Share

Chapter 3

Author: She
last update publish date: 2026-02-01 16:08:44

Unang araw ng klase sa unibersidad na pinapasukan ni Samantha.

"O, bakit parang ang lungkot-lungkot mo yata? Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, ah!" puna sa kanya ng kaibigang si Jenny.

"S-Si Bren, mag aasawa na.."

"Mag aasawa na? Kanino? Do'n sa girlfriend niyang mukhang bangus?" malakas na tanong ni Jenny sa kanya.

"Ewan. Hindi ko alam," sagot niya.

"Ano ba naman yan? Kamo'y mag aasawa na si Bren. Eh, si...ano na nga bang pangalan no'ng girlfriend niya?"

"Geneva."

"O, di si Geneva na ang mapapangasawa niya. Iyon lang naman ang girlfriend niya, di ba?"

"E, hindi pa naman kasi alam ni Bren na mag aasawa na siya."

"Ha?!" nagulat na sambit ni Jenny. Kumunot ang noo nito nang kunot na kunot.

"Ganito kasi iyo...ang sabi sakin ni Donya Amanda ay panahon na raw para mag asawa si Bren dahil gusto niya nang magkaroon ng apo..."

"Pwede ba naman yung si Donya Amanda lang ang may gustong mag asawa si Bren? Paano kung hindi pa gusto ng may katawan dahil hindi pa siya emotionally prepared?" ani Jenny.

"Hindi pwedeng tumanggi si Bren, Jenny, eh!" pahayag ni Samantha. Nang mga sandaling iyon ay parang maiiyak na siya sa papatinding sama ng loob.

"At bakit hindi pwede, Aber?" nakaangat ang isang kilay na tanong sa kanya ng kaibigan.

"Kasi, aalisan ni Donya Amanda ng mana si Bren kapag hindi siya nag asawa within one year," aniya.

"Ganoon?"

"Ganoon nga. Kaya inaasahan ko nang pakakasalan na ni Bren si Geneva bago mag expire ang isang taong palugit na ibinigay ni Donya Amanda."

"Alam na ba to ni Bren? I mean, ikaw na rin ang may sabing sa iyo sinabi ito ng Mama ni Bren," turan ni Jenny.

Nagkibit ng balikat si Samantha.

"I don't know. Nahihiya naman akong magtanong kay Bren. Baka isipin niya pang nagiging masyado na akong mausisa," aniya.

"Ganoon naman na pala ang sitwasyon, why don't you set up a plan and move now?"

Kumunot ang noo ni Samantha.

"Anong plan? Anong move?" maang niyang tanong sa kaibigan. "Just what are you trying to say?"

"Gumawa ka ng plano, ng paraan kung paano mong pipikutin si Bren. Nang sa ganoon ay hindi siya mapunta sa iba at sa iyo siya magpakasal," mungkahi sa kanya ni Jenny.

"What?!"

"O, Anong nakakabigla sa sinabi ko?" patay malisyang tanong ni Jenny sa kanya.

"Hindi pa ako gano'n ka desperada para mamikot ng lalaki no!"

"Ows?" nakatawang sambit ni Jenny na namimilog ang mga mata." if I know dead na dead ka kay Bren!"

"Dead lang no! Dahil kung dead na dead ay patay na sana ako noon pa!" ganti niyang biro kay Jenny.

Gaya nang dati niyang ginagawa, pagkagaling niya sa eskwelahan ay agad nang nagpapalit ng damit pambahay si Samantha at agad nang magtungo sa malaking bahay upang tumulong sa mga gawaing bahay dito. Marami ng nakatambak na hugasin sa lababo nang pumasok siya sa kusina. Inumpisahan niyang hugasan ang mga ito.

"Andiyan ka na pala, Samantha," masayang bati sa kanya ni Elena.

"Oo, Elena. Maluwag ang traffic ngayon kaya alas kwatro pa lang ay naririto na ako," aniya.

"Bakit hindi ka muna magmeryenda diyan? Marami akong nilutong spaghetti dahil may bisitang dumating si Senyora Amanda."

"Mamaya na pagkatapos kong hugasan ang mga ito," tugon ni Samantha kay Elena.

Kumuha ng isang baso si Elena at nagtimpla ng iced tea.

"Para kanino yan?" usisa dito ni Samantha.

"Para kay Mrs. Ybanez," matabang na sagot ng katulong.

"Sa Mommy ni Geneva?" kunot ang noong tanong ni Samantha.

Tumango si Elena. "Oo."

"Siya pala ang bisita ni Donya Amanda," aniya.

"Hindi siya kundi sila. Dahil nandiyan din si Mr. Ybanez. At alam mo bang kanina pa ako naiimbiyerna sa kaartehan ng mag asawang iyon? Si Mr. Ybanez ay ayaw ng orange juice. Ang gusto'y mango juice. At take note, fresh mango juice. Eto namang si Mrs. Ybanez ay iced tea ang gusto. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit saksakan ng arte ang nobya ni sir Bren. Syempre, kanino pa magmamana iyon kundi sa mga magulang niya!" mahabang litanya ni Elena ng inis.

"Siguro'y pinag uusapan na nila ang tungkol sa kasal," Wala sa loob na nasabi ni Samantha.

Biglang napatingin sa kanya si Elena.

"Kasal? Anong kasal? Sinong ikakasal?" maang at sunod sunod na tanong sa kanya ni Elena.

Bigla'y natauhan si Samantha.

"H-haa?"

"Sino nga ang ikakasal?"

"W-wala. Wala, Elena. Forget I've said anything."

"Naks!" Palatak ni Elena. "Iba na talaga ang nag aaral no? Pa ingglis ingglis na lang!"

Kahit naman nag aaral ako at malapit nang makatapos ay hindi ako magugustuhan ni Bren, puno ng sama ng loob na sabi sa isip ni Samantha. Dahil mahirap lang ako at siya'y mayaman. Dahil hindi kami bagay.

"O, sige. Lalabas na muna ako't ibibigay ko tong iced tea kay Mrs. Arte!"

"S-Sige."

Nang sumapit ang gabi'y tinulungan niyang magluto ng hapunan si Elena dahil nag off ang talagang kusinera sa malaking bahay. Si Donya Amanda lang ang mag isang magdi dinner kaya pinilit silang dalawa ni Elena na sumabay dito. Wala pa no'n si Bren. Biro nga ni Donya Amanda, baka nakipag date ito kay Geneva.

Nakitawa siya sa biro ni Donya Amanda na tulad ni Elena pero deep inside ay umiiyak ang kanyang puso. Nagdurugo ang kanyang kalooban. Bago siya magtungo sa servant's quarter ay kung bakit naisipan niyang magpahangin muna sa may beranda nang gabing iyon. Hindi pa siya nagtatagal doon nang dumating ang sasakyan ni Bren. Natanaw niya iyon. At hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng tuwa't pananabik. Bigla'y parang ibig maglulukso ng kanyang puso sa sobrang tuwa. Ngunit biglang napawi ang ngiti sa mga labi si Samantha nang matanaw na may kasunod pa palang sasakyan ang kotse ni Bren. At kung hindi siya nagkakamali ay sasakyan iyon ni Geneva!

Kitang kita niya ang lahat magmula sa kinaroroonan niya. Si Geneva ay nakasakay sa kotse ni Bren. Ang umibis sa kotse ng dalaga ay ang tsuper nito. Naghalikan pa sa labi ang dalawa bago naghiwalay. Hindi na nakayanan ni Samantha ang tindi ng sama ng loob kaya napaiyak siya't nagtatakbo patungo sa servant's quarter. Sa lugar na nababagay ang isang tulad niyang dukha. Mabuti na nga lang at tulog na si Elena, na kasama niya sa isang silid, nang pumasok siya. Kung hindi'y mag uusisa pa ito kung bakit siya umiiyak.

Pasalampak siyang naupo sa kama habang sige parin ang agos ng luha sa magkabilang pisngi niya. Alam niyang wala siyang karapatang magselos pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Nagseselos siya't naiinggit kay Geneva. Kung siya siguro ang nasa katayuan ngayon ni Geneva, siya na ang pinaka maligayang babae sa ibabaw ng mundo!

Having a boyfriend like Bren...

Bigla siyang nahimasmasan nang makarinig ng sunod sunod na katok na nagmumula sa may labas ng silid.

"Samantha? Samantha, gising kapa ba..?"

Lumakas ang tahip ng kanyang dibdib nang marinig ang boses ni Bren na tumatawag sa kanya. Ayaw niya sanang sumagot para isipin na lang ni Bren na tulog na nga siya. Pero tumatanggi naman ang kanyang puso. Pinakamahirap talagang kalaban ang damdamin, bulong niya sa isip.

"O-Oo, Bren.." sagot niya. Mabilis niyang pinahid ang luha sa mga mata't pisngi bago mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng pinto. Humigit muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago niya nagawang buksan ang pinto ng silid nila ni Elena.

"Bakit?"

"Akala ko'y tulog kana. Sayang naman tong pasalubong kong siopao sa iyo. Paborito mo pa naman ito," nakangiting bungad sa kanya ni Bren.

Kinuha niya ang isang supot na iniabot sa kanya ni Bren.

"S-Salamat."

"Wala bang kiss?" biro sa kanya ni Bren.

Umirap siya rito.

"Sobra sobra na nga yung kiss na natanggap mo kanina mula kay Geneva, gusto mo pa rin ng isa pang kiss?" nakairap na sabi niya. Huli na para bawiin niya ang mga katagang nanulas sa labi. Nasabi na niya ito. Kumunot ang noo ni Bren habang nakatitig sa kanya.

"Nakita mo kami kanina ni Geneva?" tanong nito sa kanya. Nakataas ang dalawang kilay ni Bren at titig na titig sa kanya. Halatang naghihintay ng kanyang sagot. Gusto mang lumusot ni Samantha ay alam niyang hindi niya na magagawa pa. Me and my big mouth, inis na sabi niya sa kanyang sarili.

"N-Nakita ko kayong dumating kaninang papunta na ako rito sa quarter namin. Sa may harapan kasi ng bahay ako dumaan dahil nagpahangin muna ako sa beranda..."

"I see," pagpapatianod ni Bren. "Eh, di nakita mo kami kanina ni Geneva nang..alam mo na." Ngumiti pa si Bren sa kanya.

"Hindi, ah! Wala akong nakita," pagsisinungaling niya.

" E, paano mong nalaman na may halikang nangyari kanina?" Titig na titig sa kanya si Bren. Na para bang hinuhuli siya nito.

"W-Wala! Nahulaan ko lang. Hindi naman nakapagtataka kung bigyan ka man ng good-night kiss ni Geneva dahil girlfriend mo naman siya, diba?" ganting tanong niya sa binata.

"Sabagay," Ani Bren bago nagkibit ng kanyang balikat.

Nakahinga ng maluwag si Samantha.

"O, pa'no? Papasok na ako sa bahay. Magpapahinga na ako dahil may pasok pa ako bukas. Kainin mo na yang siopao mo, ha?"

"S-Sige. Salamat dito sa pasalubong mo," aniya.

Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Bren. Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat. Masuyong masuyo. Saka siya dinampihan ng halik sa labi. Bago niya pa namalayan ay tapos na ang halik na iyon.

"Goodnight, Samantha."

Saglit siyang tila nawala sa kanyang sarili. Tinatanaw lamang niya ang papalayong binata at pagkaraan ay wala sa loob na dinama ang labi niyang sa kauna unahang pagkakataon ay nahagkan. Nang lalaki pang lihim niyang minamahal. Ngayon lang biglang tumahip ang kanyang dibdib. Lumakas ang tibok ng kanyang puso. Kung kailan nakalayo na si Bren.

"Sino bang tinatanaw mo riyan?"

Natigilan siya't napalingon sa kanyang likuran.

"Ikaw pala, Elena. Hindi ko namalayang nagising ka..."

"May kausap ka ba kanina? Parang may narinig akong boses ng lalaki."

"Si Bren."

"Si Sir Bren? Bakit daw? May ipinagagawa ba sa akin?"

"Wala, Elena. Ibinigay niya lang sa akin tong pasalubong niyang siopao," Ani Samantha.

"Ganoon ba? Ang sweet din naman ni Sir Bren no?"

"Talaga! Halika, kainin na natin tong siopao," Aya ni Samantha kay Elena.

"Oo ba!"

Habang kumakain sila ni Elena ay hindi maiwasang mag isip ni Samantha. Paano na ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Bren kapag nagpakasal na ito kay Geneva? Mami-miss niya nang husto ang binata. Ang thoughtfulness nito, ang sweetness. akung sa kanyang kaibigan lang ay very sweet na't thoughtful si Bren, lalo na siguro kay Geneva na girlfriend nito. Lalung lalo na marahil kapag sa magiging asawa ni Bren. Hindi sinasadya'y nahawakan niya ang kanyang mga labi. Naalala niya nang halikan siya ni Bren kanina. Hindi naman siya nililigawan ni Bren. Hindi naman siya ang nobya nito. Kaya't ano ang kahulugan ng halik nito sa kanya kanina? Bakit hinalikan siya ni Bren?

"O, Gising kana pala'y bat hindi ka pa bumabangon diyan sa higaan mo?" Agad na sabi ni Donya Amanda nang pumasok ito sa silid ng anak.

"Ikaw pala, Ma."

Bumangon mula sa kama si Bren. Lumapit sa ina at humalik sa pisngi nito. Naupo sa may gilid ng kama si Donya Amanda.

"Nakausap ko na si Samantha," pahayag ng Donya. Kumuha ng bagong tuwalya si Bren sa loob ng closet bago muling humarap sa ina.

"Ano ho ang sabi niya?" tanong niya sa ina.

Nagkibit ng balikat ang Donya.

"Baka raw wala ka pa namang balak magpakasal. Ang sabi ko'y kailangang mag asawa ka na kung hindi'y aalisan kita ng mana. At ika ko'y isang taon lang ang ibibigay kong palugit sa iyo para maghanap ng mapapangasawa," kuwento ni Donya Amanda sa binata.

"Hindi ba masyado namang exaggerated yung kunwari'y aalisan n'yo ako ng mana kung tatanggi akong mag asawa?"

"Sa pagalay ko'y naniniwala naman sa akin si Samantha. Dahil ipinaintindi ko sa kanya na gustong gusto ko nang magkaroon ng apo. Hindi siya nakakibo. Kaya sigurado akong nag iisip iyon at nag aalala dahil kapag mayroon kanng asawa ay hindi na magiging kagaya ng dati ang samahan n'yo," wika ni Donya Amanda.

"But that doesn't mean na mahal ako ni Samantha, right? Mahalaga ako sa kanya, I'm sure of it. Pero bilang kaibigan lang. Nothing more," ani Bren sa ina.

"Paano mong malalaman kung hindi mo tatanungin? Kung hindi ka manliligaw?" magkasunod na tanong ni Donya Amanda sa anak.

" Nahihiya nga akung manligaw sa kanya, Mama. Baka isipin niyang sinasamantala ko ang friendship namin," paliwanag niya sa kanyang Mama.

"At pa'no? Habambuhay nalang kayong magpapakiramdaman ni Samantha, ganoon ba?" May inis na sa tinig ng butihing Donya nang magsalita ito.

Humugot ng isang malalim na buntung hininga si Bren. Nagkakamot siya ng ulo habang nag iisip ng sasabihin sa ina.

"Baka sa pagpapatumpik tumpik mong ligawan si Samantha ay bigla kang mapikot ni Geneva. Ayoko sa babaing iyon. Kung siya rin lang ang mapapangasawa mo'y mabuti pang magpakatandang binata ka nalang."

Tumingin si Donya Amanda sa anak. Si Samantha ang gusto kung maging manugang kaya siya lang ang asawang maaari mong ipanhik sa pamamahay na ito, nagkakaintindihan ba tayo, Bren?"

Napilitang tumango si Bren.

"Wala naman ho talaga akong balak seryosohin si Geneva, Mama. Gusto ko siya, Oo. We enjoy each other's company pero hanggang doon lang iyon. That is not enough reason for me to marry her," Ani Bren sa ina.

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo."

"P-Pero, Mama paano nga ang gagawin ko?" nalilito niyang tanong sa ina.

"Bahala ka. Nagawa ko na ang parte ko sa drama. Ikaw naman ang umakto. At gawin mo iyon ng mabilis, Bren. Gusto ko na talagang magka apo. Kung hindi'y baka nga maisipan kong alisan ka talaga ng mamanahin kapag binigo mo ako," banta ng Donya sa anak.

Naiiling si Bren nang iwan siya ng kanyang Mama sa silid na iyon. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Samantha ay nakahiyaan na niyang ligawan ito. Maski pa nga may pagtingin siya sa dalaga. Kagabi nga'y hindi niya na napigilan ang kanyang sarili. Nahalikan niya si Samantha.

Kung papayag na magpakasal sa kanya ang kaibigan, matapos niyang umisip ng paraan upang makumbinsi ito marahil ay matututunan na siya nitong mahalin kapag mag asawa na sila. At ngayon pa lang ay binibilang niya na't iniisa isa sa kanyang sarili ang pagpapapansing gagawin niya kapag nagsasama na sila ni Samantha bilang mag asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 42

    Nagpatuloy ang gabi na parang ayaw pang matapos—hindi dahil may hinihintay, kundi dahil sa wakas, natutunan na nilang pahalagahan kahit ang mga sandaling walang nangyayari.Tahimik ang paligid.Ang ilaw mula sa loob ng bahay ay marahang sumisilip sa bintana, habang ang hangin ay dumadampi sa kanilang dalawa na magkatabing nakaupo sa labas.Hindi na kailangan ng maraming salita.Hindi na kailangan ng paliwanag.Dahil ang katahimikan nila ngayon—hindi na awkward, hindi na puno ng tanong.Kundi puno ng sagot.—“Naalala mo ba,” mahina na tanong ni Bren, “kung gaano tayo ka-ingay noon?”Napangiti si Samantha, hindi agad sumagot.“Ingay ng problema,” dugtong niya. “Ingay ng takot. Ingay ng mga bagay na hindi natin masabi.”Tumango si Bren.“At ngayon?” tanong niya.Napatingin si Samantha sa malayo—sa kalsadang halos wala nang dumadaan, sa mga ilaw na isa-isang namamatay.“Ngayon…” sagot niya, “tahimik na. Pero hindi dahil wala na.”“Dahil alam na natin kung alin ang dapat pakinggan.”—Mul

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 41

    Nagpatuloy ang mga araw na tila mas tahimik—hindi dahil wala nang nangyayari, kundi dahil natutunan na nilang pakinggan ang mga bagay na dati’y hindi nila pinapansin.—Sa bawat umaga, hindi na nagmamadali si Samantha.Hindi na niya kailangang unahan ang oras.Hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa bawat kilos.—Sa halip—pinipili niyang damhin.—Isang umaga, habang naghahanda siya ng almusal, napansin niyang iba ang pakiramdam.Hindi ito kaba.Hindi rin lungkot.—Parang may paalam.—Hindi pa malinaw.Pero ramdam.—“Ma?” tawag ng panganay mula sa likod.“Hmm?” sagot niya, hindi lumilingon.“May program kami next week.”—Napalingon siya.“Anong program?”—Ngumiti ang bata.“Recognition.”—Sandaling tumahimik si Samantha.Hindi dahil nagulat—kundi dahil naalala niya kung gaano kalayo ang narating nila.—“Talaga?” mahina niyang tanong.—Tumango ito.“Kasama ako.”—Dahan-dahan siyang napangiti.“Proud ako sa’yo.”—Hindi ito yung malakas na selebrasyon.Hindi rin eng

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 40

    Nagpatuloy ang mga araw sa bago nilang tahanan—hindi perpekto, hindi palaging maayos, pero totoo.—Sa bawat umaga, may bagong ritmo silang natututunan.Hindi na pareho sa dati.Pero hindi rin banyaga.—Isang umaga, nagising si Samantha bago pa tumunog ang alarm.Tahimik ang paligid.Iba sa dati nilang bahay—mas maluwang, mas maliwanag.Ngunit may kakaibang katahimikan na hindi pa niya lubos na kilala.—Dahan-dahan siyang bumangon, iniwasang magising si Bren na mahimbing pa ang tulog.Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina.—Huminto siya sandali.Tumingin sa paligid.—Hindi pa kumpleto.May mga kahon pa sa gilid.May ilang gamit na hindi pa naiaayos.Pero kahit gano’n—ramdam niya na unti-unti na itong nagiging kanila.—Kinuha niya ang kettle at nagsimulang magpakulo ng tubig.Habang hinihintay, sumilip siya sa bintana.—Ibang tanawin.Ibang kalsada.Ibang simoy ng hangin.—Pero sa unang pagkakataon—hindi siya nalungkot.—May narinig siyang mahinang yabag mula sa likod

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 39

    Nagpatuloy ang mga araw matapos ang pag-uwi nila—hindi na tulad ng dati na may bigat sa bawat galaw, kundi may kakaibang gaan na hindi nila kailangang ipaliwanag.—Pagbalik nila sa bahay, parang may nagbago.Hindi sa itsura ng lugar.Pareho pa rin ang mga dingding, ang ayos ng sala, ang ingay ng mga bata sa umaga.Pero sa pakiramdam—mas buo.—Isang umaga, nagising si Samantha sa tunog ng mahina ngunit pamilyar na kaluskos sa kusina.Dahan-dahan siyang bumangon.Hindi na siya nag-aalala.Hindi na siya nag-iisip ng kung ano ang mali.Sa halip—ngumiti siya.—Pagdating niya sa kusina, naabutan niya si Bren na abala sa pagluluto.Medyo magulo ang paligid.May konting kalat ng harina sa mesa.At mukhang hindi eksaktong sinusunod ang recipe.—“Anong ginagawa mo?” tanong ni Samantha, nakasandal sa pinto.—Napalingon si Bren.Ngumiti.“Breakfast.”—Tumingin si Samantha sa kawali.“Sigurado ka?”—Napatawa si Bren.“Hindi. Pero sinusubukan ko.”—Lumapit si Samantha.Hindi para ayusin.

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 38

    Nagpatuloy ang mga araw na may halong pananabik at katahimikan—parang bagyong paparating na hindi pa ramdam ang hangin, pero alam mong darating.—Dumating ang araw ng biyahe.Maagang nagising si Samantha.Hindi dahil kinakabahan—kundi dahil gusto niyang maging handa.Tahimik siyang bumangon, inayos ang mga gamit, sinigurong kumpleto ang lahat—damit, pagkain, laruan ng mga bata, at mga bagay na maaaring magbigay ng ginhawa sa mahabang biyahe.Sa kabilang bahagi ng kama, gising na rin si Bren.Hindi ito gumalaw agad.Nakatitig lang sa kisame.Parang may kausap sa isip.—“Ready?” tanong ni Samantha, mahina.—Napalingon si Bren.Ngumiti.Hindi perpekto.Pero totoo.“Ready na siguro,” sagot niya.—Hindi niya sinabing sigurado siya.At hindi na rin iyon kailangan.—Sa kusina, mas maingay kaysa dati.Excited ang mga bata.May halong tanong.May halong tuwa.“San tayo pupunta?” tanong ng bunso.“Adventure,” sagot ni Samantha, nakangiti.—Napatingin si Bren sa kanya.Sandaling nagtagpo

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 37

    Nagpatuloy ang mga araw na may parehong ritmo—ngunit sa pagkakataong ito, may bagong uri ng tahimik na pagsubok na hindi nila inaasahan.—Isang umaga, nagising si Samantha na may kakaibang pakiramdam.Hindi ito kaba.Hindi rin lungkot.Parang… may darating.Hindi niya maipaliwanag, pero ramdam niya sa paraan ng pagpasok ng liwanag sa bintana, sa kakaibang katahimikan ng bahay, at sa paraan ng paghinga ni Bren sa tabi niya—mas mabigat, mas malalim.Pagbangon niya, hindi niya agad ginising si Bren.Sa halip, tumayo siya at tahimik na naglakad papuntang kusina.Pero bago pa siya makarating—narinig niya ang mahinang boses mula sa sala.—“Hello, Ma…”—Napahinto si Samantha.Boses iyon ni Bren.At bihira niyang marinig itong ganun—mahina, maingat, at parang may pinipigilang emosyon.Hindi siya agad lumapit.Hindi dahil umiiwas siya—kundi dahil gusto niyang bigyan ng espasyo ang sandaling iyon.—“Okay lang ako… oo,” narinig niyang sabi ni Bren.“Hindi… hindi na tulad ng dati.”May maik

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 9

    "Daddy, kailan babalik ang Mommy dito sa atin?" malungkot na tanong ni Lovely sa amang si Bren. Napatiim bagang si Bren sa narinig na katanungan ng anak. Ang sarili niya ang kanyang sinisisi sa biglang pag alis ni Samantha na wala man lang paalam. "Daddy.." muling saad ni Lovely. "B-Baka buka

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 8

    "Jenny.." Nagulat pa si Jenny nang pagbukas nito ng pinto ay mabungaran siya nito. "Samantha, Ikaw nga ba iyan?" "Sino pa ba? Kung magsalita ka'y para kang nakakita ng multo," nakairap niyang sabi sa kaibigan. Natawa si Jenny. "Halika na nga rito sa loob!" Inakay siya ni Jenny sa loob

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 7

    Hindi lang si Bren ang tuwang tuwa nang isilang ni Samantha ang isang napakalusog na sanggol na babae kundi lalo na si Donya Amanda. "O, Hindi ba't ako ang kamukha ng apo ko?" tuwang tuwang sabi ni Donya Amanda. "O, tingnan mo, iho, ang cute cute ng baby n'yo ni Samantha, diba?" "Oo nga, Mama

  • Its My turn To mess Around, Darling   Chapter 6

    Nang mga sumunod na araw ay nasaksihan ni Samantha ang pag uwi-uwi ni Bren ng hating gabi. Kung minsan ay madaling araw pa. At kalimitan ay nakainom pa ito. Magkasama sila sa iisang silid pero hindi sila magkatabi sa higaan. Sa malambot na kama natutulog si Samantha samantalang si Bren ay nagtiti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status