang puwang para sa mga tiwaling abogadong ginagamit ang pera para baluktutin ang hustisya. Ang kaniyang pinakamalaking sumpa? Ang kinatatakutan at pinakamagaling na private defense attorney sa bansa, si Atty. Yohann Rosalez.Isang demonyong nakasuot ng mamahaling bespoke suit, kilala si Yohann sa kaniyang maruruming taktika at under-the-table na serbisyo maipanalo lang ang kaniyang mga bilyonaryo at kriminal na kliyente. Galit na galit si Gabriella sa lahat ng kinakatawan nito, ngunit sa kasalukuyang hawak niyang kaso laban sa isang walang-awang kriminal, alam niyang dehado siya. Masyadong magaling si Yohann. Masyadong malinis itong maglaro sa dumi ng batas, at alam ni Gabriella na malapit n

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 116

    Alas-kwatro ng madaling araw.Balot ng katahimikan ang buong Lorenzo Mansion nang biglang maramdaman ni Maya ang isang matinding kirot sa kaniyang puson, kasunod ng isang mainit na likido na bumasa sa kanilang kama. Siyam na buwan na ang kaniyang tiyan, at kahit alam niyang malapit na ang araw, hindi niya inasahan na gigisingin siya nito sa ganitong oras."D-Dominic..." nanginginig na tawag ni Maya, mahigpit na kinukurot ang braso ng asawang mahimbing na natutulog sa tabi niya.Awtomatikong nagmulat ng mata ang Hari ng OR. "Bakit? Anong masakit? Maya?""Pumutok na 'yung panubigan ko. Manganganak na ako," humihikbing anunsyo ni Maya, ang mukha ay lukot na lukot sa tindi ng unang contraction.Sa loob ng isang segundo, ang kinatatakutang surgeon ng Lorenzo Medical Center ay naging isang tarantang asawa. Halos mahulog si Dominic sa kama sa pagmamadaling tumayo. Isinuot niya ang kaniyang sapatos nang baligtad, kinuha ang susi ng kotse, at maingat ngunit mabilis na binuhat si Maya."Hold on

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 115

    Pagkapasok na pagkapasok nila sa pribadong opisina ni Dr. Dominic Lorenzo, isang malakas na click ng seradura ang umalingawngaw sa tahimik na kwarto. Hindi na ibinaba ni Dominic si Maya. Hawak pa rin niya ang asawa sa bridal style, ang mga mata ng Hari ng OR ay nagdidilim sa isang pamilyar na pagnanasa na hinaluan ng matinding desperasyon at kaluwagan."Dominic... ibaba mo na ako," natatawang bulong ni Maya, mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa batok ng asawa. "Ang bigat-bigat ko na, baka mabali 'yang likod mo.""You weigh nothing to me, Maya," paos na sagot ni Dominic. Dire-diretso siyang naglakad, hindi patungo sa kaniyang executive chair, kundi sa malapad at malambot na leather sofa sa gilid ng kwarto.Maingat na maingat siyang lumuhod bago dahan-dahang ibinaba si Maya sa ibabaw ng sofa. Hindi niya inalis ang kaniyang mga braso sa baywang ng dalaga, sa halip ay isiniksik niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng mga hita ng asawa. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng opisina ay

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 114

    Ikapitong buwan ng pagbubuntis.Napakalaki na ng tiyan ni Maya. Kung noong mga nakaraang buwan ay nagagawa pa niyang itago ang kaniyang umbok sa ilalim ng mga maluluwag na damit, ngayon ay imposible na. Ang kaniyang paboritong pencil skirt at puting blouse ay tuluyan nang pinalitan ng mga komportableng maternity dresses na binili lahat ni Dr. Dominic Lorenzo.Kasabay ng paglaki ng tiyan ni Maya ay ang tuluyang pagkawala ng katinuan ng Hari ng OR.Ipinagbawal na ni Dominic ang paglalakad ni Maya nang walang kasama. Kapag kailangan nitong mag-banyo, inuutusan niya si Dr. Santos o ang Head Nurse na bantayan ang pinto. Ipinatanggal niya rin ang lahat ng basurahan na may gulong sa pasilyo dahil baka raw matisod ang asawa niya. Ang buong Lorenzo Medical Center ay nag-adjust hindi para sa mga pasyente, kundi para sa kaligtasan ng nag-iisang reyna ng ospital.Ngunit kahit gaano pa ka-praning ang siruhano, hindi niya kontrolado ang kalikasan.Miyerkules ng hapon. Kasalukuyang nasa loob ng OR s

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 113

    Isang linggo matapos ang ultrasound kung saan nalaman nilang babae ang kanilang anak, tuluyang nagbago ang ecosystem ng Lorenzo Medical Center. Kung dati ay kinatatakutan si Dr. Dominic Lorenzo dahil sa kaniyang yelong tingin, salubong na kilay, at walang-awang pagpuna sa mga residente, ngayon, kinatatakutan siya dahil sa kaniyang bagong persona: Ang pagiging Girl Dad.Alas-tres ng hapon. Nakaupo si Maya sa kaniyang sikat na state-of-the-art ergonomic recliner sa labas ng opisina ni Dominic. Maayos siyang nagta-type sa kaniyang tablet, kumakain ng hiniwang mansanas na eksaktong magkakasing-laki ang hiwa dahil binantaan mismo ni Dominic ang hospital cafeteria staff kung hindi pantay-pantay ang mga ito.Biglang tumunog ang telepono sa kaniyang desk. Si Dr. Mikaela Lorenzo, ang kaniyang biyenan."Tita Mikaela—I mean, Mom. Bakit po?" bati ni Maya."Maya, hija. Kasama mo ba ang asawa mo?" pabulong at tila nag-aalalang tanong ng Chief of Medicine.Kumunot ang noo ni Maya. "Hindi po. Sabi ni

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status