LOGIN"Hi!"
Mula sa pagkakayuko ng ulo ni Bren sa mga pinipirmahang papeles ay nag angat siya ng mukha't agad niyang nakita sa may likod ng pintong bagong sara si Geneva. "Anong ginagawa mo rito?" kunot ang noong tanong niya sa nobya. "Msama bang dalawin ko ang aking boyfriend? Aren't you glad I'm here?" malambing na tanong ni Geneva sa kanya saka ito lumapit kay Bren. Umupo sa kandungan niya ang babae. "Look, Geneva dala dalawa ang upuan sa may harapan ng table na nakalaan sa mga bisita. Why don't you sit down there?" naiiritang turan ni Bren matapos paalisin sa kanyang kandungan si Geneva. Lumabi si Geneva. Umupo ito sa isa sa mga silyang itinuro ni Bren pero nakasimangot. "Ang sungit sungit mo naman! it's not the way how to treat your girlfriend, Bren. Ikaw na nga itong dinadalaw," pagmamaktol ng babae. "Can't you see I'm busy working? Marami akong trabahong nakatambak ngayon," Ani Bren sa nagtatampong nobya. "Okay, I understand now. Pero kailangang lumabas tayo para hindi na ako nagtatampo sa iyo," anito. Napatingin si Bren sa nobya. "Mamayang gabi, okay?" "I'm afraid I can't. Sa dami ng papeles na kailangan kong asikasuhin ay malamang na iuwi ko pa ito mamaya sa bahay," tugon ni Bren dito. "Hhmm...how about tomorrow morning? Mag out of town tayo," mungkahi sa kanya ni Geneva. "Sasamahan kong magpa enrol bukas si Samantha." Umarko ang kilay ni Geneva sa narinig. "Hindi tayo pwedeng lumabas bukas nang dahil lang sa kaibigan mong iyon?!" inis na piksi nito. "Geneva" "Ako ang girlfriend mo, Bren! At kaibigan mo lang ang babaing iyon!" galit na putol nito sa sasabihin ni Bren. "Yes, she's a friend. Pero mas madaling kalimutan at palitan ang girlfriend na makulit kaysa sa isang tunay na kaibigan," pang gagatong pa ni Bren sa galit ng nobya. "That's bullshit! Bakit hindi mo pa ako diretsahin na nagsawa ka na sa relasyon natin?!" paasik na sabi sa kanya ng nobya. "Hindi ako ang nagsabi niyan kundi Ikaw," tila nang iinis pang sabi ni Bren. Galit na tumindig mula sa silya si Geneva at humarap sa kanya. "Shit ka, Bren! Pero huwag mong akalaing agad agad kitang bibitiwan. Hindi ako madaling sumuko!" pagkasabi niyon ay mabilis nang lumabas sa private office ni Bren ang dalaga. Naiwang panay ang iling ng binata. ENROLLMENT na naman. Gaya ng dati'y muling sinamahan ni Bren si Samantha sa unibersidad na pinapasukan ng dalaga. Pero ngayon ay hindi na lang basta naghintay ang binata sa kotse nito. Sinamahan siya ni Bren hanggang sa pagpila sa cashier. Pagkaraan ay halos wala silang kibuan na sakay ng kotse. Napansin lang ni Samantha na kanina pa sila nagpapasikut sikot ni Bren pero halatang wala naman silang tiyak na patutunguhan. "Saan ba tayo pupunta, Bren?" usisa niya sa binata. "Hindi ko alam, Samantha," sagot nito. Saka napansin ni Samantha na magkasalubong ang kilay ni Bren. "Hindi mo alam?" maang na tanong ni Samantha dito. "Ba't hindi nalang tayo umuwi?" "Ayoko pang umuwi. May gusto akong sabihin sa iyo..." "Kung may gusto kang sabihin sa akin, pakainin mo muna ako no! Dahil kanina pa nag aaway tong dalawang bituka ko sa gutom, baka akala mo!" Napatingin sa kanya si Bren bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. "Okay." Sa isang class na restoran siya dinala ni Bren. Inokupa nila ang isang mesa na nakapuwesto sa may bandang sulok at malayo sa iba pang customers na kumakain doon. Lumapit sa kanila ang isang weyter. "What would you like to eat?" masuyong tanong sa kanya ni Bren. "Anything," aniya. "Wala no'n dito," sinubukang magbiro ni Bren sa kanya kahit na may tensiyon itong nararamdaman nang mga sandaling iyon. Inirapan ni Samantha si Bren. "Kahit na ano. Basta't yung nakakabusog," inis niyang pakli. Hindi nila napapansin, pati ang weyter na kumukuha ng kanilang order ay natatawa rin. Bandang huli'y si Bren nalang ang nag order para kay Samantha. "Ano ba yung sasabihin mo?" usisa niya sa binata nang makaalis na ang weyter. Bigla'y natigilan si Bren. Napatitig ito sa kanya. Titig na hindi kayang salubungin ni Samantha. "Hindi ko alam kung paano kung uumpisahang sabihin ito sa iyo, Samantha.." Si Samantha naman ang natigilan sa narinig. Magtatapat naba si Bren? tanong niya sa isip. Mahal din ba siya ni Bren gaya nang nararamdaman niya para sa kanyang kaibigan? Pero paano na si Geneva? At ang gusto ni Donya Amanda na isang babaing maipagmamalaki ng pamilya nito ang dapat na mapangasawa ni Bren? Sa huli'y pinigilan ni Samantha ang kanyang sarili. You're jumping into the wrong conclusion, Samantha, sabi niya sa isip. "I don't know you'll react." "Bren, go on and spill it, will you?" "After this semester ay gagradweyt ka na, right? tanong ni Bren sa kanya. "Oo, bakit?" "And after that you'll celebrate your birthday. Twenty ka na right?" "Right! Kaya huwag ka nang magpaliguy ligoy pa, Bren. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Come on, I'm dying to hear it," aniya na halatang naiinip nang marinig ang nais sabihin sa kanya ni Bren. "G-Gusto kong magpakasal tayo, Samantha." Natigilan si Samantha sa narinig. Hindi halos makapaniwala sa ipinahayag ni Bren. "Now, I've spilled it. Gusto kong magpakasal tayo," Ani Bren. "What?!" "You've heard it right, Samantha. O, gusto mong ulit ulitin ko pa sa iyo ang sinabi ko? "Don't bother," Ani Samantha na itinaas pa ang isang kamay sa paraang sinasaway ang binata. Tumingin sa kanya si Bren. Mataman nitong pinagmasdan ang kanyang mukha. Sinubukang tumingin ni Samantha sa kaibigan pero hindi niya kayang tagalan ang tila nanunuring mga mata ng binata kaya agad siyang nagyuko ng ulo. "A-Are you out of your mind?" tanong niya rito sa mababang boses. "Hindi tayo mag nobyo. Ni hindi ka nanliligaw sa akin, and now you're asking me to marry you?" "I'm not asking you, Samantha," pagtatama ni Bren sa kanya. "I want you to marry me." Saglit na natigilan si Samantha. Bagay na sinamantala ni Bren. "And I'm not out of my mind. Hindi ako nasisiraan ng ulo. Matinong matino ako, Samantha. I know what I'm saying." "Bakit tayo magpapakasal?" tanong niya kay Bren. Hindi maintindihan ni Samantha kung bakit pakiramdam niya'y tila nakalutang siya sa ulap nang mga oras na iyon. Ganito ba ang pakiramdam ng isang taong napakaligaya? tanong niya sa isip. Humigit ng isang malalim na buntong hininga si Bren bago ito nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Ang gusto ng Mama'y mag asawa na ako. Gusto na raw niyang magkaroon ng apo." "At kung hindi'y mawawalan ka ng mamanahin, diba?" patuloy ni Samantha sa iba pang sasabihin sana ng binata. Bigla'y napawi ang ligayang nararamdaman niya. Napalitan iyon ng hinanakit. Ng matinding sama ng loob. Ang pilit niyang pinipiga kanina kay Bren kung bakit gusto siya nitong pakasalan ay ang saloobin ng kaibigan. Kung mahal ba siya nito. Pero sa nabatid niyang katotohanan ay bigla siyang nakaramdam ng pagka dismaya. Ngayon lang niya naalalang kaibigan nga lang pala ang turing sa kanya ni Bren. Nothing more. Kaya wala siyang karapatang umasa. Puwede siyang mangarap. Ngunit hanggang doon na lamang siya. Kailanman ay hindi iyon mauuwi sa katotohanan. "Oo. Pero paano mong nalaman?" kunot ang noo at maang na tanong sa kanya ni Bren. "Hindi lang iyon ang alam ko," malamig na sabi ni Samantha. "Alam ko ring isang taon lang ang ibinigay na palugit sa iyo ng Mama mo. Kapag wala kang naipanhik na asawa sa inyong bahay sa loob ng isang taon ay mawawalan ka ng karapatan sa lahat ng iyong kayamanan at mapupunta ang mga ito sa kawanggawa." "Paanong...?" "Minsan ay nabanggit sa akin iyon ng Mama mo," agad niyang putol sa iba pang sasabihin ni Bren. "Pero hindi ko akalaing tototohanin niya. Buong akala ko'y nagbibiro lang si Donya Amanda." "Ba't hindi mo praktisin ngayon pa lang na tawaging Mama ang Mama ko?" suhestiyon sa kanya ng binata. "Pumayag na ba ako, Bren? hindi pa naman, diba?" Nakaramdam ng pagkapahiya si Bren sa kanya. "I'm sorry. Hindi ko kasi naisip na maaari kang tumanggi. Anyway, magkaibigan naman tayo," anito. "Granted na magkaibigan nga tayo, Bren. Is it enough reason para pumayag akong magpakasal sayo? Bren, kasal iyon. Hindi biruan. It is a lifetime commitment," naiinis niyang wika. Hindi niya malaman kung kay Bren siya maiinis dahil masyado itong insensitive sa feelings niya, o sa kanyang sarili dahil masyado siyang nag expect ng milagrong mamahalin din siya ni Bren. "I know," Ani Bren. "Alam ng isip mo pero hindi ng puso mo," piksi ni Samantha. Hindi niya lang tuwirang masabi kay Bren na gusto niya ring magpakasal dito dahil mahal niya ang kaibigan. Hindi one way traffic na siya lang ang nagmamahal. Ang nais niya'y mahal din siya ng lalaking pakakasalan. "Just what are you trying to imply, Samantha?" litong tanong sa kanya ni Bren. "Si Geneva ang girlfriend mo. Bakit hindi siya ang ayain mong magpakasal?" tanong niya rito. Sunod sunod na umiling si Bren, sa pagtataka ni Samantha. "Ayaw niya pang magpakasal dahil hindi pa raw siya handa. Kaya ikaw ang naisip kong." "Panakip butas? Ganoon ba, ha, Bren?" gagad niya sa binata. "Look, Sam, kung papayag kang magpakasal tayo ay wala namang magbabago. Malaya ka parin tulad ng dati. Mag asawa tayo sa papel lang. Anytime na gustuhin mo'y pupuwede nating ipa annul ang ating kasal pagkatapos na maisalin sa akin ng Mama ang lahat ng ari arian namin. At hindi lang iyon, bilang pabuya ay bibigyan kita ng isang milyong piso," pangungumbinsi sa kanya ni Bren. "Hindi ako mukhang pera," malamig niyang sabi. "Hindi ko sinabing mukha kang pera, Samantha. Pero let's face it, Samantha. Malaki ang magagawa ng isang milyong piso sa iyo. You can start a small business, lalo pa't Business Management ang kinukuha mong kurso. And who knows? Baka ito na ang hinihintay mong pagkakataon para yumaman gaya nang malaon mo ng pangarap." "Pag iisipan ko muna, Bren." Iyon ang huli niyang sinabi kay Bren bago sila naghiwalay noong araw na ayain siya nitong magpakasal sila. Iyon din ang naging huli nilang pag uusap ni Bren. Hindi niya tuloy malaman kung binibigyan lang siya ng sapat na panahon ni Bren para siya makapag isip kung kaya't dumidistansya muna ito sa kanya o nagbago na ang isip ng binata. "May sakit ka ba, Samantha?" "H-Ho?" Nilingon ni Samantha si Donya Amanda. Hindi niya namalayang nakamasid pala sa kanya ang Mama ni Bren. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang matamlay ka," Ani Donya Amanda. "M-Medyo masakit lang ho ang ulo ko," pagsisinungaling niya sa Donya. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglilinis ng salas na gamit ang vacuum cleaner. "Masakit pala ang ulo mo, ba't naglilinis ka pa? Ba't hindi ka nalang muna magpahinga?" Nag aalalang saad ni Donya Amanda sa kanya. "Hindi naman ho gaanong masakit, Senyora Amanda. Saka, matatapos na rin naman ho ako sa paglilinis.." Pero hindi niya napigilan si Donya Amanda nang kunin nito sa kanya ang vacuum cleaner matapos tawagin si Elena. "Sige na, Samantha. Magpahinga kana muna. At huwag mong kalilimutang uminom ng gamot, ha, Iha?" may pag aalala paring bilin sa kanya ng Donya. Walang nagawa si Samantha kundi ang sumunod kay Donya Amanda at tumungo sa servant's quarter. Nang nakahiga na siya sa kanyang kama ay may nabuong desisyon sa sarili ni Samantha. Hindi siya magpapakasal kay Bren. Pangako niya ito sa kanyang sarili. Titikisin niya ang binata upang ioamuka rito na hindi siya mukhang pera na basta nalang susunggaban ang isang milyong piso. Ang ibig niya'y mahal din siya ni Bren kung magpapakasal sila na malabong mangyari dahil hindi siya ang babaing gugustuhin nitong mahalin. Pagkagaling ni Bren sa upisina ay agad nitong pinuntahan si Samantha sa may servant's quarter. "Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong kay Bren nang mamulatan niyang nakatunghay ito sa kanya habang siya'y nakahiga. Hindi naman siya natutulog kung bakit hindi niya namalayang nakapasok na pala sa silid nila ni Elena ang lalaki. Bigla tuloy siyang napabangon sa higaan. Nakangiti sa kanya si Bren. Nakalitaw ang mapuputi't pantay pantay nitong mga ngipin. "Ang sabi sa akin ng Mama ay may dinaramdam ka raw. Tumawag siya sa akin sa opisina. Bigla tuloy akong napauwi. At sa katarantahan ko'y nalimutan ko tuloy mamili ng pasalubong para sa iyo," anito. "Don't bother. Wala naman akong sakit. Medyo sumakit lang kanina ang ulo ko pero wala na ngayon. Kaya huwag kang mag alala dahil hindi pa naman ako mamamatay!" paasik niyang sabi kay Bren. Biglang napawi ang ngiti sa labi ni Bren. "Galit ka ba sa akin?" tanong nito sa kanya. "Hindi! Bakit naman ako magagalit sa iyo? mainit lang ang ulo ko," sagot niya. Humigit ng isang malalim na buntong hininga si Bren at saka tumingin sa kanya. "N-Nakapag isip kana ba, Samantha?" Maharan siyang tumango. "Is it yes?" tanong ulit sa kanya ng lalaki. At muli'y tumango ang dalaga. "Oo, Bren. Payag na akong magpakasal tayo," sagot niya. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi niya natupad ang pangako sa sariling titikisin niya si Bren. Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi ni Bren. "Hindi ka magsisisi, Samantha. At gaya nang pangako ko'y matatanggap mo ang isang milyong piso sa araw ng ating kasal. Idedeposit ko ang halagang iyon sa bangko sa pangalan mo," anito. "Hindi ang pera ang mahalaga sa akin kaya ko tinanggap ang offer mo, Bren. Pumayag akong magpakasala sa iyo dahil gusto kitang tulungan. Because we're friends," malamig niyang sabi. "Salamat kung gayon, Samantha. But then, that's the bargain. Kaya tatanggapin mo parin ang one million pesos sa ayaw at sa gusto mo," sabi pa ni Bren. "May tanong lang ako." "Go on." "Ang usapan ay kasal lamang tayo sa papel. Walang mamamagitan sa atin whatsoever. Pero paano ang apong minimithi ni Donya Amanda. Hindi bat kaya ka niya gustong mag asawa ay dahil gustong gusto niya nang magkaroon ng apo?" may pag aalinlangan tanong niya kay Bren. Ngumiti si Bren sa kanya. "Saka na natin problemahin ang tungkol don, Samantha. Anyway, hindi naman sinabi sa akin ni Mama na aalisan niya ako ng mana kung hindi ko siya bibigyan ng apo, diba?" Nakahinga ng maluwag si Samantha. "Yes, I understand." Hinawakan siya ni Bren sa magkabilang balikat. Bigla niya itong iwinaksi. "Ang usapan ay sa papel lang tayo magiging mag asawa. Kaya hands off!" "Anong pinag usapan nyo kanina ni Sir Bren? Ang aga niyang umuwi at dito pa siya sa iyo dumiretso.." Napatingin si Samantha kay Elena. Sa malaot madali ay malalaman din ni Elena ang gagawin niyang pagpapakasal kay Bren, maging nang iba pang namamasukan sa mag inang Donya Amanda at Bren. "Makakapagtago ka ba ng sikreto, Elena?" pagsisiguro niyang tanong dito. "Oo naman! Para namang hindi ka nadulas no'n sa akin nang sabihin mong may lihim kang pagtingin kay Sir Bren. May nakaalam ba?" ani Elena. "Sabagay." "Ano nanaman ba ang inililihim mo, ha?" "M-Magpapakasal kami ni Bren, Elena," pagtatapat niya rito. "Wow! Eh, di magiging Mrs. Alarcon kana? Ma'am na ang itatawag namin sa iyo" Biglang napahinto sa pagsasalita si Elena. Maang itong napatingin sa kanya. "Ano kamo? Magpapakasal kayong dalawa ni Sir Bren?!" "Oo Elena," sagot ni Samantha makaraang tumango. "O-Paanong nangyari iyon? Ang ibig kong sabihin....Wala ka namang nababanggit sa akin na nanliligaw sa iyo si Sir Bren, ah! Saka, hindi bat may nobya siya? Paano na si Geneva?" sunod sunod na tanong nang nalilitong si Elena. "Mahabang kuwento, Elena," aniya. "Ang mahalaga'y ikaw ang unang pinagsabihan ko nito. Ikaw ang unang nakaalam na magpapakasal kami ni Bren." "Next week na ang graduation natin. After that ay pupuntahan kita sa bahay nila Bren. Magkasama tayong maghahanap ng trabaho," sabi ni Jenny kay Samantha matapos nilang ayusin ang kanilang mga grades sa mga professors nila. "H-Hindi ko na kailangang maghanap pa ng trabaho, Jenny," mahina niyang saad sa kaibigan. "Haa? Anong ibig mong sabihin? Kahit naka graduate kana ay mananaliti ka paring katu katulong sa malaking bahay na iyon? Look, Samantha, isipin mo na lang na professional ka na. Matalino ka, maganda, masikap at masipag sure you'll go places. Kung utang na loob naman ang gusto mong bayaran sa pamilya ni Bren, aba'y baka habambuhay ka nang manilbihan sa kanila'y hindi ka pa makabayad. Maawa naman sila. Hayaan naman sana nilang umasenso ang isang tulad mo," mahabang litanya ni Jenny. "Jenny, hindi ko na kailangang magtrabaho dahil mag aasawa na ako. Malapit na akong ikasal," aniya. Napamaang si Jenny sa sinabi niya. Halatang hindi ito makapaniwala sa narinig. "P-Paanong...? I mean sino ang mapapangasawa mo? Wala ka namang boyfriend, di ba? Iyon ay kung may inilihim ka sa akin." "Si Bren ang mapapangasawa ko, Jenny," aniya. "S-Si Bren?" Marahang tumango si Samantha. "P-Paanong nangyari? Biglang bigla naman yata. Ni hindi mo pa nga naikukwento sa akin na nililigawan ka niya'y pakakasal na agad kaya?" sunod sunod na usisa ni Jenny sa kanya. "M-Mahabang kuwento, Jenny. Nagtapat siya sa akin nang ma realize ni Bren na mahal niya pala ako. Sa bilis nga ng pangyayari ay namalayan ko na lang na pumayag na pala akong magpakasal sa kanya," nagtatawang kwento niya. "Eh, di mauuwi din pala sa katotohanan ang mga ilusyon natin noon?" ani Jenny. Pagkuwa'y saglit na natigilan nang biglang may maalala. "Teka, paano nga pala si Geneva?" tanong nito sa kanya. Nagkibit siya ng balikat. "W-wala na yata sila. Ako na nga ang pakakasalan ni Bren, diba?" Sabi niya na gumuhit ang isang pilit na ngiti sa mga labi. Nagi guilty siya kay Jenny. Kailangan niya pang magsinungaling sa kaibigan para lang mapagtakpan ang sariling kahihiyan dahil pakakasalan lamang siya ni Bren para hindi mauwi sa wala ang mamanahin nito.Nagpatuloy ang gabi na parang ayaw pang matapos—hindi dahil may hinihintay, kundi dahil sa wakas, natutunan na nilang pahalagahan kahit ang mga sandaling walang nangyayari.Tahimik ang paligid.Ang ilaw mula sa loob ng bahay ay marahang sumisilip sa bintana, habang ang hangin ay dumadampi sa kanilang dalawa na magkatabing nakaupo sa labas.Hindi na kailangan ng maraming salita.Hindi na kailangan ng paliwanag.Dahil ang katahimikan nila ngayon—hindi na awkward, hindi na puno ng tanong.Kundi puno ng sagot.—“Naalala mo ba,” mahina na tanong ni Bren, “kung gaano tayo ka-ingay noon?”Napangiti si Samantha, hindi agad sumagot.“Ingay ng problema,” dugtong niya. “Ingay ng takot. Ingay ng mga bagay na hindi natin masabi.”Tumango si Bren.“At ngayon?” tanong niya.Napatingin si Samantha sa malayo—sa kalsadang halos wala nang dumadaan, sa mga ilaw na isa-isang namamatay.“Ngayon…” sagot niya, “tahimik na. Pero hindi dahil wala na.”“Dahil alam na natin kung alin ang dapat pakinggan.”—Mul
Nagpatuloy ang mga araw na tila mas tahimik—hindi dahil wala nang nangyayari, kundi dahil natutunan na nilang pakinggan ang mga bagay na dati’y hindi nila pinapansin.—Sa bawat umaga, hindi na nagmamadali si Samantha.Hindi na niya kailangang unahan ang oras.Hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa bawat kilos.—Sa halip—pinipili niyang damhin.—Isang umaga, habang naghahanda siya ng almusal, napansin niyang iba ang pakiramdam.Hindi ito kaba.Hindi rin lungkot.—Parang may paalam.—Hindi pa malinaw.Pero ramdam.—“Ma?” tawag ng panganay mula sa likod.“Hmm?” sagot niya, hindi lumilingon.“May program kami next week.”—Napalingon siya.“Anong program?”—Ngumiti ang bata.“Recognition.”—Sandaling tumahimik si Samantha.Hindi dahil nagulat—kundi dahil naalala niya kung gaano kalayo ang narating nila.—“Talaga?” mahina niyang tanong.—Tumango ito.“Kasama ako.”—Dahan-dahan siyang napangiti.“Proud ako sa’yo.”—Hindi ito yung malakas na selebrasyon.Hindi rin eng
Nagpatuloy ang mga araw sa bago nilang tahanan—hindi perpekto, hindi palaging maayos, pero totoo.—Sa bawat umaga, may bagong ritmo silang natututunan.Hindi na pareho sa dati.Pero hindi rin banyaga.—Isang umaga, nagising si Samantha bago pa tumunog ang alarm.Tahimik ang paligid.Iba sa dati nilang bahay—mas maluwang, mas maliwanag.Ngunit may kakaibang katahimikan na hindi pa niya lubos na kilala.—Dahan-dahan siyang bumangon, iniwasang magising si Bren na mahimbing pa ang tulog.Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina.—Huminto siya sandali.Tumingin sa paligid.—Hindi pa kumpleto.May mga kahon pa sa gilid.May ilang gamit na hindi pa naiaayos.Pero kahit gano’n—ramdam niya na unti-unti na itong nagiging kanila.—Kinuha niya ang kettle at nagsimulang magpakulo ng tubig.Habang hinihintay, sumilip siya sa bintana.—Ibang tanawin.Ibang kalsada.Ibang simoy ng hangin.—Pero sa unang pagkakataon—hindi siya nalungkot.—May narinig siyang mahinang yabag mula sa likod
Nagpatuloy ang mga araw matapos ang pag-uwi nila—hindi na tulad ng dati na may bigat sa bawat galaw, kundi may kakaibang gaan na hindi nila kailangang ipaliwanag.—Pagbalik nila sa bahay, parang may nagbago.Hindi sa itsura ng lugar.Pareho pa rin ang mga dingding, ang ayos ng sala, ang ingay ng mga bata sa umaga.Pero sa pakiramdam—mas buo.—Isang umaga, nagising si Samantha sa tunog ng mahina ngunit pamilyar na kaluskos sa kusina.Dahan-dahan siyang bumangon.Hindi na siya nag-aalala.Hindi na siya nag-iisip ng kung ano ang mali.Sa halip—ngumiti siya.—Pagdating niya sa kusina, naabutan niya si Bren na abala sa pagluluto.Medyo magulo ang paligid.May konting kalat ng harina sa mesa.At mukhang hindi eksaktong sinusunod ang recipe.—“Anong ginagawa mo?” tanong ni Samantha, nakasandal sa pinto.—Napalingon si Bren.Ngumiti.“Breakfast.”—Tumingin si Samantha sa kawali.“Sigurado ka?”—Napatawa si Bren.“Hindi. Pero sinusubukan ko.”—Lumapit si Samantha.Hindi para ayusin.
Nagpatuloy ang mga araw na may halong pananabik at katahimikan—parang bagyong paparating na hindi pa ramdam ang hangin, pero alam mong darating.—Dumating ang araw ng biyahe.Maagang nagising si Samantha.Hindi dahil kinakabahan—kundi dahil gusto niyang maging handa.Tahimik siyang bumangon, inayos ang mga gamit, sinigurong kumpleto ang lahat—damit, pagkain, laruan ng mga bata, at mga bagay na maaaring magbigay ng ginhawa sa mahabang biyahe.Sa kabilang bahagi ng kama, gising na rin si Bren.Hindi ito gumalaw agad.Nakatitig lang sa kisame.Parang may kausap sa isip.—“Ready?” tanong ni Samantha, mahina.—Napalingon si Bren.Ngumiti.Hindi perpekto.Pero totoo.“Ready na siguro,” sagot niya.—Hindi niya sinabing sigurado siya.At hindi na rin iyon kailangan.—Sa kusina, mas maingay kaysa dati.Excited ang mga bata.May halong tanong.May halong tuwa.“San tayo pupunta?” tanong ng bunso.“Adventure,” sagot ni Samantha, nakangiti.—Napatingin si Bren sa kanya.Sandaling nagtagpo
Nagpatuloy ang mga araw na may parehong ritmo—ngunit sa pagkakataong ito, may bagong uri ng tahimik na pagsubok na hindi nila inaasahan.—Isang umaga, nagising si Samantha na may kakaibang pakiramdam.Hindi ito kaba.Hindi rin lungkot.Parang… may darating.Hindi niya maipaliwanag, pero ramdam niya sa paraan ng pagpasok ng liwanag sa bintana, sa kakaibang katahimikan ng bahay, at sa paraan ng paghinga ni Bren sa tabi niya—mas mabigat, mas malalim.Pagbangon niya, hindi niya agad ginising si Bren.Sa halip, tumayo siya at tahimik na naglakad papuntang kusina.Pero bago pa siya makarating—narinig niya ang mahinang boses mula sa sala.—“Hello, Ma…”—Napahinto si Samantha.Boses iyon ni Bren.At bihira niyang marinig itong ganun—mahina, maingat, at parang may pinipigilang emosyon.Hindi siya agad lumapit.Hindi dahil umiiwas siya—kundi dahil gusto niyang bigyan ng espasyo ang sandaling iyon.—“Okay lang ako… oo,” narinig niyang sabi ni Bren.“Hindi… hindi na tulad ng dati.”May maik
Lumipas ang mga linggo matapos nilang malaman ang pagdating ng panibagong biyaya. Unti unting nagbago ang ritmo ng kanilang araw araw. Mas maaga nang umuuwi si Bren. Mas madalas nang may yakap at halik si Samantha bago pa man magsimula ang umaga. Ngunit tulad ng dati, hindi naging puro saya ang lah
Maaaliwalas na paligid. Mabango ang hangin. Malamig ang simoy mula sa aircon. Magkahawak pa rin ang kamay nila. Lumapit si Bren sa front desk at inayos ang check in nila. Habang naghihintay, pasimple niyang tinitingnan si Samantha. Parang natatakot pa rin siyang baka bigla itong magbago ang isip.
Nalaman ni Bren ang opisinang pinapasukan ni Samantha mula kay Jenny kaya don niya na inabangan ang kabiyak. Quarter to five ng hapon nang mamataan niya ang pamilyar na mukhang iyon na palabas ng opisina. Hindi siya si Samantha kundi ang lalaking sinuntok niya. "Si Roderick!" saad niya. Biglan
"Daddy, kailan babalik ang Mommy dito sa atin?" malungkot na tanong ni Lovely sa amang si Bren. Napatiim bagang si Bren sa narinig na katanungan ng anak. Ang sarili niya ang kanyang sinisisi sa biglang pag alis ni Samantha na wala man lang paalam. "Daddy.." muling saad ni Lovely. "B-Baka buka







