MasukMaaga pa lang ay puno na ng ingay ang hallway ng St. Catherine's Academy.
May mga estudyanteng nagmamadali papunta sa kanilang mga classroom, may ilang teachers na abala sa pagdadala ng folders at lesson plans, habang ang ibang parents naman ay isa-isang pumapasok sa school grounds para sa scheduled PTA meeting. Normal na araw lang sana para sa kaniya kaso parang iba ang gusto ng takbo ng mundo para kay Elena. Bitbit niya ang ilang folders sa isang kamay at kape naman sa kabilang kamay, mabilis siyang naglakad patungo sa faculty room. "Good morning, Miss Elena!" "Good morning." "Ma'am, may meeting po tayo sa Grade 10-B mamaya, right?" "Yes. At please remind Julian na huwag niyang kalimutan ang project niya." "Okay po!" Napangiti siya nang bahagya nang maalala si Julian. Isa ang batang yon sa favorite niyang estudyante. Kahit sa dami ng iniisip niya ngayong umaga, hindi niya nakalimutan ang isa sa mga estudyanteng hawak niya. Actually, hindi naman ganoon kalala ang araw niya. Ang problema lang talaga ay may isang bagay siyang pilit na ayaw isipin. At iyon ay tungkol sa isang lalaki, sa isang hotel room at isang gabing alam niyang hindi dapat mangyari. Pero kahit pa ilang beses niyang sabihin na hindi dapat mangyari, alam naman niyang wala siyang magagawa. Napahinto siya sandali sa tapat ng faculty room. Kung wala lang talagang hawak ang mga kamay niya ngayon ay nasapo na niya ang sariling noo. Nakakaimbyerna! *Oh, God. *Bakit ba kasi kailangan niyang maalala ang mga yon ngayon? Kailangan niya munang mag-focus at baka mawala pa siya sa sarili niya mamaya. Importante pa naman ang meeting na iyon mamaya kaya hindi siya dapat maging lutang. Napailing siya saka pumasok sa faculty room nila. "Elena!" Napalingon siya kay Maya, ang best friend at fellow teacher niya, na abala sa pag-aayos ng mga papel sa ibabaw ng mesa nito. Minsan talaga, naiinggit siya sa babaeng to, maganda na nga at happy pa ang sex life, ay este ang relasyon nito sa boyfriend nito. Malapit na nga itong ikasal eh, tapos sya? Heto, niloko na naman. Walang katapusang panloloko na lang talaga. Hindi ba pwedeng timeout muna? Hindi na nga siya halos makahinga oh. "You're late." Pabiro nitong sabi sa kaniya. "Five minutes lang naman," angal niya kay Maya. Five minutes na nga lang siyang late eh, dapat pa nga magpasalamat pa ito kasi kinaya niyang pumasok kahit na sobrang sakit na ng kaniyang hita. Hita ba talaga? O ang nasa gitna ng kaniyang hita? Ay hindi, buong katawan na lang niya para hindi na niya kailangan pang pumili. Pero sino ba naman kasing hindi masasaktan kung sobrang laki ba naman ng dinadala nong stranger na nakakuha sa kaniya. Namanhid tuloy ang buo niyang katawan kagabi. "Five minutes is late." "Good morning din sa'yo." Pambabara niya. Natawa na lang si Maya sa sinabi niya at tumigil na sa ginagawa nito at muli siyang hinarap. "Did you sleep well?" Napatigil si Elena. For some reason, biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Hindi pa rin talaga mabura sa alaala niya yon eh. Sobrang gwapo nito. Lalo na ang boses nito at ang mga mata. Pero ang malala lang, hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pero mas okay na rin siguro yon diba? "Yes," aniya kahit halos hindi siya makatulog. "Sure?" "Very sure." Maya narrowed her eyes. "You look suspicious, girl. Anong ginawa mo kagabi at bakit hindi mo ako sinama?" "Nothing happened." Mabilis ang sagot niya. Napatingin sa kaniya si Maya at ngayon pa lang ay alam na niyang nararamdaman na talaga nito na parang may nangyari sa kaniya. At problema na lang nito kakahula kung anong ginawa ko. "Okay..." Kinuha ni Elena ang isang folder at nagkunwaring abala. "May PTA meeting pa tayo." "Exactly. Kaya maghanda ka na. Mukhang maraming parents ang pupunta ngayon." Tumango siya. Iyon talaga ang kailangan niya, kailangan niyang mag-ready kahit ilang beses na niya itong ginagawa. At kailangan niya ang mga iyon, lahat ay gagawin niya. Anything that could keep her mind away from last night. By ten in the morning, nagsimula na ang PTA meeting ng Grade 10-B. Nasa harap si Elena, hawak ang attendance sheet habang isa-isang tinitingnan ang mga magulang at guardians na pumapasok sa room. Binabati niya ang lahat ng pumapasok, mabuti na lang talaga ang mababait din ang mga magulang ng mga under niyang mga bata at halos lahat ng mga magulang ay nandito. "Good morning, everyone." "Good morning, Ma'am." Ngumiti siya. "Thank you for taking the time to attend today's meeting. We'll discuss the students' academic progress, upcoming activities, and some reminders from the school." Professional na professional ang dating niya ngayon at pilit niyang ginagawang kalmado ang lahat. Kailangan niyang ipakita sa mga magulang na tama ang naging desisyon ng mga ito na sa kanilang school pinaaral ang mga anak nito. Isa-isa niyang tiningnan ang mga pangalan sa attendance sheet. May mga magulang na dumalo, may mga lolo at lola at may ilang guardians din naman. At pagkatapos ay napahinto ang daliri niya sa isang pangalan. Julian Reyes. She smiled. Julian was one of her brighter students. Quiet most of the time, respectful, and surprisingly responsible despite occasionally forgetting his assignments. "Julian's guardian?" tanong niya. May ilang magulang na napalingon pero walang sumagot. "His godfather is attending on his behalf," sabi ng isang staff member sa likod. Napatingin si Elena sa p***o. "Ah. Okay." She turned back to her papers and then she heard footsteps. Mabagal ang bawat hakbang at sa hindi niya inaasahan ay parang pamilyar sa kaniya ang bawat hakbang na iyon. For some inexplicable reason, biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita na niya ang likod ng lalaking naglalakad. *No. *Hindi maaari. Hindi naman siguro. Hindi lahat ng lalaking naka-black shirt ay— "Sorry I'm late." Nanigas ang katawan niya. That voice. Napatingin siya sa p***o at doon niya ito nakita. The same man with the same eyes. The same face she had tried not to remember since she woke up that morning. Ang lalaking nakakuha sa kaniya kagabi! Nakatayo ito sa doorway, dressed in a perfectly fitted dark suit, one hand holding his phone while the other rested casually inside his pocket and their eyes met. At sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng ingay sa classroom. Hindi na niya narinig ang mga magulang. Hindi na niya narinig ang mahinang pag-uusap ng mga teachers. Ang tanging naririnig niya ay ang sarili niyang heartbeat. No. No, no, no. Hindi ito maaari. Bakit nandito siya? Paano? At higit sa lahat— Bakit sa school nila? His expression changed the moment he recognized her. Saglit itong natigilan. Then, slowly, the corner of his lips lifted. Parang may lihim silang dalawa. Parang may alam silang bagay na hindi alam ng lahat ng taong nasa loob ng silid. Elena immediately looked away. Act normal. She took a deep breath. "Please, take a seat." Lumapit sa kaniya ang binata. At habang papalapit ito, lalo niyang nararamdaman ang kaba sa dibdib niya. Nang dumaan ito sa tabi niya, bahagyang yumuko ang lalaki. "Good morning, Miss Navarro." Nanlaki ang mata niya. He knows my name. Of course he does, teacher siya at ito ang guardian ng isa niyang estudyante. But still... "Good morning," sagot niya, pilit na kalmado. Umupo si Jay sa isa sa mga upuan sa harapan. Hindi niya ito tiningnan at hindi niya kayang tingnan. Pero bago pa man siya makabalik sa presentation niya, nagsalita ang isang parent. "Ma'am, is he Julian's guardian?" Tumango si Elena. "Yes." Napatingin siya sa binata at doon niya tuluyang narinig ang sagot na nagpahinto sa kaniyang paghinga. "Yes. I'm Julian's godfather." Godfather. Parang umalingawngaw ang salita sa buong silid. Ninong. Siya ang ninong ni Julian. Hindi lang isang random stranger. Hindi lang isang lalaking nakilala niya sa bar. Hindi lang isang gabing dapat niyang kalimutan. He was connected to her school and to her student. And now, whether she liked it or not he was someone she would have to see again. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa mga papel niya. "Let's continue with the meeting." Pero habang nagsasalita siya, ramdam niyang nakatingin sa kaniya si Jay. At kahit ayaw niyang aminin, hindi niya rin kayang pigilan ang sarili niyang lingunin ito. Nagtagpo muli ang kanilang mga mata and this time, Jay smiled. A small, knowing smile. At sa sandaling iyon, isang bagay ang malinaw para sa kaniya. Hindi pa pala tapos ang gabing iyon.Tahimik na ang buong isla ng Palawan. Matapos ang isang engrande at masayang reception na dinaluhan ng mga pinakamalalaking pangalan sa bansa, ang presidential villa ay tuluyan nang binalot ng kapayapaan. Ang tanging maririnig ay ang banayad na paghampas ng mga alon sa dalampasigan at ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo-Rosalez isang pangalang kailanman ay hindi niya inakalang dadalhin niya sa malawak na balkonahe ng kanilang kwarto. Suot niya ang isang manipis at puting silk nightgown na humuhulma sa kaniyang katawan, ang kaniyang mahabang buhok ay malayang nililipad ng hangin.Tinitigan niya ang kumikinang na emerald-cut diamond ring at ang bago nitong katabi, ang isang simpleng platinum wedding band, sa kaniyang kaliwang kamay.Isang matamis at punong-puno ng kagalakan na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Tapos na ang giyera. Wala nang Don Armando Imperial na nagbabanta sa pamilya niya. Wala nang mga sikretong sumisira sa tiwala nil
Ang banayad na hampas ng mga alon at ang maalat na simoy ng hangin ang tanging maririnig sa loob ng malawak na presidential villa sa isang eksklusibong isla sa Palawan.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng isang malaking salamin. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi isang power suit o pormal na uniporme ng piskal ang suot niya. Nakabalot siya sa isang napakagandang custom-made bridal gown, isang obra maestra na gawa sa mamahaling French lace at silk. Mayroon itong sweetheart neckline na perpektong nakayakap sa kaniyang katawan, habang ang ibabang bahagi ay umaagos na tila talon ng mga diyamante at puting tela pabagsak sa sahig.Tinitigan ni Gabriella ang kaniyang repleksyon. Ang kaniyang mahabang buhok ay naka-ayos sa isang eleganteng chignon, may nakasabit na manipis at mahabang belo na umaabot hanggang sa kaniyang likuran. Ang kaniyang makeup ay malambot ngunit nagpapatingkad sa kaniyang matatalim na mata at namumulang labi.Hindi na siya ang malamig at walang-awang piskal n
Isang buwan na ang nakalipas mula nang tuluyang magbago ang ihip ng hangin sa buong bansa. Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng malawak na floor-to-ceiling glass window ng kaniyang bagong opisina sa ika-apatnapu't limang palapag ng gusali ng GL Holdings. Sa labas, ang buong siyudad ng Makati ay nagliliwanag sa ilalim ng sikat ng hapon, ngunit ang atensyon niya ay wala sa tanawin kundi sa malamig na baso ng kape na hawak niya at sa kumikinang na emerald-cut diamond ring na suot niya sa kaniyang kaliwang kamay.Isang matamis at payapang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.Maraming nangyari sa loob ng apat na linggo. Ang pagbagsak ni Don Armando Imperial ay naging pinakamalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas. Nang ma-freeze ng AMLC ang lahat ng pera nito, nagkanya-kanya ang mga galamay ng sindikato. Ang mismong mga pulitikong pinrotektahan nito ay nag-unahang tumestigo laban sa matanda upang iligtas ang kani-kanilang mga sarili. Ngayon, ang dating makapangyarihang bily
Ang sikat ng umagang araw na tumatagos sa naglalakihang glass windows ng Lorenzo Mansion ay nagdala ng kakaibang kagaanang matagal nang hindi nararamdaman ni Atty. Gabriella Lorenzo.Nakaupo siya sa mahabang hapag-kainan na gawa sa mahogany. Sa kaniyang harapan ay ang marangyang almusal na inihanda ng mga kasambahay, mga sariwang prutas, bagong lutong pastries, at ang paborito niyang kape na umuusok pa sa loob ng porselanang tasa. Ngunit hindi ang pagkain ang nagbibigay ng matinding saya sa kaniyang dibdib, kundi ang mga taong nakapaligid sa kaniya.Sa kabilang dulo ng mesa, kalmadong nagbabasa ng dyaryo ang kaniyang ama na si Gabriel Lorenzo. Ang mukha nito ay presko, nawala na ang matinding kunot sa noo na dala ng pangamba kay Don Armando Imperial. Sa tabi nito ay si Mikaela, ang kaniyang ina, na nakangiting nakikipag-usap kay Maya at Dominic habang nagkwekwento ang mga ito tungkol sa ospital.At sa kaniyang kanan, mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay sa ilalim ng mesa, ay ang ki
Tahimik.Iyan ang unang napansin ni Atty. Gabriella Lorenzo nang dahan-dahan niyang imulat ang kaniyang mga mata. Wala na ang nakakabinging putok ng baril. Wala na ang ugong ng mga sirena at ang mabilis na tibok ng kaniyang puso dahil sa takot. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahina at ritmikong paghinga ng lalaking nakayakap sa kaniya.Mula sa malaking bintana ng kaniyang kwarto sa Lorenzo Mansion, sumisilip ang ginintuang sinag ng araw, pilit na hinahawi ang makakapal na kurtina.Bumaba ang paningin ni Gabriella sa matipunong braso na mahigpit na nakapulupot sa kaniyang baywang. Sa tabi niya, nakasubsob ang mukha ni Atty. Yohann Rosalez sa kaniyang leeg. Ang buhok ng abugado ay magulo, ang kaniyang dibdib ay mabagal na umaangat at bumababa. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang magulong relasyon nila, nakita ni Gabriella na totoong payapa ang lalaki. Wala ang nakakunot nitong noo. Wala ang mapanganib na aura ng isang demonyo. Isa lamang itong lalaking nakayakap sa ka
Umalingawngaw ang sunod-sunod at nakakabinging putok ng malalakas na kalibre ng baril.Sa loob ng armored SUV, ang mundo ni Atty. Gabriella Lorenzo ay biglang lumiit at nagdilim. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa magaspang na carpet ng sasakyan, habang ang buong bigat ng matipuno at malapad na katawan ni Atty. Yohann Rosalez ay nakadagan sa kaniya. Mahigpit siyang nakakulong sa ilalim ng mga bisig ng demonyo, tinatakpan ang bawat pulgada ng kaniyang balat upang walang kahit isang ligaw na bala o bubog ang tumama sa kaniya.Rinig na rinig ni Gabriella ang pagtama ng mga bala sa makapal at bulletproof na salamin ng SUV. Ang bawat impact ay tila malalakas na paghampas ng martilyo na nagpapayanig sa buong sasakyan."Wag kang gagalaw, Gabriella. Wag kang aangat," mala-kulog at nagbabantang utos ni Yohann sa mismong tainga niya. Ang boses ng abugado ay kalmado ngunit nag-aapoy sa matinding poot.Hindi sumigaw si Gabriella. Ang kaniyang utak bilang isang piskal ay mabilis na nag-analisa sa si







