LOGINHindi na halos maalala ni Elena kung paano niya natapos ang PTA meeting. Para kasing hindi na niya maramdaman ang labi niya sa kaba. Para siyang binubuhusan ng malamig na tubig talaga at namanhid na ang kaniyang buong mukha. Pinipilit nga niyang hindi dumapo ang paningin niya sa binata kasi para siyang nakakita ng multo kapag nagtatagpo ang mga paningin nila.
She just kept talking. She discussed the students' grades, upcoming activities, classroom policies, and everything else that was supposed to matter that morning. Pero sa totoo lang, kalahati lang ng utak niya ang naroon. Ang kalahati? Nasa lalaking tahimik na nakaupo sa harapan, kay Jay. At parang gusto niya itong buhusan ng mainit na tubig kasi bakit napili pa talaga nitong sa harapan umupo? Bwisit talaga eh no? Alam na alam nito kung paano sirain ang araw niya. Nakakagigil! Parang gusto niya tuloy itong halikan... Ay mali! Gusto niya itong sipain kamo. Paminsan-minsan ay napapatingin siya rito kahit ayaw niya. At sa tuwing ginagawa niya iyon, nahuhuli niya itong nakatingin din sa kaniya. Ay malamang, alangan namang hindi siya nito tingnan, siya nga itong nagsasalita sa harapan diba? Hindi niya alam kung naiirita ba siya o kinakabahan sa tuwing nagtatagpo ang mga paningin nila. Maybe both. "That would be all for today. Thank you so much for coming." Isa-isang tumayo ang mga magulang. May ilang lumapit sa kaniya para magtanong tungkol sa kanilang mga anak. May mga nagpasalamat at ,ay mga nagpaalam. Normal na routine kapag natapos ang meeting at pilit niyang pinanatiling normal ang lahat. Hanggang sa mapansin niyang hindi pa rin umaalis si Jay. Nasa upuan pa rin ito at relaxed na relaxed tingnan. Na para bang wala itong ginawang malaking gulo sa utak niya ngayong araw. Bakit hindi pa siya umaalis? Tanong niya sa sarili. She looked down at the papers in front of her. Maybe if she ignored him long enough, aalis din ito. "Ma'am Elena." Napatingin siya sa isang parent nang tinawag nito ang pangalan niya. "Yes?" "Thank you po. Ang bait po talaga ni Judy. Lagi niya kayong kinukuwento sa amin." Napangiti siya. "She's a good kid." "Actually, lagi niyang sinasabi na favorite teacher daw po niya kayo." Napatawa siya nang mahina. "Don't tell him I said this, pero favorite student ko rin siya." The parent laughed before leaving. Nang tuluyan nang lumabas ang lahat, saka lang nakahinga nang malalim si Elena. Finally, tahimik na or so she thought. "Favorite student?" Napapikit siya. That voice again. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakatayo si Jay ilang hakbang mula sa kaniya. "Excuse me?" "Julian." Bahagya itong ngumiti. "Your favorite student." "He's one of my favorite students." "Good." Napakunot-noo siya. "Good?" Tumango ito. "At least I know he's in good hands." Hindi niya alam kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang simpleng statement nito. Maybe she was just overthinking. She placed the papers inside her folder. Para kahit papaano ay may ginagawa siya. Ayaw niyang mag-focus lang sa kausap niya kahit pa sabihin nitong maldita siya. Pero kasi, kapag nakikita niya ito ay parang bumabalik ang alaala niya kagabi. Gusto nga niyang makalimot diba? Pero ang galing talaga makipaglaro ng tadhana, grabe! "Thank you for attending the meeting." Aniya pero hindi niya pa rin ito tinitingnan, abala pa rin siya kunwari sa mga ginagawa niya. "You're welcome." Tumango siya. "That's all." Hindi gumalaw si Jay kaya napatingin siya rito. "May kailangan pa po ba kayo?" "Actually, yes." Her stomach tightened. Shocks! Wag lang talaga sanang tungkol sa nangyari kagabi ang gusto nitong pag-usapan! Pero what if yon nga ang itatanong nito? Anong gagawin niya? "What?" Lumapit ito nang kaunti sa kaniya. Pero sapat para maramdaman niyang muli ang parehong kaba na naramdaman niya kagabi. "I wanted to talk to you." "About Julian?" "Not exactly." Napatigil siya. Isang buka lang talaga ng bibig nito, baka maibuhos niya dito ang mineral water na nasa tabi niya. "Then about what?" tanong niya. Jay stared at her for a few seconds. "Last night." Parang biglang nawala ang hangin sa paligid niya. Gusto na niyang kunin ang mineral water pero hindi niya maigalaw ang mga kamay niya. "Don't." "Don't what?" "Don't talk about it here." His expression changed slightly. "Why?" "Because this is my workplace." "I know." "And you're Julian's godfather." "I know that too." "Then you should also know that whatever happened last night stays in the past." Tahimik itong nakatingin sa kaniya anf then he nodded slowly. "Okay." Napabuntong-hininga siya. At least naiintindihan nito pero bago pa siya makalayo, nagsalita ulit si Jay. "Although..." Napahinto siya. "Although what?" A faint smile appeared on his lips. "I don't think it was just a mistake." Napatitig siya rito. "Excuse me?" "You heard me." "Jay..." "I know we agreed it was only one night. But that doesn't mean I forgot it." Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Kasi ang totoo? Hindi rin niya nakalimutan. She remembered everything, all the conversation. The way he looked at her and the way he made her forget about everything else but she couldn't tell him that. Hindi maaari kaya pinili niyang maging cold. "We shouldn't talk about this." "Why?" "Because you're Julian's godfather and I'm his teacher." "I know." "Then this can't happen again." There. Nasabi na niya. At least, iyon ang gusto niyang isipin. Jay took a step closer. "Is that what you want?" Napatingin siya sa mga mata nito. "Yes." A lie and somehow, she had a feeling he knew it. "Okay." Tumango ito. "I'll respect that." Relieved, Elena looked away. "Thank you." Pero bago pa siya makapaglakad palayo, narinig niya ang boses nito. "See you at the next PTA meeting, Miss Navarro." Napalingon siya. Nakasuot pa rin sa mukha nito ang nakakainis na maliit na ngiti. "Unfortunately, I think you will." Tumawa ito nang mahina. "Good." At bago siya tuluyang makaalis, may sinabi itong halos pabulong. "Because I don't plan on disappearing this time." Napatigil ang mga paa ni Elena pero hindi na siya lumingon. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya rin alam kung bakit, sa kabila ng lahat ng sinabi niya, may isang maliit na bahagi sa kaniya na umaasang tama ang narinig niya. I don't plan on disappearing this time. At iyon ang problema dahil hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot. Ang muling makita si Jay o ang possibility na baka gusto niya rin itong makita muli.Alas-diyes ng umaga sa Branch 45 Regional Trial Court.Balot ng tensyon ang buong bulwagan. Nakaupo si Arturo Velasco sa defense table, nakangisi at mukhang walang anumang inaalala. Nakasandal siya sa kaniyang upuan habang kinakausap ang kaniyang junior counsel. Wala si Atty. Yohann Rosalez. Maagang nai-file sa korte ang Motion to Withdraw as Counsel nito, isang hakbang na ikinagulat ng lahat ng media at ng mismong huwes, ngunit hindi sapat upang bawiin ang inaasahang pagbasura sa kaso.Sa kabilang banda, nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa prosecution table. Pilit niyang pinapatatag ang kaniyang mga tuhod. Sa ilalim ng kaniyang pormal na power suit ay ang katawang nakararamdam pa rin ng hapdi at pagod mula sa marahas at nagbabagang gabi sa penthouse ng kalaban. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nag-aapoy sa determinasyon. Nakapatong sa kaniyang mesa ang makapal na brown envelope."Fiscal Lorenzo," panimula ng presiding judge, inaayos ang kaniyang salamin. "Given the invalidation of
Alas-sais ng umaga. Ang unang sinag ng araw ay dahan-dahang tumagos mula sa malalaking floor-to-ceiling glass windows ng penthouse, nagbibigay ng malamlam na liwanag sa magulong master bedroom.Napadilat si Atty. Gabriella Lorenzo. Ang unang sumalubong sa kaniyang kamalayan ay ang matinding kirot sa kaniyang ibabang bahagi at ang bigat ng isang matipunong braso na mahigpit na nakapulupot sa kaniyang hubad na baywang.Bumalik ang lahat ng alaala na parang isang mabilis at malakas na alon. Ang kasunduan. Ang brown envelope. Ang marahas at mapusok na pag-aangkin ng lalaking pinakakinamumuhian niya sa buong mundo.Dahan-dahan, pilit na inalis ni Gabriella ang mabigat na braso ni Atty. Yohann Rosalez. Lumingon siya sa lalaking mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Sa ilalim ng liwanag ng umaga, nawala ang aura nito ng isang kinatatakutang demonyo ng korte. Nakabagsak ang magulo nitong buhok sa kaniyang noo, ang makapal na pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang matigas nitong panga a
Binalot ng nakakabinging katahimikan at kadiliman ang master bedroom ni Atty. Yohann Rosalez. Ang tanging liwanag na nagbibigay-buhay sa malawak na kwarto ay ang repleksyon ng mga ilaw mula sa matataas na gusali ng BGC na tumatagos mula sa malaking bintana.Ngunit para kay Gabriella, ang tanging nakikita at nararamdaman niya ay ang naglalagablab na presensya ng lalaking may hawak sa kaniya.Inihagis siya ni Yohann sa ibabaw ng malawak na kama. Ang malamig at itim na silk bedsheets ay sumalubong sa kaniyang likuran, isang matalim na kaibahan sa nakakapasong init ng katawan ng abugadong nakatayo ngayon sa paanan ng kama, pinagmamasdan siya na parang isang gantimpalang matagal na nitong pinag-ipunan.Nagkakahabol ng hininga si Gabriella. Ang kaniyang manipis na silk slip dress ay bahagyang tumaas, ibinabandera ang kaniyang makikinis na hita. Pilit siyang bumangon gamit ang kaniyang mga siko, tiningnan nang masama ang lalaki."Wag mo akong titigan nang ganyan, Yohann," nanginginig ngunit
Eksaktong alas-siyete y media ng gabi.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng full-length mirror ng kaniyang marangyang condo unit sa BGC. Tinitigan niya ang sariling repleksyon. Imbes na ang pamilyar at matapang na designer power suit na nagsisilbing baluti niya sa loob ng korte, ngayon ay nakabalot siya sa isang itim na silk slip dress. Ang telang iyon ay napakanipis at perpektong nakayakap sa bawat kurba ng kaniyang katawan. Wala siyang suot na anumang alahas. Ang kaniyang buhok ay malayang nakabagsak sa kaniyang mga balikat, at ang kaniyang mga labi ay pinahiran niya ng isang madilim na pulang lipstick.Mukha siyang isang mamahaling sakripisyo na iniaalay sa altar ng diablo.Huminga nang malalim si Gabriella. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha niya ang kaniyang itim na trench coat at ipinatong iyon sa kaniyang mga balikat, pilit na itinatago ang kaniyang sarili.Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Ang imahe ng mga kabataang babae na biktima ni Arturo Velas
Bumukas nang marahas ang mabibigat na double doors ng Branch 45 Regional Trial Court. Halos magtago sa gilid ng pasilyo ang mga paralegal at nag-aabang na media reporters nang makita nila ang pamilyar at nagbabagang aura ng isa sa pinakamagaling at pinakakinatatakutang public prosecutor ng bansa.Si Atty. Gabriella Lorenzo.Suot ang kaniyang itim na designer power suit, pilit na pinapakalma ni Gabriella ang kaniyang sarili habang naglalakad palabas ng korte. Ang kaniyang mga kuko ay mahigpit na nakabaon sa handle ng kaniyang leather briefcase, na tila ba iyon na lang ang pumipigil sa kaniya para hindi pumatay ng tao sa loob ng bulwagan ng hustisya.Natalo siya.Hindi, hindi lang siya basta natalo. Pinaglaruan siya, pinahiya, at walang-awang dinurog ang kasong inabot ng anim na buwan para buuin niya at ng kaniyang buong team. Ang pinakamatibay nilang ebidensya, ang mismong bank records na nagpapatunay na ang bilyonaryong si Arturo Velasco ay ang pasimuno ng isang malaking human traffic
"I never lose a case, Atty. Lorenzo. But if you want me to throw this one away... you'll have to pay my ultimate professional f*e." Kilala si Atty. Gabriella Lorenzo bilang isang palaban at prinsipyadong public prosecutor. Para sa kaniya, itim at puti lang ang batas. Walang gray area, at lalong walang puwang para sa mga tiwaling abogadong ginagamit ang pera para baluktutin ang hustisya. Ang kaniyang pinakamalaking sumpa? Ang kinatatakutan at pinakamagaling na private defense attorney sa bansa, si Atty. Yohann Rosalez. Isang demonyong nakasuot ng mamahaling bespoke suit, kilala si Yohann sa kaniyang maruruming taktika at under-the-table na serbisyo maipanalo lang ang kaniyang mga bilyonaryo at kriminal na kliyente. Galit na galit si Gabriella sa lahat ng kinakatawan nito, ngunit sa kasalukuyang hawak niyang kaso laban sa isang walang-awang kriminal, alam niyang dehado siya. Masyadong magaling si Yohann. Masyadong malinis itong maglaro sa dumi ng batas, at alam ni Gabriella na malapit







