Share

CHAPTER FOURTY THREE

HINDI naikubli ni Helena ang pagiging matamlay kahit pilit nitong pinasisigla ang sarili habang pinapalitan ng disposable diaper ang anak. At hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Markus.

Habang binabagtas nila ang daan pauwi, lalo itong tumamlay nang makatulog na sa kandungan nito si Mandy. Malungkot ang mga mata nitong nakatanaw lang sa bintana ng kotse. Paminsan-minsa’y kumukunot ang noo at tila kaylalim ng iniisip.

Ginagap ni Markus ang isang palad ng kabiyak at marahan iyong pinisil. “Okay ka lang, mahal?” ani Markus na dinala pa sa labi niya ang kamay ng asawa.

Pilit na ngumiti si Helena. “Napagod lang ako, mahal…”

Tumango si Markus kahit hindi kumbinsido sa narinig. “Gusto mong dumaan muna tayo kay Dra. Raquel? Sa bahay niya?”

Umiling si Helena. “Nothing to worry, mahal. Pagod lang talaga ako.”

Nagkibit balikat na lang si Markus. “Okay. Malapit na naman tayo sa bahay. Magpahinga kang mabuti. Hindi kita iistorbohin.”

Mahinang tumawa si Helena. “What do you mean na hindi mo ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
wag mong sabihin kay Efraim na may anak kayo Helena hayaan mo syang magdusa na habang buhay walang anak, karma nya un kc inabandona ka nya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status