Share

CHAPTER TWO

“YES hello? Lawrence I already told you earlier, don’t call me because I will call you. Oo, mamaya.  Right after makarating ako sa location, tatawagan pa kita. Daig mo pa si Angel kung mag-alala.”  

Hindi na niya hinintay makasagot ang sekretarya sa kabilang linya dahil agad na niyang ibinaba ang tawag. Nakakatatlong tawag na ito magmula nang umalis siya sa opisina para mag-isang bumyahe papuntang Baguio kung nasaan si Mr.Fujiko upang personal silang makapag-usap tungkol sa negosyo.

Nasa kalagitnaan na siya ng zigzag road nang unti-unting bumabagsak ang mga patak ng ulan.

“’Nak ng putcha naman oh!” bulyaw niya sabay hampas sa manibelang hawak-hawak. Hindi niya malaman kung tutuloy pa ba siya sa pupuntahan o tumigil na mismo sa lugar kung nasaan siya.

“Fuck you! Ulan ka lang! I am John Louis Raymundo, I am the owner of my company! Hinding- hindi ako mapapa-atras ng dahil lang sa lintik na ulan na iyan!”

Sa huli ay napagdesisyunan niyang idiretso na lamang ang planong pagpunta sa lugar nila Mr. Fujiko. Nang biglang maging madulas ang kaniyang dinaraanan.

Mabilis at hindi na niya makontrol.

Pinipilit niyang tapakan ang silinyador ngunit tila wala na rin itong silbe sa mabilis na takbo ng kaniyang sasakyan. Malaking pasasalamat niya pa rin at wala siyang kasunod o nasa harapang sasakyan kung hindi kanina pa sila nagkabanggaan at nakadamay pa siya ng ibang tao.

Wala na siyang maisip na gawin nang makitang didiretso ang kaniyang sasakyan  sa isang bangin. Hindi na malinaw ang kanyang iniisip. Hindi siya nagpapanic ngunit may kaunting takot na lumulukob sa pagkatao niya.

Hanggang dito nalang ba talaga ako? I can’t believe it. Mom, Dad mukhang mapapaaga ang pagkikita natin ah.

Sa huling sandali bago malaglag ang kaniyang sinasakyan sa bangin ay pinikit niya ang kaniyang mga mata at pinagpasa-Diyos na niya kung ano man ang sapitin niya.

But I trust Him, I know he has every reason for everything that could happen to me. Kung oras ko na, oras ko. It is something I will gladly accept.

“SABIHAN mo ako kung magising na iyong mama ah. Pupunta lang ako kanila nanay upang mapagplanuhan kung anong gagawin sa kaniya kung hanggang ngayong buong araw ay hindi pa rin siya magising.”

Boses ng babae ang agad na narinig ni Jolo hindi pa man niya naiimulat ang mga mata. Masakit ang buong katawan niya at hindi niya alam kung pati ang pagbukas ng mga mata niya ay magagawa niya pa. Pinalipas niya ang ilang minuto at hindi niya pa din iminumulat ang mga mata at maging ang mga kamay ay hindi niya rin maigalaw.

Nang sa wakas aay unti-unti na niyang naimumulat ang mga mata ay isang hindi pamilyar na lugar ang agad niyang nakita. Para itong kubo na may kawayan na dingding. Inikot niya pa lalo ang mga mata at nakita niya ang isang matabang batang lalaking titig na titig sa kaniya.

“Ate Shella! Ate Shella! Yung mama! Nagising na iyong mama!” nagsisigaw iyong batang lalaki sabay takbo palabas ng silid. Nais niya sanang ibuka ang kanyang mga labi upang patahimikin ang bata dahil naririndi ang kanyang tainga nang biglang pumasok ulit ito kasama ang isang dalaga.

The woman was wearing a blue long sleeve with a long skirt. May hawak-hawak din itong sumbrero na pang magsasaka habang nakalugay ang mahaba at itim na itim nitong buhok.

“Maigi naman at nagising kana. Dadalhin ka na sana namin sa ospital eh. Akala ko hindi na tumatalab iyong mga dahon at dasal ni Ka Piyo sa panahon ngayon.”

Hindi na siya nakaiwas nang bigla nalang nitong sipatin ang kanyang noo. Bukod sa hindi siya makagalaw ay nagulat siya sa biglang ginawa ng dalaga.

“Ayan bumaba na rin ‘yong lagnat mo. Pagagalingin na lang siguro iyang mga sugat at pasa mo bago pwede kana makauwi sa inyo. Aba mag  iisang linggo kanang tulog. Hindi naman naming maipagtanong kung kaninong kamag-anak ka dahil wala namang telepono ang mga tao dito at lalong walang telebisyon. Yung may telebisyon dito ay nasa kabilang barangay pa. Marami kaming ginagawa ngayon sa bukid kaya hindi na naming nagawa, pasensya kana ah,” tuloy-tuloy na saad ng dalaga.

Isang linggo na pala? Imposible namang hindi ako hanapin ng mga tao sa kompanya. Lalo na ni Angel at Vincent.

Hindi maintindihan ng binata kung dahil ba sa aksidente ay parang pumurol ang kanyang pag-iisip o dahil sa buong pagsasalita ng dalaga ay sa maamong mukha lang siya nito nakatitig.  

“P-pwede m-mo ba ‘kong t-tulungan?”

Wala sa bokubularyo niya ang salitang paghingi ng tulong. Lalo na sa hindi niya kakilala at lalo na sa isang babae. Ngunit tataasan nya pa ba yung pride niya? Pagmulat niya pa lamang ng mga mata ay iyon na ang nararamdaman niya. Naiihi na siya!

“Ha? Oo naman. Anong klaseng tulong ba? Saglit at iuupo kita.”

Isipin pa lang na hahawakan siya ng ibang babae bukod kay Angel ay sobra nang hiyang nararamdaman niya. Lalo na siguro kung hihingiin niya pa ang tulong nito para sa gusto niyang mangyari. Dahan- dahan nga ay inalalayan siya nito makaupo sa papag na kinahihigaan niya kanina. Kaya rin siguro matagal bago siya gumaling ay dahil na rin mismo sa matigas niyang hinihigaan.

“Oh ayan nakaupo kana. Ano nga ulit yung sinasabi mo? Saan ka nagpapatulong?” inosenteng tanong ng dalagang nasa harapan niya.

“A-ano kasi. I n-need to p-pee, but I'm not s-sure how I'm g-going to do i-it," utal-utal niyang wika sabay pikit ng dalawang mata.

Ano pa nga bang magagawa niya? Isang linggo siyang walang malay. At noong magkamalay siya ay iyon agad ang naramdaman niya. Isipin mo nalang iyong isang linggong pagtitiis at pagpipigil sumabog ng pantog mo. Kay’t hindi na siya nagulat nang ilang segundong tahimik ang silid kahit na nga ba may tatlong tao sa loob.

“A-ano ah. Iihi ka? I-iihi ka diba? Oo iihi ka ano. Ganito nalang ah. Ano nga ba? Ah oo nga tama. Oo ganito ha. Iiwanan ko muna si Angelo dito. Pigilan mo muna iyan at pupuntahan ko si Tatay Ruben para tulungan ka. D’yos ko. Hindi ko maisip kung paano kita tutulungan sa bagay na iyan,” anito sabay lakad nang mabilis paalis sa silid.

Nagkatinginan nalang silang dalawa ng batang naiwan. Nginitian siya nito na ginantihan niya rin ng isang ngiti. Ngiting-nahihiya.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status