بيت / Romance / KABIT (SPG) / Kabit 111. Ang pagdadalan tao ni Angela sa Kambal.

مشاركة

Kabit 111. Ang pagdadalan tao ni Angela sa Kambal.

مؤلف: Batino
last update تاريخ النشر: 2026-10-04 00:21:27

“K-Kuya Roger…!” basag at nanginginig na tawag ni Evice, pilit na inaabot ang direksyon kung saan dumaan si Roger.

Ngunit ang totoo, isa na namang palabas ang lahat ng ito—nagpapanggap lamang siya at nag-aartista na parang agaw-buhay, kahit ang totoo ay wala naman siyang malubhang sugat kundi ilang galos at pahid ng pekeng dugo para makuha ang simpatiya ng mga tao.

Nagtataka namang napalingon ang nurse na nagtutulak ng stretcher ni Evice. “Sino? Nasaan ang kuya mo?” tanong nito habang sinusun
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • KABIT (SPG)   Kabit 115. Isang Bangungot Bago ang Katotohanan

    ANGELA : Point Of ViewNapatigil ako sa paghinga, ang mga mata ko ay nanlalaki habang pilit kong inuunawa kung nasaan ako at kung ano ang totoong nangyayari. Ang sakit, ang lamig ng sahig, ang nakakakilabot na halakhak—lahat ng iyon ay biglang napalitan ng isang malakas na boses na yumanig sa buong paligid. “ANGELAaaaaa! ANGELA! WAKE UP!” malakas at desperadong sigaw ni Roger habang mahigpit at nanginginig na hinahawakan ang magkabilaang pisngi ko, pilit akong iginagalaw para gisingin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Ang mukha ni Roger ang unang sumalubong sa akin—hindi ang demonyo at walang-awang lalaki kundi ang asawa ko na bakas sa mukha ang matinding takot, pagod, at pawis na tumutulo sa kanyang noo. Hinihingal siya, at ang kanyang mga kamay na sumasalo sa aking mukha ay nanginginig pa. Napatingin ako sa paligid. Narito pa rin ako sa puting silid ng ospital. Walang marahas na pangyayari, walang kamaong pumasok sa aking pagkatao—isang malalim at napakasamang b

  • KABIT (SPG)   Kabit 114. Angela : Point of View

    ANGELA: Point Of View Lumipas ang ilang mga oras… Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, mabigat na mabigat pa ang aking ulo mula sa epekto ng gamot na itinurok sa aking swero. Subalit ang paggising na iyon ay agad na napalitan ng matinding gulat at pangamba nang makita ko ang isang anino na humahakbang papalapit sa aking higaan. “R-roger? A-anong ginagawa mo?” naguguluhang tanong ko, habang nanlalaki ang aking mga mata sa pagkakita ko sa hubad niyang katawan nakangisi ito habang lumalapit sa akin. “Angelaaaaaa! A-akin ka lang…” daing niya habang lumalapit, ang boses niya ay kakaiba—puno ng desperasyon, galit, at mabigat na paghinga na para bang nawala na siya sa sarili niyang katinuan. “Roger… okay ka lang ba?! R-roger, napag-usapan na natin ang tungkol dito, diba? Maselan ang pagbubuntis ko!” kinakabahang saad ko habang unti-unting umaatras patungo sa ulunan ng kama. Subalit hindi siya umimik. Blangko ang mga mata niya, at sa halip na makinig, dahan-dahan siyan

  • KABIT (SPG)   Kabit 113. Sa pagitan ng kamatayan at katotohanan, sino ang unang mawawala?

    Akmang tatawagan na sana ni Roger ang numero ni Marco nang biglang—“Toooot… toooottttt…”Umalingawngaw ang tunog ng ventilator sa loob ng silid, dahilan para agad siyang napalingon sa kanyang ina… subalit maya-maya pa ay napalitan ito ng isang nakakatakot na patuloy at matinis na tunog—hudyat na biglang bumabagsak ang mga vital signs ng Donya!Nanlaki ang mga mata ni Roger. Agad siyang napatalikod at natigilan habang nakikitang nag-aagaw-buhay ang kanyang ina sa higaan. “Mama! Hindi ka pa pwedeng mamatay, Mama!” sigaw ni Roger, habang nanginginig ang kanyang mga kamay. “Gumising ka mama! Kailangan ka pa namin!”sigaw niya.Dali-daling tumakbo si Roger patungo sa pinto at iniluwa ang pasilyo. Walang pakialam sa kanyang estado bilang CEO, nagwawala at desperadong sumigaw siya habang tumatawag ng tulong sa mga medical staff.“Doc! Doctor, ang Mama ko! Iligtas niyo ang Mama ko!” nanggagalit at basag ang boses na tawag ni Roger, habang nagmamadaling sumugod ang mga nurse at doktor papaso

  • KABIT (SPG)   Kabit 112. “Sa likod ng luha, pagtataksil ang naghihintay.”

    Paglabas na paglabas ni Roger sa silid ni Angela, agad na nawala ang kalmado at mapayapang ekspresyon sa kanyang mukha. Sinalubong siya ng mabigat na hangin at ng matinding pangamba habang naglalakad sa tahimik na pasilyo.“Anong gagawin ko? Saan ko pa hahanapin ang Inay niya?” mahina at nag-aalalang bulong niya sa sarili, habang mabilis na dinial sa kanyang telepono ang numero ng pinuno ng kanyang mga tauhan upang mag-utos ng mas mahigpit na paghahanap. Ngunit habang patuloy siyang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng VIP Room kung nasaan ang kanyang mama, pinilit niyang isaayos ang kanyang sarili upang hindi mahalata ng iba ang kaguluhan sa kanyang isip.Sa loob ng VIP Room…“Hahaha… mamatay ka na riyan, matanda!” ang salbahing halakhak sa isip ni Rose habang nakayuko. Subalit kabaligtaran ng kanyang maitim na iniisip, ang mga mata niya ay biglang bumaha ng luha, sabay higpit ng hawak sa nanginginig at malamig na mga kamay ng Donya na tila ba nag-aagaw-buhay na sa kama.“Mama… kas

  • KABIT (SPG)   Kabit 111. Ang pagdadalan tao ni Angela sa Kambal.

    “K-Kuya Roger…!” basag at nanginginig na tawag ni Evice, pilit na inaabot ang direksyon kung saan dumaan si Roger. Ngunit ang totoo, isa na namang palabas ang lahat ng ito—nagpapanggap lamang siya at nag-aartista na parang agaw-buhay, kahit ang totoo ay wala naman siyang malubhang sugat kundi ilang galos at pahid ng pekeng dugo para makuha ang simpatiya ng mga tao. Nagtataka namang napalingon ang nurse na nagtutulak ng stretcher ni Evice. “Sino? Nasaan ang kuya mo?” tanong nito habang sinusundan ng tingin ang tinutukoy ng nag-aanyong biktima. “Y-yun siya! Si Roger Alfonzo!” pilit na pagmamakaawa ni Evice. “Please… pakisabi sa kanya ang nangyari sa amin ng ama ko! Tulungan niya kami…” Dahil sa paawa niyang boses, agad na lumapit ang nurse sa kinaroroonan ni Angela at sa kararating lang na si Roger na kakatapos lang galing sa lobby kung saan pinatikim niya ang asawa ng mapanghusgang babae kanina. Hinarang ng nurse si Roger na may bakas ng pag-aalala sa mukha. “Sir… kayo po ba ang

  • KABIT (SPG)   Kabit 110.

    “Bwaaaaaaah!”Isang malakas at biglaang pagsuka na naman ang kumawala kay Angela habang nakayuko sa gilid ng kama. Parang pinipiga ang buong sikmura niya sa labis na asim at hilo, habang ang mukha niya ay namumutla at pinagpapawisan nang malamig.“Hindi na kita pwedeng tiisin dito, dadalhin na kita sa ospital, mahal ko! Tama na ’to!” desididong saad ni Roger.Hindi na niya hinintay pang sumagot o tumanggi si Angela. Mabilis niyang binuhat ang asawa sa kanyang mga bisig, sinalo ang panghihina nito, at dali-daling nagtatakbo pababa ng silid habang kinakapa sa bulsa ang reserbang susi ng isa pa nilang kotse sa garahe.Kring! Kring! Kring!, sunod-sunod at matinis na tunog ng cellphone ni Roger mula sa kanyang bulsa ang umalingawngaw sa tahimik na hallway habang buhat-buhat niya si Angela pababa ng hagdan.“M-may tumatawag sa ’yo, Roger…” nanghihina at nanginginig na sambit ni Angela habang nakasandal ang ulo sa dibdib ng asawa, pilit na pinipigilan ang panlulumo ng katawan.“Hayaan muna ’

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status