Share

Kabanata 9- The Fake Fiancée

Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob.

"Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya.

"Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya kailangan na rin niyang gagawin ang kanyang trabaho.  Maya't maya'y sinalubong sila ng may edad na mag-asawa at sa tingin niya'y mga pinagkakatiwalaang kasambahay ng lola ni Lester.

"Good evening ho sir, ma'am", bati ng may edad na babae. Nagbigay galang din ang may edad na lalaki at kinuha nito ang luggage ng kanyang amo. Nagtaka siya kung bakit may dalang luggage ang lalaki kung uuwi lang din sila ng Maynila pagkatapos ng party. Binati din niya ang dalawang kasambahay at nginitian niya ang mga ito. 

"Ito na po ba ang fiancée niyo sir? Napakaganda po niya!", wika ng may edad na babae. Tumango lang si Lester at saka ipinakilala siya nito kina Mang Kanor at Aling Sepa. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa loob.

Nabigla siya nang hawakan ni Lester ang kamay niya, na animo'y totoo talaga silang magsyota. Alam naman niya ginagawa lang nito ang kanilang kasunduan kaya gagampanan na rin niya ng mabuti ang kanyang papel. Ngunit hindi niya talaga maiwasang kabahan lalo na't hindi pa niya nakikilala ang pamilya ng lalaki.

Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay nakasentro sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat ng mga taong naroroon. Karamihan sa kanila ay nakaupo sa mga plastic chairs na may kulay dilaw na seat covers katapat ng mga mesa na may maayos na mga skirting. Sa gitna ng mga ito ay may pulang carpet na inilagay mula sa pintuan hanggang sa dulo kung saan nakapwesto ang mahabang mesa. Hindi pa naman nag-uumpisa ang party kaya hindi siya nakaligtas sa mapanuring tingin ng mga tao. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili dahil palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Iginala nalang niya ang kanyang mga mata sa buong paligid upang hindi siya masyadong nerbiyusin.

Napakaayos ng ambiance ng buong bahay at talaga ngang ancestral house ito. Napakaluwag ng sala, makintab ang sahig na gawa sa matitibay na mga kahoy. May mga antigong plorera ng mga bulaklak ang nakalagay sa bawat sulok at mga mamahaling muwebles na halatang iniingatan sa loob na ng maraming taon. Ang buong sala ay pinalamutian ng mga customized na balloons at may malaki ding tarpaulin na nakasabit sa gitna ng mahabang mesa na may nakasulat "Happy 70th birthday Donya Lucita". May limang layer na customized cake sa ibabaw ng mesa at may nakalagay na ring pagkain at wine doon. Sa gawing kaliwa ay may winding staircase papunta sa ikalawang palapag. At sa ibabaw ng hagdan ay nakasabit doon ang malaking picture frame ng isang may edad na babae at natitiyak niyang iyon ang lola ni Lester. 

"Iho, welcome!", nakangiting salubong sa kanila ng babaeng kamukha noong nasa frame. Humalik si Lester dito at masuyo itong niyakap. Mas lalo niyang natiyak na ito nga ang lola ng lalaki. Maganda ito at kahit na nagkakaedad na, ay lutang pa rin ang taglay na kagandahan nito. Makinis at maputi ang balat nito na halatang mestisahin. Sa isip ni Valerie napakaganda siguro nito nu'ng kanyang kabataan dahil mapupungay ang mga mata nito at matangos ang ilong. Nakasuot ito ng magarang damit at may malaking kwintas sa leeg. Ngunit napansin niya na may bandana ito sa ulo kaya hindi niya nakikita ang buhok nito.

"Happy birthday po lola", bati ni Lester saka binalingan siya nito at masuyong inakbayan.

"La, this is Valerie Sandoval, my fiancée", wika niya

"Magandang gabi po ma'am. Happy birthday po", bati niya sa matanda.

Tinanguhan siya nito pagkatapos nginitian.

"Welcome here iha, nice meeting you. Napakaganda mong bata ka!",  bulalas na wika ng matanda.

"Pero h'wag mo akong tawaging ma'am. Lola nalang iha, pwede ba iyon?", tanong nito.

"Sige ho lola", nakangiting tugon niya. Kahit papano'y nabawasan ng kaunti ang kaba na kanyang naramdaman dahil sa maayos na pagtanggap nito sa kanya. 

"La, ang mommy po?", tanong ni Lester.

"Siguro'y papunta pa lang, iho. Maya't maya'y nandito na rin iyon".

Tumango lang ang lalaki at muling hinawakan nito ang kanyang kamay saka iginiya sa mga pinsan at kamag-anak nito. Para talaga siyang matutunaw sa mga titig ng mga kamag-anak ni Lester. Hindi niya matiyak kung anong ibig sabihin ng mga iyon. May iba na maayos ang pagtanggap sa kanya ngunit ang iba naman ay iniismiran lang siya na para bang pinagdududahan ang pagkatao niya. Hindi naman niya masisisi kung ganu'n ang trato ng mga ito sa kanya. Nagmula kasi ang mga ito sa mayayamang angkan at napakalayo ng agwat ng estado nila sa buhay ni Lester.

Eh ano naman ngayon? Sabi ni Valerie sa kanyang sarili. Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya at wala namang personalan. Ki gusto o hindi siya gusto ng mga kamag-anak ng lalaki, wala naman siyang pakialam du'n basta't ang mahalaga magawa niya ng maayos ang trabaho niya.

"Okay ka lang ba?", bulong ni Lester sa kanya nang maupo sila sa sopa.

"Wala naman akong choice di ba? Pero please bitiwan mo na ang kamay ko".

Ngunit sa halip na bitawan ito ng lalaki, mas lalo pa nitong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya na para bang nanunukso ito sa kanya.

"Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy habang hinahawakan ko ang kamay mo?", nanunuksong sabi nito.

"Hoy, h'wag mo akong simulan ha at baka hindi ako makapagpigil at masipa kita dyan", halos pabulong na tugon niya.

Buti na lang at biglang lumapit ang lola nito kaya sandaling naudlot ang pang-aasar nito sa kanya.

"Excuse me iho, pwede ko bang makausap ang fiancée mo?", tanong ni Donya Lucita.

Tumango lang ang lalaki, pagkatapos ay tumayo ito at nakikihalubilo sa mga kamag-anak nito. Samantalang siya ay kinakabahan kung ano ang pag-uusapan nila ng lola ni Lester. Sa tingin niya'y seryoso ang kanilang pag-uusapan dahil ayaw nitong may makarinig sa kanila. Bago ito nagsimulang magsalita tumikhim muna ito saka bumuntung-hininga ng malalim.

Sa may di kalayuan naman ay nakaupo si Lester at nakikipagkumustuhan sa kanyang mga kamag-anak. Matagal na ring hindi niya nakikita ang kanyang mga pinsan simula nu'ng lumipat siya ng Maynila at nagtayo ng sarili niyang restaurant. Nang mamatay ang kanyang ama dalawang taon na ang nakaraan dahil sa isang aksidente, ang kanyang ina na ang namamahala sa kanilang shoe factory sa Marikina dahil iyon naman ang nakasaad sa Last Will and Testament ng kanyang ama. Ngunit nakasaad doon na ililipat sa kanyang ang buong pamamahala ng pabrika kapag nakapag-asawa siya sa edad na tatlumpu.

Hindi naman siya intresado sa pabrika dahil ayaw niyang umaasa lang sa kung ano ang meron sa kanyang pamilya. Nais niyang magkaroon ng sariling mapagkakakitaan. Ngunit simula nu'ng ma brokenhearted siya, napabayaan niya ang kanyang negosyo at tuluyan itong bumagsak. Kaya ngayon ay wala na siyang trabaho kundi ang pumupunta nalang paminsan-minsan sa kanilang pabrika. Kaya nais ng kanyang lola na makapag-asawa na siya para sa kanya na ang buong pamamahala ng shoe factory. Ngunit hindi ito ang pangunahing dahilan niya kung bakit nakipagkasundo siya kay Valerie kundi ang mapagbigyan ang kahilingan ng kanyang lolang maysakit. Kanser sa ovary ang sakit ng kanyang lola at nasa stage four na ito. Kahit patuloy ito sa pag undergo ng chemotherapy ngunit marami na rin ang mga complications dahil sa nagkakaedad na rin ito. Ang totoo'y may taning na ang buhay nito at napakasakit ito para sa kanya. Mahal na mahal niya ang kanyang lola dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Parehong busy ang mga magulang niya sa negosyo kaya ito na ang nag-alaga sa kanya simula nu'ng bata pa siya. Nahiwalay lang siya nito nang pumunta siya ng Maynila ngunit tuwing weekends ay dinadalaw naman niya ito dito sa ancestral house.

"Cuz, ang lalim ng iniisip mo ah!", pambabara ng kanyang pinsang si Angie. Sa lahat ng mga pinsan niya, ito ang pinakamalapit sa kanya.

"Uhm, desidido ka na ba talagang mag-asawa cuz? Ibig ba sabihin niyan nakalimutan mo na talaga si Scarlet?"

"Yes cuz, at hindi ko na siya naiisip. Life must go on so I need to accept na wala na kami", mariing tugon niya.

"Tama yan cuz, she doesn't deserve you. Buti naman at natauhan ka na", seryosong sabi nito.

"Pero in fairness cuz ha, maganda 'yang fiancée mo at mukha namang mabait. Pero mahal mo ba talaga yan, o ginawa mo lang panakip-butas?"

Nagulat siya sa tanong ni Angie sa kanya. Saglit na natahimik siya kasi hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya rito. Binayaran lang niya si Valerie at hindi niya ito gusto at mas lalong di niya mahal. Pero hindi rin niya ito ginamit para magiging panakip-butas lang. Oo nga't nakipagkasundo siya dito pero ang natatanging dahilan niya ay ang pagbigyan lang ang kahilingan ng kanyang lola at wala ng iba pa. Para sa kaligayahan ng lola niya, nakahanda siyang magbayad ng malaking halaga. Total may pera naman siyang naipon sa bangko nu'ng may negosyo pa siya. Bukod pa rito'y pinamanahan din siya ng malaking halaga ng kanyang ama bago ito namatay.

"Cuz? I'm asking if you really love that woman?", tanong ulit ni Angie.

"Of course naman cuz, hindi ko naman papakasalan kung hindi ko mahal diba?", tugon niya.

Maya't maya'y nakarinig sila ng tunog ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Alam ni Lester ito na ang mommy niya. Hindi naman siya nagkamali dahil pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok na sa loob ang kanyang ina.

"Hi son!", bati nito sa kanya.

"Hi mom!", tugon niya at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina.

"Hello po, tita", buong-galang na bati ni Angie. 

Tumango lang ang mommy niya at nang makita nito ang biyenan na nakaupo sa sopa ay dali-dali itong lumapit at humalik sa pisngi ng matanda. Sinundan niya ito dahil sa tingin niya tapos na ang lola niyang makipag-usap kay Valerie.

"Hi mama, happy birthday!", bati ng mommy niya sa kanyang lola. Pagkatapos ay bumaling ito ng tingin kay Valerie.

"Uhm. Mom, this is Valerie Sandoval, my fiancee", nakangiting sabi niya habang nakahawak siya sa kamay ng dalaga.

"What?", wika ng ina niya kasabay ang pag-arko ng isang kilay nito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status