Partager

Chapter 4

Auteur: Senyorita
last update Date de publication: 2026-08-10 02:07:53

Kinabukasan, sinubukan ni Elena na kumbinsihin ang sarili niyang magiging normal na ang lahat. As in normal. Yong balik siya sa normal, yong pagpasok niya sa trabaho, yong pagtuturo niya at higit sa lahat, normal lang na hindi niya makita si Jay.

Dapat lang talaga na hindi niya ito makita. Baka kasi kapag makita niya ito ngayon, ay baka mabaliw na siya kakaiwas dito. Hindi na niya siguro kakayanin na makita pa ito ngayon. Baka mabuhusan na talaga niya ng tubig kapag di siya makapagpigil.

Pero kung hindi niya ito makita, ay walang magiging problema. Pero imposible na rin naman siguro na makita pa niya ito ngayon diba?

"Ma'am Elena!"

Napalingon siya sa isang estudyante na papalapit sa kaniya habang hawak ang ilang notebook.

"Yes?"

"Ma'am, pwede po bang makuha mamaya yung notebook ko? Naiwan ko po kasi sa faculty room kahapon."

"Sure. Just remind me later."

"Okay po, thank you Maam."

Ngumiti siya bago bumalik sa ginagawa niya. See? Kaya naman niyang maging normal diba? Kaya niya syempre basta hindi niya nakikita si Jay. Kayang-kaya magtino. Ang dali-dali lang naman eh.

At kapag hindi niya makita ang mokong na yon, ay wala ring dahilan para isipin niya ang nangyari nong nakaraang gabi. Wala na talagang rason pa para maisip niya yon diba?

"Ma'am!"

Napapikit siya nang may bigla na namang tumawag sa kaniya. Kaloka talaga ang mga batang to. Parang lahat na lang ng dapat gawin ay tatawagin pa siya. Grade 10 naman na sana pero ganito pa ang mga bata. Kaloka!

Focus, Elena. Kaya mo yan! Okay! Kaya mo yan!

Tumunog ang school bell at nagsimula na ang lunch break.

Isa-isa nang lumabas ang mga estudyante sa classroom. May mga nagmamadali papunta sa cafeteria, may mga naghahanap ng friends nila, at may ilan namang nananatili sa loob dahil may tinatapos na assignment.

Si Elena naman ay nanatili sa teacher's desk habang inaayos ang mga papers niya.

"Ma'am, lunch na po."

Napatingin siya kay Julian na nakatayo sa tabi ng desk niya. Ang sweet talaga ng batang to. Sana lang at hindi magmana sa Ninong nito. Pero agad din siyang napailing, sweet din naman kasi ang Ninong nito kung pagbabasehan ito sa kama. Sobrang lambing nga eh. Parang gusto niya tuloy itong...

Oh no, mali! Ano na naman ba tong naiisip niya? Hindi naman siya ganito eh. Nas-stress na lang tuloy siya nang wala sa oras. Siya pa talaga ang nas-stress no? Sobrang lala kasi, sumakit na nga ang alaga niya tapos nas-stress pa siya. Grabe naman tong parusa na to, ibang klase!

"Yes. Go eat."

Hindi gumalaw ang bata at tinitigan lang siya na para bang sinasabi nito na hindi ito kakain kung hindi siya kasama.

"Ma'am?"

"Yes?"

"May naghahatid po sa akin ng lunch today."

"Ah, okay."

Napangiti siya. Ang swerte talaga ng batang to. May taga hatid pa ng lunch? Ah, siguro nakalimutan ng bata na magpadala.

"Then go to the gate. Baka naghihintay na yon sayo."

Tumango si Julian. "Okay po."

Bago ito makalabas, napansin niyang may kakaiba sa expression nito.

"Why?"

"Wala po."

"Julian."

Ngumiti ang bata. "Excited lang po ako."

"Okay. Go."

Natawa siya nang mahina habang pinapanood itong lumabas. At dahil wala naman siyang ibang kailangang gawin, nagpasya siyang samantalahin ang lunch break para pumunta sa faculty room.

Kailangan niya rin ng kape, definitely. Kailangan niya ng maraming kape.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik siya sa hallway para kumuha ng ilang papers sa classroom. Tahimik na ang paligid dahil karamihan sa mga estudyante ay nasa cafeteria na. Nang papalapit na siya sa classroom, may narinig siyang boses mula sa dulo ng hallway.

Pamilyar talaga, masyadong pamilyar.

"Julian, I told you to eat properly."

Huminto ang mga paa niya nang marinig na naman ang boses na yon. Para talaga siyang nananiginip eh. Pero panaginip na hindi lumulutang.

*No. *Hindi maaari. Hindi naman siguro. Mali naman siguro tong naririnig niya diba? Baka naman kasi masyado lang siyang naging OA kaya hanggang ngayon ay naririnig niya pa rin talaga.

Dahan-dahan siyang napalingon at doon niya nakita ang lalaking hawak ang isang paper bag habang nakatayo sa tabi ni Julian.

Tall, broad shoulders, dark shirt, and that face.

Jay.

Napahawak siya sa noo.

Ano na naman ito?

Parang may personal na galit ang universe sa kaniya. Kahapon sa PTA meeting tapos ngayon naman sa lunch? Ang galing naman talaga, oo. Kung hindi siguro nangyari sa kanila ang gabing yon, baka maniniwala na siya sa destiny. Pero Dios ko naman kasi!

Hindi ba puwedeng isang araw lang na hindi niya makita ang lalaking iyon?

"Ma'am Elena!"

Napatingin sa kaniya si Julian at masayang kumaway.

"Ma'am! Look! My godfather brought me lunch!"

Napatingin si Jay sa kaniya at tulad kahapon, hindi na naman nito maitago ang maliit na ngiti sa labi. Ngiti ba talaga yan o gusto lang siya nitong asarin? Pati ngiti ngayon hindi na niya mapansin kung anong ipinagkaiba eh. Kaloka!

"Miss Navarro."

Pinilit niyang ngumiti nang tawagin pa siya ni Jay. Ang lala naman talaga eh. Ang galing naman talaga makipaglaro. Ang saya maging playmate ng lalaking to. Lahat ng araw ginagawang laro eh.

"Mr. Montenegro."

Bahagyang umangat ang isang kilay nito. "Mr. Montenegro?"

"Professional tayo."

"Of course."

"Teacher mo ako."

"Actually, teacher ka ni Julian."

Halos matawa pa siya nang itinama nito ang sinabi niya. Nakakatawa kasi lutang na lutang talaga siya sa araw na to.

"Exactly."

Napatingin sa kanilang dalawa si Julian. "May problema po ba?"

"No," sabay nilang sagot.

Napakunot-noo ang bata. "Okay..."

Napailing si Elena. "Julian, eat your lunch."

"Yes, Ma'am." Binuksan ng bata ang paper bag at agad na ngumiti. "Wow! Favorite ko!"

Napatingin si Elena sa pagkain. "Your godfather knows what you like?"

"Of course," sagot ni Jay. Then he looked at Elena. "I know what people like."

Napakunot-noo siya.

Was that supposed to mean something?

"Good for you."

Napangiti ito. "You seem tense."

"I'm not."

"You are."

"I'm not."

"You're avoiding eye contact."

Napatingin siya rito. "Because you're distracting."

Biglang natahimik si Jay at pati siya ay natahimik.

Shit.

Bakit niya iyon sinabi? Mabilis siyang umayos ng tayo.

"I mean... you're standing in the middle of the hallway."

A faint smile appeared on Jay's lips. "Right."

Hindi siya naniniwala.

Alam niyang hindi ito naniniwala at mas nakakainis dahil mukhang natutuwa pa ito.

"Anyway," mabilis niyang sabi. "Thank you for bringing Julian his lunch."

"You're welcome." Tumango siya. "Then I'll leave you two."

"Wait."

Napahinto siya. "What?"

Jay glanced at Julian before looking back at her. "Actually, I brought something else."

Napatitig siya rito.

"For you."

Nanlaki ang mata niya. "For me?"

Tumango ito. "Yes."

Iniabot nito ang isa pang paper bag pero hindi agad niya kinuha.

"Why?"

"Because you probably haven't eaten."

"How would you know?"

"Yesterday, you looked like someone who forgets to eat when she's stressed."

Napatingin siya rito. "So you observed me?"

"I observe people."

Napaikot ang mata niya pero kinuha pa rin niya ang paper bag. At nang buksan niya iyon, nakita niya ang isang neatly packed lunch at isang bottled iced coffee.

Napatingin siya kay Jay. "I didn't ask for this."

"I know."

"Then why did you bring it?"

Sandaling nagkatitigan sila and then Jay leaned slightly closer.

"Because I wanted to."

Simple lang ang sinabi nito at walang paliwanag at walang dahilan pero somehow, sapat na iyon para guluhin na naman ang isip niya.

"Thank you," mahina niyang sabi.

"You're welcome."

Tahimik silang nagkatitigan. Hanggang sa biglang sumingit si Julian.

"Ninong."

Napalingon silang dalawa.

"Yes?"

"May crush ka po ba kay Ma'am Elena?"

Nabilaukan si Elena. "JULIAN!"

Tumawa ang bata. "What? I'm just asking!"

Namula ang mukha niya. Kaloka namang bata ito. Nagawa pa talagang magtanong eh no? Eh halos hindi na nga siya makahinga nang maayos dito.

"Go eat your lunch!"

"Okay, okay!"

Mabilis na umalis si Julian papunta sa kabilang side ng hallway, bitbit ang lunch niya.

Napahawak si Elena sa noo. "Oh, my God."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Jay.

Hindi niya ito tiningnan.

"Don't."

"I'm not saying anything."

"But you're laughing."

"Because your face is cute when you're embarrassed."

Napatingin siya rito. "Jay. Don't make this complicated."

Nawala nang bahagya ang ngiti nito. "I won't."

"Good."

Tumango ito. "Pero hindi ko rin kayang magpanggap na wala akong nararamdaman."

Nanigas siya. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Anong maramdaman naman ang sinasabi nito aber?

"Jay..."

"I know." Humakbang ito paatras. "I'll see you around, Miss Navarro."

At bago pa niya maisip kung ano ang sasabihin, tumalikod na ito at naglakad palayo. Naiwan siyang nakatayo sa hallway, hawak ang lunch na dinala nito para sa kaniya.

Napatingin siya sa paper bag and then at Jay's retreating figure. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang gusto niyang habuling ito at mag-sorry sa mga nasabi niya. Pero meron pa rin talagang pumipigil sa kaniya na gawin yon.

Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Jay?

At mas nakakainis ang tanong na iyon dahil alam niyang may isa pang tanong na mas mahirap sagutin.

At bakit parang gusto ko ring malaman?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 4

    Kinabukasan, sinubukan ni Elena na kumbinsihin ang sarili niyang magiging normal na ang lahat. As in normal. Yong balik siya sa normal, yong pagpasok niya sa trabaho, yong pagtuturo niya at higit sa lahat, normal lang na hindi niya makita si Jay.Dapat lang talaga na hindi niya ito makita. Baka kasi kapag makita niya ito ngayon, ay baka mabaliw na siya kakaiwas dito. Hindi na niya siguro kakayanin na makita pa ito ngayon. Baka mabuhusan na talaga niya ng tubig kapag di siya makapagpigil.Pero kung hindi niya ito makita, ay walang magiging problema. Pero imposible na rin naman siguro na makita pa niya ito ngayon diba?"Ma'am Elena!"Napalingon siya sa isang estudyante na papalapit sa kaniya habang hawak ang ilang notebook."Yes?""Ma'am, pwede po bang makuha mamaya yung notebook ko? Naiwan ko po kasi sa faculty room kahapon.""Sure. Just remind me later.""Okay po, thank you Maam."Ngumiti siya bago bumalik sa ginagawa niya. See? Kaya naman niyang maging normal diba? Kaya niya syempre

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 3

    Hindi na halos maalala ni Elena kung paano niya natapos ang PTA meeting. Para kasing hindi na niya maramdaman ang labi niya sa kaba. Para siyang binubuhusan ng malamig na tubig talaga at namanhid na ang kaniyang buong mukha. Pinipilit nga niyang hindi dumapo ang paningin niya sa binata kasi para siyang nakakita ng multo kapag nagtatagpo ang mga paningin nila.She just kept talking. She discussed the students' grades, upcoming activities, classroom policies, and everything else that was supposed to matter that morning. Pero sa totoo lang, kalahati lang ng utak niya ang naroon.Ang kalahati? Nasa lalaking tahimik na nakaupo sa harapan, kay Jay. At parang gusto niya itong buhusan ng mainit na tubig kasi bakit napili pa talaga nitong sa harapan umupo? Bwisit talaga eh no? Alam na alam nito kung paano sirain ang araw niya. Nakakagigil! Parang gusto niya tuloy itong halikan...Ay mali! Gusto niya itong sipain kamo.Paminsan-minsan ay napapatingin siya rito kahit ayaw niya. At sa tuwing gin

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 2

    Maaga pa lang ay puno na ng ingay ang hallway ng St. Catherine's Academy.May mga estudyanteng nagmamadali papunta sa kanilang mga classroom, may ilang teachers na abala sa pagdadala ng folders at lesson plans, habang ang ibang parents naman ay isa-isang pumapasok sa school grounds para sa scheduled PTA meeting.Normal na araw lang sana para sa kaniya kaso parang iba ang gusto ng takbo ng mundo para kay Elena. Bitbit niya ang ilang folders sa isang kamay at kape naman sa kabilang kamay, mabilis siyang naglakad patungo sa faculty room."Good morning, Miss Elena!""Good morning.""Ma'am, may meeting po tayo sa Grade 10-B mamaya, right?""Yes. At please remind Julian na huwag niyang kalimutan ang project niya.""Okay po!"Napangiti siya nang bahagya nang maalala si Julian. Isa ang batang yon sa favorite niyang estudyante. Kahit sa dami ng iniisip niya ngayong umaga, hindi niya nakalimutan ang isa sa mga estudyanteng hawak niya.Actually, hindi naman ganoon kalala ang araw niya. Ang probl

  • Isang Mainit na Gabi Kasama si Ninong   Chapter 1

    Hindi maintindihan ni Elena kung anong klaseng init itong nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hawak-hawak ng isang matipunong lalaki ang kaniyang kamay habang papalapit sila sa isang kama. Tila kulang na nga ang buga ng aircon para maramdaman niya ang lamig. Hindi na niya maramdaman, tangin init na lang na nagmumula sa kamay ng binata ang nararamdaman niya. At ang init na yon ay dumaloy pa papunta sa katawan niya.Napalunok pa siya. Hindi niya alam kung alak ba ang dahilan kung bakit tila umiikot ang mundo niya ngayon o dahil mismo sa presenya ng lalaking ilang minuto pa lang niya nakilala. Or maybe, it was both.Muli siyang napalunok. Dios mio! Ni hindi na niya alam kung pang-ilang lunok na niya ito. Para kasing may nakabara sa lalamunan niya.“Are you nervous?” tanong pa ng lalaki sa kaniya. Pati boses nito ay parang nagpapadagdag sa kaba ng dibdib niya at init sa buong kwarto. Gusto na nga niya sana magtanong kung naka-on ba ang aircon kasi parang wala na talagang lamig eh. Or

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status