LOGINBuong hapon, parang may kung anong kumikiliti sa utak ni Elena. Hindi siya mapakali.
Hindi dahil marami siyang ginagawa. Actually, kabaligtaran pa nga eh. Naging maayos naman ang daloy ng mga klase niya. Nakapag-discuss siya nang maayos, nakapag-check ng sandamakmak na quizzes, at nakapagbigay pa ng assignment. Normal na araw lang dapat. Pero sa bawat sandaling tumatahimik ang paligid, may isang bagay na pilit sumisingit sa isip niya. Iyong paper bag na nasa gilid ng desk niya. Iyong lunch na hindi naman niya hiningi, pero dinala pa rin nito. At higit sa lahat, ang dahilan kung bakit pilit iyong ibinigay ni Jay. "Because I wanted to." Napailing siya nang mariin habang nagsusulat sa whiteboard. Pilit niyang binubura ang mukha ng lalaki sa isip niya. "Ma'am?" Napatigil siya sa pagsusulat at napalingon. "Yes?" "Number five po." Napakunot ang noo niya at tiningnan ang estudyante. "What's your question?" "Yung sagot po sa number five." Ngumuso ang estudyante at itinuro ang worksheet na hawak nito. Napatingin si Elena sa sarili niyang kopya. Nakalimutan pala niyang isulat ang formula sa board. "Oh." Napangiti siya nang pilit, ramdam ang pamumula ng pisngi niya dahil sa hiya. "Sorry. I wasn't paying attention. Lutang si Ma'am ngayon." Nagkatinginan ang ilang estudyante. May isang sadyang tumikhim at biglang tumawa nang mahina mula sa likuran. "Ma'am, iniisip n'yo po ba si Ninong?" Biglang nag-freeze si Elena. Tumahimik ang buong classroom, bago unti-unting napuno ng palihim na hagikhikan. Napakurap-kurap siya. "Excuse me?" Ang estudyanteng nagsalita kanina ay mabilis na nagtago sa likod ng libro nito, nagpipigil ng tawa. "Wala po, Ma'am." "Who said that?" seryosong tanong niya, pero namumula na ang buong mukha niya. Walang sumagot. Napailing na lang siya at huminga nang malalim. "Okay. Everyone, focus. Mamaya na ang chismis." Pero kahit nakatalikod na siya, naririnig pa rin niya ang mahinang tawanan at bulungan ng mga estudyante. Grabe naman. Pati ba naman dito sa loob ng classroom? Hindi niya alam kung paano kumalat ang balita na may 'Ninong' na naghatid ng lunch kay Julian. At lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang pilit silang inili-link lahat kay Jay. She took a deep breath. "Let's continue." Tumunog ang bell nang bandang alas-tres. Isa-isang naglabasan ang mga maingay na estudyante, hanggang sa unti-unting naging tahimik ang classroom. Naiwan si Elena na nag-aayos ng mga nakakalat na papel sa desk niya nang may mapansin siyang nakatayo sa harap niya. "Ma'am." Napatingin siya. Si Julian. Nakasabit na ang backpack nito sa isang balikat. "Yes, Julian? Hindi ka pa uuwi?" Lumapit ang bata at ngumiti nang pagkalaki-laki. "Thank you po sa sinabi n'yo kanina." Napakunot ang noo niya. "About what?" "Na favorite student n'yo po ako." Natawa siya nang mahina at umiling. "Don't let it get to your head, kid. Baka bawiin ko." Tumawa rin ang bata. "Ma'am, may question po ako." "Again?" "Yes." "Ano na naman 'yon?" Inayos niya ang huling salansan ng mga test papers. "Galit po ba kayo kay Ninong?" Nawala ang ngiti ni Elena. Natigilan ang mga kamay niya sa pag-aayos. "Why would you ask that?" "Kasi po, parang nag-aaway kayo kapag nag-uusap kayo. Ang sungit niyo po sa kaniya kanina." "We're not fighting, Julian." "Sure po?" "Yes." "Then bakit po parang naiilang kayo sa isa't isa? Tsaka parang namumula kayo kapag nandiyan siya." Napabuntong-hininga nang malalim si Elena. Napakahirap talagang magtago sa mga bata; masyado silang observant. "Julian, listen. He's your godfather. I'm your teacher. That's all. Wala kaming pinag-aawayan, okay?" Tumango-tango ang bata, mukhang hindi pa rin 100% kumbinsido. "Okay po." Pero hindi pa rin ito umaalis sa harap ng desk niya. "May problema pa ba?" taas-kilay na tanong niya. "Last question na po talaga." "Go." "Nagkakilala na po ba kayo before?" Nanigas ang buong sistema ni Elena. Parang biglang nawalan ng hangin sa paligid. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa inosenteng mukha ng bata, hindi makapagsalita. "Why?" mahinang tanong niya, pilit kinokontrol ang kaba sa boses niya. "Because Ninong said something." Mabilis siyang napaayos ng upo. Lumakas ang tibok ng puso niya. "What? What did he say?" Ngumiti si Julian. Isang pilyong ngiti na parang manang-mana sa Ninong nito. "Wala po." "Julian!" Tumawa nang malakas ang bata. "Joke lang po, Ma'am!" Napasapo si Elena sa noo niya. "You're giving me a headache. Umuwi ka na nga." "Sorry po, Ma'am!" Kinuha na nito nang maayos ang bag. "See you tomorrow, Ma'am!" "See you. Ingat sa pag-uwi." Nang tuluyan nang makalabas si Julian at naiwan siyang mag-isa, bagsak-balikat na napasandal si Elena sa kaniyang upuan. Ano ba talaga ang sinabi ni Jay sa bata? At bakit pakiramdam niya ay palagi siyang pinaglalaruan ng lalaking iyon? She sighed. Maybe she was simply overthinking everything. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag para i-check kung may text ang co-teachers niya. Pag-bukas ng screen, may isang bagong notification. Unknown number. Napatitig siya rito. Binuksan niya ang message. “Thank you for the lunch.” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya ang nagpadala nito. Bago pa siya makapag-reply, nag-pop up ang sunod na text. “You're welcome.” Napakunot ang noo niya. Sino 'to? Tapos biglang may sumunod na message. “You didn't finish it.” Mabilis na napatingin si Elena sa paper bag na nakapatong pa rin sa kabilang dulo ng desk niya. Totoo. Hindi niya nakalahati yung pagkain kanina dahil masyado siyang distracted. Teka, paano niya nalaman? Agad siyang nag-type, mabigat ang pagpindot sa screen. “How do you know? And who is this?” Hindi na niya kailangang hintayin nang matagal ang sagot. “Because I was watching you from the hallway.” Napahawak siya sa dibdib niya. Kumabog nang malakas ang puso niya. What?! Luminga-linga siya sa labas ng bintana ng classroom pero wala namang tao. Bago pa siya makapag-isip kung tatawag siya ng guard, nag-vibrate ulit ang phone. “Relax. I was waiting for Julian earlier. Napansin ko lang.” Napairap siya nang wagas sa kawalan. Jay. Syempre, sino pa ba? “You scared me. Stalker ka ba?” Tatlong segundo lang, nag-reply agad ito. “Good. At least I know I can make your heart race.” Napabuka ang bibig ni Elena. "Ang kapal ng mukha," pabulong na asik niya sa hangin. Mabilis niyang pinatay ang screen ng cellphone at ibinagsak iyon sa ibabaw ng desk. Hindi niya alam kung maiinis ba siya sa kahanginan nito o matatawa sa banat nito. Probably both. Ilang segundo pa lang ang lumilipas nang muling umilaw at mag-vibrate ang phone niya. Hindi niya sana bubuksan. Gusto niyang ipamukha rito na hindi siya apektado. Pero bago niya namalayan, hawak na naman niya ang phone at binabasa ang text. “Don't worry, Elena. I won't bother you at school.” Napakunot ang noo niya. Mabuti naman kung ganoon. Then another message appeared. “Unless you want me to.” Napapikit nang mariin si Elena at napahilot sa sentido niya. "Jusko naman." Pinatay niya ulit ang cellphone at mabilis na isinilid sa loob ng bag para hindi na niya matingnan. This man is impossible. At iyon ang pinakaayaw niyang aminin sa sarili niya. Hindi niya talaga gusto ang preskong paraan ng pakikipag-usap nito. Hindi niya gusto ang nakakapanuksong mga ngiti nito. Hindi niya gusto ang confidence nito na parang laging sigurado na makukuha siya. Hindi niya gusto na parang alam nito kung eksakto kung paano siya pakikiligin. At lalong hindi niya gusto na sa bawat pagkakataong sinusubukan niyang umiwas, magtago, at magbingi-bingihan... mas lalo lang niya itong naiisip. ~ Kinagabihan, nasa loob na ng tahimik na apartment si Elena. Nakatambay siya sa sofa, nakataas ang mga paa sa maliit na center table habang may hawak na red pen at nagche-check ng essays ng mga estudyante niya. Nakabukas ang TV pero naka-mute lang para may gumagalaw sa background. Biglang nag-vibrate at umilaw ang phone niya sa tabi ng kape niya. Nang sulyapan niya ang screen, nabasa niya ang pangalan na kanina pa niya in-save. Jay. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang biglang nag-skip ng beat. Tumatawag ito. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa umiilaw na screen, pinapanood ang pangalan nitong mag-flash. Hinayaan niya munang tumunog. Nakailang ring pa nga iyon pero hindi niya talaga ginalaw. Then the call stopped. Bumalik sa itim ang screen. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Good. Mabuti na yung hindi niya sinagot. Baka kung ano na namang asar ang sabihin nito. Tahimik na ulit. Pero ilang segundo lamang ang lumipas, tumunog ang notification tone ng text message. “Good night, Miss Navarro.” Hindi niya sinasadyang mapangiti. Isang maliit, pero totoong ngiti. Mabilis niyang pinigilan ang sarili at kinagat ang ibabang labi. No. Hindi siya dapat ngumiti. Hindi siya dapat ma-excite tuwing nakikita ang pangalan nito. At mas lalong hindi siya dapat masanay sa presensya nito sa buhay niya. Kaya para lang matapos na, nag-type siya ng maikli at walang emosyong reply. “Good night.” Send. “That's it?” Napakunot-noo siya habang nagta-type. “What do you want me to say?” The reply came almost immediately, parang hawak lang din nito ang phone at hinihintay siya. “I don't know. Maybe something that tells me you don't regret meeting me.” Natahimik si Elena. Napatigil sa ere ang mga daliri niya. Matagal niyang tinitigan ang glowing screen sa gitna ng madilim niyang living room. Dahil sa totoo lang... iyon mismo ang tanong na pilit niyang tinatakbuhan at iniiwasan mula pa nang una silang magkita. Regret ba niya? Regret ba niyang nakilala niya ang lalaking unti-unting nanggugulo sa tahimik niyang buhay? She slowly typed, bawat letra ay parang may bigat. “I don't regret it.” She stared at the message. Pinag-isipan kung buburahin ba niya. Pero bago pa magbago ang isip niya, she pressed send. Halos agad-agad ang naging sagot ni Jay. “Good.” Bumilis ang tibok ng puso niya. Another message followed. “Because I don't regret it either.” Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Ramdam niya ang init na gumagapang sa mga pisngi niya. At sa tahimik na gabing iyon, habang nakatitig sa text nito, unang beses niyang napagtanto ang isang nakakatakot na katotohanan. Baka mas mahirap kalimutan si Jay kaysa sa inaakala niya. Dahil ang problema ngayon ay hindi na lamang ito tungkol sa isang gabing pareho nilang piniling ibaon sa limot. Unti-unti na itong nagiging tungkol sa isang lalaking, kahit anong iwas niya ay ayaw na niyang mawala sa buhay niya. At iyon ang bagay na pinakanakakatakot para kay Elena. Dahil hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang labanan ang sarili niyang damdamin.Tahimik na ang buong isla ng Palawan. Matapos ang isang engrande at masayang reception na dinaluhan ng mga pinakamalalaking pangalan sa bansa, ang presidential villa ay tuluyan nang binalot ng kapayapaan. Ang tanging maririnig ay ang banayad na paghampas ng mga alon sa dalampasigan at ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo-Rosalez isang pangalang kailanman ay hindi niya inakalang dadalhin niya sa malawak na balkonahe ng kanilang kwarto. Suot niya ang isang manipis at puting silk nightgown na humuhulma sa kaniyang katawan, ang kaniyang mahabang buhok ay malayang nililipad ng hangin.Tinitigan niya ang kumikinang na emerald-cut diamond ring at ang bago nitong katabi, ang isang simpleng platinum wedding band, sa kaniyang kaliwang kamay.Isang matamis at punong-puno ng kagalakan na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Tapos na ang giyera. Wala nang Don Armando Imperial na nagbabanta sa pamilya niya. Wala nang mga sikretong sumisira sa tiwala nil
Ang banayad na hampas ng mga alon at ang maalat na simoy ng hangin ang tanging maririnig sa loob ng malawak na presidential villa sa isang eksklusibong isla sa Palawan.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng isang malaking salamin. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi isang power suit o pormal na uniporme ng piskal ang suot niya. Nakabalot siya sa isang napakagandang custom-made bridal gown, isang obra maestra na gawa sa mamahaling French lace at silk. Mayroon itong sweetheart neckline na perpektong nakayakap sa kaniyang katawan, habang ang ibabang bahagi ay umaagos na tila talon ng mga diyamante at puting tela pabagsak sa sahig.Tinitigan ni Gabriella ang kaniyang repleksyon. Ang kaniyang mahabang buhok ay naka-ayos sa isang eleganteng chignon, may nakasabit na manipis at mahabang belo na umaabot hanggang sa kaniyang likuran. Ang kaniyang makeup ay malambot ngunit nagpapatingkad sa kaniyang matatalim na mata at namumulang labi.Hindi na siya ang malamig at walang-awang piskal n
Isang buwan na ang nakalipas mula nang tuluyang magbago ang ihip ng hangin sa buong bansa. Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng malawak na floor-to-ceiling glass window ng kaniyang bagong opisina sa ika-apatnapu't limang palapag ng gusali ng GL Holdings. Sa labas, ang buong siyudad ng Makati ay nagliliwanag sa ilalim ng sikat ng hapon, ngunit ang atensyon niya ay wala sa tanawin kundi sa malamig na baso ng kape na hawak niya at sa kumikinang na emerald-cut diamond ring na suot niya sa kaniyang kaliwang kamay.Isang matamis at payapang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.Maraming nangyari sa loob ng apat na linggo. Ang pagbagsak ni Don Armando Imperial ay naging pinakamalaking balita sa kasaysayan ng Pilipinas. Nang ma-freeze ng AMLC ang lahat ng pera nito, nagkanya-kanya ang mga galamay ng sindikato. Ang mismong mga pulitikong pinrotektahan nito ay nag-unahang tumestigo laban sa matanda upang iligtas ang kani-kanilang mga sarili. Ngayon, ang dating makapangyarihang bily
Ang sikat ng umagang araw na tumatagos sa naglalakihang glass windows ng Lorenzo Mansion ay nagdala ng kakaibang kagaanang matagal nang hindi nararamdaman ni Atty. Gabriella Lorenzo.Nakaupo siya sa mahabang hapag-kainan na gawa sa mahogany. Sa kaniyang harapan ay ang marangyang almusal na inihanda ng mga kasambahay, mga sariwang prutas, bagong lutong pastries, at ang paborito niyang kape na umuusok pa sa loob ng porselanang tasa. Ngunit hindi ang pagkain ang nagbibigay ng matinding saya sa kaniyang dibdib, kundi ang mga taong nakapaligid sa kaniya.Sa kabilang dulo ng mesa, kalmadong nagbabasa ng dyaryo ang kaniyang ama na si Gabriel Lorenzo. Ang mukha nito ay presko, nawala na ang matinding kunot sa noo na dala ng pangamba kay Don Armando Imperial. Sa tabi nito ay si Mikaela, ang kaniyang ina, na nakangiting nakikipag-usap kay Maya at Dominic habang nagkwekwento ang mga ito tungkol sa ospital.At sa kaniyang kanan, mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay sa ilalim ng mesa, ay ang ki
Tahimik.Iyan ang unang napansin ni Atty. Gabriella Lorenzo nang dahan-dahan niyang imulat ang kaniyang mga mata. Wala na ang nakakabinging putok ng baril. Wala na ang ugong ng mga sirena at ang mabilis na tibok ng kaniyang puso dahil sa takot. Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang mahina at ritmikong paghinga ng lalaking nakayakap sa kaniya.Mula sa malaking bintana ng kaniyang kwarto sa Lorenzo Mansion, sumisilip ang ginintuang sinag ng araw, pilit na hinahawi ang makakapal na kurtina.Bumaba ang paningin ni Gabriella sa matipunong braso na mahigpit na nakapulupot sa kaniyang baywang. Sa tabi niya, nakasubsob ang mukha ni Atty. Yohann Rosalez sa kaniyang leeg. Ang buhok ng abugado ay magulo, ang kaniyang dibdib ay mabagal na umaangat at bumababa. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang magulong relasyon nila, nakita ni Gabriella na totoong payapa ang lalaki. Wala ang nakakunot nitong noo. Wala ang mapanganib na aura ng isang demonyo. Isa lamang itong lalaking nakayakap sa ka
Umalingawngaw ang sunod-sunod at nakakabinging putok ng malalakas na kalibre ng baril.Sa loob ng armored SUV, ang mundo ni Atty. Gabriella Lorenzo ay biglang lumiit at nagdilim. Nakasubsob ang kaniyang mukha sa magaspang na carpet ng sasakyan, habang ang buong bigat ng matipuno at malapad na katawan ni Atty. Yohann Rosalez ay nakadagan sa kaniya. Mahigpit siyang nakakulong sa ilalim ng mga bisig ng demonyo, tinatakpan ang bawat pulgada ng kaniyang balat upang walang kahit isang ligaw na bala o bubog ang tumama sa kaniya.Rinig na rinig ni Gabriella ang pagtama ng mga bala sa makapal at bulletproof na salamin ng SUV. Ang bawat impact ay tila malalakas na paghampas ng martilyo na nagpapayanig sa buong sasakyan."Wag kang gagalaw, Gabriella. Wag kang aangat," mala-kulog at nagbabantang utos ni Yohann sa mismong tainga niya. Ang boses ng abugado ay kalmado ngunit nag-aapoy sa matinding poot.Hindi sumigaw si Gabriella. Ang kaniyang utak bilang isang piskal ay mabilis na nag-analisa sa si







